CHAPTER 9

Chapter 9

Clayton’s Pov

NANG makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko rito ay napasandal ako sa pinto na naghahabong sa hininga. Mariin akong napapikit sa hiya. Naiisip ko palang ang mga mukha ng mga bisita ni Lorcan nang makita nila ako ay nanghihina na ako. Hindi ko kasi mabasa ang mga ekspresyon nila at saka . . . jusko sa ganitong ayos pa ako. Ano na lang kaya ang iniisip nila?

Mabilis akong kumuha ng tuwalya saka pumasok sa CR at maligo. Kahit sa pagmamadali ko ay nakahawak pa rin sa bewang ko ang isa kong kamay dahil masakit talaga. Hindi ko alam kong ilang beses ipinasok ni Lorcan ang batuta niya sa akin.

Habang nagsisipilyo ako sa harap ng malaking salamin na animo'y wala talagang bakas ng dumi o alikabok ay bigla na lang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Kagabi ay hindi naman iyon ang ipinasok ko sa kwarto ni Lorcan. Gusto ko lang magpaalam sa kanya na ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko pero nauwi kami sa ganun. Kaso ikaw nga niya na iyon ang papel ko rito ngayon sa bahay niya.

Nagmumog ako saka napatingin natulala ulit sa harap ng malaking salamin. Sa lahat-lahat ng nangyari kagabi ay bakit 'di ako nakaramdam ng pandidiri sa katawan ko? Sa sarili ko? Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng nangyari ay parang wala lang sa sarili ko iyong nangyari kagabi. Nagustuhan ko pa nga. 'Di kaya'y dahil wala akong karanasan kaya nagustuhan ko iyon? Alam ko sa sarili ko hindi ako bakla. At kahit kailan hindi rin ako nagkagusto sa mga lalaki. Pero bakit ganito? Noon at hanggang ngayon may mga lalaki na lumalapit sa akin at nagpapahiwatig sa akin pero hindi ko iyon pinapansin at hindi ko iyon iniisip kasi nga hindi ko iyon gusto at wala rin akong balak magkagusto sa isang lalaki. Pero, bakit nang si Lorcan ay iba na? Bakit ganito? Bakit noong wala siya rito hinahanap ko siya? Bakit pag nand'yan siya gusto ko? Bakit parang exception si Lorcan?

Lumabas ako sa CR na nakatapis lang ang tuwalya sa baywang ko. Kumukuha ako ng masusuot nang may kumatok sa pintuan na sinundan ng boses ni Jhera.

"Clay, pinapababa ka na ni Young Master. Kakain na raw."

"J-jhera, hintayin mo ako!" sigaw ko.

"Sige!" tugon naman nito.

Paglabas ko ay nakita ko si Jhera sa gilid ng pintuan. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin at sinuklian ko rin siya ng ngiti.

"Jhera, wala na ba sa living area ang mga bisita ni Lorcan?" Usisa ko sa kanya nang nasa hagdanan na kami, pababa.

Nahihiya pa rin talaga ako dahil sa nangyari kanina.

"Wala na, Clay," sagot niya naman saka tumingin sa akin. "Clay may napansin ako sa iyo."

Kinunutan ko siya ng noo.
"Noong unang dumating ka rito aminado na ako na gwapo ka. Pero ngayon parang gumwapo ka lalo."

Malutong akong tumawa ako kay Jhera saka napailing dahil sa sinabi niya.

"Anong gwapo pinagsasabi mo?" ani ko pero aminado akong uminit ang pisngi ko roon sa compliment niya.

"Oh, bakit totoo naman ah. Gwapo ka talaga. Sa katunayan nga ay crush kita." Bigal nitong amin.

"Huh?" sambit ko sa gulat ko dahil sa ipinagtapat ni Jhera sa akin.

Tumawa lang siya sa naging reaksyon ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sa lahat ng tao rito sa mansion ni Lorcan ay si Jhera lang talaga ang nakakusap ko nang walang alinlangan at masasabi kong siya lang iyong malapit sa akin at pinapansin ako ng natural . . . tumingin na parang normal lang. Iyong iba kasi ay iba kong makatingin sa akin. Dahil . . . sa tingin ko ay alam nila kung bakit ako nandirito. Duda ko ay nandidiri ang mga iyon sa akin.

Napalunok ako habang tinitingnan si Jhera sa tabi ko. Patungo kaming dining room. Paano kung malaman niya na ang crush niya ay bininta ang katawan sa isang lalaki. Na bumaba ako ng ganito dahil sa pera.

Si Harem, si Jersey, si ate Kris, ano kaya ang maging reaksyon nila kapag nalaman nila ito. Lalayuan ba nila ako? Ikakahiya ba nila ako? Magagalit ba sila? Si mama? Kusang nanghina ang katawan ko nang pumasok sa isip ko si mama.

'I'm so sorry, ma. Sana mapatawad ninyo ako sa naging desisyon ko, 'ma.'

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa hamb  ng dining room. Bumalik lang ako sa ulirat ko nang marinig ko ang mga tikhim. Bumilog ang mata ko dahil sa nakikita ko. Bakit nandirito pa ang mga 'to. Akala ko umalis na ang mga bisita ni Lorcan? Bakit sinabi ni Jhera kanina na wala na sila?

Binalingan ko si Jhera na may gulat sa mukha.

"Jhera, akala ko wala na sila rito." Bulong ko kay Jhera sa tabi ko. Hindi pa kasi kami tuluyang pumasok, nandito pa lang kami sa bakuna papasok sa dining room.

"Clay, ang tanong mo kanina ay wala na ba sila sa living area. Kaya, oo, wala na sila roon kasi nandito na sila sa dining room." sagot ni Jhera na parang ang tanga ko. Na parang kasalanan ko pa. Hindi talaga ako naniniwala dito na crush ako nito.

Ang kaninang naramdaman kong panghihina ay mabilis na napalitan ng kaba at panginginig sa kamay at tuhod.

Napaatras ako ng isang hakbang at akmang tatalikod na ako sa kanila nang magsalita sila.

"Preevyet!" Sabay nilang saad maliban kay Lorcan na seryosong nakatingin sa akin.

Hindi ko maintindihan ang sinabi ng apat na lalaking may iba't ibang lahi yata. Sa kabila no'n ay nagawa ko pang ngumiti sa kanila. Napakagat ako sa aking ibabang labi. 

"Take a seat, Perkin. You're too slow. D*mn, I'm famished," ang anas ni Lorcan.

Umiling ang mga lalaki na kasama niya, pero maliban sa lalaking kulay cognac ang mata, para bang sanay na siya.

"Ano . . . m-mauna na kayo, Lorcan. Susunod na lang ako pagkatapos ninyo," nauutal kong wika.

"You will take a seat or you won't be eating the whole d*mn day," banta niya sa akin.

Napabuntonghininga ako at walang nagawa kundi ang sundin ito.

Kinakabahan akong humakbang papasok ng dining room. Sinara ni Jhera ang pintuan. Kaya kaming anim na lang ang naiwan dito. Hinanap ko kung saan ako pupwedeng umupo pero ang tanging upuan lang na natira ay sa gilid ni Lorcan.

Hindi naman ito ang unang beses na makapasok dito pero alam ko namang marami ang mga upuan dito. More than ten nga pero bakit ngayon anim lang? Mahaba kasi ang mesa na kasya sa twelve katao.

Yumuko ako at lumapit doon sa bakanteng upuan at umupo.

"You're Clayton Perkin?" tanong sa akin no'ng lalaking nasa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti saka tumango.

"I'm Colt, Colt Pauling."

"Clayton pero pwede mo akong tawaging Clay." saad ko naman sa kanya.

Bumaling si Colt sa mga kasama namin sa dining table.

"That," turo ni Colt sa lalaking kulay cognac ang mata na nasa kabilang gilid ni Lorcan na literal na nasa harap ko na seryoso ang mukha. "That is Raphael Marcet." Si Raphael ay parang si Lorcan lang na parang di naturuan noong pagkabata nila kung papaano ngumiti.

Ang ngiti ko kay Raphael ay na-deadma lang. Hindi ko ito magiging katropa. Maybe si Colt lang.

"That is Desmond Bunsen." Turo naman ni Colt sa lalaking nasa tabi ni Raphael na nakangisi lang pero iba ang pakiramdam ko sa ngisi niya.

"And of course, Laszlo Mcgregor, the royal boy." May biro pang pakilala ni Colt pero umangat lang ang gilid ng labi ni Lazslo saka umiling. Ito 'yong lalaki kanina. Parang inaantok ang mga mata nitong may pagkasingkit.

"Hello sa inyo tawagin niyo nalang akong Clay." Nakangiting pakilala ko sa kanila sa kabila ng kaba at hiya. Mukha pa lang alam ko ng mayayaman ang mga 'to.

"Pshh, why is Lorcan calling you, Perkin, then?" Ismid na tanong naman Colt.

Napatingin tuloy ako kay Lorcan na nagugutom na.

"D*mn it, Colt. Can we eat now? Because I'm really hungry."

Kanina pa talaga itong si Lorcan mura nang mura sa harap ng pagkain. Wala ba itong table manner.

"Stop that Colt. And please, Lorcan, stop cursing in front of the food." saad ni Raphael.

Tahimik kaming lahat habang kumakain. Walang ni isa na nagsalita. Para tuloy'ng hindi ako nabubusog sa kinakain ko. Parang hindi ko na rin nalalasahan ang mga masasarap na pagkain sa harap ko dahil sa presensya nila.

"I heard from Lorcan, Clay that you wanna go back to your school?" Si Colt ang unang nagsalita nang matapos kaming kumain. Sa lahat ng lalaki talaga rito sa tingin ko, ang mabait at approachable na tao ay si Colt lang.

Sumilip ako kay Lorcan bago sinagot si Colt.

"Oo, kung papayagan ako," pagpaparinig ko kay Lorcan.

"Really? Of course, it's your right to go to school even if . . . .” Tumigil si Colt saglit parang may naalala.  Umiling ito. "You can go to school on monday. And you go to MU, right?"

Tumango ako sa kanya. Wala ng naging imik si Lorcan doon. Mabuti't 'di umipal kay Colt.

"Better." Narinig wika ni Colt.

Gaya no'ng sinabi ni Colt ay pagka-Monday rin ay pumasok na ako sa MU. Nahiya pa ako dahil hinatid pa talaga ako sa school ng isang driver ni Lorcan. Pero syempre bumaba ako sa 'di kalayuan ng MU dahil baka kung ano na ang isipin ng mga nakakakilala sa akin sa school. Ang dami kong kailangang ihabol at gagawin kaya naging busy ako. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Harem. Pero nagkaproblema ako sa isang subject ko dahil kailangan kong sumali sa isang play.

"Harem, may alam ka ba kung anong klaseng play iyon?" Nag-aalala kong tanong kay Harem nang maglunch kami sa labas ng MU.

"Based on what I hear, it's about a guy who falls for another guy. Then, of course, you know society will judge their relationship as if it's a big taboo. But of course, in the end sila pa rin." Simpleng paliwanag ni Harem sa akin.

"Really, Harem? Tapos ano? Anong karakter ko d'yan?"

Padarag na binaba ni Harem ang kubyertos niya saka sumandal sa silya.

Umirap siya sa akin pero wala akong pakialam doon.

"Narinig ko sa mga gossips around sa school na tinanggal daw iyong katambal ng male lead kasi ayaw niya sa role na nakatuka sa kanya. Tapos minura ba naman ang teacher." Kwento niya.

"Bakit ba kasi ganyan ang play na 'yan? Hindi ba 'yan maging issue sa school?"Naguguluhang tanong ko.

"Well, as we all know, MU is a truly outstanding school. It is one of the schools that support and embrace LGBTQ without reservation." katwiran naman niya.

"Sa tingin mo . . . sa akin mapupunta ang role na iyan? 'Yong katambal sa lead male?"

"Maybe kung 'yan na lang kasi ang slot."

"'Di pwedeng umayaw ako?"

"Pwede naman basta INC ka."

Napapikit ako dahil sa sinabi ni Harem.

Nitong mga nakaraang araw ay palagi kaming magkasama ni Harem pero ni isang beses ay hindi man lang siya nagtanong sa akin kung bakit ako hindi pumapasok noong nakaraang linggo.

Hinihintay ko lang na tanungin niya ako. Pero wala talaga. Hindi rin naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Tanging nagtataka lang ako kung bakit hindi man lang siya nagtanong sa akin.

Nang uwian ay pumunta ako sa Lattea para makapagpaalam ako ng maayos kay Ate Kris na hindi na ako papasok sa Lattea pansamntala.

"Clay, nag-alala ako sayo akala ko kung napaano ka na.  Pero bakit ayaw mo ng pumasok dito? May iba ka na bang trabaho? 'Yong mama mo ayos na ba?" Napangiti ako kay Ate Kris. Kita kong concern talaga siya sa akin.

Pagkatapos ko kasing sabihin sa kanya na aalis na ako rito ay nalungkot siya at ayaw niya akong pakawalan.

"Still recovering pa rin po si Mama, Ate at salamat sa diyos dahil naging successful naman ang transplant."

Tumango si ate Kris. "Hmm, mabuti naman. Pero Clay, aalis ka ba talaga rito? Saan ka ngayon kukuha ng pera? Paano mo mababayaran ang pangpa-ospital ng mama mo. Alam ko maliit lang ang kinikita mo rito pero mas lalong wala kang pera kung titigil ka sa pagtatrabaho."

Kinuha ko ang kamay ni Ate at pinisil iyon.

"Ayos lang ako Ate saka may—may trabaho na po ako . . . pansamantala. Pero kapag ayaw ko na po roon babalik ako rito kung pwede po."

"Hay, ano ka bang bata ka syempre, oo! Tanggap na tanggap ka rito." Naluluhang saad ni Ate Kris bago ako niyakap.

"Mag-iingat ka Clay at kumain ka rin ng magkalaman ka naman kahit konti. Alagaan mo sarili mo kung saan ka man magtatarabaho at kung nakakapagod ang trabaho mo bumalik ka rito."

Lumabas ako sa Lattea dala ang isang bag ko na may lamang ilang damit ko noong nagtatrabaho pa ako rito. Malapit nang dumilim kaya humanap kaagad ako nang maaaring sakyan ko papunta sa Marcet Village.

Habang naghihintay ako ng masasakyan ay may biglang tumawag sa buong pangalan ko.

"Clayton Perkin!" Nagtagpo ang kilay ko nang makita ko si Colt sa 'di kalayuan. Kumaway pa siya sa akin. Kaya itinaas ko ang kamay ko sa kanya.

He motioned na papuntahin ako kung saan siya kaya lumapit ako.

"Anong ginagawa mo rito, Colt?"

Tinanggal niya ang suot niyang shades saka nilagay iyon sa bulsa ng polo na suot niya.

"Just passing by, and I saw you."

"Hmm." Tumango ako sa kanya.

"Going home?" Tanong niya naman.

"Oo,"

"Okay, good. Hop in. I also happen to be going to Lorcan's not-so-humble abode," he said with a grin.

Hindi na ako nagdalawang isip na sumakay sa sports car ni Colt. Nagulat pa ako nang kusang bumukas ang pintuan paitaas.

"Magkano ang kotse mo na 'to?" 'Di ko mapigilang magtanong habang nagsusuot ng seatbelt.

"Just millions." Tamad niyang sagot sa akin.

Napakurap ako sa kanya. Just millions. Ilang milyon naman kaya? Ewan ko kung ano ba talaga ang mga trip nila pero mahilig silang gumastos ng milyonis para sa kanilang kapritso. Mga mayayaman nga naman.

"Anong gagawin mo sa mansion ni Lorcan, Colt?" Pagkakausap ko kay Colt habang nagmamaneho siya.

"Meeting with the boss." kaswal niyang tugon.

"Boss?" Ako at napatingin sa kanya.

Sumulyap sa akin si Colt saka umangat ang gilid ng labi niya. "Lorcan's our boss."

Sa yaman niyang ito na nakakabili ng sasakyang just millions. Tapos trabahante lang pala siya ni Lorcan? Anong klaseng trabaho naman kaya iyan?

"Anong pagmi-meeting-an n'yo?" Usisa ko ulit pero sa pagkakataong ito ay seryoso na ang mukha ni Colt.  Nakita ko ang mukha niyang seryoso na nakatingin sa daan.

"Just reporting to him, and we also need to fly to Abu Dhabi for some business."

"Aalis na naman siya?"

"Ahahaha! Why? Will you miss Lorcan?"

Napatingin ako sa daan sa tanong ni Colt. "H-hindi." Sagot ko saka tumingin sa ibang direksyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top