CHAPTER 42
Chapter 42
Clayton’s Pov
NAKANGITI kong sinagot ang tawag ni Lorcan. Kagagaling ko lang sa MU at nagbibihis ako ngayon dito sa kwarto namin.
"Babe, can you turn on your camera?" tanong ni Lorcan sa kabilang linya.
Tinatanggal ko ang butones ng uniporme ko at ni-loud speaker ko lang ang cellphone ko na nasa bedside table. Tumigil ako sa pagbukas ng uniporme ko at pinulot ko ang cellphone.
"Naghuhubad ako ngayon, Lorcan."
Inipit ko sa tenga at balikat ko ang cellphone saka naglakad tungo sa walk in closet namin. Tuluyan ko nang nahubad ang uniporme ko. Kumuha ako ng bakanteng hanger at hina-nger ko ang uniporme ko.
"It's okay, babe. I wanna see you." Hinawakan ko ang cellphone at in open ko ang camera. Kumaway ako sa kanya sa camera. Ito ang pangalawang araw na nasa Rome, Italy si Lorcan. Bukas ang huling araw niya roon and the day after tomorrow na ang byahe niya.
"Are you seducing me, babe?" anito sa akin. Nakahilig siya sa isang railings. Hula ko ay nasa balcony siya ng hotel na tinutuluyan niya roon. Ipinakita niya kasi sa akin no'ng isang araw ang buong room niya nang dumating siya roon. Sinisigurado ko ring walang babae. Syempre biro lang, alam ko naman na hindi ako ipagpapalit ni Lorcan sa mga italyana o italyano pa 'yan. Sapat na ang briton at may pagka-tsinito na kagaya ko sa kanya.
"Sabi ko naman sa'yo na naghuhubad ako. Kakarating ko lang galing sa MU." tugon ko sa kanya.
Nilagay ko ang cellphone sa isang divider namin dito sa walk in closet saka tumalikod ako upang kumuha ng damit na maiisuot ko.
"Babe, can you wear my shirts please." Taas ang kilay ko na hinarap ang aking cellphone . Nakita kong nakangising aso si Lorcan.
"Ayaw ko nga! Ang lalaki ng mga damit mo nagmumukhang dress iyan kapag sinusuot ko." ang aking katwiran.
"But still it look hot on you." Kahit saan atang lupalop ng mundo ilagay itong si Lorcan ay manyak t malandi rin talaga.
Inikutan ko siya ng mata ko at sinuot ang damit na napili. Hindi ko siya sinunod sa gusto niya.
"Kumain ka na ba d'yan?" tanong ko sa kanya.
"Not yet. After this call I will eat my lunch," sagot niya sa akin.
"Sige h'wag mong kakalimutang kumain."
"I should be the one who's telling you that."
Kinuha ko ang cellphone at naglakad patungo sa kama at doon ako umupo.
"Wala ka bang ginagawa ngayon?"
"Hmm, mamaya pa magsisimula ang conference. I miss you, babe."
Napangiti ako. "Ako rin. Miss na rin kita, Lorcan."
"D*mn it. I wanna go back there. I miss your lips, I miss your scent, I miss your body, I miss everything about you, babe."
"Kaya dalian mo d'yan." nguso kong saad sa kanya.
"I love you, Clayton."
"I love you, Lorcan."
Nagtagal lang ng kalahating minuto ang pag-uusap namin ni Lorcan dahil kakain pa siya at maghahanda pa siya para sa conference. Tatawag na lang daw siya mamaya pagkatapos ng conference nila.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Pinuntahan ko si Daniel na nagtatampisaw sa pool kasama si Jhera na nag-ienjoy rin.
"Baby, tama na yan. Hapon na baka magkasakit ka."
"Papa!" malakas niyang sigaw.
Kumuha ako ng tuwalya na nando'n sa lounger. Naglakad ako papunta sa gilid ng pool malapit sa kanya. Hinalikan ko ang pisngi nito saka siya nilabas doon sa pool. Pinunasan ko si Daniel.
"Clay ako na," pagpiprisenta ni Jhera.
"Huwag na Jhera ako na rito. Magbihis ka na rin at pakihanda na lang ang table papakainin ko na si Daniel pagkatapos dito." utos ko sa kanya.
Mabilis naman na tumalima si Jhera.
"Papa, we'll call daddy po ba?" tanong ni Daniel habang pinupunasan ko ang buhok niya.
"Oo, kaya kakain ka na para later mag-uusap kayo ni daddy."
I hug him with the towel at dinala siya sa taas para bihisan.
"Papa, you'll not gonna leave me naman po, diba po." Hindi ko mapigilang mapangisi dahil sa paggamit niya ng 'po'. Pero nagtaka ako sa biglang tanong niya sa akin.
"Bakit mo naman 'yan nasasabi, babyOf course, hindi ka iiwan ni papa. Never." Diniin ko ang word na 'never'. May pangako ako sa nanay mo Daniel at 'di ko iyon bibitawan. At kahit na hindi iyon sabihin ni Lindsey ay wala akong balak na iwan ang batang ito.
"I didn't see my Mommy, Papa. And all I have is you and daddy that's why I don't want you to leave me like what my mommy did to me. And daddy did back then." Nakita ko ang lungkot at takot sa mukha niya.
Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Daniel. Ang bata niya pa para maranasan ang mga ganito. Bata pa siya pero iba na siyang mag-isip.
"Baby, hindi gusto ng mommy mo na iwan ka. Alam ko iyon." 'Kasi sinabi niya iyon sa akin.' Nais ko sanang idagdag iyan. "Saka hindi ka iiwan ng daddy mo. Love ka ni daddy kaya hindi ka niya iiwan."
"Do you love me, Papa?" Wala ng emosyon ang mukha niya ngayon.
"Oo naman. Love na love kita." Agad kong sagot sa kanya.
Hinawakan ko ang balikat niya at saka siya niyakap siya. Isa sa ayaw kong nakikita ay ang ganito si Daniel. Na parang ang bigat ng dinadala ng dibdib niya.
Kinagabihan ay nag-video call kami ni Lorcan at masiglang nakipag-usap si Daniel sa ama niya. Sasaya sana ako na nakita ko siyang ganito. Pero dahil sa sinabi niya sa akin kanina parang ayaw kong maniwala sa ipinapakita ngayon ni Daniel. Pakiramdam ko pinipiki niya lang iyong mga ngiting binibigay niya kay Lorcan. Ano nang nangyayari sa baby namin?
Pagkatapos mag-usap nila ni Lorcan ay pinatulog ko si Daniel. Nag-usap din kami Lorcan pero hindi ko binanggit sa kanya ang mga napapansin ko kay Daniel. Ayaw kong mag-alala siya habang nasa malayo siya. Sa makalawa ay uuwi na rin naman siya kaya sa pag-uwi ko nalang ito sasabihin sa kanya. Nasasaktan ako para kay Lorcan. At nasasaktan din ako para kay Daniel. Ayos naman sila pero dahil sa fear ni Daniel parang may invisible barrier sa pagitan nilang mag-ama.
Sa sumunod na araw ay excited ako dahil uuwi na si Lorcan at nakikita ko rin na masaya si Daniel. Sana totoo iyong nakikita kong ngiti niya. Sabi ni Lorcan darating daw siya ng 5 pm dito. Kaya nakapaghanda pa ako pagkadating ko galing sa school. Hindi muna ako kumain kasi gusto ko na sabay kami. Bandang alas sais ay hindi pa rin dumating si Lorcan kaya pinakain ko na lang si Daniel. Tulala si Daniel habang sinusubuan ko siya. Kapag tinatanong ko siya ay doon lang niya ako sinasagot. Nagtatampo na naman ito sa ama niya. Dapat kasi hindi ko na lang sinabi sa bata na sabay kaming kakaing tatlo. Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit naging matamlay si Daniel.
Inutusan ko si Jhera na ligpitin muna ang mesa. Hindi pa ako kumakain dahil hihintayin ko si Lorcan. Baka na traffic lang iyon or na delay ang flight. Kaya minabuti kong ipaligpit muna ang mga pagkain saka ko na lang iinitin iyon pagdating ni Lorcan.
Sa salas ako naghintay kay Lorcan. Hanggang sa nakatulog ako kakahintay sa kanya.
"Clayton, kumain ka muna at doon ka sa kwarto ninyo matulog, h'wag dito." Ginising ako ni Esmeralda.
"Hindi po, dito lang po ako. Hinihintay ko po kasi si Lorcan ngayon kasi ang dating niya." saad ko at bumangon sa sofa. Hindi ko mawari kung bakit ako kinabahan bigla. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Sige kung 'yan ang gusto mo pero kumain ka na alas diez na nang gabi. Maghapunan ka na." Napatingin ako sa malaking wall clock. Alaz diez na nga pero, bakit wala pa rin si Lorcan?
Tiningnan ko ang cellphone ko pero wala naman akong natatanggap na message galing sa kanya. Sinubukan kong tawagan siya pero hindi ko naman ma-contact ang cellphone niya.
"Kakain po ako mayamaya hihintayin ko lang po ng ilang sandali si Lorcan." saad ko kay Esmeralda. Bumuntonghininga siya at iniwan ako.
Ilang minuto ang nakalipas ay may narinig akong mga tunog ng sasakyan kaya mabilis akong tumayo at tumakbo palabas. Kumunot ang noo ko nang makita ko sina Rap, Desmond, Colt at Laszlo. May kanya-kanya pa silang sasakyan.
Nagkatinginan sila nang makita akong nasa grand parlor. Napatingin sila sa isa't isa bago naglakad papasok. Tiningnan ko kung meron pa bang susunod. Baka kasi nahuli si Lorcan. Pa-espesyal pa naman iyon minsan.
"Colt si Lorcan?" Alam ko naman na si Lorcan lang ang pumunta sa Italy pero baka sila ang sumalubong kay Lorcan sa airport.
"Pumasok muna tayo, Clayton." seryosong saad niya sa akin.
Iba ang nararamdaman ko sa kanila ngayon. Kung seryoso silang mga tao nang makilala ko sila ngayon ay mas sumeryoso pa sila. Ramdam na ramdam ko ang madilim nilang awra.
"Bakit nandito kayo? Gabing-gabi na." Binasag ko ang katahimikan sa amin nang makaupo na kami sa sala.
"Ahmm, hinihintay niyo rin ba si Lorcan? Nako hindi pa nga dumadating e. Hinihintay-"
"Did you watch the news?" biglang singit ni Raphael sa tabi na kinaputol ko.
"A-anong news?" nauutal kong tanong. Ewan kung bakit ako nauutal e, nagtatanong lang naman si Raphael. Bakit ako tinatanong ng balita nitong si Raphael? "Hindi talaga kayo nanood ng news?"
"Deretsuhin mo na ako, Raphael. Anong nasa news?"
Litong-lito ako. Pumunta lang ba sila rito para maki-tsika tungkol sa balita sa TV.
"There's a plane crashed."
Kumabog ang puso ko sa sinabi ni Raphael. Isa-isa ko silang tiningnan nag-iwas sila ng tingin sa akin. Maliban kay Raphael na walang awa akong pinupukol ng matatim niyang tingin.
Huminga ako ng malalim sa gitna ng paninikip ng dibdib ko.
"A-ano naman kung meron."
"Have you ever wondered why Lorcan is still not home?" tanong niya sa akin.
Ayaw ko na sa mga lumalabas sa bibig nitong si Raphael.
"Na traffic lang iyon," matigas kong saad.
"You already have a hunch, yes?"
Napatayo ako dahil sinasabi niya. Napipikon na ako. Ayaw ko na talaga sa mga pinagsasabi niya.
"Kung wala kang mabuting sasabihin umalis ka dito!" Galit kong tinuro ang napakaluwag na pintuan. Kusang tumulo ang luha sa isang mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa galit na nararamdaman ko.
"Clayton . . . .” si Colt na namumula ang mata.
"Ano?" Naiinis ko nang tanong.
"Lulan ng eroplanong nag-crash si Lorcan, Clayton. Ayaw rin naman namin nito. Hindi rin namin matatanggap ito ng madali pero malaki ang posibilidad na wala na si Lorcan." mahinang saad ni Laszlo.
"A-a-ano?" pumipiyok kong tanong at parang talon ng tubig ang mata ko sa luhang lumalabas dito.
"Ang eroplanong nag-crash ay isang pribadong sasakyang panghimpapawid na pagmamay-ari ni Lorcan, Clayton."
"So, ibig ninyong sabihin wala na si L-lorcan? D-dahil nag-crash ang eroplanong iyon. B-baka sumakay lang si Lorcan sa isang public airplane." pagrarason ko. Ayaw mag-sink sa utak ko ang ideyang sakay si Lorcan doon sa eroplanong iyon. At wala na siya.
"Sasabihin ba natin sa kanya?" rinig kong tanong ni Desmond sa katabi niyang si Laszlo.
"Anong sasabihin? Sabihin mo na Desmond, kung may gusto kang sabihin sa akin!" galit kong wika. Pilit kong pinupunasan ang pisngi ko.
Humugot ng malalim na hininga si Desmond. "Ang totoo n'yan Clayton m-may planong magpropose si Lorcan sa'yo. Kung sinabi niyang alas singko ang dating niya rito. Ang totoo n'yan ay alas kuarto ng hapon ang dating niya. Ginamit niya ang private plane para madali siyang makauwi rito sa Pilipinas. Plano niyang magpropose sa'yo sa La Union, doon sa rest house na pinuntahan natin noon. Actually, kaming lahat . . . .” tiningnan niya ang mga kaibigan niyang naka-tux. "Kaming lahat ay galing pang La Union. Kami ang nag-set up nang lahat ng kailangan ni Lorcan sa proposal niya sa'yo pero nakatanggap kami ng balita na ang private plane ni Lorcan ay nag-crash. Hindi pa namin alam ang lahat ng nangyari pero basi sa nalaman namin ay sumadsad daw ito bago sumabog."
Sa pangangatog ng tuhod ko ay sumalampak ako sa sahig. Nawalan ng lakas ang buong katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ito pwede. Hindi ito maaari! Panaginip lang ito. Pinagsasampal ko ang mukha ko baka sakaling magising ako sa napakasamang panaginip na ito.
Nagulat ako nang may biglang humawak sa dalawang kamay ko, dahilan kung bakit napatigil ako sa pagsampal sa aking mukha. Hindi ko na maramdaman ang mga sampal ko sa aking mukha. Dahil ang sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon ay walang kapantay.
"Clayton stop hurting yourself." May riing pigil ni Colt sa akin.
"Hindi." Umiling ako. "Buhay pa si Lorcan. Alam ko 'yan. Wala pang bangkay niya kaya hangga't wala ang bangkay niya . . . .” hindi ko matapos ang sasabihin ko hindi ko kayang magbitaw ng ganoong salita lalong lalo na kay Lorcan. Hindi ito maaari.
"Pupunta kami roon sa pinagsabugan ng eroplano, nauna na ang mga tauhan namin. Pumunta lang kami rito para ipaalam sa iyo ito." ani Raphael.
"S-saan iyan?" Pagtutukoy ko kung saan ang lugar na sumabog ang eroplano.
"Malapit sa paraoir manmade forest sa Balaoan," sagot ni Laszlo.
"S-sasama ako . . . .” anang ko at sinubukan kong tumayo.
"Maiwan ka rito, Clayton. Walang maiiwan kay Daniel. Hahanapin ka n'on. Huwag kang mag-alala kapag nakita na namin ang katawan ni Lorcan, kapag nakompirma na namin, babalitaan ka namin. Pakiusap Clayton magpakatatag ka at h'wag mong iwan si Daniel." Mas napahagulhol ako dahil sa sinabi ni Colt sa akin. Si Daniel. Papaano ko ito sasabibin sa kanya? Anong gagawin ko? Nababaliw na ako. Hindi ko na alam kong ano ang dapat kong gawin.
Umalis ulit silang upat at naiwan akong mag-isa. Napatingala ako sa napakataas na ceiling ng bahay at yumuko ulit saka umiiyak nang umiyak.
"Papa?" Mabilis kong binalingan si Daniel na nakahawak ang kamay sa railings ng hagdanan, nasa huling baitang na siya. Kailan pa siya dyan?
"Why are you crying, Papa?" Lumapit siya sa akin saka ako niyakap. "Papa, stop crying. Did you fight with daddy?" saad niya habang yakap-yakap ako. Sana nga nag-away na lang kami ni Lorcan. Pero hindi, e. "Don't worry papa, daddy is our enemy na." Pag-aalo pa ng bata sa akin. Kinagat ko ang labi ko at tumingala na para bang sa paraan na iyon ay hindi tumulo ang luha ko pero ako lang ang nadismaya.
Binalik ko sa kwarto si Daniel at pinatulog ulit. Tinabihan ko siya pero hindi ako makatulog. Iyak lang ako nang iyak. Ayaw kong umiyak kasi baka pati si Daniel ay umiyak na rin pero kusang tumutulo ang luha ko. Nakatagilid lang ako at pinagmamasdan si Daniel na natutulog habang ang luha ko ay parang may sariling isip na lumalabas sa mga mata ko.
Kinabukasan ay dumating si Laszlo sa bahay at sinabi niya sa akin na may na-recover daw silang tatlong katawan ng tao. Sinundo ako ni Laszlo dahil may nakita rin daw silang mga bagay na maaaring alam ko raw. Iniwan ko saglit si Daniel kay Jhera sa mansyon. Wala akong hapunan kagabi at ngayon ay isang subo lang ng kanin ang nakain ko dahil hindi ko nalulunok ang mga pagkain.
"Clayton, magpakatatag ka." ani Laszlo pero minabuti kong h'wag nang magsalita dahil baka bumuhos na naman ang luha ko. Pinikit ko ang nanghahapdi kong mata saka pinisil ang nanginginig kong kamay.
Sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Laszlo kaya mas madali kaming nakarating sa Balaoan kaysa usual na byahe.
"Alam na ba ito ni tita Hilda ito?" tanong ko habang bumababa sa sasakyan.
"Yes, kagabi namin pinaalam sa kanila. By now, nasa byahe na iyon pauwi rito." sagot niya.
Naglakad pa kami ng ilang metro bago nakarating sa parang may mga tent ding tinayo. Maraming tao, may iba ring mga rescuers din. Binigyan ako ni Laszlo ng face mask at sinuot ko iyon. Ginaya ako ni Laszlo sa isang tent, nasa loob sina Rap, Desmond, at Colt. Awtomatik na napaatras ang paa ko nang makita ko ang mga katawan na nakahilera. Napatakip ako sa bibig ko na may face mask. Hindi na makilala ang katawan dahil sunog na ito.
"S-sino ang mga 'to?" tanong ko sa kanilang apat.
"Clayton may mga nakuha kami sa katawan nilang mga accessories. Tingnan mo kung may pamilyar ba sa'yong accessories d'yan." wika ni Desmond.
Binalik ko ang mata ko roon sa mga katawan. Sa uluhan nila ay nando'n ang sinasabi ni Desmond na mga accessories na recover nila. Naglakas loob akong lapitan ang mga iyon.
Napakapit ako sa taong pinakamalapit sa akin nang makita ko ang pamilyar na kwintas. Ang couple necklace namin ni Lorcan. Nailing ko ang ulo ko.
Inabot ko ang necklace dahil baka kapareho lang pero hindi, e. Kay Lorcan talaga iyon. May initial ko iyon. Niyakap ko ang necklace saka humagulhol ng iyak. Tinanggal ko ang face mask ko.
"H-hindi!!! Hindi 'to maaari, Lorcan!!" sigaw ko.
Narinig ko ang mura nilang apat at ang pagtawag nila sa pangalan ko. Pero namanhid na ang katawan ko, namanhid ang buong pagkatao ko. Hanggang sa unti-unti lumabo ang paningin ko at wala na akong marinig sa paligid ko. At tuluyan ng bumagsak ang katawan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top