CHAPTER 4


Chapter 4

Clayton’s Pov

PAGPASOK ko sa restaurant ay napahawak ako sa maglabilang braso ko. Sobrang lamig o sadyang nilalamig lang talaga ako dahil sa kaba. O dahil na rin sa mainit na panahon sa labas at pagpasok ko rito ay sinalubong agad ako ng malamig na atmospera. Kakapasok ko pa lang pero naririnig ko na ang tamang-tama lang sa ingay na musika sa loob ng restaurant. May mga tao na tahimik na nag-uusap. Mga tao na swube lang ang galaw, pihikan, sopistikado/a . . . isa lang ang nahihinuha ko. Mga mayayaman ang mga tao na nandirito.

Tiningnan ko ang mga tao na nakasuot ng mamahalin at mula sa mga kilalang brand na mga damit. Nakasuot ng alahas na hindi ko alam na kung ilan ang halaga mula sa leeg, tenga, kamay at mga daliri may nakasabit na alahas na kumikinang sa ganda.

Nakapatingin tuloy ako sa sarili ko. I look like a beggar compared to them. Thankfully, they didn't notice my gaze.

"Sir, are you Mr. Clayton Perkin?" Pag-iingles sa akin ng isang waiter. Buti na lang ay hindi ko napagkamalan ang waiter na isa sa mga kustomer dito. Mabuti pa ang waiter naka-suit.

"O-oo, ah . . . oo a-ako nga." Nalilito pa ako kung mag-iingles din ba ako o hindi. Tuloy nauutal ako.

"This way, Sir." Inilahad niya ang kamay niya. Sumunod naman ako sa kanya. Nagtaka ako ng makarating kami sa harap ng isang pintuan kulay itim at ang handle naman ay kulay ginto. Parang kahit langaw ay madudulas sa sobrang kintab. Napansin ko nga rin na kahit na ang tiles nila ay parang salamin. Mabuti na lang at nag-sneakers ako. Mahigpit ang kapit sa tiles na parang di dinapuan ng alikabok. Ako lang siguro ang alikabok dito. Nandito kami ngayon sa second-floor ng restaurant at ang second-floor ay puro mga room. Akala ko ay nasa isang magarbong hotel tuloy ako.

"D-dito na?" tanong ko sa waiter.

"Yes, Sir Mr. Lavoisier is already waiting for you." Sagot niya sa akin at nag-bend siya tsaka binuksan ang pintuan.

"Bakit hindi sa baba?" Hindi ko mapigilang usal sa sarili ko.

"Mr. Lavoisier is a VVIP here, sir." Napalingon ako sa waiter na nakahawak pa rin sa handle ng pintuan.

I only gave the waiter a quizzical look.

Dahan-dahan akong pumasok. Napalingon pa ako ng sumara ang pintuan. Akalain mo nga naman na ang isang room dito ay parang times 3 sa laki kumpara sa condo ni Jersey. Nakita ko na may nakahanda na parang catering service sa gilid na may nga pagkain na hindi ko alam kung ano-ano ang pangalan. May isang tao naman na nakatayo roon at hula ko waiter din iyon dahil pareho sila ng suit ng waiter na nagdala sa akin dito.

Napatingin ako sa lalaki na nakatingin sa labas. Kulay itim na transparent glass ang wall kaya klarong-klaro lang ang nasa labas. Nakatalikod lang ang lalaki na malaki ang pangangatawan sa gawi ko.

"You're 10 minutes and twenty-five seconds late, Mr. Perkin. Would you mind if I asked you to move faster than you usually do?" Baritong sabi ng lalaki na nakaupo at nakatalikod sa akin.

Ang kaninang paghanga ko sa buong karangyaan ng restaurant na pinasukan ko ay nagsiliparan at napalitan ng kaba. Parang gusto ko nang tumakbo papunta banyo at magkulong. Naiihi na rin ako sa kaba. Sa lamig ng airconditioned na room na ito ay pinagpapawisan pa talaga ako. Pasmado na yata ako.

"I don't like repeating myself." Hindi ko maipaliwanag ang timbre ng boses niya na parang may pagkastrikto at ma-awtoridad. Parang matigas na malamig. At dahil doon sa  muling pagsalita ng lalaki ay napaigtad ako. Binilisan ko ang aking hakbang tungo sa kanya.. Pero sa kasamaang palad, minalas ako nang  makalapit sa kanya nang matisod ako sa sarili kong paa. Napapikit na lang ako at hinanda ang sarili na bumagsak sa napakakintab na marble tiles.

Pero naimulat ko ang mata ko nang maramdaman ko na tumama ang dibdib ko sa isang matigas na bagay. Maingat kong binuksan ang nga mata ko. Lumaki ang mata ko nang mapagtanto ko na braso pala iyon. Isang braso lang ang pinangsalo sa akin ng ekstrangherong lalaking ito. Napakalakas niya siguro. Napatayo ako ng maayos at inayos ang postura ko bago umupo sa katapat na upuan. Ang lambot ng upuan. Puna ko. Siguro ay nasanay lang ako sa kuwayan namin na upuan sa bahay.

"Th-thank you, and I-I'm sorry," I whispered, almost like a breath.

"Would you mind if we eat first before going into our business? Why are we here?" Nakakatindig balahibo ang boses niyang barito at magaspang.

"Oo, oo n-naman." Napanganga ako nang makita kong tumaas ang gilid ng labi niya. Gusto ko pang pagalitan ang sarili dahil nauutal ako.

He smirked. May nasabi ba akong nakakatawa?

Habang kamakain siya ay inabala ko ang sarili ko sa tanawin sa labas. Nakakagutom ang kinakain niya. Amoy pa lang nakakatakam na. Busog naman ako kanina sa kinain ko sa condo ni Jersey kaso natatakam ako.

"Why aren't you eating? Don't you like the food?" pagtatanong niya.

Napatingin tuloy ako sa harap ko. Oo, may nakalapag doon na mga pagkain pero hindi ko 'yon ginalaw dahil akala ko sa kanya iyon.

"Ah, h-hindi naman, a-akala ko kasi sayo iyan." Pabulong kong pahayag. Saka tapos na naman akong kumain nga lang natakam.

"Are you kidding me? You expected me to eat all of this? Come on, help yourself." Utos niya kaya hindi na ako nag-inarte pa kumain ako dahil nakakatakam talaga ang mga hinanda ng waiter.

"What do you want for dessert?" Ang tanong niya sa akin sa kalagitnaan ng pagnguya ko. Lumubo ang bibig ko sa rami ng pagkain sa bibig ko. Kaya nahirapan akong lunukin lahat ng iyon. Napapikit ako nang sinubukan kong lunukin lahat ng pagkain sa bibig ko para makasagot sa lalaki sa harap ko.

"Hsauaushjskndj." wila ko sa kanya pero hindi niya naman maintindihan dahil puno ang bibig ko. Gusto ko sanang sabihin na wala akong alam na dessert na sini-serve sa restaurant na ito.

"Okay, don't speak." deklara niya at itinaas ang kamay. May sinabi siya roon sa waiter na lumapit at pagbalik ng waiter ay may dala na itong panghimagas.

"So, do you know who I am?" panimula niya. Atsaka ko pa napagtanto na hindi ko pala natanong kay Jersey kung sino ang boss niya kaso hula ko ay assistant o secretary lang siguro ito ng boss niya. Sa tingin ko kasi ay matandang babae ang boss ni Jersey na kumukulubot na ang balat pero nananatili pa rin ang pagiging sopistikado.

"Ah, hindi pero ikaw siguro ang secretary ng boss ninyo. Kasamahan mo ba si Jers—" Napatigil ako dahil hindi siguro nila alam na Jersey ang pseudonym ni Jason. "S-si Jason?"

"Hmm, do you think I look like a secretary myself?"

Tiningnan ko siya ng maayos. Ang datingan niya ay hindi pang secretary bagkus ay parang may mataas siyang ranggo. Nakasuot niya ngayon ng brown na suit na parang ginawa personally para sa kanya. Nakadagdag pa sa kagwapuhan niya ang ayos ng buhok niya na blurry fade at naka-attract din ang kulay nito na cognac. Mas lalong umangat ang kagwapuhan niya dahil sa mga mata niyang kulay berde. At nakita ko ang wristwatch niya na mamahalin rin minsan ko na itong nakita sa isang magazine. Binalik ko ang tingin ko sa mukha niya. Para siyang isang employer.

EMPLOYER!

BOSS!

"I-i-ikaw ang b-boss nila?" Napahawak ako sa bibig ko.

Ngumisi ito na hindi umaabot sa mata niya ang ngisi.

"You guessed it right."

"S-sorry sir . . . sorry po hindi ko po talaga alam na ikaw po ang boss ni J-Jason."

Yumuko ako.

Nakakahiya dahil ang laki pa ng kain ko kanina tapos muntik pa akong nadapa. Nakakahiya. Ngayon ay sigurado na ako na wala akong pag-asa rito.

Clayton Perkins, am I right?" I raised my gaze to him and nodded. "Now, let me formally introduce myself. I'm Lorcan Lavoisier, the CEO and owner of Cruixxe Empire." Napalunok ako. Empire. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang empire na tinukoy niya pero napakalaki n'yon dahil empire na talaga ang tawag.

Kung ito ang boss ni Jersey ibig sabihin ito ang naghahanap ng lalaki na magtatrabaho sa kanya personally.

"I-I'm so sorry for not recognizing you, sir." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya at i-english ko na.

"Do you know why you are here?" pagsisiyasat nito sa akin.

Hindi niya man lang niya tinanggap ang sorry ko.

"I--" nahihirapan akong maghanap ng salita na maari kong sabihin sa kanya. Natatakot na ako na magkamali ulit. "I o-only know, sir, that you're looking for s-someone who can work for you. Ingles ko na naman.

"You are stammering a lot. Are you nervous?" Mungkahi niya pero ipinilig niya rin ang sariling ulo. "Well, you are basically right. I am indeed looking for someone who can work for me personally, but do you know what kind of work it is?" He asked me, resting his elbow on the table.

"I—I don't know, sir." Nakita ko siyang nakatingin sa mukha ko . . . o tama bang sabihin ko na sa labi ko siya nakatingin.

"Seductive, aren't you?" he quipped.

"Huh?" Taka kong galgal.

"Nothing, Mr. Perkin," he shook his head. He slid a sealed envelope across the table. "Read it," he demanded.

Madali naman akong kausap, kaya kinuh ko iyon. Sa 'di ko malaman na dahilan ay hindi ko masalubong ang mga titig niya.

Binuksan ko ang enveloped at binasa ko ang laman no'n. He wants someone to become his possession, someone with whom he can release his libido, his lust.

"B-but why a man? You're a man and . . . and you want a man as well?" Napapa-english ako nang wala sa oras dahil sa kanya; after reading the whole one page of bondpaper. Ang front page lang ang binasa ko at hindi ko na binasa  pa ang susunod na page. The next page was about the agreement or more like a contract. Well, for me, it is not an agreement until the other party will not discloses it.

"Simple. I lost interest in women," he plainly said without blinking an eye.

"Do-do you like men?" Sa pagiging curious ko ay hindi ko na mapigilang magtanong sa kanya.

""I will not acknowledge your curiosity about whether I like a man or not. Feel free to puzzle it out yourself." paghahamon niya sa akin.

Palaging maingat siya sa mga sinasagot niya. Siguro dahil isa siyang kilalang business tycoon. Paano naman ito magkakagusto sa isang lalaki? Napakaganda niyang lalaki kung magkakagusto siya sa isang kagaya niya. At saka, ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung malalaman nila na ang kilalang business tycoon ng buong bansa ay isang homosexual? Pero sa panahon ngayon unti-unti na namang natatanggap ng kumunidad ang mga LGBT.

"E, bakit gusto mo ng lalaki?"

"I want to try it with a man. I want to explore. Also, it's because, in the long run, women will ask for commitment and rant about here and there. And I've been there; it's annoying as f*ck," he said, then shrugged. "So, what do you think?"

"I honestly don't know what to say." Tingnan mo nga naman at napapa-ingles na ako. Nahahawa na ako sa kanya.

Totoo na hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o isasagot ko sa kanya. Ang lahat ng ito ay nakakagulat pa sa akin. Akala ko ay babae talaga ang boss ni Jersey tapos ito pala. Barakong lalaki. Tapos . . . I shook the thoughts away. Malabong bakla ito.

"Okay, I will not force you into this. I want someone whom I will not use any coercive measures with, and if you don't like or want it, I'm sure I can find someone out there—someone who is willing." Tumingin ako sa seryosong mata niya na  kulay berde na parang kung anong klaseng mamahaling bato na kumikinang sa ganda.

Tang*na! Kailangan pa ako naging ganito ka mapangmasid sa isang tao lalo na sa lalaki.

"K-kailangan ba na ngayon agad ako pipirma sa kontratang ito?" Binagsak ko ang mata ko sa bondpaper tapos tiningnan ko siya. Nakita kong sumulyap din siya doon tapos tumingin sa akin.

Kinagat-kagat ko ang ibabang labi ko.

"Yes, you're the first man whom I've met this morning, and for the next hours, there will be others as well. Maybe you're wondering why it's early. Well, that's already given when you have a lot of people who need to attend to."

Totoo nga ang sinabi ni Jersey na marami nang nakausap ang boss niya. Pero, bakit ni isa do'n ay wala siyang napili. Ibig bang sabihin nito. He wants me.

"Does this mean you want me?"

"Well, you're not that bad at all. I can say . . . pwede na. But don't feel so special; I used to do that to every man I've talked with." Nagulat ako dahil lumabas pala sa bibig ko ang tanong na iyon. Pero mas nagulat ako nang magsalita siya ng tagalog. May accent kasi ang pagkasalita niya n'yon. At parang ang sexy niya pakinggan. Gusto ko na talagang ihampas sa dingding ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko.

"If you don't want it, then you can leave. The door is very wide and always open for you, anytime you want to leave," he gestured with his hand toward the door where I came in.

Tiningnan ko ulit ang kontrata sa harapan ko. Sa kontratang ito nakasalalay ang pangpaopera ni mama. Sa pamamagitan nito ay madudugtungan ang buhay ni mama. This is my last resort.

"If you want it, here's the pen," he said as he slid the pen.

Kinuha ko ang ballpen at hinanap ko sa last page kung ako dapat pumirma. Nang nakita ko ang pangalan ko doon ay nagsimula nang manginig ang kamay ko. Hindi ko maipirmi ang kamay ko dahil sa panginginig no'n.

I gasped when there was a warm hand that landed on the back of my palm. Nakita ko ang malakas na kamay ni Lorcan doon.

"It's okay if you don't want to, Mr. Perkin. I will not sue you for not signing it," he said in a monotonous voice.

"Hindi, Sir, kailangan ko 'to para sa mama ko." Pagpapakatotoo ko sa kanya.

Kinuha niya ang kamay roon sa ibabaw ng kamay ko.

His eyebrow arched and his forehead furrowed. "Why? What about your mother?" he curiously asked.

"K-kailangan po ng mama ko ng kidney transplant at walang-wala po kami. Ang mama ko na lang po ang meron ako kaya gagawin ko po ang lahat para sa kanya . . . kaya n'yo po bang gumastos ng ganun . . . kailangan ko po ang pera n'yo, Sir.  'Yan po ang habol ko rito."

"If you sign the contract, we'll proceed with your mother's transplant, and we'll have the best doctor in the country for it. However, you know the aftermath, Mr. Perkin. I don't want you to regret it afterward. That's why the choice will always be yours."

Wala na akong choice pa ito na ang kailangan ko. Hindi na dapat pa ako maging mapili pa. Kaya pikit mata kong pinirmahan ang kontrata.

"Are you sure about it? Right after I sign that piece of paper, I will have it notarized, and if you bend any of the agreements, I can punish you for it," he reaffirmed.

"Oo, sigurado na ako d'yan at dapat gawin mo rin ang parte mo," I affirmed.

Kinuha niya ang bond paper sa akin at pinirmahan iyon.

"I will gladly do my part. Then can we seal it?"

Kumunot ang noo ko sa kanya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin. He bends and moved his head closer to me. Kaya napasandal ako sa kinauupuan ko.

"Paano?" Kinakapos sa hininga kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi alam kung anong klaseng selyo ang tinutukoy niya.

He smirked before cupping my face and putting his lips on mine.

Lumaki ang mata ko sa ginawa niya. Dinilaan niya ang labi ko bago siya umayos ng tindig. Hinawakan niya ang sariling labi at pinahid doon ang hinlalaki niya saka dinala ito sa loob ng bibig niya.

"I like grapes more than cherries, but I guess I like cherries now."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top