CHAPTER 44
Chapter 44
Clayton’s Pov
"PAPA, can I play with my friends?" tanong ng anak ko. Kakapasok lang nito sa kwarto ko habang nagtutupi ako ng damit ko rito sa kama. Ang tagal ko na kasing hindi nakakapagtupi ng damit ko. Nagsama na ang damit pambahay at damit panglakad ko. Hindi kasi ako komportableng pinapatupi ko sa ibang tao ang damit ko.
Tumingin ako sa kanya saglit. "Saan kayo maglalaro, baby?" sagot kong tanong sa kanya. Lumapit siya sa kama at niyakap ako mula sa likuran ko. Naglalambing ang anak ko.
"D'yan lang sa basketball court, 'pa. Hindi naman po ako lalabas ng village dahil dito lang din naman po ang mga kalaro ko." aniya saka kiniskis ang mukha niya sa likod ko.
"Sige, basta wag mong kakalimutang umuwi kapag tanghalian na." bilin ko sa kanya.
"Yes!" Masaya niyang sambit at hinalikan ako sa pisngi ko. "Thank you, 'pa."
"Basta h'wag lalabas ng village at h'wag kakalimutan ang bilin ko," mahigpit kong bilin sa kanya. "Ipapahatid ba kita o gusto mong ako na ang maghatid sa inyo roon." Pahabol ko pa.
"No, pa, I'l let kuya Ronnie drive me there na lang, pa." Tumango ako sa kanya at hinalikan ang noo niya.
Napangiti ako habang tinitingnan ko ang anak ko, si Daniel na palabas ng silid ko. Hindi ko lang namalayan limang na taon na pala ang nakakalipas mula nung nawala si Lorcan. Unti-unti nang nagbibinata ang ang baby ko. Binalik ko ang pansin ko roon sa pagtutupi ko ng mga damit ko. Nahagip ng mata ko ang picture frame na maglalaman ng larawan ni Lorcan. Mapait ako napangiti. Kung nasaan ka man ngayon Lorcan sana'y masaya ka. Sana nakikita mo kung ano at saan na ako ngayon. Kung buhay ka lang siguro masasabi kong proud ka na siguro sa akin ngayon. May-ari na ako ng restaurant. Nakapatapos na ako ng dalawang kurso. Sana masaya ka kung saan ka man ngayon sa mga nakamit ko sa buhay.
Bumuntonghininga ako habang inaalala ko ang mga paghihirap ko simula nung nawala si Lorcan. Iyong mga pagkakataong nakakakita ako ng away, bumagsak ako sa subjects ko, iyong mga pagkakataong sinusubukan kong kunin ang buhay ko.
Pinalis ko ang luha ko.
Hanggang ngayon ay lumuluha pa rin ako kapag naalala ko si Lorcan pero hindi na kagaya noon. Oo, nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon pero hindi na gaya ng dati. Hindi naman siguro ito nawawala lalo na kapag tunay mong mahal ang tao. Mahirap pero nakayanan ko. Naka-survive ako. Nawala si Lorcan pero hindi ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi ang pagmamahal ko sa kanya.
Itong mga success ko ngayon ay utang ko ito kay Lorcan. Dahil ginawa ko siyang inspirasyon sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Naalala ko pa noon no'ng isang araw ay dumating ang abogado ni Lorcan dala ang last will ni Lorcan. Hindi ako makapaniwala na binilin ni Lorcan ang mansyon niya sa akin, iyong resort na pinatayo niya sa Batangas ay pinangalan at binilin pala niya iyon sa akin tapos iyong iba pa niyang mga assets.
Pero ang lahat ng iyon ay hindi ko ginalaw dahil gusto kong patunayan na kahit wala ang suporta at pera ni Lorcan ay kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Ilang beses pa nga akong pinagsabihan ni tita Hilda at tito Stevan na tanggapin ko ang mga binilin sa akin ni Lorcan pero ayaw ko. Ihahanda ko lang ang mga iyon para kay Daniel. Hindi naman kasi kami nakasal ni Lorcan at pakiramdam ko ay hindi dapat iyon. Hindi talaga. Pero iyon naman ang nakalagay sa last will ni Lorcan at nakatatak doon ang pirma saka ang thumbnail niya. Walang makaka-void no'n.
Nagtatrabaho pa rin ako, ako pa rin ang tumustos sa pag-aaral ko noon. Late pa akong naka-graduate dahil binalikan ko pa ang mga subjects na bumagsak ako. Pero sa awa ng diyos ay nakatapos din naman ako. Pagkatapos no'n ay nagtrabaho ako sa isa sa mga restaurant ni Raphael. Tapos nag-aral din ako ng culinary dahil doon talaga ako sasaya sa pagluluto.
"Clayton." Pagbaba ko ay nakita ko si Jhera na malaki ang tiyan. Oo buntis siya. Nabuntis ng walang ama, ewan ko sa babaeng ito.
"Hmm?"
"Saan ang punta ng anak mo?" tanong niya sa akin.
"Maglalaro lang daw d'yan sa court."
Hawak-hawak ni Jhera ang balakang habang naglalakad siya. Sobrang laki na kasi ng tiyan niya. At araw na lang ang bibilangin para manganak siya. Naalala ko noong araw na nalaman niyang buntis siya. Ngumuwa siya nang ngumuwa dahil hindi niya matanggap na nabuntis siya sa isang seks lang daw. Tapos hindi niya pa kilala ang ama ng bata dahil daw lasing siya nang may nangyari sa kanila at madilim din daw ang lugar na iyon. Pinagtangkaan pa niyang kunin ang bata dahil ayaw niyang magkaroon ng anak ng walang ama tulad niya. Buti nalang nadala siya sa mga payo at mga salita ni Esmeralda. Hindi raw niya kasi kayang buhayin ang bata ng mag-isa kaya ako na ang nagprisenta sa kanya na secure na ang pag-aaral sa anak niya hanggang college.
"Grabe Jhera ang laki na talaga ng tiyan mo, ano?" manghang saad ko. Hindi talaga ako makapaniwala sa liit na babae nitong si Jhera tapos parang limang kilo o higit pa ang laki at bigat ng tiyan niya. Ako tuloy ang nababahala at nag-aala sa kanya.
"Oo nga e. Malapit ring lumabas itong bubwit dito," sabi niya at hinihimas niya ang tiyan.
"Pwede ko bang hawakan?" tanong ko sa kanya.
"Aba, oo naman," ani niya at lumapit sa akin.
Nilagay ko ang kamay ko doon sa tiyan niya. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang paggalaw sa loob ng tiyan niya.
"Naramdaman mo iyon? Gumalaw, 'di ba?"
Tumango ako sa kanya.
Inalis ko ang kamay roon sa tiyan niya at umayos sa pagkakatayo. "Mas mabuti siguro Jhera kung h'wag ka ng gumalaw-galaw ngayon. Because anytime baka manganak ka na. At saka ihanda mo na rin ang kakailanganin mo sa panganganak mo." paalala ko sa kanya.
"Basta ang usapan ikaw ang ninong, ah."
"Oo naman."
Napahinga siya ng maluwag. "Mas mabuti na ikaw ang ninong Clayton dahil sigurado na ako na may matatanggap na regalo ang anak ko pasko-pasko at sa tuwing bday niya kasi yayamanink. " Natatawang wika niya.
Natawa na rin ako sa sinabi niya sa akin. Kahit kailan talaga ang babaeng ito.
"Sira ka talagang babae ka. Mag-matured ka na oi dahil may anak ka na." saad ko at tinuro ko ang malaking tiyan niya. Hindi siya nagpa-ultrasound dahil gusto niyang ma-surprise sa gender ng baby niya. Kaya iyong mga binili kong mga damit para sa baby niya ay unisex.
"Totoo naman talaga Clayton e. Kasi alam mo ba noon wala talaga akong natatanggap na nga bday gifts o mga christmas gifts mula sa mga ninang at ninong ko. Kaya tuwing pasko tutunganga lang ako noong bata pa ako." Pagkukwento niya sa akin.
Mga bandang alas onse ay umuwi na si Daniel na pawis na pawis pero nagawa pa akong yakapin at halikan.
"Daniel maligo ka na roon at magbihis para makakain ka na ng tanghalian."
"Yes, 'pa." Magiliw nitong untag at nag-jog papuntang ikalawang palapag ng bahay.
Mabuti na lang at lumaking masayahin ang anak ko. Pagkatapos noong muntik na akong masagasaan ni Raphael. Naisipan kong dalhin at ipakilala si Daniel sa ina niya. Sinabi ko sa kanya lahat ng nalalaman ko tungkol sa nanay niya. Hindi rin siya umiyak doon. Pero isang araw na lang ay niyakap niya ako at doon bumuhos ang luha niya sa akin. Umiyak siya dahil wala na ang ama niya at umiyak din siya dahil hindi man lang niya nakilala ang ina niya. Sinabi rin niya sa akin na ayaw daw niyang nahihirapan ako kaya ayaw niyang ipakita sa akin noon na mahina rin siya. Doon ko napatunayan na iba talaga mag-isip si Daniel. Siguro ay namana niya ito sa ama niya. Humanga ako na tanda niya pa lahat ng nangyari sa buhay niya noon.
"Clayton may tao sa labas hinahanap ka." tawag ni Esmeralda. Kahit na matanda na si Esmeralda ay patuloy pa rin siyang nagtatrabaho rito. Sinabi ko na sa kanya na papatirahin ko pa rin naman siya rito kahit na hindi na siya magtrabaho pa pero sabihan ba naman ako na pinapalamun ko lang siya at wala raw siyang sakit para hindi magtrabaho.
"Sino po?" tanong ko sa kanya.
Inismiran niya ako. "Aba'y malay ko? Ikaw ang hanap, e." masungit niyang wika sa akin.
Umalis si Esmeralda. Napabuntonghininga ako at nagdesisyong puntahan kung sinuman ang panauhin ko. Pagdating ko sa grand parlor ay nakita ko ang lalaking nakatalikod sa gawi ko at nakasandal sa kanyang itim na benz. Likod pa lang ng lalaking iyon ay nakikilala ko na kung sino siya.
"Joseff!" tawag ko sa atensyon niya. Lumingon siya sa akin saka binaba ang kanyang aviators. Agad siyang napangiti nang makita niya ako. Kinaway niya ang kanyang kamay sa akin.
Umangat naman ang gilid ng labi ko. Hahakbang na sana ako papunta kay Joseff nang may nagsalita sa likod ko.
"What's that guy doing here again, Papa?" Nilingon ko ang anak ko na basa pa ang buhok tapos nakakunot ang noo na nakatingin kay Joseff. Hindi lang kasi ito ang unang beses na nagawi rito si Joseff. Minsan ay hinahatid ako nito sa restaurant ko o di kaya'y siya ang naghahatid sa akin pauwi.
"He's here for me, anak." sagot ko sa kanya. At mas lalong lumukot ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Tumaas ang kilay niya saka binalingan ako.
"Is he courting you, Papa?" deretsong tanong ni Daniel sa akin. Napatanga ako sa tanong niya. Maliban kasi sa palaging paglabas namin ni Joseff ay wala namang ibang pinapapahiwatig siya sa akin ang lalaki. Lumalabas kaming dalawa ni Joseff, matagal na, siguro mag-iisang taon o taon na pero kahit kailan naman ay hindi sinabi ni Joseff na manliligaw o nanliligaw siya sa akin.
Sumulyap ako ng konti kay Joseff bago bumaling sa anak ko at nilapitan siya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Anak hindi siya nanliligaw sa akin. Magkaibigan lang kami." Nginitian ko pa siya para makasiguro.
"Really? He never said na nanliligaw o manliligaw siya sa iyo papa?" t
Tinapunan niya ng masamang tingin si Joseff. Komportable kaming nag-uusap dalawa dahil hindi naman kami naririnig ni Joseff sa layo namin.
Masuyo akong tumango sa kanya dahil iyon naman talaga ang totoo.
"Tskk! Wow! How stupid is he,.'Pa. That guy obviously like you. The way he looks at you, I know he likes you a lot. Besides, if he doesn't like you, he will not be here picking you up or sending you off home every now and then." Parang malaking tao na saad ng anak ko. Parang nakikita ko si Lorcan sa kanya.
"Anak, hindi naman siguro . . . .” I trailed.
"I'm betting my future here, 'Pa. One day, he will confess to you. I tell you that . . . .” masama pa rin ang tingin niya kay Joseff. "Go with him 'pa. I think he's waiting for you."
"Sige saglit lang anak, huh."
Nilapitan ko si Joseff. Mas lalong lumaki ang ngiti niya sa akin. Napaisip tuloy ako sa sinabi ng anak ko tungkol kay Joseff. May gusto nga ba ang lalaking ito akin?
"Why aren't you dressed-up? May lakad tayo ngayon, 'di ba? " ani ni Joseff. Saka ko pa naalala na niyaya niya pala akong manood ng car show ngayon. Nawala sa isip ko!
"Hala! Sorry Joseff nawala sa isip ko. Makakahintay ka ba kahit saglit lang? Magbibihis lang ako." wika ko sa kanya. And I apologetically smiled at him. He pinched my cheeks na kinagulat ko at niya. Agad niyang nabawi ang kamay. Napakamot siya sa ulo niya.
"Sorry, sige hihintayin kita rito sa loob ng kotse."
Nag-offer ako na sa loob siya maghintay pero tumanggi na siya.
"Papa, hindi ba tayo sabay mag-dinner later?" tanong ng anak nang pababa ako sa hagdanan, paakyat naman ito. Inaayos ko ang damit kong suot.
"Gusto mo bang sabay tayo?" Ginulo ko ang buhok niya nang makalapit ako sa kanya.
"Hmm, I want to." sagot niya sa akin.
"Sige uuwi ng maaga si papa at sabay na tayong kakain mamaya."
Pagkasakay ko sa benz ni Joseff ay humingi ulit ako ng paumanhin sa kanya. Masuyo niya naman akong nginitian. Bago kami makaalis ng mansyon ay kinawayan ko ang anak ko na kunot ang noo na nakatingin sa kotse ni Joseff.
Pagdating namin doon sa sinasabi niyang car show ay marami ng tao. May ilan akong nakikitang artista, politiko, at iba pang kilala sa kani-kanilang industriya. Hindi ko gamay ang mga ganito kaya sumusunod lang ako kay Joseff. Tumunganga lang ako sa tabi nito. Mayamaya ay siguro napansin ni Joseff ang pagkaburyo ko kaya inaya niya ako sa pinakamalapit na kainan doon sa ginanapan ng car show. Wala nga kasi akong hilig sa mga sasakyan.
Nagsalita siya habang hinihintay namin ang aming order.
"Hindi mo ba gusto ang ganong klaseng show?" may pag-aalinlangan sa boses ni Joseff.
" Sorry talaga Joseff wala akong kwentang kasama sa mga ganun. Hindi ko lang kasi hilig." I apologized.
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. Mabilis kong kinuha ang kamay ko at tinago iyon sa ilalim ng mesa. Ngumiti ng hilaw.
Kinuha niya rin ang kamay niya roon sa mesa. Hindi nakatakas sa mata ko ang pagdaan ng hiya at lungkot sa mukha niya. "It's okay. I should be the one who apologize I should consider your thoughts before bringing you here."
Natahimik kami nang damaing ang pagkain namin. Ako ay pinapakiramdaman si Joseff. Naging balisa ako simula nang sinabi sa akin ng anak ko na may gusto sa akin si Joseff. Mas naging sensitive tuloy ako ngayon. Hanggang sa matapos kaming kumain ay tahimik kami.
Nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Joseff pagkatapos niyang mag-powder room. Akala ko ay nakalimutan niya lang ang pwesto niya pero ang mas nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko na nasa aking hita.
"Clayton, I know we've been going out for a long time. And I am waiting for this moment to tell you that I like you, Clayton. I really like you so much. Even way back then in our college years. Please, can you give me a chance to court you?"
Hindi nagkamali ang anak ko. Tama ang anak ko. May gusto nga sa akin si Joseff. Nakanganga lang ako habang tinititigan si Joseff. Hindi ako makapaniwala na may gusto siya sa akin. At simula pa noong college kami?!
Bumalik ang isip ko sa reyalidad nang naramdaman ko ang labi ni Joseff sa labi ko. Dampi lang iyon dahil naitulak ko siya agad. Nasampal ko siya mukha dahil sa gulat ko sa kanyang ginawa.
How could he? How could he kiss me like that?
Naitakip ko ang dalawang palad ko sa aking bibig nang ma-realized ko ang ginawa ko sa kanya.
"So-sorry, Joseff. Sorry talaga nanggugulat ka kasi."
"No, it's okay," hilaw siyang ngumiti aa akin.
"J-joseff, tungkol doon sa s-sinabi mo . . . .”
"Wala akong chance?" Pagpapatuloy niya sa akin.
"Sorry, sorry talaga."
"Mahal mo pa rin talaga si Lorcan? Hindi mo pa rin ba siya nakakalimutan? What? It's been 5? Or 6 six years? Can't you still forget him? Clayton matagal ng patay ang taong iyon. You should find someone better. You deserve better. And don't restrain your feelings just because you feel obligated because of his son."
Napono ang utak ko dahil sa sinabi niya. Ginulo niya ang maayos kong pag-iisip. Pinataas niya ang presyon ng dugo ko kaya nasapak ko siya.
Wala siyang karapatang sabihin iyan sa akin. Sino siya para pagsalitaan ako ng ganun? I don't feel obligated of Daniel. I stay by his side and love him because I want to and he is my son. I stared at him as my own flesh and blood. God knows how much I treasure my baby.
Iniwan ko si Joseff doon at tumawag kay Ronnie na magpapasundo ako. Nawala na ako sa mood. Nangangati pa ang kamao ko. Gusto kong gulpihin si Joseff. Sinayang niya ang isang taong pagkakaibigan namin dahil sa makitid niyang utak. Kailanman walang makakapantay sa pagmamahal ko kay Lorcan. Kailanman hindi mapapalitan ng kahit na sino si Lorcan sa puso ko. Nakatatak na siya sa katawan ko. Literal dahil sa tattoo sa likod ko at nakatatak na rin siya sa puso ko. No one is better when it's not him. The one and only who owned me from the very beginning. My very own mafia boss. The mafia boss of my heart.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top