CHAPTER 43

Chapter 43

Clayton’s Pov

"CLAYTON anak," salubong sa akin ni tita Hilda nang tama namang nagising ako at papasok sila. Nandito kami sa resthouse nila ngayon. Nakasunod sa kanya si Tito na hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha.

Lumuluhang sinugod ako nang yakap ni tita. Tumayo ako at sinugod rin mahigpit na akap si Tita. Nawalan ako ng malay kanina at dito nila ako dinala. Pinagalitan pa ako ni Raphael dahil nalaman kasi nila na wala akong maayos na kain. Si Daniel ay kinuha na ni Colt sa mansyon.

Muli na naman akong umiyak. Ayaw kong tanggapin na wala na si Lorcan ang hirap. Sobrang hirap. Pina-test nila ang katawan ni Lorcan kung sa kanya ba talaga ang katawan na iyon at p*tang*na! Sa kanya nga.

"Sshh! Tahan na, anak." pag-aalo sa akin ni tita Hilda na umiiyak din.

"Clayton, anak." Tawag sa akin ni tito Stevan. Lumapit siya sa akin at ti-nap ang balikat ko. "Be strong, son."

Umiling ako. "H-hindi tito hindi po iyon bangkay ni Lorcan. Hindi pa po patay ang anak ninyo, hindi pa po patay ang boyfriend ko.  Hindi po sa kanya iyon," patuloy sa pag-agos ang luha ko. Pagod na pagod ako kakaiyak pero wala akong ibang magawa.

"Anak, magpakatatag ka. M-mahirap din sa amin ito. Nag-iisang anak n-namin si Lorcan. He's our unico hijo, but w-we must a-accept this. E-even if it hurts, we h-have to accept it na w-wala na siya. Na wala na ang a-anak ko, ang b-boyfriend mo."

Umupo kami ni tita. Si tito naman ay pumunta sa kusina. Pinalis ni tita ang luha sa pisngi niya. Pero kagaya ko ay patuloy rin sa paglabas ang luha niya.

"Alam mo ba na tumawag sa amin ang anak namin na magpo-propose siya sa iyo?" Magkahalo ang lungkot at ngiti ang binigay sa akin ni Tita. Kinuha niya ang kamay ko saka pinisil niya iyon.

"N-nasabi po s-sa akin nina Desmond," nauutal kong saad.

"We're very glad that finally our son decided to get married. We supported him to his decision. Do you know that I was the who choose his proposal ring? I choose that ring because I know you will love it and it will fit you well." Tita whispered and wiped her tears.

Dumating si Tito na dala ang isang pitcher at may dala rin siyang babasaging baso.

"Drink, hon. You said your thirsty earlier." si Tito at binigyan ng tubig si tita.

"You should also drink, son. You cried so much." Binigay sa akin ni tito ang isang baso ng tubig. Tinanggap ko iyon gamit ang dalawang kamay ko pero hindi muna ako uminom. Hawak ng dalawang kamay ko ang baso, binaba ko ito sa hita ko. Nakita ko ang repleksyon ko sa tubig. Parang kinagat ng ilang bubuyog ang mata ko sa pamumugto nito. Namumula din ang mata ko. Nakakatulogan ko ang pag-iyak ko. Ayaw ko nang umiyak. Nakakapagod na pero ang traydor kong luha ayaw magpa-awat.

Gusto kong maging matapang para sa sarili ko at para kay Daniel kaso hindi ko pa kaya. Kaya ngayon hinahayaan ko na ang luha kong tumulo nang tumulo dahil gusto ko nang matapos na ito. Gusto kong ibuhos lahat ng luha ko ng isang byahe lang para hindi na ako umiiyak mamaya, mamayang gabi, sa madaling araw, bukas at sa sumunod pang araw.

"It is also very hard for us to accept that our son died in this way, Clayton. But what can we do? It's his fate. Its God will." Tumingin ako kaya tito.

God's will . . . god's will. Bakit ganito? Alam ko hindi ako masyadong maka-diyos pero deserve ko ba talaga ang lahat ng ito? Karapat-dapat ko bang maranasan lahat ng ito? Ang sakit na walang makakapantay! Minsan lang akong umibig pero ito pa ang magiging ending. Minsan lang akong magmahal pero bakit ganito kasakit. Sa unang pag-ibig ko pa talaga.

Gusto kong tanungin ang diyos kung ano ang kasalanan ko kung bakit niya ako pinaparusahan ng ganito. Gusto ko siyang tanungin kung bakit hinayaan niya pa akong pasayahin saka naman ako sasaktan ng ganito. Ayaw ko mang kwestsunin siya sa tadhana na binigay niya sa akin pero sa nangyayari sa buhay ko ngayon . . . gusto ko iyong itanong sa kanya.

Gusto kong makarinig ng rason para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Dahil sa tingin ko maliit na lang ang kulang at mababaliw na ako. Mababaliw na talaga ako.

"P-papa!" Hindi ko namalayan na dumating na pala sina Colt at Daniel.

Hindi nilapitan ni Daniel ang kanyang lolo't lola nilamapasan niya lang ang mga ito at niyakap ako.

"Baby."

"Please don't cry, Papa. I know daddy is bad. He leaves us. He leaves me again. He leaves you, Papa. Daddy is bad. He is bad." sunod-sunod na wika ni Daniel sa dibdib ko.

Bumitaw ako sa yakap namin at tiningnan ko ang mukha niya. Nasasaktan ako sa nakikita ko sa mga mata ng anak ko. Puno iyon ng galit. Pighati. Pagkadismaya.

Sinuklay-suklay ko ang buhok niya. "Baby, hindi bad si daddy. Hindi gusto ni daddy na iwan ka. Love ka ni daddy kaya h'wag mong isipin na bad siya. Hindi rin gusto ni daddy na iwan ka." pag-aamo ko sa kanya.

Ramdam ko ang pighati ng anak ko sa pagkawala ng ama niya pero wala akong nakitang luha sa mga mata niya. Wala akong nakita kahit na nagbabadyang luha. Jusko!

"Baby, if you want to c-cry you can cry. You can cry on papa's arms," sabi ko sa kanya.

Walang emosyon ang mata niyang tumingin sa akin. "I don't want to cry, Papa. My eyes can't cry. There's no tears coming."

Ako ang naluha sa sinabi niya. Kinuha tita si Daniel at niyakap niya ang kawawang bata. Yumakap lang si Daniel kay tita at tito pero hindi ito umiyak. Tumayo ako at tumalikod sa kanila. Bumuhos na naman ang luha kong walang kapaguran.

Napatingin ako sa kamay na lumapat sa balikat ko. Tiningnan ko kung kaninong kamay iyon, kay Colt ang kamay na iyon. Niyakap niya ako. Umiyak ako sa balikat niya at mas lalo akong naiyak sa paghagod niya sa likod ko. As if he's saying that I can cry on his shoulders.

Hindi pinatagal nila tita at tito ang labi ni Lorcan. Kinabukasan din ay pina-cramate namin ang bangkay ni Lorcan pagkatapos ng funeral ceremony. Marami ang taong dumalo hindi ko na makilala ang mga iyon. Kaunti lang ang kilala ko sa mga taong dumalo. Si mama rin ay dumalo kasama si Alli at Harem. Syempre sina Jhera, Esmeralda, Ronnie at iba pang katulong sa mansyon ni Lorcan ay nando'n din. Nakiramay din si Jersey sa akin.

Buong araw ay kasama ko si Daniel. Hindi siya lumalapit sa iba. Kahit kina tita at tito. Kahit sa huling paalam namin ni Lorcan ay hindi talaga umiyak si Daniel. Malungkot lang ang mukha niyang tinitingnan ang kabaong ng ama niya.

Pagbalik namin sa mansyon ay parang ang laki ng nagbago sa bahay sa ilang araw lang na nawala ako rito. Ibang-iba sa pakiramdam. Mabigat.

Hindi man madali sa akin pero nagpatuloy ang buhay ko. Sinabi ni mama na kung nahihirapan ako rito sa bahay ni Lorcan ay umuwi daw muna ako at dalhin ko raw si Daniel doon. Baka raw doon madali kong makalimutan si Lorcan, dahil wala akong masyadong alaala ni Lorcan sa bahay namin. Pero nagkamali si Mama, kahit saang anggulo ng bahay namin ay naaalala ko pa rin si Lorcan. Kagaya lang dito sa bahay niya.

Sina tita at tito ay sinuportahan din sana ang desisyon ni mama pero ako ang tumanggi. Ayaw kong masyado akong iniisip ni mama. Dahil kapag nasa bahay ako araw-araw niya akong nakikitang malungkot at malayo ang iniisip. Hindi rin bumalik sa Russia sina Tita at Tito roon sila tumuloy sa kanilang mansyon.

Alam ko naman na lilipas din ang lahat ng ito. I just need time to heal and mend my heart and myself. Nagpatuloy ako sa pag-aaral ko. At bawat araw ay pinipilit kong maging maayos para kay Daniel na itinuri ko nang anak. Hindi man galing sa akin. Pero parang anak ko na rin siya.

To forget Lorcan, I try to do the things that I didn't did before. I did go to bar. Uminom ako. Nagpakalasing ako dahil baka kinabukasan pagkagising ko maayos na ang lahat na mawawala ang pangungulilang nararamdaman ko kaso wala rin, ganoon pa rin.

Biernes ng gabi ay inaya akong uminom ni Harem sa isang exclusive bar. Pinatulog ko lang si Daniel at umalis ng mansyon para pumunta sa sinabing bar ni Harem. Pagdating ko roon ay nando'n na si Harem na parang may tama na ng alak. May kasama siyang ibang lalaki na hindi ko kilala. Masaya akong nilapitan ng tipsy na si Harem at pinakilala niya ako sa mga tao kasama siya.

Umupo ako sa sofa roon at uminom din medyo nasasanay na ang katawan ko sa mga alak kakadalaw ko sa bar. Ang alak ang naging kaibigan at karamay ko gabi-gabi para makatulog lang ako.

Napapitlag ako nang may lalaking umupo sa tabi ko dala ang baso niyang may alak.

"You're new here?" tanong niya sa akin.

Ayaw ko man siyang pansinin pero ayaw ko namang maging bastos na kausap kaya nirespetuhan ko siya ng sagot.

"Ahm, oo." tugon ko at nilagok ang alak. Mabilis ang pagkalat ng init no'n sa lalamunan ko.

Hindi ko siya pinansin at nag-order ako ng isa pang baso ng isang hard cocktail, screwdriver. Nang maibigay sa akin ng bartender ang inumin ko na nakalagay sa isang high ball glass. Inabot ko iyon pero nabitin ako nang may naramdaman akong kamay na gumapang sa pwetan ko. Mabilis akong tumayo at sinuntok ang lalaking humipo sa akin.

"G*go! Ang sakit no'n, ah!" Galit na bwelta ng lalaki habang nakatingin sa akin at nakahawak sa panga niyang nasuntok ko.

G*go, walang pwedeng humawak sa akin maliban sa isang tao na hindi ko na kailanman makikita pa.

Sinugod niya ako ng suntok pero nakailag ako sa unang suntok niya kaso ang sumunod niyang suntok ay hindi ko nailagan kaya sumalampak ako sa sahig mabilis naman na naagaw namin ang atensyon ng mga tao roon.

Nilapitan ako ng lalaking humipo sa akin at inambahan ng suntok pero hindi iyon dumating sa akin.

"You b*stard!" bulyaw ni Colt atsaka sinuntok ang lalaki at sunod na sinipa sa tiyan. Agad namang lumipad ang lalaki sa isang table. Napatili ang mga tao sa table na iyon.

Nagulat ako nang may umalalay sa akin na isang lalaki na hindi ko kilala.

"F*ck! Colt stops that!" anang niya kay Colt. Pero hindi nagpaawat si Colt buti na lang at dumating ang mga bouncer.

"Anong ginagawa mo sa ganitong klaseng lugar, Clayton!!" sigaw ni Colt sa akin nang makalabas kami sa bar. Naiwan ang lalaking tumulong sa akin kanina na sa hula ko ay kakilala ni Colt.

"Anong klaseng tanong 'yan, Colt! Bawal na ba talaga ako sa ganitong lugar!" alma ko sa kanya.

Uminit na rin ang ulo ko.

"Even if! Tingnan mo na kung ano ang nangyari doon! Paano na lang kung wala ako sa lugar na iyon!" he shouted on the top of his lungs.

"P*tang*na! Colt . . . ." tumulo ang luha ko sa galit. "Sana hinayaan mo na lang akong mabugbog doon kung ganito ka man lang din. Mas mabuti na nga iyon, e. Mas mabuti na ngang mamatay din ako para matapos na itong paghihirap ko. Tang*na!" I thundered. I wipe the tears that trickled on my cheeks.

Kinuwelyuhan ako ni Colt na nanlilisik ang mata sa galit. "You punk! Ano? Gusto mong sumunod kay Lorcan? Iiwan mo rin si Daniel kagaya ng ginawa ng ama niya. Ano!!!?" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Ano!?" Niyugyog niya ako.

Hindi ako makapagsalita sa kanya. "You wanna die? I can pull a trigger to you. I'm willing to be a criminal for you." Nanghahamon niyang saad sa akin.

Tumulo ang luha ko.

"D*mn it! Move on, Clayton! Move on!" Sa sigaw niyang iyon ay napaigtad ang tenga ko.

Pagak ko siyang tinawanan habang tumutulo ang luha ko. "P*tang*na naman, Colt! Hindi mo ba nakikita na pinipilit kong mag-move on!? Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong kalimutan si Lorcan! G*go!" bwelta ko sa kanya.

"F*ck! Colt stops that," awat ng lalaki na tumulong sa akin kanina. "Are you nuts?" anang ng lalaki kay Colt.

"Are you okay?" tanong ng lalaki sa akin. Tumango ako sa kanya.

Hinatid nila akong dalawa sa mansyon. At sa mansyon ko na naalala na hindi pa pala ako nakakapagpaalam kay Harem. Kaya t-in-ext ko siya at binalik ang cellphone ko sa aking bulsa.

Sa sumunod na araw ay papauwi na ako at nilakad ko lang daan mula sa entrance ng Marcet Village patungo sa mansyon ni Lorcan. Hindi kasi nakakapasok sa Marcet Village ang mga sasakyang walang membership sa loob. Hindi ako nagpasundo. Kaya nag-commute lang ako.

Habang naglalakad ako sa sidewalk ay may napansin akong lalaki na naglalakad sa kabilang sidewalk. Wala sa isip akong tumawid sa kabila si Lorcan. Si Lorcan ang lalaking naglalakad sa kabilang daan. Pero hindi pa ako nakarating sa kabilang sidewalk nang may rumaragasang sasakyan ang paparating sa akin. Napako ang paa ko sa semento at hindi ako makagalaw. Naipikit ko ang mga mata ko at hinintay ang pagtama ng sasakyan sa akin.

"Dang it!" Napadilat ako dahil sa malutong na mura. Minulat ko ang mata ko. Nakita kong si Raphael pala ang may-ari ng sasakyang iyon. Bumaba ito sa sasakyan niya. Nilapitan niya ako.

"Are you having a death wish?" tanong niya agad sa akin. Tinalikuran ko siya at tumingin sa lalaki na parang si Lorcan. "Hey!" hinawakan niya ang kamay ko.

"Si Lorcan, Raphael." Natatawa na naiiyak kong wika sa kanya at tinuro ang lalaki na naglalakad.

"What?" Sinundan niya ang kamay kong nakaturo sa lalaking nakatalikod at naglalakad.

"D*mn it! Clayton! That's not Lorcan. Lorcan is dead."

"Hindi! Si Lorcan nga iyon." giit ko at binawi ko ang kamay ko sa kanya. Para puntahan ang lalaki. "Si Lorcan nga iyon."

"F*ck it! Hey you!!" sigaw ni Raphael kaya lumingon ang lalaki na may pagtataka ang mukhang hinarap kami ni Raphael. "See? He is not Lorcan. Lorcan is dead." ulit niya pa talaga.

Tama siya, hindi nga si Lorcan iyon. Niloloko lang ako ng mata ko. Niloloko lang ako ng isip ko, ng puso ko. Niloloko ko lang ang sarili ko. Dahil wala na nga si Lorcan. Wala na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top