CHAPTER 37
Chapter 37
Lorcan’s Pov
"REALLY Lorcan you will go there without even having a plan? When did you become this stupid?" Rap remarked as if I am really the dimwitted person in front of him.
The moment he said where exactly Clayton's location is. I gather myself and was ready to storm there but he spoke that's why I halted and look at him who is mockingly batting me with a sarcastic face.
"What about it Rap, Clayton is in danger in Christiano's hands. I just cannot sit here and do nothing!" I barked.
"Oo nga bud. We should plan this out. Ikaw na nga ang nagsabi na nasa kamay ngayon ni Christiano si pareng Clayton. Mas delikado iyon kapag basta't basta ka na lang susugod doon. We're here we will help you. We'll get Clayton out there." Colt stated.
"F*ck it!" I exclaimed and went back on the couch. I unbotton the three successive bottons of my shirt. I feel suffocated! I saw the boy who is sitting next to Laszlo flinched and excuse himself.
"First thing first Lorcan. We cannot go there via helicopter it's too noise and they can immediately notice us. So, we will travel via cars only we cannot also used AK45 guns and machine guns. Those guns are too loud. It might endanger Clayton more. So, we have to used swords, rifles, handgun and just put a silencer to it. It would be advantage for us. Also, it's our advantage as well to attack outside silently for Clayton's safety in that way they cannot harm Clayton if they're oblivious to what's happening outside." Laszlo explained his plan which I gladly recognized.
"That's right let's do that. Let's attack silently and once Clayton is in our hands. We can do the noise game." Desmond seconded. Noise game, ibig niyang sabihin doon ay pwede na naming gawin lahat ng gusto namin, may it be a silent, loud, and explosive attack.
"This is spicing me up. Ang tagal ko ng hindi nakakahawak sa katana ko." Colt said like it's just a f*cking game.
"We're only going there with one goal and that is to save my man. After that you do whatever, you want to do with them." I said in finality.
"Tomorrow afternoon tayo babyahe patungo roon. We'll get there at night, it'll be our benefit to move at night since we have a high tech equipments that we used during night attack." Desmond added.
"D*mn it! I like that." Laszlo said. Laszlo loves to kill bloodily.
Clayton’s Pov
"Clayton kumain ka muna." Aya ni Lindsey na may dalang tray ng pagkain.
"Lindsey kailan mo ako itatakas dito?" Imbes ay tanong ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at nilapag ang pagkain ko sa sahig. Habang tumatagal ako rito ay hindi ako napapakali. Kinakabahan ako sa bawat minuto na tumatakbo. Dahil alam ko habang tumatagal ako rito ay lalong nasa peligro buhay ko. Alam ko naman na kahit na magbigay ng pera at isuko pa ni Lorcan ay pagiging mafia boss niya ay hindi ako papakawalan dito ni Christiano. Hindi ako ganun katanga para hindi iyon malaman. Isa lang akong paing para kay Lorcan. At bwesit na Lorcan kinagat naman sana lang umakto pa iyon sa wastong pag-iisip at hindi iyon nagpadalos-dalos sa kilos niya. May pagka-impulsive pa naman iyon.
Tumingin ako sa pagkain. Namiss ko si Daniel. Hindi ko na naman natupad ang pangako ko sa kanya na uuwi ako. Sana ay hindi iyon magtampo sa akin. Kung makakalabas lang ako rito ng buhay babawi ako sa kanya. Pangako hindi na ako aalis sa tabi mo baby. Tapos si mama pa sana naman ay ayos lang siya at hindi ako masyadong iniisip. Kakagising palang naman no'n.
"Hey," tawag sa akin ni Lindsey na nagpabalik sa akin sa reyalidad. "Are you thinking of someone?"
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Buti na lang talaga at nandirito si Lindsey dahil kung wala baka no'ng unang gising ko pa lang dito ay nabaliw na ako.
"Oo, iyong Mama ko at si Daniel."
"You're really close to my son, huh?" tukso niya sa akin. Pero alam ko sa tuksong iyon ay may halong inggit.
"Oo, madali lang kaming nagka-close ni Daniel, Lindsey." anang ko at nagsimulang magkwento sa kanya kung paano kami unang nagkita ni Daniel. Tumawa pa siya nang mabanggit ko na mas gusto ni Daniel ang t'yan ko kaysa kay Lorcan. Kung sana sa ganitong paraan ko nakilala si Lindsey maiisip ko sigurong lumayo na lang kay Lorcan at ipaubaya siya kay Lindsey. Masayahin at madaldal si Lindsey hindi lang halata sa mukha niya kasi mukhang suplada.
"You are really so fond of him."
Ngumisi ako. "Hindi naman kasi siya mahirap mahalin, Lindsey. Saka kung magpakilala ka sa kanya alam kong gustong-gusto rin iyon ni Daniel. Promise kapag nakalabas ako at ikaw rito ipakikilala ko kayong dalawa sa isa't isa. Saka natural lang naman iyon dahil mag-ina kayo."
"Hmmm," aniya at tumango sa akin. "Madali lang mahalin si Daniel?"
"Oo," agaran kong sagot.
"Kagaya ng madaling mahalin ang ama niya?"
"Oo-ay este . . . .” huli na para bawiin ko ang nasabi ko. Iniwas ko ang mata ko kay Lindsey na may nakakalokong ngiti sa bibig niya.
"Uy, anong-"
"Haha, wala you're just very cute. No wonder Lorcan fall for you."
Hindi ko siya kinibo at mas piniling kumain na lang. Mabuti't si Lindsey ang nandirito dahil kinakalasan niya ang kamay ko mula sa pagkakagapos kapag kumakain ako.
"Clayton, babalik ako rito. Babalikan kita at do'n na kita itatakas kapag napatulog ko na ang mga tao sa labas ng silid na ito." Bilin niya sa akin pagkatapos kong kumain.
"Basta maghintay ka lang, huh." aniya habang ibinabalik ang lubid sa kamay ko. "Naku, sigurado ako kapag nakita ni Lorcan itong pasa mo sa mukha at itong sugat mo sa kamay magwawala iyon." pahabol niya pa.
"Hindi ka nakakasigurado d'yan, Lindsey. No'ng makidnap ako nang gabing iyon nag-away kami ni Lorcan. Nalaman ko kasi na sa simula pa lang ay pinlano lang ni Lorcan ang lahat. Na kilala niya pala ako sa una pa lang. Tapos iyong mga tao sa paligid ko niloko lang ako pati ng kaibigan ko. Malaki ang away namin ni Lorcan, Lindsey kaya malabong mangyari iyang sinasabi mo." malungkot kong saad.
"I guarantee you. Ngayon nagpapaplano na iyong si Lorcan kung papaano ka ililigtas. I know nalaman na nila ang location mo kahapon pa lang." She smiled before she leaves the room.
Nagalit ako kay Lorcan dahil ginawa niya akong tanga. Niloko niya ako. Pakiramdam ko ginawa niya lang ang lahat para pasakayin ako. Kaso sa kabila no'n, natatakot din ako na ang mga pinapakita niya sa akin ay piki. Hindi ko matatanggap iyon. Kaya kapag nakita ko lang si Lorcan pakikinggan ko na siya.
Malalim na ang tulog ko nang naramdaman ko na yumayanig na ang mundo ko. Akala ko lindol, 'yon pala ay niyugyog lang ni Lindsey ang balikat ko.
"Ano?" Inaantok kong untag.
"Tsk! Umayos ka d'yan, Clayton. Get yourself together. Tulog na ang mga bantay sa labas." aniya at nagmamadaling kinakalas ang lubig sa likod ko. Nang matapos siya sa kamay ko lumipat siya sa paa ko. Tatayo na sana ako ng nabuwal ako. Nabigla ata ang paa ko sa tagal kong nakaupo lang sa sahig.
"Oh, are you okay?" si Lindsey at tinulungan akong tumayo.
Tumango ako sa kanya. Inakay niya ako.
"Just hold on me." sabi niya, sinampay ang braso ko sa kanyang balikat at nilagay niya ang kanyang isang kamay sa bewang ko para alalayan ako. King ina! Ako ang lalaki rito!
"L-lindsey kaya ko naman."
"Hay! Huwag na matigas ang ulo. Baka magising na iyong mga bantay." suway niya sa akin.
"Nasa 4th floor tayo nitong factory, Clayton kaya mas mabuting humawak ka sa akin para mas mabilis ang kilos mo."
Nagpaubaya na lang ako sa kanya. Paglabas namin ay nakita kong nakahandusay na sa sahig ang apat na lalaki. Ang himbing ng tulog. Napaigtad kaming pareho ni Lindsey ng gumalaw ang isang lalaki. Akala ko kung ano na may lamok lang pala sa mukha niya.
Dahan-dahan kaming bumaba sa hagdanan, takot na baka gumawa ng ingay. Atat na atat na akong makarating sa ground floor. Kinakabahan kasi ako sa ginagawa namin ni Lindsey. Pero ilang saglit lang ay may narinig na kaming mga kalabog hindi lang namin matukoy kung saan. Huminto kami at pinagmamasdan ang aming paligid.
"Ano iyon? Narinig mo ba ang mga kalabog, Clayton?" kinakabahang tanong ni Lindsey sa akin.
"Oo, baka nagising na iyong mga tao roon sa itaas." hula ko naman.
"Halika bilisan na natin." Saad niya pero ilang hakbang lang ang nagawa namin ay napatigil naman kaming dalawa nang may dalawang lalaking humarang sa amin. Binitawan ako ni Lindsey.
"Umalis ka na Clayton bumaba ka na. Ako na ang bahala rito." utos niya sa akin.
"Hindi Lindsey. Hindi kita-"
"Bumababa ka na at h'wag kang dadaan sa entrance dahil maraming bantay roon. Sa fire exit ka dumaan walang bantay roon." Aniya sa akin habang ang mga mata ay nasa mga lalaking humarang sa amin. Sumugod ang isang lalaki sa amin at mabilis akong tinulak palayo ni Lindsey. Namangha ako nang masangga niya ang kamao ng lalaki. Tumingin siya sa akin. "Basta tandaan mo iyong sinabi ko sayo. Ang pangako mo sa akin." ngumiti siya sa akin at nakipagbakbakan doon sa dalawang lalaki na sinusubukan akong hulihin. Kumukuha ako ng lakas doon sa dingding. Dahil mahina pa rin talaga ang tuhod ko. Nangangatog pa.
Nakababa na ako at nasa second floor na ako ngayon. Tumigil ako saglit upang kumuha ng hangin. Luminga ako sa paligid upang hanapin ang hagdanan pa baba. Ang laki naman kasi ng building na ito. May mga naglalakihan at lumang makina pa.
Third Person Pov
Sa kabilang dako, ang kampo naman ni Lorcan ay palihim na na umaatake sa labas ng building. Nang malinis na nila ang labas ay nauna na si Lorcan patungo sa loob.
"Let's separate para mahanap natin ng mabilis si Clayton." mando ni Lorcan sa mga kaibigan niya. Si Laszlo ay umalis na upang tingnan ang paligid kung may nakaplanta bang mga bomba sa loob at labas ng lumang gusali.
Tumango sina, Desmond, Colt at Raphael kay Lorcan. Pero bago pa sila maghiwa-hiwalay ay nagsalita muli si Lorcan. "Please bring Clayton without a scratch." Ang mga kaibigan ni Lorcan ay tumango at ngumiti sa kanya.
Malaki kasi ang gusali kaya kailangan nilang maghiwa-hiwalay at maraming ring pintuan palabas at papasok. Nang makapasok si Lorcan sa gusali ay agad niyang pinagbabaril ang mga bantay bago pa ito makalaban sa kanya gamit ang M4A1 na armas niya. Hindi inaasahan ni Lorcan ang dami ng tao sa loob.
Dahan-dahan lang ang galaw niya habang nagmamanman sa paligid niya. Nakita ni Lorcan ang isang anino kaya sinundan niya ito at sa likod pa lang ng taong sinusundan niya ay kilala na niya ito, si Alfonso.
Papuputukan na niya sana ito nang maubos ang bala ng M4A1 niya kaya tinapon niya ito at kinuha ang viper engineering mamba niya na nakatago sa kanyang likod. Agad niyang pinatamaan ang tuhod ni Alfonso na tamang-tama naman sa pagharap nito sa kanya at tinutukan siya nito ng baril.
"TANG*NA PINASOK TAYO!!!" May isang taong sumigaw pagkatapos magpaputok ni Lorcan gamit ang mamba niya.
Mabilis ang kilos ng mata at kamay ni Lorcan at pinaputukan ang kamay ni Alfonso dahilan para matapon ang baril nito't napaluhod.
"Lorcan, wala rito sa 4th floor si Clayton pero may naiwang lubid dito na hula ko ay ginamit kay Clayton." rinig ni Lorcan galing sa earpiece na suot. Si Colt iyon.
"Where's Clayton?" agad na tanong ni Lorcan kay Alfonso na nakaluhod ngayon at umaagos ang dugo sa tuhod at kamay.
Ngumisi si Alfonso kay Lorcan. "HAHAHA, talagang gusto mo ang malanding lalaking iyon!" sigaw ni Alfonso.
Nanginginig naman ang kamay ni Lorcan habang tinutukan ng baril si Alfonso. Kating-kati na ang kamay niyang patayin ang taong nasa harap niya.
"You're wrong. I just don't like him, but I love him as well." Walang awang ani ni Lorcan.
Nakita ni Lorcan sa peripheral vision niya na may mga lalaking papalapit kaya kinuha niya ang isa pang baril sa likod niya at pinagbabaril iyon.
"Maswerte ka kung madadatnan mo pa ang mahal mo ng buhay, Lorcan." Demonyong ani ni Alfonso. Sa galit ni Lorcan ay binaril niya ito sa dibdib at napahiga ito. Nilapitan ni Lorcan si Alfonso.
Itinuon ni Lorcan ang muzzle ng mamba niya sa sintedo ni Alfonso. "I trusted you! I give you chance but you disregarded my chances and trust! You waste it assh*le! Why the h*ll are you doing this? Huh?" Lorcan fumed.
"Huh! T-tinanong mo pa yan? You b*stard! A-ako," nahihirapang saad ni Alfonso dahil lumuluwa na ito ng dugo. "A-ako Lorcan, ako iyong n-nandito simula noon at hanggang ngayon! Pero ang m-minahal mo iyong Clayton Perkin na iyon n-na anak sa p-pumatay ng lolo't lola mo. G-ginawa ko ang lahat ng ito d-dahil ito lang ang paraan ko upang mapansin mo ako. U-upang tawagin mo ako! Pero naiirita na ako sa Clayton na iyan-"
"When. Kailan ka sumapi kay Christiano kung alam mo naman pala na kinamumuhian ko siya!!?" galit na sigaw ni Lorcan.
Umubo ng napakaraming dugo si Alfonso pero walang paki si Lorcan doon.
"S-simula noong n-nagkamabutihan na kayo ni C-clayton. N-nakita ko siyang nakamasid sa anak niya kaya kinausap ko siya at kumampi ako sa kanya. P-pero Lorcan kung, kung s-sasabihin mo ngayon sa akin na mahal mo ako at i-iiwan mo si Clayton. A-ako ang papatay kay Christiano para sayo Lorcan-"
Hindi na pinatapos ni Lorcan si Alfonso sa pagsasalita nito at binaril niya ito sa ulo. Dilat ang mata ni Alfonso ng mawalan ito ng buhay at iniwan ni Lorcan upang hanapin si Clayton sa 2n floor. Hindi agad na hanap ni Lorcan si Clayton sa 2nd floor dahil sa lawak nun. Pero nang makita niya si Clayton, nakasandal ito sa dingding. Halata sa mukha nito ang takot at nanginginig din ito habang nakatingin sa harapan nito. Sinundan ni Lorcan ang kung saan nakatingin si Clayton at nakita niya si Christiano na ilang metro lang ang layo sa mahal niya.
Tinutok ni Lorcan ang baril kay Christiano. "CLOSE YOUR EYES, CLAYTON!" sigaw ni Lorcan sabay kabit sa gatilyo ng baril. Nang matamaan si Christiano ay agad na tinakbo ni Lorcan ang distansiya nila ni Clayton na ngayon ay nakayuko at nakatakip sa tenga ang kamay.
"Babe," anang agad ni Lorcan nang mahawakan niya si Clayton.
Dahan-dahan ay inalis ni Clayton ang kamay sa tenga at hinarap si Lorcan. Manilis na tumulo ang luha ni Clayton nang makita niya si Lorcan na pawis na pawis at hinihingal na naka-squat sa harap.
"L-lorcan," nauutal na wika ni Clayton at niyakap ang taong nasa harapan niya. Humagulhol si Clayton sa gitna ng yakapan nila. Pero bumilog ang mata ni Clayton nang makita na buhay pa si Christaino at nakatutuk ang baril nito kay Lorcan.
Itutulak na sana ni Clayton si Lorcan pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. At nang pinaputok ni Christiano ang baril ay kusang napapikit si Clayton. Pagbukas ng mata niya ay nakita niya ayos lang si Lorcan. Tiningnan niya ito ng mabuti pero wala itong tama. Napatingin siya sa likuran ni Lorcan at doon niya nakita ang katawan ni Lindsey na nakahandusay sa sahig at lumuluwa na ng dugo.
Parang lasing na inabut ni Clayton ang baril sa sahig. Nakita niya kasing duguan si Lindsey at may phobia siya roon pero kahit na nanlalabo na ang paningin niya at nahihirapan na siya, nagawa niya pang iputok ang baril kay Christiano saka siya nawalan ng malay. Ang huling narinig niya ay ang pagsigaw ni Lorcan sa kanyang pangalan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top