CHAPTER 40
Chapter 40
Clayton’s Pov
"CLAYTON, sorry. I'm so sorry." Nangingiyak na hingi ng tawad sa akin ni Jersey.
Nandito kami ngayon sa canteen ng ospital. Patungo na kasi sana ako ng hospital room ni mama nang dumating si Jersey. Inaya niya ako rito sa canteen ng ospital para daw makapag-usap kami.
"Clay, naipit lang din ako noon. Kailangan ko rin kasi ng pera at nando'n si Sir Lorcan. Inalok niya ako ng pera kapalit no'ng pagsabi ko sayo about sa trabaho. Hindi ko talaga intensyong lokohin ka ng ganito, Clay. Alam ko galit ka siguro ngayon dahil sa ginawa ko sa'yo. H'wag kang mag-alala tanggap ko iyon at maghihintay ako hangga't mapatawad mo ako."
Huminga ako ng malalim. Si Jersey ay isa lang sa mga taong ginamit lang din ni Lorcan upang makamit niya ang gusto niya. Ang kagustuhan ni Lorcan na makapaghiganti kay Christiano. Napatawad ko nga si Lorcan na siyang grabe ang ginawa sa akin. Si Jersey pa kaya ang hindi ko kayang patawarin? Oo, nagalit ako sa kanila pero ayaw ko kasing ikulong ang sarili ko sa ganito. Ayaw kong mapuno sa galit ang puso ko. Ayaw kong magtanim ng galit sa puso ko. Kaya sa huli ay pinatawad ko rin si Jersey. Nagpaalam din siya sa akin na aalis pala siya ng bansa dahil may nakuhang trabaho ang magulang niya sa ibang bansa at doon na raw sila titira
Nasa sasakyan kami ni Lorcan, pauwi sa bahay nmin ni Mama. Ako ay nasa shotgun seat habang si mama Ellen naman ay nasa likod. Nakita ko na hindi maipirmi ni Lorcan ang mata niya sa daan. Panay ang sulyap niya kay mama sa likod. Hindi naman nakasama si Daniel dahil sumama siya kina tita Hilda at tito Stevan sa mansion nila. May sariling mansyon kasi ang mga magulang ni Lorcan.
Kaka-discharge lang kasi ni mama ngayon tapos nagpresenta si Lorcan na siya na ang maghahatid kay Mama sa bahay. Nabanggit sa akin ni Lorcan na nakausap at nagkakilala na pala sila ni Mama no'ng dumalaw siya kay Mama. Nakiki-tita na rin si Lorcan sa mama ko.
Napangisi ako nang makita kong pinagpapawisan si Lorcan sa kabila ng aircon sa sasakyan. Ako rin naman ay kinakabahan. Nakapag-usap na kasi kami ni Lorcan at nakapagdesisyon kami na magpapakasal kami. Haha! Syempre biro lang 'yan. Napagdesisyonan namin na ngayon namin sasabihin kay Mama ang tungkol sa relasyon namin.
"Lorcan, ayos ka lang ba?" tanong ko nang makita ko ang pawis niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na punasan ang pawis niya. Ang lamig ng pawis ni Lorcan. Nininerbyos ata.
"I'm okay ba- Clayton." Muntik na niya akong tawaging babe.
Kahapon ay umuwi ako sa bahay dahil nga lalabas na si Mama sa ospital pagkatapos ng ilang buwan niyang pananatili sa ospital. Naglinis ako sa bahay at pinasamahan din ako ni Lorcan ng iilang mga katulong para tulungan ako. Bumili na rin ako ng mga groceries.
"'Bat ang tahimik ninyong dalawa d'yan." Mamaya ay komento ni mama. Napansin din ni mama ang di namin masyadong pag-uusap ni Lorcan.
"Ah, hehehe, wala lang 'ma."
Tipid naman na ngumiti si Lorcan. Nanginginig ang mga labi niya.
Pagdating sa bahay namin ay si Lorcan na rin ang nagdala sa iilang gamit ni Mama papasok sa bahay. Actually, may personal nurse na h-in-ire si Lorcan para kay mama. Mamaya raw ay darating na iyon.
"Nako maraming salamat sa'yo, Lorcan." pasasalamat ni mama kay Lorcan. Nang makapasok na kami sa bahay.
"W-walang anuman po iyon, T-tita." Nauutal na saad ni Lorcan.
"Nako na-miss ko itong bahay natin. Pakiramdam ko ay ilang taon ako sa ospital." Masayang wika ni mama.
"Mama, magluluto lang po ako ng tanghalian natin."
"Hala, oo nga pala." si Mama at binalingan si Lorcan na abala ang mata sa mga naka-hang na mga picture frames. "Lorcan, hijo kung wala kang gagawin. Dito ka na kumain." pag-alok ni Mama kay Lorcan.
"S-sige po."
"Alam mo ba Lorcan na magaling magluto iyang anak ko." pagkukuwento ni mama kay Lorcan.
"Oo-I mean talaga po?" Napangiti ako dahil nnaginginih ang boses ni Lorcan.
Iniwan ko na si Lorcan at si Mama doon sa maliit naming sala at pumunta ako sa kusina namin. Mabuti na lang talaga at nakapag-grocery ako. Hinanda ko na ang mga sangkap para sa pagluluto ko pagkatapos kong magsaing ng kanin. Ginataang manok lang ang lulutuin ko.
At habang nags-slice ako ng mga rikados ay napaigtad ako nang may yumakap sa bewang ko.
"Lorcan," bulong kong sita sa kanya. "Si mama baka-"
"Shushh, she went to her room."
Hinarap ko si Lorcan. "Sasabihin ba talaga natin ngayon kay mama?"
"It's up to you. I can still wait till you're ready to tell your mom."
"Kinakabahan lang naman kasi ako."
"Don't worry. I'm here." sabi niya at hinalikan ang labi ko.
***
Nabibingi ako sa katahimikan habang kumakain kami. Tanging tunog lang ng mga kobyertos ang naririnig ko. Napapraning na siguro ako pero iniisip ko na pinapakiramdaman lang kami ni mama. Pakiramdam ko ay binabantayan ni mama ang kilos namin ni Lorcan.
Hindi ko alam kung paano namin nalampasan ang tanghalian namin. Tinulungan ako ni Lorcan na maghugas ng mga pinagkainan namin kahit na hindi naman siya marunong. Nag-aaksaya lang siya ng tubig!
"May sasabihin ka ba Clayton?" anang ni mama. Magkaharap kami ngayon dito sa maliit naming tanggapan. "Lorcan?" Tumingin si Mama kay Lorcan. Naramdaman ko na ang kabang nararamdaman kanina ni Lorcan dahil pinagpapawisan na din ako ng malamig ngayon.
"M-ma, kasi, kasi a-ano . . . .” hindi ko ata kayang sabihin kay mama.
"Ano'ng ano, Clayton?" Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa harap ni mama. Ang hirap lang kasi dahil noon pa man ay babae na ang gusto ni mama para sa akin. Tapos ngayon heto ako lalaki ang karelasyon. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Magsisimula ba akong sabihin kay mama na wala akong interes sa mga babae o sasabihin ko na may nobyo ako.
"Tita-" nagsalita si Lorcan. Akala ko ay siya na ang magsasabi kay mama kaya hinawakan ko ang kamay niya. Gusto ko kasing ako ang magsabi kay mama. Nakita ko ang mata ni mama na nakatingin sa kamay namin ni Lorcan, kaya binitawan ko iyon.
"M-ma, mama kasi-"
"Na ano Clayton? Na hindi mo lang kaibigan si Lorcan?"
Napalunok ako sa sinabi ni mama.
"Mama."
"May magkaibigan ba na lalaki tapos naghahalikan at nagyayakapan ng kagaya sa inyo?" Walang emosyong saad ni mama. Napayuko ako nang maramdaman kong uminit ang sulok ng mata ko. Alam kong mangyayari 'to hindi kami matatanggap ni mama.
"Tita, we're sorry. We're sorry for keeping our relationship a secret. Gusto lang po ni Clayton— namin ni Clayton na sabihin sa inyo kapag maayos na po kayo kaya nilihim po namin ito sa inyo. Hindi po namin intensyong ilihim ito ng matagal sa inyo. At seryoso po ako sa anak ninyo. I love him po. I love your son, tita." matapang at pormal na wika ni Lorcan.
"Clayton, wala ka bang sasabihin sa akin." si mama.
Pinalis ko ang luha saka inangat ang tingin ko kay mama. "Mama, sorry po. Sorry po 'ma. Alam ko po na noon pa man po ay ipinapares n'yo na ako sa mga babae pero ma wala talaga akong interes sa mga babae. At, oo n-nobyo ko po si Lorcan m-matagal na po. Totoo po ang sinabi ni Lorcan na wala po kaming intensyon na ilihim po ito sa inyo. Natatakot lang ako na baka hindi niyo po kami matanggap. Natatakot po ako na baka hindi niyo po ito matanggap. Mama, mahal ko po si Lorcan. 'Ma sana-" napatigil ako nang bigla akong niyakap ni mama.
"Hay! Dapat ay sinabi mo ito kay mama. At bakit naman hindi kita matatanggap. Anak kita at ikaw lang iyong masasabi kong pag-aari ko, anak. Kaya kahit ano ka pa ay tatanggapin kita. Tatanggapin kita ng buong-buo." Bumaling si mama kay Lorcan sa tabi ko. "At syempre tatanggapin ko kung sinuman ang gusto ng anak ko. Ma-lalaki o babae man."
"Thank you! Thank you so much, Tita." saysay ni Lorcan at halos luhuran si Mama sa tabi ko.
"Hay! Pwede mo akong tawaging mama rin Lorcan. Para dalawa na rin ang anak ko." Masayang wika ni mama na agad namang sinang-ayunan ni Lorcan.
"So, m-mama, ahm, Clayton and I are living together in my house. Actually, from the very beginning po."
"Ayos lang 'yan sa akin. Hahaha! Hindi naman nabubuntis ang anak ko, e." biro ni mama na kinapula ko. "Basta tapusin mo ang pag-aaral mo, Clayton. Saka mahiya ka rin kay Lorcan. May natapos na iyong tao tapos ikaw wala."
"Oo naman po!" alma ko.
"It's okay actually, 'ma. Mabubuhay ko po si Clayton kahit wala po siyang natapos. Kahit na maupo lang po siya sa bahay ko ayos lang." paggatong naman ni Lorcan kay mama.
"Pero, salamat 'ma dahil tanggap niyo po kami at iyong pagkatao ko po." seryoso kong saad kay mama.
"Alam mo ba Clayton na kaya kita nirereto sa mga babae noon kasi noon pa man ay napansin ko na nailap ka sa mga babae. Kaya may kutob na ako na ganyan ka. Hindi na ako nagulat sa sinabi mo ngayon. Saka ina mo ako galing ka sa akin. Kaya alam na alam kita. At napansin ko rin ang paraan ng pagtingin mo kay Lorcan, sa paraan ng pag-alaga mo sa kanya."
Tiningnan ni mama si Lorcan. "Ikaw Lorcan. Gwapo kang lalaki, may tindig, at idagdag pa na mayaman ka maraming babae ang maghahabol sa iyo. Pero sana manatili kang tapat sa anak ko. At sana iyang sinasabi mong pagmamahal ay totoo iyan."
"I already said it many times, 'ma. But when I said I love Clayton. I really meant it. I will love him forever. I promise you that, 'ma." feel na feel na talaga ni Lorcan ang pagma-mama niya kay mama Ellen.
"Dapat lang Lorcan. Alam mo bang iyakin itong anak ko?"
"Alam ko po, 'ma."
"Alam mo bang magaling magluto itong anak ko?"
"Alam ko po, 'ma."
"Alam mo bang masarap ding mag-alaga ang anak ko?"
"Oo 'ma alam ko 'yan. Sobrang sarap po magmahal ng anak ninyo." May halong tuksong ani ni Lorcan. Malandi!
Ayon. Ako ang nasa gitna nila ni mama at silang dalawa lang ni Lorcan ang nagsasalitan ng tanong at sagot. Para na akong naging hangin sa pagitan nilang dalawa.
Kung walang kumatok sa pintuan namin ay hindi matitigil si mama at si Lorcan sa pagsasalitan ng salita. Ako na lang ang tumayo at bumukas sa pintuan. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng babae na bagong dating. Matagal na ang huli kong kita sa kanya pero hindi ko pa rin siya makakalimutan. Si Allison. Iyong dating nurse ni mama.
"Clayton, grabe ang ganda mo talaga." barakong saad ni Alli saka niyakap na naman ako. Para talagang lalaki ang galawan ni Alli.
"Alli,"
Isang malakas na tikhim ang nagpahiwalay sa amin ni Alli.
"Ay sir. Allison Madrigal po. Alli for short." Nilahad ni Alli ang kamay kay Lorcan. Tinanggap naman iyon ni Lorcan.
"Oy, Alli, anong ginagawa mo dito?" sumingit si mama saka binaba ang tingin sa dalang maleta ni Alli.
"Haha, tita Ellen ako po ang personal nurse ninyo."
"Huh?" gulat na sambit ni mama.
"Ma, she's your personal nurse. I hired her so that their's someone professional who can look for you if Clayton is not around." paliwanag ni Lorcan kay mama. Tumanggi si Mama dahil wala naman kaming pangsuweldo kay Alli pero inako na iyon ni Lorcan. Matigas si Mama at ayaw talaga pero sa huli ay napapayag ito ni Lorcan dahil bayad na pala si Alli for one year.
"Naku, Lorcan. Hindi mo kailangang gawin ito. Hindi naman ako bata para-"
"It's for your own good, 'ma. Just accept it na lang po."
"Hay! Sige na nga."
Sa pagbabalik ko sa skwela ay akala ko d-in-rop na ako dahil sa dami na ng absent ko pero mabuti't hindi naman. Madami lang akong hahabuling quizzes, exams at mga projects. Mabuti na lang din talaga at nandirito si Alli para kay mama. At naiintindihan naman ni mama na marami akong ginagawa sa para sa pag-aaral ko. Bumalik sa dati ang buhay ko. Iyong buhay na wala akong pinoproblema kundi ang klase ko lang. Hindi na rin ako bumalik pa sa part time job ko sa Lattea dahil hindi pumayag si Lorcan. Humanap ako ng kakampi, si mama pero kampi na pala siya kay Lorcan. Pero doon naman ako nags-study at gumagawa ng mga assignments at projects ko sa Lattea. Maya'maya rin ang pagpunta ko sa mansyon ni Lorcan hindi lang dahil kay Lorcan kundi pati na rin kay Daniel. Bumalik na kasi sa Russia ang sina Tita at Tito.
"Papa!" Pagbukas ko ng pintuan isang gabi ay si Daniel ang bumungad sa akin na umiiyak. Nakaternong pajama ito halatang handa ng matulog. Nakasunod nito na si Lorcan na naka-sweat pants, sleeveless shirt na kulay puti at pinatungan lang ng cardigan at saka naka-tsinelas pang bahay lang din si Lorcan pero ang lakas ng dating. Ang lakas ng dating ng boyfriend ko.
"Lorcan, anong nangyari sa bata?" tanong ko rito at kinarga si Daniel. Hinagod ko ang likod nito, sinusubukang patahanin sa pag-iyak.
Pinatuloy ko sila.
"He cannot sleep and he's looking for you." pagod na saad ni Lorcan at hinilot ang ilong niya.
"Kanina ba pa ito umiiyak?"
"Yeah, I try to cheer him up, but he still wants you. Ayaw ko sanang pumunta rito dahil alam kong natutulog na kayo pagdating namin, but Daniel is so stubborn you know him."
'Oo, kagaya niya stubborn.'
Inaya kong maupo si Lorcan.
"Papa, why don't you go home with us? Please, go back to our house, Papa." si Daniel na nasa kandungan ko.
"Daniel, behave you know your papa cannot-"
"NO! I WANT PAPA!" Napahilamos si Lorcan sa palad niya at namumula na.
"Oh, Clayton?" Si mama na lumabas galing sa silid niya kasunod niya si Alli. Nagising ata.
"Ma,"
"Good evening, 'ma." Tumayo si Lorcan at nagmano kay mama.
"Jusko! Gabing-gabi Lorcan bumyahe ka? At ito ba ang anak na sinasabi mo?" Pagbaling ni Mama kay Daniel.
Nabanggit kasi ni Lorcan si Daniel kay mama at ako rin naman pero ngayon lang niya ito nakita sa personal. Lumapit si mama sa pwesto ko.
"Papa, daddy, who is she?" tanong ni Daniel. Pinunasan ko ang luha nito.
"She's your papa's mother, Daniel." sagot ni Lorcan sa at umupo sa ibang sofa.
"So, she is my other grandma?" inosenteng tanong ni Daniel.
"Oo, grandma mo rin siya, baby."
"Wow!" Lumiwanag ang mukha ni Daniel. "I have a lot of grandmas."
Kinuha ni mama si Daniel sa akin at agad naman na lumapit si Daniel kay mama.
"Bakit umiiyak ang apo ko?"
"Grandma, I just miss my Papa. I want papa in our house, grandma." pagpapaawa ni Daniel kay mama.
"Gusto mo na roon ang Papa mo sa inyo?" Pagkakausap ni Mama sa bata.
"Yes, grandma."
"Pero nand'yan naman ang daddy mo." Tumingin pa si mama kay Lorcan.
"Kukuha lang ako ng gatas,'ma." Tumayo ako upang ipagtimpla ng gatas si Daniel.
"Mas mabuti pa, Clay." sang-ayon naman ni Mama.
Pagbalik ko ay binigay ko ang gatas kay Daniel na ininom niya naman lahat.
"Papa, please let's go back to our house. I don't like Jhera, Papa. I don't like that rotten mushroom." Tapos naiiyak na naman siya. Kinuha ko siya kay mama.
"Shushh," pag-aalo ko kay Daniel.
Tumayo si Lorcan. "I'm really sorry for disturbing your night, 'ma." Lumapit siya sa akin. "I'm sorry, babe." bulong niya sa akin.
Kukunin na niya sana si Daniel sa akin nang humigpit ang pagkakayakap ni Daniel sa leeg ko.
"No, daddy. I will not go with you without papa! If papa Clayton is staying here, then I'll stay here." pagmamatigas ni Daniel.
"Daniel Earl!" tumaas ang boses ni Lorcan. "You said when you see your papa. Will go home immediately."
"Lorcan h'wag mong pagtaasan ng boses ang bata!"
"Babe-"
Naputol si Lorcan ng sumingit si Mama. "Naku Clayton, anak. Mas mabuti siguro na dun ka muna kina Lorcan. Tingnan mo ang bata mas gusto ka pa ata niyan kaysa sa anak kong si Lorcan." anang ni mama.
Biglang pumasok sa isip ko ang huling bilin sa akin ni Lindsey. Basta iyong pangako mo. Aalagaan at mamahalin mo ang anak ko at poprotektahan mo siya.
"Pero paano ka, 'ma." Kahit may reponsibilidad ako sa pangako ko kay Lindsey meron pa rin si mama na kailangan ako.
"Anak, nandirito naman si Alli at kapag kailangan namin ng tulong may telepono naman." sabi niya. "Kaya sige na, sumama ka na sa kanila. Ligpitin mo na ang kailangan mong dalhin doon." Nilapag ko muna si Daniel at kinuha ang bag ko at mga gamit sa school. May mga damit pa naman ako roon sa mansyon ni Lorcan kaya hindi na ako nagdala pa.
"Mama, thank you so much." Pasasalamat naman ni Lorcan kay mama.
"Sus, wala ito Lorcan saka parang anak na rin kita kaya parang apo ko na rin iyang si Daniel. Mag-iingat kayo sa byahe malalim pa naman ang gabi." bilin ni mama.
Bumalik ako sa sala at kinarga si Daniel. Kinuha naman ni Lorcan ang bag ko at siya na ang magdadala.
"You're going home with us, Papa?" 'Di makapaniwalang tanong ni Daniel. May excitement din doon sa boses niya.
"Oo, kaya behave ka na." Nilingon ko si mama. "Ma, mag-iingat ka po at Alli please pakibantayan si mama." bilin ko rin sa kanila.
"Daniel is so happy po, Papa." sabi niya at niyakap ang leeg ko gamit ang malulusog niyang kamay.
"Daddy is happy too." singit naman ni Lorcan.
Napaismid ako dahil sa sinabi ni Lorcan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top