CHAPTER 5
Chapter 5
Clayton’s Pov
NANGINGINIG ang tuhod kong pinilit na tumayo. Nang makatayo ay agad akong napahawak sa mesa nang mawalan ako ng balanse. Mabilis na dumalo sa akin ang waiter na nags-serve kanina sa amin ni Lorcan. Hinawakan niya ang bisig ko upang alalayan ako. Napatingin ako sa kanya at umiling, nais kong iparating sa kanya na kaya kong tumayo mag-isa. Nakasuit siya na pinaghalong itim at puting suit na may bowtie pa talaga. Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung magkano kaya ang pasahod sa restaurant na ito.
"Are you sure you can stand on your own, sir?" pagbusisi nito sa akin habang nakahawak pa rin sa bisig ko.
Inis ko siyang tinapunan ng tingin. "Oo kaya ko. Kaya pwede ka ng umalis." Pagkatapos kong sabihin iyon ay yumuko siya bago ako iniwan.
Umalis si Lorcan para pumunta sa banyo at gusto ko ring pumunta ng banyo. Hindi naman ako nandidiri sa paghalik sa akin ni Lorcan pero nagulat ako, nabigla dahil hindi ko inaakala na ang kauna-unahang halik ko ay mapupunta sa lalaki. Buong buhay ko pinapanaginip ko na nasa babaeng gusto ko mapupunta ang unang halik ko. Hindi naman sa importante ang unang maging halik ko. Ang hindi ko lang inaasahan ay sa lalaki iyon mapupunta.
Nang makabawi na ako sa gulat at panginginig sa tuhod ko ay lumakad ako papunta sa banyo. Akmang pipihitin ko na ang busol nang bumukas iyon at iniluwa ang preskong-presko na si Lorcan na ngayon ay siyang nagmamay-ari na sa akin. Sa kontratang pinirmahan ko kanina ay parang binenta ko na rin ang buhay at kaluluwa ko sa kanya.
Hindi man lang siya nagulat nang makita niya ako. Tapos ako ay halos gusto ng tumakbo paalis.
"Move faster, Mr. Perkin, because I have something to tell you." payak niyang saad. Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.
Umigting ang panga nito at saka iniwan.
Tiningnan ko ang papalayong likod ni Lorcan. Iling akong pumasok sa banyo. Kung umasta siya ay parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina. Samantalang ako ay masyadong maraming iniisip. Totoo nga siguro ang sinabi niya na gusto lang niyang mag-explore. At nagkataon na ito ang gusto niyang i-explore. Siguro ay hindi ko na rin lang isipin iyong ginawa niyang paghalik sa akin, pinasok kong ito, eh. Alam ko na may mas lala pa dito. At kinakabahan na ako para sa sarili.
Kagaya ng sinabi ni Lorcan ay binilisan ko ang parang uud kong kilos. Pagkatapos kong magbanyo ay naghuhugas ako ng kamay. Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin na nasa harap ko. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko kung saan dumapo ang labi kanina ni Lorcan. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang labi niya. Malambot at may pagkamatigas. Mabango at . . . parang may tamis.
Ipinikit ko ang aking mata dahil na naman sa pumasok sa utak ko.
Pagkabalik ko ay nakita kong may kausap si Lorcan sa telepono niya. Nang makita niya akong papalapit ay tinapos niya iyong tawag.
"So, let me get this straight, Mr. Perkin. I want this contract to be private, just between you and me," Pahayag niya saka tinapunan ng isang tingin ang envelope sa mesa.
"H-hindi ko ba pwedeng sabihin 'yan . . . kahit kay Jer-Jason lang."
"Jason is a trustworthy employee of mine, so okay, you can, but don't reveal what's inside the contract," paalala nito sa akin.
Dalawang beses na tango ang binigay ko sa kanya. Tumikhim ako bago binuka ang bibig ko. "K-kailan masisimulan ang kidney transplant ng mama ko, sir?" Tanong ko sa kanya.
Sumandal siya sa silyang kinauupuan at pinagkrus niya ang braso sa harap ng kanyang dibdib. "I have already called my secretary to look for a reliable person who is willing to be your mother's donor. Tomorrow, we'll transfer your mother to a private hospital, specifically to LCL main hospital, and I will ask our family doctor to oversee her while waiting for a donor." Sagot niya sa akin. Napatango-tango habang nakikinig sa sagot niya. "And don't call me sir, just call me by my name."
Muli akong tumango sa kanya.
"Mabuti naman." Bulong ko sa sarili ko. "P-pwede na ba akong umuwi?"
Habang nakasandal siya ay tumaas ang kilay niya sa akin. "You will not go to your house anymore," simpleng sagot niya sa akin.
Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka. "Huh? Anong—"
"From now on, you will be staying in my house," putol niya sa akin.
"Paano kung ayaw ko? Bakit hindi pwedeng sa bahay namin na lang ako tumira?" reklamo ko.
"Seriously, Perkin, are you expecting me to let you do that? What if I want you to f*ck in the middle of the night? Dawn? Morning? Noon? Evening? Do you expect me to restrain myself?" sarkastikong pahayag niya.
"A-ano kasi . . . ano," hindi ako makahanap ng maaaring isagot ko sa kanya.
"It's part of the contract, Perkin."
Gusto kong sabihin sa kanya na hindi Perkin ang pangalan ko. Napansin ko kasi na panay ang tawag niya sa akin na Perkin.
"H-hindi ba pwedeng umuwi ako k-kahit ngayon lang at gusto ko ring makita ang mama ko bago siya ilipat ng ospital." Hindi ko naman alam na parte pala ng kontrata na tumira ako sa bahay niya. Hindi ko rin naman kasi binasa ang kontrata at basta ko na lang iyon pinirmahan dala sa bugso ng damdamin.
Umalis siya sa pagkakasandal saka tinungkod ang siko sa mesa. Bahagya itong yumuko na parang nag-iisip. "Okay," bumuntonghininga siya at tumingin sa akin. "I will let you go home for today. Tomorrow, one of my personal assistants will pick you up at 1:00 PM."
Umiling ako sa kanya ng ilang beses. "Hindi na kailangang ipakuha pa ako sabihin mo lang kung saan ka nakatira at ako na mismo ang pupunta roon bukas, pangako." Nag-swear pa ako.
Istriktong tumaas ang kilay niya na parang hinulma talaga at makapal. "I'll release you from your favor and this time . . . ako ang masusunod." Tiningnan niya ako nang masinsinan. "You are now under my possession, Perkin; it only means one thing . . . that you will do what I say."
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Para akong napapaso sa paraan ng pagtitig ng kulay berde niyang mata. "O-okay."
Tumayo ako at bahagyang yumuko sa kanya. "Salamat at mauuna na ako." pinal kong wika, humakbang papaalis.
Nalampasan ko na siya bago siya magsalita kusang napatigil ang mga paa ko sa paghakbang.
"Don't thank me, because everything that I will do for you has a payment, and that payment is your service. And always remember that the contract is only between you and me." paalala niya sa aming kontrata.
Ala-una na nang hapon nang makarating ako sa condo ni Jersey. Pagkaalis ko roon sa restaurant na hindi ko man na nalaman kung ano ang pangalan ay nagliwaliw muna ako. Dahil pakiramdam ko ay punong-puno ako sa pag-uusap namin ni Lorcan. Hindi ko aakalain na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Kahapon lang ay halos mabaliw ako kakaisip kung saan ako kukuha ng pera panggamot kay mama. Tapos ito, parang umikot ng 360-degree ang buhay dahil lang sa simpleng pagpirma ko sa kontratang iyon. Sa simpleng papel na iyon. Simpleng papel pero doon nakasalalay ang buhay ko at ng mama ko.
Kung gusto ni Lorcan na makipag-s*x sa lalaki ano naman kaya ang ginagawa ng mga lalaki. Aminado ako na hindi na inosente ang mga mata at isip ko dahil nakakapanood na rin naman ako ng mga rated x na mga videos. Kaso babae sa lalaki iyon. Kaya hindi ko alam kung papaano iyon ginagawa ng lalaki sa lalaki. Ano naman kaya ang gagawin ko? Manonood na ba ako ng mga gay porn? Magbabasa na ba ako ng mga ganoong articles kung paano nila iyon ginagawa?
"Tanungin ko kaya si Jersey?" Pagkakausap ko sa aking sarili habang nakaupo sa kama ni Jersey. Nilibot ko ang mata ko sa loob ng condo nito dahil baka may mga magazine siyang ganoon pero wala naman akong mahanap. Saka kung tatanungin ko si Jersey magtatanong at magtatanong iyon kung bakit ako nakuryoso sa mga ganun, magdududa iyon.
Hinanda ko na ang bag ko na dinala ko rito kahapon dahil uuwi ako at mag-iimpake pa ako para bukas do'n na ako sa bahay ni Lorcan tutuloy. Umupo ulit ako sa kama ng matapos kong ihanda ang bag ko.
Tinawagan ko si Jersey.
"Hello? Clay?" Sagot ni Jersey sa kabilang linya. Akala ko ay di niya masasagot ang tawag ko dahil oras ng trabaho ngayon.
"Jersey, uuwi na ako." Ani ko.
"Uh, uuwi na ka agad-agad? Kumusta naman 'yong pag-uusap niyo ng boss ko."
Tumayo ako at pumunta sa maliit na ref ni Jersey rito sa loob ng condo niya inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko bago kumuha ng malamig na tubig. Uminom ako bago siya sagutin.
"Okay, naman Jersey." simpleng tugon ko sa kanya. "Pero bakit hindi mo naman sinabi sa akin sa lalaki pala ang boss mo."
"Ay! Hindi mo naman tinanong sa akin kaya akala ko alam mo na."
Nilagay ko sa sink ang basong ininuman ko.
"Hmm," tumango ako na para bang nakikita niya ako.
"So ano na?" usisa pa niya mula sa kabilang linya.
"Ahm, ano bukas—bukas ay roon na ako sa bahay niya." Sagot ko.
"Wow! Sabi ko na ba papasa ka, e. Siguro dahil 'yon sa lip balm na nilagay ko sa lips mo." Tapos ay humalakhak siya.
Natahimik ako.
Napahawak tuloy ako sa labi ko at pumasok na naman sa utak ko ang mababaw na pagdampi ng labi ni Lorcan sa aking labi.
"Hoy, Clay nand'yan ka pa ba!?" Nailayo ko sa tenga ko ang telepono dahil sa lakas ng sigaw ni Jersey.
"O-oo nandito pa. Sige na Jersey may trabaho ka pa at aalis na rin ako." Nagmamadali kong paalam.
"Hoy! Dapat mag-celebrate tayo, Clay."
Tumingala ako. Dapat bang i-celebrate ang bagay na 'to? Para sa akin ay parang lamay ito.
"Alam mo namang wala nga akong pera sige na ba-bye na alis na ako at salamat pala sa lahat." ani ko at pinatay na ang tawag.
Dumeretso ako sa ospital kung saan naka-confine si mama. Papasok na sana ako nang narinig ko ang masayang pag-uusap si Mama at ng attendant nurse niya.
"Hija, may boyprend ka na ba?" Rinig kong tanong ni mama sa nurse. Na himigan ko ang sigla at saya sa boses ni mama. Kahit na may sakit siya alam kong pinipilit niya lang na maging matatag at matapang.
"Si ate talaga wala pa po at naghahanap pa." sagot naman ng nurse kay mama.
"Naku tamang-tama dahil may anak akong lalaki bagay na bagay kayo no'n kahit na walang abs iyon. Tamang-tama naman ang hubog no'n sa katawan." Pati ako napangiti sa sinabi ni mama. Sinali niya pa talaga ang katawan kong walang abs.
"Talaga po?" Intirisadong tanong naman ng nurse kay mama. Hindi ko alam kung sinsakyan lang nito ang kadaldalan ni Mama Ellen.
"Oo hija ipapakilala kita sa anak kung dadalaw 'yon dito."
Bumuntonghininga ako bago kumatok at pumasok. Pagpasok ko ay nakatingin sa akin si Mama at ang nurse na nag-aasikaso sa kanya.
"Anak, ikaw pala 'yan. Halika ka rito." Kinamay ako ni Mama. Lumapit naman kaagad ako.
"Anak ito pala si Alli isa sa magandang nurse rito at kaibigan ko. At Alli ito naman ang anak ko si Clayton, ang gwapo kong anak." Magiliw na pagpapakilala ni mama sa amin.
Unang inilahad ni Alli ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko iyon.
"Nice to finally meet you, gwapong anak ni ate Ellen." Pabirong saad niya.
Napangiti ako dahil may naging kaibigan dito si Mama. Kahit papaano ay hindi siya malulungkot pero bukas din ay ililipat si mama sa ibang ospital.
"Nice to meet you rin."
"Sige po ate, alis na ako. Chika tayo sa susunod, ah." Pagpapaalam ni Alli kay mama tapos ay tinapik niya ang balikat ko na parang barkada o tropa kami.
"Ano anak tipo mo ba iyong si Alli?" tanong ni mama nang makaalis si Alli.
Nilapag ko ang bag ko sa maliit na sofa rito sa loob ng room. Umupo ako sa tabi ni Mama.
"Hindi 'ma." Deretsong sagot ko kay mama. "Parang tomboy naman po iyong si Alli." Komento ko at dahilan upang hampasin ni mama ang balikat ko. "Ma!"
"Anong tomboy ang ganda nga no'n, e. Kaya ka siguro hindi nagkakaroon ng nobya dahil dyan sa pagiging pihikan mo." pagsuway ni Mama sa akin.
Mahabang katahimikan ang namayani sa amin ni mama.
"Ma," tawag ko mayamaya kay mama. "Bukas 'ma ay ililipat ka na ng ibang ospital doon sa kabilang syudad. Sa mas malaki at mas pribado na ospital." Pagsisimula ko at nakita ko ang pagkunot ng noo ni mama sa sinabi ko.
"Naka . . . nakahanap na po ako ng pera para panggamot sa inyo—"
"Saan ka kumuha ng pera sa loob ng isang araw, Clayton?" Takang tanong ni mama na may pagkaistrikto sa tono nito.
"Ma—"
"Sinabi ko na sa'yo na 'wag kang gagawa ng ikakapahamak mo. Ayos na ako Clayton kung hanggang dito na lang ako. Wala na tayong magagawa roon. Ayaw kong pati sarili mo ay ipapasok mo sa ano mang ikakapahamak mo." leksyon ni Mama.
Gusto kong sabihin kay mama na huli na dahil nakapirma na ako sa kontrata.
"Ma, kung may magagawa ako para sa'yo gagawin ko. Kahit ano pa 'yan dahil ayaw ko na iwan mo akong mag-isa, 'ma. Wala na nga akong papa pati ba naman ikaw iiwan mo ako." Nagsisimula nang uminit ang mata ko dahil sa luha. Masakit sa akin na ganito si mama na para bang tanggap na niya na malapit na siyang mawala. Masakit na masakit iyon para sa akin. Siya na lang ang meron ako.
"Clayton, kaya nga ipinakilala kita ro'n kay Alli, e."
Umiling ako kay Mama. Wala akong panahon para d'yan. "Ma, may mayaman akong kakilala na—na kaibigan ni Jersey at katrabaho niya. Papahiramin niya ako ng pera 'ma. Kaya sana po ay magpagamot kayo—h-hindi ko naman ko papahamak ang sarili ko. G-gusto pa kitang makasama ma. Kaya sana po magpagaling kayo." Kumbinsi ko kay Mama.
"Sige, basta ipakilala mo sa akin ang taong hiniraman mo ng pera." Naitikom ko ang bibig ko. Papayag ba si Lorcan dito? O di kaya'y humanap na lang ako ng tao na magpapanggap ng kaibigan ni Jersey. Pero patong-patong na ang pagsisinungaling ko kay mama at ayaw ko nang dagdagan pa iyon.
'Susubukan ko na lang kausapin si Lorcan bukas.' sabi ko sa sarili ko.
"S-sige, 'ma, k-kakausapin ko po siya bukas."
Pagkatapos ay nagpaalam ako kay mama na mag-iimpake ako ng ilang gamit niya at mag-iimpake rin ako ng gamit ko. Hindi pa rin kumbinsido si mama sa sinabi ko sa kanya na nanghiram ako ng pera sa kaibigan ni Jersey pero umu-oo na siya. Gusto niya talagang makilala ang taong hiniraman ko ng pera.
Kinagabihan ay tumawag si Jersey at nagpakwento kung ano ang mga pinag-usapan namin ni Lorcan. Kaya ayon kinuwento ko sa kanya pero syempre filtered na 'yong mga sinabi ko. Sinabi ko rin sa kanya na dapat ay sikreto lang namin iyon lalo na kay mama. At kinuntsaba ko rin siya sa pagsisinungaling ko kay mama. Mabuti at pumayag din siya. Nagtanong pa siya na kung ano ba raw ang gagawin ko sa bahay ni Lorcan. Bakit daw kailangan pang tumira doon.
Kagaya ng sinabi ni Lorcan ay may sumundo sa akin kinabukasan. Personal assistant niya pero driver ko ngayon. Isang maleta at isang backpack bag lang ang dala ko. 'Yong kay mama ay naihatid ko na sa ospital at pinakiusapan ko rin si Alli na kung pupwede ay siya 'yong sumama kay mama sa paglilipat. Nagulat nga siya pero sabi niya ay may private na raw na doctor ang mag-aasikaso kay mama. Hula ko ay 'yong sinabi ni Lorcan na family doctor nila.
"Ahm, malayo po ba ang bahay ni Lorcan dito?" tanong ko sa driver na propesyonal na propesyonal ang dating habang nagmamaneho.
"Oo, Mr. Perkin si Mr. Lavoisier ay nakatira sa Marcet Village." payak niyang sagot at lumingon sa akin saglit.
Hindi pa ako nakakapunta sa Marcet Village pero naririnig ko na iyon dahil 'yong ibang classmates ko ay roon nakatira. At kilala rin ang Village na iyon dahil puro talaga kilala ang mga nakatira doon. Kundi mga businessman ang nakatira doon, mga kilalang artista, at politician ang nakatira sa village. Mahigpit din kasi ang security system ng Village na iyon.
"Ako nga po pala si Clayton." Pagpapakilala ko sa kanya.
"Ako si Alfonso at ako ang kanang kamay ni Mr. Lavoisier." Tapos ay ngumiti siya sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay nagsitayuan ang balahibo ko sa paraan ng pagngiti niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top