CHAPTER 8

⚠️MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.
--------------------

Chapter 8

Clayton’s Pov

BUONG buhay ko hindi ko kailanman natanong ang sarili ko ang tungkol sa aking kasarian. Kasi lalaki ako 'yon iyong nasa isip ko. Pero sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko, ngayon ko lang napagtanto na pinaniniwala ko lang ang sarili ko. Sa mga nakikita ko sa kumunidad natin hindi naman talaga fully accepted ang mga LGBT. Nakikita ko kung paano sila husgahan ng mga tao kahit na wala naman silang ginagawa. People tend to belittle them because of their gender identity, and I didn't like it.

Noon pa man talaga ay wala na akong nagugustuhang babae. As in never even once. Gusto ko lang na kasama sila, bond with them but beyond that wala na and also wala pa rin naman akong nagugustuhang lalaki. Not until now, I don't understand up until now kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Lorcan pero kapag nasa harapan ko siya o naiisip ko siya parang may kung ano sa tiyan ko na kumakawala. I tend to think of him every now and then. Now, I am confused about my gender identity. Am I gay? Bi? I don't know anymore.

Linggo pa nga lang ako na nandirito tapos ito na ang problema ko. Paano pa kung magtagal pa ako rito? Mababaliw na ako. Pero isa lang ang dapat kung gawin para agapan 'tong bawal na nararamdaman ko. Dapat hindi ko ito ituloy dahil alam ko na kahit na hindi sinabi ni Lorcan wala naman talaga siyang thing into guys at ayaw rin niya sa mga taong naa-attach sa kanya.

He already made it clear the first day we met. At wala rin akong balak na lagpasan iyon. Never!

Hindi ko mabilang kong ilang buntonghininga na ang ginawa ko rito sa kwarto ko. Sabi kanina ni Lorcan ay dapat i-pursue ko siya para payagan niya akong pumasok ulit sa school pero ang malaking tanong ko. PAANO? How can I pursue him?

Ipagluto ko kaya siya? Agad kong iniling ang ulo ko sa naiisip. Masarap magluto ang chef ng mansion walang-wala ang luto ko kung ganun.

Masahiin ko kaya siya? Siguro pagod iyon dahil sa trabaho niya. Naibagsak ko ang katawan ko sa kama dahil walang pumapasok na ideya sa utak ko.

Tapos biglang pumasok sa isip ko ang panaginip ko kanina. Jusko! Tanghaling tapat tapos nanaginip ako ng ganun! Ano 'yon? Namiss ko ang halik ni Lorcan? Pero sobra naman ata iyon umabot pa sa sipsipan ang nangyari. Wet dream ba iyon? Wet dream sa tanghaling tapat!

Pero, ano kaya ang pakiramdam kapag totoo na at hindi na sa panaginip? Napadapa ako sa kama at ipinadyak ko ang paa ko. Ano nang nangyayari sa akin? Sa utak ko?

Umupo ako sa kama ng may biglang kumatok sa pintuan.

"Clay, gising ka ba? Handa na ang dinner." Boses iyon ni Jhera sa labas ng aking silid.

Inayos ko ang sarili ko bago pumunta sa pintuan at sinilip si Jhera. Tapos tumingin ako sa hallway ng second floor.

"Si Lorcan?" tanong ko kay Jhera na nakatingin sa hallway ng may pagtataka.

"Dinala ni Esmeralda ang dinner ni Young Master sa kwarto nito. May tinatapos pa raw'ng trabaho, e."

Napatango ako kay Jhera bago lumabas at isara ang pinto. "Mabuti naman," bulong ko pero narinig pa ni Jhera.

"Anong mabuti naman?" Kunot-noong tanong niya.

"Ah, wala-wala." Iwinawasiwas ko ang kamay ko sa harap niya at sabay na ngumiti ng hilaw.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto at naligo para matulog pero bigo akong makatulog. Tumingin ako sa orasan sa tabi ko at nakita kong alas onse na nang gabi.

Naisipan kong puntahan si Lorcan dahil hindi talaga ako pinapatulog sa sinabi niya kanina. Gusto kong malaman kung papaano ko siya mapapapayag na bumalik ako sa school. Pinihit ko ang doorknob pero nakalock iyon. Mabubuksan lang pala iyon mula sa kwarto ni Lorcan. Well, maliban kung may susi lang ako.

Kaya lumabas ako at doon ako mismo sa pintuan niya kumatok. Doon kanina sa room ko hindi ako kumatok pero dito kakatok ako. Wala namang sumagot kaya dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Sa kaunting bukas ay sinilip ko ang loob.

"Come in now, Perkin."

Napatalon naman ako nang biglang nagsalita si Lorcan sa loob. Bago ako pumasok ay huminga muna ako ng malalim. Humakbang ako papasok at isinara ang pintuan.

Lalakad na sana ako papunta sa kama niya kung saan siya nakasandal. Nang magsalita ito.

"Lock the door." Utos niya na sinunod ko naman ng walang alinlangan. Kahit na may tanong sa isip ko kung bakit ko il-lock iyon.

Busy-busy-han siya roon sa laptop niya.

"A-ano Lorcan doon sa sinabi mo kanina." Pagsisimula ko.

"Hmm," he hummed but his eyes still fixed on his laptop.

Humakbang ako papalapit sa kama niya hanggang sa may paanan nito bago ako nagsalita ulit.

"Seryoso ako roon sa sinabi ko na gusto kong bumalik sa school kaya sana pumayag ka."

"Do you hear what I said earlier." Mataman niyang saad bago isinara ang laptop at nilagay sa side table na nasa tabi niya. May nakapatong doon na lampshade na siyang ilaw lang ng napakalaking kwarto. Hindi ko masyadong nakita kung ano ang nasa loob maliban sa kama niya, lamshade at table dahil malimit lang ang naabot ng ilaw.

"O-oo."

"Then?"

"Pa-paano kita mapapayag."

"You know what, Perkin? I don't really have to wait for you to do it with me because I can have you anytime. Yet I try to give you a little hint, but you don't get it. I paid you for it, Perkin. I want your service."

Napahakbang ako paatras ng isang beses dahil sa sinabi niya. Kumabog ang puso ko dahil sa kaba. Alam ko naman ang pinasok ko. Naiisip ko na ito pero hindi ko alam kung paano ito gagawin. Isa pa wala akong karanasan. Wala sa babae lalo na sa lalaki.

"Chicken out?" May panunuya sa tono ng boses niya at nagpadagdag iyon sa kaba ko.

Napalunok ako.

"Hmm, are you backing out now that your mother has received her surgery and transplant?" Hindi ko mahinuha kung ano ang pinaparating ni Lorcan.

Tumayo siya at naglakad papunta sa direkyon ko. Gusto kong aminin sa kanya na tama siya. Na natatakot ako at wala akong kaalam-alam dito.

Napaigtad ako nang pinadaanan niya ang daliri niya ang braso ko. Naghahabol ako ng hininga kahit wala pa naman siyang ginagawa.

"L-lorcan." Halata sa boses ko ang panginginig.

"Hmm," Tapos ay inilapit niya ang labi niya sa leeg ko.

Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"I'm sorry . . . I'm sorry Lorcan pero—pero wala akong alam. Wala akong karanasan sa ganito." Pag-amin ko sa kanya.

Nakarinig ako ng isang halakhak niya pero wala namang nakakatawa. Lumayo ito ng konti.


"I know that, Perkin. I investigated you when I was away. I know that very well. And besides, if you're not clean, you are not in my house right now."

"Ganun na ba talaga kalalim ang nalaman niya tungkol sa akin na pati ang s*x life ko ay alam niya."

"So, for now, I'll f*ck you, and the next time, it should be you who will fill me in. Hmm?"

Kahit na labag sa kalooban ko ay tumango ako. Pinasok ko ito at paninindigan ko ito.

"Now, strip." Utos niya na nagpanganga sa akin.

"Huh?"

"I told you. I don't like repeating myself."

Sa kabila ng pangangatal na nararamdaman ko sa katawan ko ay nagawa ko pa ring maghubad sa harap niya ng mabagal. Isa-isa kong hinubad ang damit ko.

Ni hindi ko nga siya matingnan sa harap ko habang pinapanood niya akong isa-isang bumanagsak sa sahig ang damit ko.

Hindi ko na nahubad ang natitirang saplot ko sa kawatan, ang brief ko. Nang biglang hawakan ni Lorcan ang mukha ko at inangat. Inilapat niya ang sariling labi sa sakin.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mahalikan niya ako pero may kakaiba sa halik. Nararamdaman kong parang uhaw na uhaw siya ngayon. Naibuka ko ang bibig ko nang tinutudyo iyon ng dila niya. Nadala ko ang kamay ko sa magkabilang braso niya.

Lumipat ang kamay niya panga ko at inangat ito na para bang sa paraan na 'yon ay mas mahahalikan niya ako at mas mapapalalim pa ang halik niya.

"Uhmm." Sabay naming ungol. Pinipilit kong sabayan siya sa bawat galaw nito.

'Yong malaya niyang kamay ay dumadaos-dus sa tiyan ko pababa sa pagkalalaki ko na unti-unting tumitigas. Nang makarating ang kamay niya roon ay napakapit ako sa braso niya ng mahigpit.

"Ohhhh." Halinghing ko nang dumapo ang mainit niya palad doon. Naririnig ko naman ang aircon pero pakiramdam ko ay ang init-init tapos dumagdag pa ang kamay niya.

Tinulak niya ako sa kama tapos ay may kinuha niya doon sa drawer ng table niya kung saan niya nilagay ang laptop niya kanina.

Tapos ay tinapon niya iyon sa tabi ko. Saka ko pa nakita ng maayos ang condom at ang lubricant. Hindi na ako inosente kung ano iyon dahil minsan ko na ring nakita iyon sa bag ni Jersey.

Tapos no'n ay pumaibabaw sa akin si Lorcan. Bumalik siya paghalik sa akin. Pinaghiwaly niya ang hita ko at lumuhod siya doon. Tinungkod ko ang braso ko sa kama para makita ang ginagawa niya.

Kumuha siya ng lubricant gamit ang daliri niya. Hinawi niya ang konting tela ng brief ko. At walang pahintulot na ipinasok ang isang daliri doon sa anus ko.

"Ah!" Napaigik ako at kumapit sa kobre ng kama niya.

Nilalabas-pasok niya ang daliri doon. Ilang sandali pa ay dalawang daliri na niya ang pinasok doon.

Nawawalan na ako ng lakas kaya napahiga nalang ako sa kama at umuungol. Napapakagat labi ako. Nagugustuhan iyon ng katawan ko. Nagugustuhan ko ang ginawa ni Lorcan.

"D*mn it, Perkin stay f*cking still." hapong untag niya at dinakma ang n*pple ko. Ang daliri niya naman ay nando'n pa rin sa loob ko at parang ini-s-stretch niya ako roon.

"M-masakit, Lorcan." ungol kong angal.

"Stay still and try to relax."

Sinasabayan niya pa iyon ng deep breathe in and out. Kaya noong nasanay na ako roon sa daliri niya ay ungol na lang ang lumalabas sa bibig ko. "Kneel, Perkin, and hands on the bed."

Kanina ay hindi pa tuluyang nahuhubad ang brief ko pero nangmakatuwad na ako ay walang habas niya itong hinubad. 

Saglit akong lumingon sa kanya at nakita kung sinuot niya ang condom. Napalunok ako ng 'di oras nang makita ko ang pagkalalaki niya na mahaba, malaki at tayong-tayo.

"L-Lorcan kakasya ba 'yan?" 'Di ko mapigilang itanong sa kanya.

Tumaas ang gilid ng labi niya sa akin.

"Don't worry, I already stretched you enough. Just relax so that I can enter you, and you won't get hurt so much."

Muli akong napalunok. Hurt so much. So masakit talaga iyon. Nararamdaman ko na basang basa ako doon dahil sa lubricant.

Nang ikiskis niya sa gilid ng anus ko ang kanya ay napa-awang ang labi ko at sabay na napaungol sa dalang sensasyon no'n. "Ahhhhh . . . ."

Nakagat ko ang kobre ng kama upang pigilan ang ungol ko nang nagsimula na siyang maglabas-masok doon. Sa una ay dahan-dahan iyon hanggang sa naging marahas na. Naririnig ko ang paggitgit ng kama sa bawat bayu niya.

"Ughhh, L-lorcan."

"D*mn it! You're so f*cking tight . . . d*mn ass." Halinghing ni Lorcan.

Hindi ko mapigilang tagpuin ang bawat bayu niya sa akin. Kahit na hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko o hindi. Parang may sariling utak iyon at sumasabay sa bawat galaw ni Lorcan. Pinaghalong sakit at sarap ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam na ganito pala ang feeling. Habang nakahawak sa waist ko ang isang kamay ni Lorcan ang isang kamay niya naman ay dumapo roon sa pagkalalaki ko.

"Lorcan . . . h-hindi ko na kaya p-parang n-naiihi ako." Parang may kung ano na gustong lumabas sa akin. Gusto ko iyong pigilan dahil baka magalit si Lorcan.

"Let it out, Perkin. Come, Perkin . . . come."

Nang magising ako kinabukasan ay mataas na ang araw. Agad akong bumangon sa kama ko pero napahawak ako sa balakang ko nang makaramdam ako ng sakit sa p'wet at sa bewang ko. Saka lang bumuhos sa akin ang lahat nang nangyari kagabi sa kwarto ni Lorcan. Kaso papaano ako napadpad sa kwarto ko? Nakalakad pa pala ako kagabi? Hindi ko na maalala kung papaano ako nakarating sa kwarto ko.

Tumunog ang tiyan ko, hudyat na nagugutom na ako.

Nakahawak sa balakang ang isang kamay ko at paika-ikang lumabas ng silid. Naisip ko na mamaya na ako maliligo. Dahil kumukulo na ang tiyan ko sa gutom.

Nasa huling baitang na ako ng mahaba at magarbong hagdanan ng mansyon nang mapatigil ako sa pagbaba ko.

Sa salas ay nakita ko ang mga panauhin ni Lorcan na puro mga makikisig na lalaki na sa hula ko ay may iba't-ibang lahi.

"Oh, sh*t," mura ng isang lalaki na may pagkasingkit.

Dahil sa mura niya lahat sila napalingon sa akin at kasama na roon si Lorcan na pormal na nakaupo. Para bang may pinag-uusapan sila pero natigil sila dahil sa mura ng lalaking singkit nang makita ako.

Silang lahat ay sabay na tumingin sa akin mula paa hanggang paakyat sa ulo ko. Laglag ang panga sila maliban kay Lorcan na parang wala lang at sumipsip lang sa kape niya.

Napatingin ako sa sarili ko dahil sa uri ng tingin nila sa akin. Gusto ko na sa oras na 'yon ay bumiyak ang magarbong hagdanan ng mansyon at saka ako lamunin dahil sa hiya.

Ngayon ko lang nakita ang sarili ko nang maayos. Ni hindi rin naman kasi ako humarap sa salamin bago ako lumabas sa kwarto. Dahil na rin siguro sa gutom. Nakasuot lang naman ako ngayon ng itim na tshirt na hindi ko alam kung kanino. Hanggang sa gitnang hita ko lang iyon at natatakpan ang boxer na suot ko. Boxer o brief lang ba?

Agad akong tumalikod at nagkanda-uga-uga sa pag-agyat pabalik sa taas. Hawak-hawak ko pa ang bewang ko dahil masakit pa iyon dahil nangyari kagabi. Nawala ang gutom na naramdaman ko kanina at napalitan ng hiya.

Bakit kailangan pang makita ako ng apat na lalaking iyon!?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top