Chapter Fifty Eight


 HINDI siya pinayagan ni Mommy Chavelly na umalis agad. Niyaya siya nito na mag-breakfast muna na hindi naman niya tinanggihan. Bukod sa nakaramdam siya ng gutom, gusto rin naman niya na makasama ito mag-almusal. Iyon ang unang beses na makasama niya ang giang na kumain. Hindi niya maipaliwanag ang saya na makasama ang ina ni Callan na mag-breakfast.

 Na-overwhelm siya nang makita niya ang pag-aasikaso nito sa kanya. "Maganda sa baby ang pag-inom ng gatas at pagkain ng mga masusustansyang prutas." sabi nito habang nasa breakfast room sila. "Noong ipinagbubuntis ko pa lang si Callan nakahiligan ko ang kumain ng mangga. Alam mo 'yong kinalabawan?"

 "Ay, opo. Mahilig po si Mama sa kinalabawan. Iyon daw kasi ang lagi niyang request kay Papa." Sa hindi malamang dahilan napansin ni Kira ang mabilis na pagdaan ng estrangherong emosyon sa mukha ng ginang. Sa sobrang bilis niyon ay hindi na lang niya masyadong pinansin 'yon.

  Ngumiti lang si Mrs. Fontanilla  at iniba ang usapan. "So, kumusta naman kayo ni Callan bago siya umalis ng bansa? Hindi ba kayo nagkakaroon ng tampuhan?"

  Bigla niyang naalala noong nakita niya si Britanny at Callan sa Sweet Cafe. Mabilis din niyang winalis ang imahe sa kanyang utak. Napag-usapan na naman nila ni Callan ang tungkol doon at naging malinaw naman sa kanya na walang relasyon ang mga ito. Wala siyang dapat ipangamba.

 "Ayos naman po kami. Ang totoo nga po ay nangako siya na pagkatapos ng trabaho niya doon, magbabakasyon kami."

 Napansin niya na lumungkot ang mukha ng ginang. "Mabuti pa maayos siyang nagpaalam sa 'yo. Samantalang hindi ko man lang nakausap ang anak ko bago siya umalis."

 Nakaramdam siya ng awa para dito. "Huwag po kayong mag-alala. Kapag tumawag po si Callan sa akin, sasabihin ko sa kanya na kausapin kayo. Alam ko pong nauunawaan din kayo nun at hindi rin iyon makakatiis."

 Lumiwanag ang mukha nito. "Talaga, hija? Gagawin mo talaga 'yon?"

 "Opo. At sasabihin ko na rin po sa kanya na huwag na siyang magalit sa inyo. Malawak po ang pang-unawa ni Callan kaya siguro akong maiiintindihan niya."

 Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. "Maraming salamat talaga, hija. Ngayon mas nauunawaan ko kung bakit nahulog ang loob sa 'yo ni Callan. Mabait kang babae at malawak din ang pang-unawa mo sa mga bagay-bagay. You really deserve my son's love and attention."

 Napangiti si Kira. "Para po kay Callan, gagawin ko lahat."

 Nasapo nito ang dibdib at natutuwa na tiningnan siya. "Oh! You're such a sweet, kind and pretty woman. Hindi ko alam kung sasabihin ko 'to sa 'yo o hindi.. But my son could really be selfish and stubborn sometimes." Mahinhin na humugot ng malalim na buntong-hininga ang ginang.

 Napakunot-noo si Kira sa sinabi nito. "Ano po'ng ibig n'yo sabihin sa "selfish and stubborn", M-Mommy?" Asiwa pa rin siya na tawagin itong Mommy, pero siguro naninibago pa lang siya. Di bale, masasanay din naman siya.

 "I don't know if i have to tell you this.. Pero siguro bilang magiging asawa ng anak ko, dapat mo rin malaman na hindi na maganda ang takbo ng negosyo namin sa States. Dahil sa pagiging abala ni Frei sa iba pa niyang negosyo sa ibang parte ng Asia, napabayaan na niya ang business na itinayo namin noon sa States. Halos doon nagmumula ang pinakamalaki na income na nakukuha namin. Hindi naman kaya ni Frei na siya lang ang umasikaso doon. He needs a lot of time para maayos ang naging problema ng business namin doon. Isa pa, hindi na rin maganda ang condition ng katawan ng asawa ko. Kailangan niya rin na magpahinga paminsan-minsan at advice ng doctor niya na huwag masyadong magpaka-stress sa work."

 Napatango si Kira. "Alam na po ba ni Callan ang tungkol doon?"

 Maluha-luhang tumango ito. "Yes, but sabi niya, wala siyang pakialam. Ang tinututukan lang niya ang sariling negosyo na ipinatayo niya sa Batangas at ang pagiging pulis niya. Ni hindi man lang niya masilip ang kalagayan ng negosyo ng pamilya niya. We also need his help and cooperation. Bilang magulang niya, nakiusap ako sa tulong niya."

 "Ano po ang sabi ni Callan?"

 "Pumayag naman siya na asikasuhin ang business namin sa U.S. Dahil nga hindi maganda sa kalusugan ni Frei kung siya pa ang mag-aayos ng problema, siya na lang ang pupunta. But only for a week.  Hindi ko maiwasan na maghinanakit sa anak ko. Bakit? Iyon lang ba ang panahon na kaya niyang ibigay na tulong sa amin? Sinubukan ko siyang kausapin kung puwede na bigyan pa niya ng mas malaking panahon ang negosyo namin. Sa katunayan, hindi ako natatakot kung mawala ang malaking negosyo namin sa U.S. Mahigpit man siguro ako sa kanya at overprotective, mahal ko ang aking anak at ang kapakanan niya ang iniisip ko. Para sa magiging pamilya niya ang ipinagagawa ko sa kanya. Para sa inyong dalawa at ng magiging anak n'yo."

 Tumulo ang luha ni Mrs. Fontanilla at humikbi. Parang naramdaman niya ang lungkot na naramdaman nito. Tila nanikip ang dibdib niya sa narinig.

 Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. "Kung meron man po ako na maitutulong sa inyo, sabihin n'yo lang po. Puwede kong makumbinsi si Callan na bigyan niya muna ng pansin ang negosyo. Bilang tulong ko na rin po sa inyo ni Tito Frei."

 Pinahid nito ang luha at parang nahihiyang tumingin sa kanya. "I'm sorry, hija. Sa iyo ko pa talaga sinasabi ang mga ito."

 "Wala pong problema sa akin. Gusto ko rin na makatulong sa inyo kahit sa maliit na paraan."

 "Oh, no. Huwag na. Siguradong mas magagalit sa akin si Callan kapag nalaman niya na kinausap kita at sa ganito pang bagay. Ayaw ko naman na madagdagan pa 'yong dahilan para lumayo sa akin ang anak ko."

 "Wag po kayong mag-alala. I can talk to him. Ipapaliwanag ko sa kanya 'yong side n'yo."

 "Gagawin mo ba talaga?"

Tumango siya.

 Ngumiti ito. "Sa katunayan, naisip ko rin 'yang bagay na 'yan. Maybe, you can explain him na hindi na ako tutol pa sa relasyon n'yo at handa na ako na tanggapin ka sa pamilyang 'to. Alam kong nagkamali ako sa inyo, lalo na sa 'yo Kira. But now, i realized you're not what i think you are. So, i guess i need your help, Kira. Ikaw lang ang makakatulong sa amin para makumbinsi si Callan na mag-stay pa ng ng one month sa U.S. Help me."

 One month.

Hindi niya ipinahalata ang pagkagulat. Kung kukumbinsihin niya si Callan na mag-stay doon ng one month, matagal ulit silang magkikita. Tiyak na mas lalo siyang mangungulila sa binata. Ngunit inisip niya ang magandang nangyari sa araw na 'yon. Kinausap siya ng ina ni Calla at buong puso na tinanggap. Hindi na ito tutol pa sa relasyon nila ng binata.

 "Kakausapin ko po si Callan mamaya," sa wakas ay sagot niya. Kaya niyang magtiis ng isang buwan na hindi makita si Callan kung ang kapalit naman niyon ay ang kapakanan nito. Iyon ang mahalaga nang sandaling 'yon. After that, wala na silang poproblemahin pa ng binata.



 DAHIL sa magandang pagtanggap ng ina ni Callan kay Kira ay masaya niyang kinausap ang binata kinagabihan. Hindi pa ito makapaniwala ng una. Inisip pa nito na nagbibiro siya sa sinabi. Pero nang ipinakita niya dito ang picture na inupload niya sa Instagram kasama ang ina nito habang nag-b-breakfast, saka lang ito naniwala.

 "How come? Pumunta ka ba ng kusa sa bahay?" tanong ni Callan sa kabilang linya.

 "Ofcourse not," agad na sagot ni Kira. "Nakakahiya naman na ako ang kusang pumunta doon. Dumating kaninang umaga dito si Hector at sinabing pinasusundo ako ng Mommy. And then, iyon.. Kinausap niya ako. Nag-sorry siya sa akin sa pagtutol niya nang una sa relasyon natin. And i forgive her."

 "Just like that?"

She rolled her eyeballs. " Syempre, oo. Hindi naman ako ma-pride na tao. Alam mo 'yan."

 Tumawa ito sa kabilang linya. "Pero pagdating sa akin, ma-pride ka."

 "Aba, hoy! At kailan ako naging ma-pride pagdating sa 'yo? Batukan kit d'yan, eh."

 "Noon. Noong high school pa tayo. Sa tayog ng pride mo, hindi mo maamin-amin na lihim na pinagnanasaan mo ako noon."

 Namilog ang mga mata ni Kira. "Ano'ng pinagsasabi mo 'yan?!"

  Bumuga ito ng hangin. "Ayos lang kung di mo pa rin maamin ang bagay na 'yon. Okay lang 'yan, hon. Kahit alam ko na kasingtayog ng flag pole ang pagnanasa mo sa akin noon. Hindi kita masisisi. Pogi problems. Hays."

 "Aba't hoy! 'Wag ka mayabang d'yan. Kung di ko pa alam, ikaw itong kasingtayog ng flag pole ang pagnanasa sa akin 'noh! Baka nga mas mataas pa!"

 "Ows?" panunukso pa ng binata.

 "Heh! Kung makapagyabang ka, 'kala mo kegaling. Unting giling ko lang naman, nilalabasan na agad sa pants."

 "Shit."

Pilyang napahagikhik si Kira. Nakikita niya sa isip ang pamumutla ng mukha ni Callan.

 "Paano mo pa naalala 'yon? You're drunk that night. You're not supposed to..."

 Napahalakhak si Kira. "Oh, my dear boyfriend. Lasing man ako ng oras na 'yon, alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko. Wala lang akong kontrol sa sarili ko, but that doesn't mean na hindi ko ginusto ang ginawa ko. And you.. I could still remember your moans of pleasure in my head." Ubod ng kapilyahan na napangisi si Kira.

 He groaned. "Oh, come on, hon. Matagal na nangyari 'yan. Huwag mo na ako ipahiya."

 "Hindi kita pinapahiya. Ipinapaalala ko lang sa 'yo na sa ating dalawa..."

 "Oo na, oo na. Sa ating dalawa, ako ang nasa ilalim. Why, you always want to be on top." Bruskong kumawala ang tawa sa binata.

 "Callan!"

 "Okay. Ikaw na ang panalo. Kumain ka na ba?"

 "Kumain na ako kani-kanina lang. Ikaw ba?"

 "Oo. Nandito ako na ako sa kwarto. Nakahiga sa kama. And i'm missing you already. Kung puwede lang na bumalik ako d'yan sa Pinas, gagawin ko agad. Because i'm missing your touch.. your kiss, your face.. I'm missing you so much."

 "Oh, Callan." Pareho lamang sila ng nararamdaman. Kung maaari nga ay sumunod siya dito sa U.S. para makasama ito. Lalo na ngayon na kailangan niya itong kumbinsihin na manatili muna doon sa loob ng isang buwan. Nangako siya sa ina nito na gagawin niya ang makakaya upang makumbinsi ang nobyo.

 "Pero masaya ako na ayos na kayo ni Mommy. Mayroon din palang magandang naidulot ang pagpunta ko dito."

 "Yes. But Callan, may gusto sana akong hilingin sa 'yo."

 "Sure, hon. Anything for you."

 "Puwede ba na bigyan mo muna ng pansin ang negosyo n'yo dyan sa mas matagal na panahon? Let's say mag-stay ka d'yan for one month."

 "What? Isang buwan?"

 "You heard me right. Can you stay there for one month?"

 "Bakit? Ayaw mo ba akong makita muna?"

 "No! Ofcourse not!" mabilis na tanggi ng dalaga. "Bakit naman hindi ko gugustuhin na makita ka?"

 "Hindi ko alam sa iyo." Iba na ang tono nito. Parang lumilitaw sa isip niya ang madilim na mukha nito. Bumuga siya ng hangin. Kailangan niyang makumbinsi ito. Try harder, Kira. Harder.

 "Callan, honey." nilambingan niya ang pagtawag sa pangalan nito. "I know that's too much. Hindi dapat ako humihiling sa 'yo.."

 "Dapat lang talaga. Because that's really too much, Kira. One month? Are you out your mind?"

Nasapo niya ang noo. "Callan, listen--"

 "No." madiing sagot nito.

 "N-No? What do you mean by no?"

 "No, i'm not going to listen. And no, i'm not going to stay here for one month. Kung ang dahilan mo lang ay para matutukan ko ang negosyo namin dito, iyon desisyon ko. Si Mommy ba ang nagsabi niyan sa 'yo?"

 "Kapakanan mo lang naman ang iniisip niya, Callan. Para sa 'yo lahat 'yon."

 "Huwag ka na makialam sa mga bagay na wala kang alam, Kira. Kahit kumbinsihin mo pa ako, my answer is still no." Pagkatapos ng pag-uusap na 'yon ay nag-init ang mga mata ng dalaga. Bigong napahiga siya sa kanyang kama at napatitig sa kisame. Bakit hindi man lang nito hayaan siya na matapos ang gusto niyang sabihin? Hindi man lang nito pinakinggan ang sinabi niya.

 Tumulo ang isang butil ng luha sa pisngi niya. Mabilis niya iyon na pinahid. Kung ayaw nito, e di huwag.

 Pinatay niya ang cellphone. Kung tumawag man sa kanya bukas ang binata, sisiguraduhin niyang hindi ito sasagutin!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top