Chapter Fifty Five


 "MAG-IINGAT ka doon, ha? Magtino ka rin doon." paalala ni Kira sa binata habang inaayos ang butones ng long sleeves nito.

 Sa araw na 'yon na aalis si Callan at pinipigilan niya ang emosyon. She's trying hard not to cry. Ngunit hindi pa man nakakalabas ng pintuan ng bahay niya si Callan, nag-iinit na ang mga mata niya at nagbabadya ang pagpatak ng luha.

 "Yes, Ma'am." Nakangising sagot ni Callan.

 Iningusan niya ito. "Patingin ka muna ng wallet mo. May titingnan lang ako." Dinukot niya sa bulsa nito ang wallet at binuklat iyon. Mabilis na pinagana ang mata at muling ibinalik sa bulsa nito.

 "Ano'ng tiningnan mo? Pera? May gusto ka ba'ng bilhin, hon. Magsabi ka lang. Bibigyan kita."

 "Hindi 'yon ang hinahanap ko. Tinitingnan ko lang kung may condom d'yan sa wallet mo."

 Napangiti si Callan. "Wala ka talagang makikita d'yan. You see, hindi naman ako magloloko doon. Pupunta ako doon para sa negosyo namin at sa isang linggo, kailangan matapos ko ang trabahong kailangan kong gawin doon." Hinaplos nito ang mukha niya at madamdamin na tumingin sa mga mata niya. "You take care here, okay? Sundin mo ang advice ng doctor mo sa 'yo, hon. At kumain ka lagi. Isang linggo akong mawawala kaya hindi ko kayo mababantayan ni baby Gazul."

 Umangat ang kilay ni Kira at naaaliw na tiningnan si Callan. "At talagang ipu-push mo talaga ang pangalan na 'yan ng baby natin?"

 "Why not? Kung iyon ang ipapangalan natin sa magiging baby natin, baka habul-habulin pa sya ng mga babae tulad ng Daddy niya." Mayabang na ngumiti ang binata.

 "Eh, paano kung hindi lalaki ang gender ng maging baby natin? Papangalanan mo pa ba ng Gazul?"

 "Nope. Hahayaan kita na ikaw ang magdesisyon ng magiging pangalan ng anak natin. But if our baby is a boy, he will be Gazul Fire Fontanilla. See? Ewan ko lang kung hindi pa maging hearttrob ang baby natin."

 "Hala! Bwisit ka talaga!" Natatawang hinampas niya ito sa dibdib. "Kung ano-anong naiisip mo. Basta mag-iingat ka sa pagpunta mo doon, okay?"

 He nodded. Then, she gave him a light kiss. Ngunit hinawakan ni Callan ang likod ng ulo niya at ang marahang halik ay lumalim. His lips mated with hers in a passionate, steamy kiss. Ramdam niya sa halik ni Callan na mangungulila ito sa kanya, na kapag magkalayo na sila ay labis siya nitong hahanap-hanapin. Ipinapadama nito sa kanya na mahal siya nito at siya lang ang babaeng hahalikan nito sa ganoong paraan.

 Tuluyang nabuo ang luha sa mga mata niya. Hindi na niya namalayan na malayang umaagos na ang mga luha niya sa kanyang pisngi. Napansin iyon ni Callan at bahagyang humiwalay sa kanya upang tingnan ang mukha niya. And then, she couldn't control her emotions anymore. Napahagulhol na siya.

 "Oooh, honey." Mahigpit na niyakap siya ni Callan at isinuksok ang ulo sa leeg niya. "Please don't make this hard for me. Ayaw kitang makita na umiiyak habang paalis ako. Baka sa imbes na matuloy ako, mas gustuhin ko pa na manatili sa tabi mo at sirain ang pangako ko kay Dad na ako ang papalit sa kanya sa pagpunta sa U.S."

 "No.. Please, no, Callan. Pumunta ka. Huwag mong sirain ang pangako mo sa Dad mo. Don't mind me. I'm just like this.. you know. Alam mong iyakin talaga ako."

 "Sssshh. Hindi iyakin ang kilala kong Kira. She's strong, independent, and.. and she's the most beautiful girl that i had ever seen."

 Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi ni Callan. Humigpit ang yakap niya dito, parang pinipigilan itong umalis.. Not wanting to let him go..

 Sinaway niya ang sarili at tuluyang humiwalay sa binata. Yes, he was right about her. She's strong and independent. She can survive without seeing her boyfriend for one week..

 Ngunit hindi basta nobyo lang niya si Callan. Hindi na lang ito isang gwapong kapitbahay na nang-iirita sa kanya tuwing umaga.. Hindi na ito ang lalaking kinaiinisan niya tuwing nakikita niyang hubad-baro sa tapat ng bahay niya.

 Si Callan na ang lalaking nagpadama sa kanya ng totoong pagmamahal.. Ang lalaking minahal siya kung sino siya at kung anong meron siya. 

 Hindi pa siya nakaramdam ng kakuntentuhan sa buong buhay niya ngunit nabago iyon nang mahalin niya si Callan. She was a complete woman now. A happy, contented pregnant woman. And that's all because of Callan's love.

 Pinahid niya ang luha sa pisngi at idinaan sa tawa ang pagiging emosyonal. "Hirap pala magbuntis. Masyadong nakakapag-emote." Hindi naman siya talaga ganoon. Callan will be out of the country for one week, at kung umiyak siya dinaig pa niya ang may asawa na OFW. Nagiging dependent at clingy na ba siya kay Callan?

 "I understand. Babalik din ako pagkatapos ng trabaho ko sa U.S. And we're going to have vacation again. I promise."

 She nodded and smile. "Don't mind me. Mabilis lang naman ang one week, di ba? 'Pag may free time ka, tumawag ka lang sa akin, ha?"

 Muli siya nitong niyakap. Mga dalawang minuto na ganoon ang tayo nila bago nagdesisyon si Callan na umalis na. Hindi na siya sumama sa airport. Natatakot siya na panoorin ang paglayo ng binata. She was afraid she would found herself crying again. Masyado na yata siyang nagiging emosyonal.

 Inutusan niya ang sarili na kumalma at maging masaya na lang para sa binata. Yes, she need to be happy for him. She need to be proud of him.. Dahil ang lalaking minahal niya ay responsable at hindi napapagod magtrabaho para sa mga mahal nito.

 Kumaway siya kay Callan. "Take care, honey!" sigaw niya, muntikan na siyang pumiyok. Trying so hard not to show weakness.

 Ngumiti sa kanya ang binata. "You take care, too!"

Pinanood niya ang papalayong sasakyan. Pagkatapos niyon ay nagtungo ulit siya sa kwarto niya at humiga sa kanyang kama. Niyakap niya ang unan na ginamit ni Callan. Nilanghap niya ang amoy ng binata na naiwan doon. Hindi pa man lumilipas ang isang oras na hindi niya ito nakikita, nami-miss na agad niya si Callan.

 Oh, God. She love him so much.

 Mayamaya ay tumayo na siya sa kama at nagbihis. Hindi magugustuhan ni Callan kapag nakita siya nito na masyadong nagmumukmuk sa loob ng kwarto dahil sa pag-alis nito. Naniniwala siyang mas gusto nito na maging masaya siya at ipagpatuloy ang mga ginagawa niya noon.

 Napangiti siya at humarap sa salamin.  Bigla niyang narealize na nakakasawa na ang look niya. She needs to get another make-over. Tama! Sa imbes na isipin niya si Callan, abalahin muna niya ang sarili niya sa iba't ibang bagay.

 And she would start with getting a beautiful make-over. Para pagdating ni Callan ay masusurpresa niya ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top