CHAPTER 7

⚠️ SLIGHT MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.

Chapter 7

Clayton’s Pov

ISANG linggo na akong nandirito sa mansion ni Lorcan pero ang huling pagkikita lang namin ay iyong araw na dumating ako rito. Pagkatapos no'ng hinalikan niya ako ay hindi ko na siya nakita at wala rin 'yong kanang kamay niya na si Alfonso.

Bumaba ako saka pumunta sa napakalaki rin na dining room dito sa mansion para mag-almusal. Minsan naiisip ko na mas mabuti pa ang bahay namin na maliit dahil pakiramdam ko ay masigla pa iyon kaysa sa marangyang mansion na ito pero wala namang kabuhay-buhay.

Halos dalawang linggo na akong hindi pumapasok sa MU dahil hindi nila ako pinapayagan. Dapat daw ay magpaalam ako kay Lorcan. Pero wala naman akong contact number ni Lorcan. Nagtanong ako sa mga maids dito pero wala rin silang contact number ni Lorcan. Nag-aalala ako dahil baka matigil na naman ako sa pag-aaral ko nito. Oo, naisip ko na tumigil sa pag-aaral dahil maghahanap ako ng trabaho para panggamot kay mama pero kung ganito man lang ang gagawin ko ay mas mabuti pang mag-aral na lang ako.

"Clay, nakahain na sa dining room pupuntahan na sana kita sa kwarto mo." anas ni Jhera nang makasalubong ko siya pababa. Si Jhera ang naging kaibigan ko rito sa loob ng isang linggo kong pagtira sa mansyon ni Lorcan. Noong una ay nagdadalawang isip pa siya dahil baka raw masisante siya pag nalaman ni Lorcan na nakikipagkaibigan siya sa akin. Pero syempre wala naman dito si Lorcan at sabi niya rin hindi naman daw masyadong umuuwi rito si Lorcan sa mansion.

"Hmm, sige pero tapos na ba kayong kumain?" suna ko at nagpatuloy sa paglalakad papuntang dining room.

"Hindi pa pero pagkatapos mo ay saka na kami kakain ganyan kami rito, Clay." tugon niya naman.

"Hindi ba pwedeng sabay na lang tayong kumain?" Napanguso ako.

"Hindi pwede Clay mapapagalitan tayo ni Esmeralda." Paalala niya.

Tama siya. Isang beses ay kumakain ako ng lunch, pinilit ko si Jhera na umupo at samahan akong kumain. Pero nang nadatnan kami ni Esmeralda ay pinagalitan niya si Jhera at hindi rin ako nakaligtas sa pangangaral at galit nito. Sabi ni Jhera kaya raw masungit si Esmeralda dahil matandang dalaga raw iyon. Nagawa niya pa talagang magbiro. Tsk!

May isa pang beses na pumunta rin ako sa bakuran dito sa mansion. Nakita ko si Ronnie na nagdidilig ng mga halaman kaya tinulungan ko siya dahil naboboryu na ako sa kakahiga at panood ng TV. Hinayaan ako ni Ronnie na tumulong sa kanya at sa kasamaang palad ay nakita ako ni Esmeralda kaya ayon si Ronnie at ako ay napagalitan na naman. Si Esmeralda pala ang parang mayordoma rito sa mansion ni Lorcan. Nang napagalitan kami ni Ronnie ay nakita ko na kalmado lang si Ronnie at hinihintay lang niya na matapos si Esmeralda sa pagsasalita. Siguro ay nasanay na siya sa ugali na iyon ni Esmeralda. Naaawa ako.

Tumango ako kay Jhera at tahimik kami hanggang sa nakarating kami sa dining room.

"Clay, sana hindi mo masasamain pero kaano-ano ka ni Young Master?" Kuryosong tanong ni Jhera na nakatayo sa gilid ko. Ang tinutukoy niyang young master ay si Lorcan.

Napatigil ako sa pagsusubo dahil sa tanong niya. "K-kaibigan niya ako." Pagsisinungaling ko kay Jhera. Iyon lang kasi ang naisip kong maaaring isagot sa kanya dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na ibeninta ko kay Lorcan ang katawan ko. Baka mahimatay si Jhera sa kinatatayuan niya.

Nang matapos akong kumain ay pumunta ako sa pool area na nasa loob lang din ng bahay. Sa tabi lang ng dining room. Umupo ako sa upuan doon na gawa sa rattan.

Noong nakaraang araw ay naoperahan na si mama at nagpasalamat ako dahil naging successful naman ang surgery. Nga lang kailangan lang naming hintayin kung kailangan siya magigising at inoobserbahan pa rin siya ni Dr. Ruiz, ang family doctor ni Lorcan. Bago inoperahan si mama ay nagkausap kami at hinanap niya talaga ang sinabi ko sa kanyang tao na hiniraman ko ng pera pangpa-opera sa kanya. Pero hindi ko nakausap si Lorcan tungkol doon at hindi ko rin nakita na kaya sinabi ko na lang kay mama na kapag maayos na siya ay ipapakilala ko siya kay Lorcan.

Napagitla ako nang biglang nagwala ang cellphone ko sa bulsa ng aking shorts. Kinapa ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakita ko na number iyon ni Harem..

"Hello," sagot ko sa tawag.

"Jusko! Akala ko deads ka na Clayton. Ako itong naiis-stress sa'yo, e!" Nilayo ko ang telepono sa tenga ko nang narinig ko ang matulis na boses ni Harem.

"Hmm, buhay pa ako."

"Hoy, kailangan ka ba papasok? Naku hindi na kita kayang i-save sa mga prof natin. Ang dami mo ng absent sa ibang subjects natin pero 'yong iba hindi naman nakahalata na absent ka." Balita niya sa akin.

Saglit akong natahimik dahil hindi ko naman talaga alam kong kailangan ako makakabalik sa pag-aaral. O makakabalik pa kaya ako? Kailangan ko pang makausap si Lorcan tungkol sa pag-aaral ko.

"H-hindi ko pa kasi alam, Harem."

"Ano? Hindi mo alam? Bakit saan ka ba ngayon at bigla ka nalang nawala, hah!??"

Napabuntonghininga ako at sumundal sa kinauupuan kong rattan at tumingala sa maliwanag na kalangitan.

"I-inaasikaso ko lang si mama at ano naoperahan na kasi siya." pag-amin ko sa kanya.

"Uh! Talaga mabuti naman. Saan ka pala kumuha ng pera?" Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking telepono

Naitikom ko ang bibig ko sa tanong ni Harem. "A-ano Harem sa susunod na lang tayo mag-uusap dahil m-may  kailangan pa akong gawin. Sige ba-bye na ingat ka."

"Hoy! hoy! Clayton? Clayton-"

Mabilis kong in-end ang tawag ni Harem ayaw ko na pati siya ay mag-alala pa sa akin. Kahit ganun 'yon ay alam ko kung paano iyon mag-alala ika nga niya baka mag-warla siya pag nalamam niya ang ginawa kong ito. Tumunog ang message ringtone ko kaya tiningnan ko kung sino at ano 'yon.

Binasa ko ang message na dumating sa cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang unregistered ang number iyon.

From: Unknown Number
'I'll be home today.'

To: Unknown Number
'Sino 'to?'

Ilang minuto ang nakalipas bago dumating ang reply.

From: Unknown Number
'I've been gone for a week, and now you've forgotten me.'

Mas lalong lumukot ang noo ko dahil sa reply niya. Napaisip ko kung sino ang nagmamay-ari ng unregistered number na'to at biglang nagpop-up sa utak ko ang mukha ni Lorcan.

Binalik ko ang mata ko sa cellphone ko na nasa kamay ko. Possible nga siya nga ito.

To: Unknown Number
'Sorry, baka wrong send ka.'

Reply ko na naman, kahit na may hula ako kung sino iyon.

From: Unknown Number
'Really, Perkin, it's me, the one who owns you.'

Dahil sa reply niya ay nakompirma ko na ngayon na si Lorcan nga ito. Siya lang naman ang tumatawag sa akin na Perkin, kahit na Clayton ang pangalan ko.

Hindi ako nagreply sa kanya at tumihaya ako at ipinikit ang mata ko upang damhin ang preskong simoy ng hangin. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Ahh, uhm . . . ." Ungol ko. Nagising ako nang may naramdaman akong humahalik at kumakagat sa leeg ko. Gising na ang diwa ko pero hindi ko pa binubuksan ang aking mga mata.

Napapahawak ako sa gilid ng kinauupuan kong rattan at bumabaluktot na ang mga daliri ko sa paa.

Gising ako pero ayaw kong pang buksan ang mata ko. Gusto ko pang maramdaman ang sensasyong pinaparating sa aking ng labi at ngipin na tumataas-baba sa leeg ko ng paulit-ulit.

"Ah-ahh . . . ." Napaawang ang bibig ko.

Naramdaman ko na dumapang ang malaki at  malambot ngunit may pagkagaspang na kamay sa loob ng tshirt ko at mahihinang mina-masahe ang tiyan ko. Parang may kung anong kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Tumaas pa ang kamay hanggang sa nakarating ito sa n*pples ko nahihina nitong pinipisil at, iniipit ang munting ut*ng ko.

"You like it?" Pikit mata akong tumango nang marinig ko ang malalim na boses ni Lorcan.

"Give me a proper answer, Perkin. Don't give me a f*cking nod." May pagbabanta roon sa boses ni Lorcan.

"Ohh, o-oo g-gusto ko . . . gustong-gusto ko, Lorcan." Umuungol kong sagot kay Lorcan. Nararamdaman ko na rin na tayong-tayo na ang matigas kong pag-aari na nakatago sa loob ng shorts ko.

"Very good! How about this?" Pagtukso pa ni Lorcan, iniwan nito ang leeg ko at walang ano-ano'y ipinasok niya ang ulo niya sa loob ng suot kong tshirt.

"Tang*na . . . ." Mura ko nang maramdaman ko sa n*pples ko ang mainit at na bibig ni Lorcan. Dinidilaan niya ako roon,, sinisipsip, at kinakagat na nagpadagdag sa init na naramdaman ko. Hanggang sa naghahanap na rin ng atensyon ang junior ko baba.

"Perkin, hey! Perkin!" Naimulat ko ang mata ko dahil sa pailang ulit ng tawag sa akin.

Lumaki ang mata ko nang makita ko si Lorcan na nakatayo at nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. My mouth flew open upon realizing that it was just in my dreams that Lorcan's mouth was kissing, sipping, and nibbling me. It was only in my dreams that Lorcan was giving me pleasure.

Napabalikwas ako. Napa-ayos ako ng upo at mabilis kong tinakpan ang bukol sa gitna ng hita ko gamit ang dalawang kamay. Kinabahan ako ng todo nang makita ang bakat doon.

Tumingala ako kay Lorcan na nasa harap ko. "L-lorcan nand'yan ka na pala." Hilaw akong akong ngumiti sa kanya pero nanatiling nakakunot ang noo niya at walang emosyon na nakatingin sa akin.

"What are you moaning and groaning just now?" Halos magsitayuan ang mga maliliit na balahibo sa katawan ko.

"Huh? W-wala."

"I just heard you moaning my name, and you're whimpering, too. Don't worry, we will get there, but for now, let's talk inside," anunsyo niya saka ako tinalikuran.

Doon ko lang narealized na pinipigilan ko pala ang paghinga ko. Inalis ko ang kamay doon sa gitna ng hita ko at nakita kong bumabakat pa rin ang tayong-tayo kong pagkalalaki.

Nandito kami ngayon sa library ni Lorcan dahil sabi nga niya mag-uusap kami. Hindi ko naman alam kung ano ang pag-uusapan namin.

Nakakrus ang mga braso niya sa harap ng malapad niyang dibdib. Habang nakasandal siya roon sa mahabang mesa sa likod niya. Ako naman ay nakaupo sa isang sofa na nasa harap niya rin.

"I heard you wanna go to school?" Kunot-noong tanong niya.

Pinagsiklop ko ang mga kamay ko at umayos sa pagkakaupo bago nagsalita. "O-oo, ahm, ano kasi . . . wala naman akong ginagawa rito sa mansion mo. Kaya naisip ko na baka pwedeng ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko."

"Where and what school?"

"Sa—sa MU . . . sa Macpaulavenet University, t-third year na ako ngayon." Pahayag ko na rin kung anong year level ako dahil alam ko 'yon din ang susunod na itatanong niya.

Nakita kong napahinga siya ng malalim bago tinanggal ang mga braso niya sa kanyang dibdib saka mahinang naglakad patungo sa akin. 'Yong paraan ng paglalakad na walang nagagawang kahit anong ingay.

Naiyuko ko ang ulo ko nang tumigil siya sa harapan ko. Yumuko ito at inilapit ang bibig sa tenga ko.

"Okay, I will let you pursue me first." Nahihimigan ko ang panunukso at panghahamon sa malalim n'yang boses.

"Pa—paano?" Hindi ko mapigilang mautal. Humigpit ang pagkakasiklop ko sa aking mga kamay.

"Figure it out yourself." Sagot niya sa akin bago dinilaan ang likod ng tenga ko. "I didn't' know that cheap soap can be this aromatic and intoxicating." Tapos ay sumipsip siya roon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top