CHAPTER 45

Chapter 45

Clayton’s Pov

INAANTOK kong inabot ang telepono ko na walang tigil kakatunog sa bedside table. Nasagi ng kamay ko ang aking telepono kaya't kumalabog iyon sa sahig. Napamura ako at pikit matang bumangon. Antok na antok pa talaga ako.

Pilit kong binubuksan ang mata kong tumitiklop dahil sa antok. Nang makita ko ang telepono ko mabilis kong sinagot ang tawag. Hindi ko nasilayan ng mabuti ang caller dahil sinagot ko na ito.

"Clayton?"

Rinig kong saad sa kabilang linya. Bumalik ako sa kama at humiga ulit. Habang nasa tenga ko pa ang cellphone.

"Ohh," antok kong sagot.

"HOY! Hindi ka pa ba bumabangon d'yan?"

Naikot ko ang eyeballs ko dahil sa boses ni Harem. Nawala ang antok ko sa boses niya.

"'Bat ka ba napatawag, huh?"

"Grabe, masama talaga gisingin ang tulog, 'no?"

"Ibaba ko na ito, Harem."

"Ay! Ay! Wait, bw*sit ka naman, oh. Alam mo ba kung anong araw ngayon?"

I hissed when I heard his useless and senseless question.

"Tang*na mo! Harem, iyan ba ang tinawag mo sa akin? Ang tanungin ako kung anong araw ngayon?" tumaas ang boses.

"Bw*sit talaga. Sige na nga . . . happy birthday, bw*sit ka!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa calendar sa cellphone ko. Shuta! Birthday ko pala ngayon! April 7 pala ngayon. Na konsensya naman ako dahil sa inasal ko kay Harem. Nawala na talaga sa isip ko.

"Harem," anang ko. Tumahimik kasi siya.

"Uh," may pagtatampo roon sa boses niya.

"Sorry na. Nakalimutan ko talaga, e."

"Hay! Forgiven dahil birthday mo ngayon. My god, twenty-seven ka na, sweetie."

Napangiti naman ako. "Pumunta ka mamaya sa restaurant ko libre kita kahit anong kainin mo." pambawi ko na rin.

"Hmm, sige."

Pagkatapos no'n ay binaba na niya ang tawag. Binalik ko ang cellphone ko sa bedside table. Nandun din ang picture frame ni Lorcan. April 7 ang birthday ko at April 16 naman si Lorcan. Kung sana nandito siya. Ngayong April 16 ay magt-thirty-seven na siya. Even if wala na siya sini-celebrate pa rin namin ang birthday niya.

Sadyang ngayong kaarawan ko ay nakalimutan ko talaga dahil sa badtrip ako kahapon kay Joseff. Kinuha ko ulit ang cellphone ko. Tiningnan ko ang messages ko kung may message ba si Joseff. Bahala siya. Hindi ako hihingi ng tawad sa kanya. Talagang nagalit lang ako sa sinabi niya.

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si mama Ellen.

"Ma," sagot ko sa tawag.

"Anak, good morning at happy birthday!" Maligayang bati sa akin ni mama.

"Happy birthday, Clayton, ang gwapong anak ni ate Ellen." Narinig kong singit ni Alli sa kabilang linya.

Napangiti ako.

"Salamat Alli, salamat 'ma."

"Anak, umuwi kayo ng apo ko rito sa bahay natin. May maliit akong handa para sa iyo."

"Ma, hindi na kailangan n'yan kayo na lang po ipapakuha ko po kayo d'yan at do'n tayo-"

"Ano ka ba, Clayton! Mahiya ka nandito sina Hilda at Stevan sa bahay inimbitahan ko rin sila. Ang sama naman tingnan kong nandito sila tapos ang celebrant wala." Hula ko ay nagmamaktol na ngayon si mama.

"Clayton, anak umuwi ka muna rito." rinig kong wika ni tita Hilda. Masyadong naging close sina mama at tita Hilda na ultimo sinasama ni tita si mama sa mga shopping niya sa ibang bansa.

"Namiss ko na rin ang apo ko," dagdag pa ni mama.

"Sige po pupunta kami d'yan ngayon ni Daniel."

Naligo ako at nagbihis para makaalis na kami ni Daniel. Dinaanan ko ang room niya at baka ay hindi pa iyon gumigising. Pero pagpasok ko sa silid niya ay maayos na ang kama niya kaya sinara ko ulit ang pinto at bumaba.

Pumunta ako sa kusina dahil may narinig akong mahihinang boses doon.

"Anak?" Napangiwi ako nang makita ko ang anak ko na madungis.

"Pa!" Gulat niyang sambit.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko at nilapitan siya.

"Well, I'm baking a cake as you can see but I think it's not edible for you to eat?" ngiwing wika niya habang tinitingnan ang cake na gawa niya. "Happy birthday, pa." Ginulo ko ang buhok niya.

Bumuntonghininga ako at kumuha ng kutsara upang tikman ang gawa niya. Mukha namang luto kahit na walang maayos na dressing. Akmang kukuha na ako no'n nang pigilan niya ako.

"Pa, maybe you shouldn't taste it. You're a chef yourself baka . . . .”

"Luto ito ng anak ko kaya titikman ko." ani ko sa kanya at kumuha ng maliit na parte roon. Dinala ko ito sa bibig ko at ninanam-nam ko ang lasa. Tama lang sa lasa hindi masakit sa lalamunan ang pagkatamis.

Tiningnan ko ang anak ko na parang natatae na parang ewan na nakamasid sa reaksyon ko.

"How was it?"

"It tastes right. It's good."

Nakahinga siya ng maluwag doon saka kumuha rin ng cake na gawa niya. Pati siya ay nagulat sa lasa ng b-n-ake niya.

"Oh, right anak. Maligo ka na at magbihis ka. Pupunta tayo kila mama Ellen."

"Okay pa, but how about this?" turo niya sa gawa niya.

"Ako na ang bahala rito basta maligo ka na at magbihis. Nando'n na ang grandma at grandpa mo."

"Okay, pa, happy birthday again." He said and kissed my cheeks.

Matapos kong dressing-an ang cake at nilagyan ng kaunting design ay nilagay ko ito sa isang box. I want mama, tita, and tito to taste my son's cake.

"Jhera," tawag ko sa kanya na paika-ikang naglalakad.

"Uy, Clayton. Aalis kayo?" tanong niya.

"Ah, oo pupunta kami kina mama."

"Happy birthdy nga pala. Sorry wala akong gift sa'yo."

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

Nginuso niya ang labas ng mansyon.

"Papahangin lang," itinabi ko muna ang cake at inalalayan siya palabas.

"Pa, let's go." Ang anak ko nag makababa itong muli.

"Sige Jhera aalis na kami. Kapag may emergency tawag agad kayo sa akin, ah." Bilin ko sa kanya. Nagpahatid na kami ni Daniel kay Ronnie.

Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako nang may pa-confetti pa silang nalalaman tapos may tarp pa. Iyong bahay namin ay pina-renovate ko na rin. Sabi ko kay mama na umalis dito sa aming bahay at bumili ng bago pero tumanggi siya dahil may alaala raw sila ni papa Caspin rito, iyong tunay kong ama.

"HAPPY 27TH BIRTHDAY CLAYTON!!!" sabay nilang sigaw.

Nandito rin pala si Harem. Naging masaya ang araw ko dahil sa simpleng handa nila para sa akin. Naaliw din ako sa iringan nina Harem at Alli. Masyado kasing clingy itong si Harem sa mga tao at itong si Alli naman ay masyadong mailap. Kaya ayon nag-iiringan ang dalawa. Pati sina tito at tita ay natatawa na sa dalawa.

"Happy birthday, anak." masayang bati sa akin ni tita at niyakap ako saka inabutan ng isang paper bag.

"Naku tita 'wag na po," pagtanggi ko.

"No, binili ko 'yan for you."

"Tanggapin mo na, Clayton," segunda naman ni tito Stevan na nasa tabi ni tita Hilda.

"Salamat po."

"Para sa anak namin." masayang ani ni tita.

Wala man si Lorcan pero nanatiling malapit ang loob nila tita at tito sa akin at ganun din ako sa kanila. Masaya ako na kahit na ganun ang naging ending namin ni Lorcan ay nanatiling close kami ng pamilya niya. Kaya parang lumaki na rin ang pamilya ko.

Hindi kami nagtagal doon ng biglang tumawag sa akin si Esmeralda na manganganak na raw si Jhera. Ayaw ko pa mang iwan ang bahay pero nais kong pumunta doon sa ospital. Buti ayos lang kina mama. Sumama na rin sa akin si Daniel.

Pagdating ko roon ay nakita ko si Esmeralda na nakaupo sa labas ng room.

"Esmeralda."

"Oh, buti nandito ka na, Clayton. Bwesit iyang babaeng iyan. Nakakahiya rito sa ospital."

"Ho?" takang tanong ko.

"Aba'y ki-lakas makasigaw. Rinig sa buong palapag ang boses niya." reklamo ni Esmeralda.

"Nakalabas na ba ang bata?" tanong ko.

Napangiti siya sa tanong ko. "Oo, halika ka." si Esmeralda at ginaya kami papasok sa isang kwarto. Nakita kong hawak ni Jhera ang anak niya.

"Jhera."

"Clayton, haha tingnan mo ang baby ko ang ganda." Masaya niyang untag na parang 'di nanganak.

Napatingin ako roo . Babae pala ang baby niya.

"Congratulations, Jhera nanay ka na."

Nakita kong lumapit si Daniel doon kay Jhera at sinuri ang bata ni Jhera.

"Oh, ano ka ngayon? Maganda ang anak ko, 'di ba?" pagmamalaki ni Jhera.

Tinaasan siya ng kilay ng anak ko.

"So, what if she's pretty? As if it can make you pretty too." pambara ng anak ko kay Jhera.

"Tse!"

"I'm stating the fact here. No offence." kibit balikat ng anak ko.

Totoong magandang bata nga ang anak ni Jhera. Hindi man sa sinasabi kong hindi maganda si Jhera pero kung sinuman ang ama nito ay sigurado akong doon ito nagmana.

Mabuti na lang at pinanganak ni Jhera ang anak niya ng maayos at hindi siya na cesarean. May kalakihan kasi ang bata niya.

"The baby is pretty unlike her mother who look like a rotten mushroom, 'no?" sabi ni Daniel na kina-alburuto ni Jhera napagalitan tuloy siya ni Esmeralda. Hindi kami masyadong nagtagal sa hospital ni Daniel. Si Esmeralda naman ang naiwan sa ospital para may kasama si Jhera. Umuwi kami ni Daniel pagkatapos kong asukasuhin ang bayarin sa ospital.

Nang makarating kami sa mansyon ay gabi na. Ako na ang nagluto ng dinner namin ni Daniel. Mas gusto kasi ni Daniel na ako ang nagluluto.

"Pa, do you miss daddy?" biglang tanong ni Daniel habang kumakain kami.

Nabitin sa ere ang kamay ko sa biglaang tanong niya sa akin.

"Yes, I will always miss your father, baby." sagot ko sa kanya.

Oo, alam ni Daniel ang relasyon namin ni Lorcan noon. Hindi ko alam na sa bata pa niya ay naintindihan na niya ang meron kami noon ni Lorcan. Pero masaya ako na tanggap niya ako—kami ng ama niya.

"Pa, I know. I said something about that guy Joseff, but if you like him ‘pa, it's okay with me. I don't want you to be lonely, Papa. Dad is already gone long time ago and I think it's time for you to find another man. I don't want you to imprison yourself with me. I love you and I want you to be happy, Papa. " he pondered. Kumunot ang noo ko sa biglaan niyang winika.

"Daniel don't say that, I'm happy. I'm happy being with you. And I don't like Joseff, I don't like that tosser."

Ngumuso siya.

"I'm afraid that you stay beside me 'pa because you feel obligated, and you feel pity because I'm alone. I know, I said something when I was still a baby  but-"

"Stop! Stop! Please, Daniel. I stay by your side because this is what I want. It's because papa loves you. I love you, baby." I whispered.

"But why did you don't have boyfriend yet? I feel na kasalanan ko kung bakit wala kang boyfriend right now, pa." he said quitely.

Tumayo ako at niyakap siya.

"Because I'm not yet ready."

Sa gabing iyon ay sa tabi ko natulog si Daniel. Hindi ko alam kung ano ang magtulak sa kanya na sabihin iyon sa akin. Napaka-out of nowhere lang kasi ng tanong niya.

Nagising ako ng mga alas onse ng gabi. Naihi kasi ako pero pagkatapos kong maihi ay nauhaw naman ako. Kaya minabuti kong lumabas at bumaba para uminom.

Binuksan ko ang ilaw ng kitchen.

Kukuha na sana ako ng tubig sa ref nang bigla akong nauhaw ng alak. Nahagip kasi ng mata ko ang whiskey. Para bang sinasabi ng alak na kunin mo ako, inumin mo ako. At ako naman na tao lang na nadadala sa tukso ay kinuha ko ang isang bote ng whiskey.

Dinala ko iyon sa island counter at doon ako uminom ng mag-isa. Bumuntonghininga ako nang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Daniel kanina.

I really miss Lorcan. I miss him so much. Uminit ang sulok ng mata ko habang nakatitig sa baso na may alak.

Naalala ko noon na napagdesisyonan kong patabunan ang tattoo ko. Pero hindi ko magawa dahil naiiyak ako kahit hindi pa nakakarating sa balat ko ang karayum. Kaya hanggang ngayon ay nandito pa rin ang tattoo.

Ang hirap maiwan mag-isa. Ang hirap na ikaw na lang ang nakakaalala sa mga bagay na ginagawa niyo noon. Nilagok ko ang alak. Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

'Happy birthday to me.' I mumbled.

Tumayo ako upang bumalik na sa itaas dahil baka magising si Daniel at wala ako sa tabi niya. Galing sa pagkaka-upo ko sa highchair ay nailapag ko ang paa ko sa sahig. Kinuha ko ang basong ginamit ko upang ilagay ito sa sink.

Pero parang pinako ang paa ko sa kinatatayuan ko ngayon habang nakatingin ako sa pintuan papasok sa kusina. Humigpit ang pagkakahawak ko sa baso na nasa kamay ko.

Pinaglalaruan na naman ba ako ng malikot kong utak? Malungkot akong ngumiti sa lalaking nakatayo roon. Ang lalaking miss na miss ko. Ang lalaking pinapangulila ko ng husto. Nakatayo si Lorcan doon.

Tumulo na naman ang luha ko. Lasing na siguro ako sa isang baso ng alak.

Wala bang salon sa langit at hindi nakapagpagupit si Lorcan doon? Mahaba na ang buhok niya na nasa balikat na niya ang taas at may balbas na rin siya. Bakit pinabayaan niya ang sarili niya roon sa langit? Kaso, bakit ganun? Bakit mas gumwapo siya ngayon?

"Babe," wika ng Lorcan na nasa harapan ko na pala. Nahulog ang baso na nasa kamay ko nang hinawakan niya ako. Sa lahat kasi ng panaginip ko hindi siya nagsasalita at mas lalong hindi niya ako nahahawakan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top