CHAPTER 35

Chapter 35

Clayton’s Pov

"MY dear son."

Bata pa lang ako nang iwan ako nang tao na nasa harapan ko ngayon. Pero itong mukha niya, hinding-hindi ko makakalimutan. Oo nga't medyo kumulubot na ang mukha niya pero malabo kong makalimutan ang mukha niya. Isa siya sa taong importante sa akin noon kahit na sinasaktan niya si Mama. Minahal ko pa rin siya dahil siya ang akala ko ama ko. Hindi ako naniwala sa sinabi ni Lorcan na siya ang pumatay sa lolo't lola niya pero sa sinabi ni mama kanina. Malamang magagawa niya iyon. At itong ginawa niya sa akin ngayon malamang papatayin niya rin ako rito ngayon.

Puro na galit ang pagkamuhi ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Kapag ako nakawala sa pagkakagapos ko rito siya ang unang-una kong papatayin. Hayop siya!

'P*tang*nang g*go ka pakawalan mo ako rito!' Gusto ko iyang isigaw sa pagmumukha niya pero hindi ko magawa dahil may busal ang bibig ko. Wala siyang karapatang tawagin akong anak kung sa simula pa lang ay hindi niya naman ako tiningnan bilang anak.

Sa likod ni Christiano ay nando'n si Lindsey at si Alfonso. Oo, ang Alfonso na kanang kamay ni Lorcan ay isang traydor! Pinagkatiwalaan siya ni Lorcan ng lubos pero ito ang igaganti niya. Napakawalang hiya rin niyang nilalang. Wala kaming maayos na kumunikasyon at inter-aksyon ni Alfonso pero hindi pumasok sa isip ko na magagawa niya ito sa amo niya.

Tapos itong si Lindsey naman, ano itong katangan ang ginagawa niya't kumampi pa talaga siya sa mga taong ito. Mga demonyo! Nang magtagpo ang mata namin ni Lindsey ay agad siyang nag-iwas.

'Huh! Walanghiya ka ring babae ka! Porket 'di ka pinili ay bababa ka sa ganito.' Tskk! Halos kutusin ko na rin ang sarili ko. Wala akong karapatang ipamukha kay Lindsey na hindi siya pinili. Dahil ako nga pinili pero niloko lang din naman. Pinaglaruan lang din naman.

"How's my son?" ani Christiano at nagmartsa palapit sa akin. Inabot niya ang buhok ko pero mabilis kong inilag ang aking ulo. Nandidri ako sayong animal ka!

"MMM, HMM!" Halos lumuwa na ang ugat sa leeg ko.

'BWESIT!' Bwesit itong telang nilagay nila sa bibig ko.

"Why do my son become a wh*re?"

Wh*re? King ina mo!

Nakaupo ako sa semento. Nakagapos ang paa ko at ang aking mga kamay naman ay nakagapos sa aking likuran. Nakagapos pa ang katawan ko sa isang poste. Tang*na! Ang hapdi na ng paa at kamay ko kakapumiglas.

Tinanggal ni Christiano ang busal sa bibig ko. Napahinga ako malalim. Pinuno ko nang hangin ang loob ko dahil parang kinapus ako sa hangin kanina dahil sa busal sa bibig ko.

Pwee! Dinuraan ko si Christiano na naka-squat sa harapan ko. Tumama iyon sa mukha niya. Napangisi ako. Sarkastiko siyang ngumisi at pinunasan ang laway ko na nasa mukha niya gamit ang kanyang kamay. Tiningnan niya ang kamay niya na ngayon ay may laway ko na. Mayamaya ay walang ano-ano'y isinampal niya sa mukha ko ang kamay niya na ginagamit niyang pamunas sa kanyang mukha.

Pakiramdam ko ay nahiwalay ang ulo ko sa aking katawan dahil sa lakas ng sampal niya. Uminit ang pisngi ko kung saan niya ako sinampal. Namanhid ang buong mukha ko at nalalasahan ko ang sariling dugo sa loob ng bibig ko. Hindi ako dapat makakita ng dugo! Kaya ang ginagawa ko nilunok ko iyon.

"After a long time, that's how you'd great your father-"

"P*TANG*NA MO! Ikaw dapat ang tanungin ko n'yan! Ganito mo ba salubungin ang anak mo?! Pero sabagay hindi nga naman ikaw ang tunay kong ama, diba?" sigaw ko sa pagmumukha niya, nakita kong nagulat rin siya sa sinabi ko. Nagulat ba siya na alam ko na ang totoo? "Nagulat ka? Oo alam ko na ang totoo. Alam ko na lahat. Kaya h'wag ka nang magmaang-maangan pa. Wala na yang silbi!"

"Sinabi na pala ng magaling mong nanay ang totoo. Alam mo na rin ba ang totoong nangyari sa ama mo?" panunuya niyang taong. Iniinis at ginagalit niya talaga ako. At nainis naman talaga ako. At galit na galit na rin ako.

"Oo, alam ko. Kaya nga gusto kitang patayin ngayon!" Hindi ko namalayang sa galit at pagtitimpi ko ay tumulo na pala ang luha ko. Gusto kong iganti ang ama ko! Gusto kong gawin ang ginawa niya sa ama ko! Nang dahil sa kanya hindi ko na kailanman makikita ang ama ko! Ngayon. Ngayon ko lang mas naintindihan. Mas lubos na naunawaan ang nararamdaman na galit ni Lorcan sa kanya. Sorry, Lorcan pati pamilya mo nadamay sa kabaliwan ng lalaking ito.

"Let's see if you can do that in your state right now." wika niya at nginisihan ako.

Pilit ko siyang dinadakmal perowala iyong saysay dahil lang ang kamay ko naman ay nakagapos. Sobrang higpit pa ng pagkakatali nila sa akin.

"Duwag ka!" sigaw ko sa kanya.

"Ano kaya ang magiging reaksyon ni Lorcan Lavoisier kapag nakita ka niyang ganito. It would be fun, no?"

Parang lahat ng dugo ko sa katawan ay pumunta sa ulo ko. Bakit ang hilig niyang mangdamay ng ibang tao? Kung may problema siya sa akin, sa akin dapat siya magalit.

"Huh, at bakit mo naman iyan naisip. Oi, parausan lang ako sa lalaking iyon. Sabi mo nga, diba isa akong p*ta! Malamang walang pakialam iyon sa akin." matapang kong saad.

Tumayo siya at humalakhak ng parang demonyo. "Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Kaya ka niyang bigyan ng milyones na kwintas. Hindi mo ako maloloko, Clayton. Alam kong may relasyon kayong dalawa." Nanlaki ang mata ko. Bakit pati iyong kwintas alam niya? Sinulyapan ko si Alfonso. Tssk! Malamang siya iyong nagsabi, traydor!

"Prfft! Hoy! Ginagamit lang ako ni Lorcan para sa kaalaman mo. At tinapos ko na ang relasyon namin bago mo pa ako kinidnap. Malas mo lang." Hindi ako nagpatinag sa kanya.

"Oh, let's see." Lumingon siya kay Lindsey. "Call Lorcan. Tingnan natin kung hindi iyon magwawala kapag malaman niya ang pinakamamahal niya ay nasa kamay ko. Make sure to tamper our location mautak pa naman sila."

Agad naman iyong sinununod ni Lindsey at ilang ring lang ay may sumagot kaagad. Tang*na! Bakit niya sinagot?!

"Lorcan," aniya sa cellphone.

Isang mahabang katahimikan muna ang namayani bago makapagsalita ang nasa kabilang linya.

"F*ck you! Christiano?"

Naka-loud speak ang cellphone kaya rinig na rinig ko iyong boses ni Lorcan.

"You really have a good memory, yes?"

"D*mn you! You'll pay for what you did-"

Pinutol ni Christiano ang pagsasalita ni Lorcan. "Ayaw mo bang malaman kung sino ang nasa kamay ko ngayon?"

"What do you mean?"

"Your lover boy is in my hands." sagot niya kay Lorcan at nginisihan ako.

"Clayton, are you there?" sigaw ni Lorcan sa kabilang linya. Hindi ako nagsalita.

'H'wag na h'wag kang magpapauto sa mga taong ito, Lorcan. Kahit naman galit ako sa'yo, hindi kita hahayaang gamitin ka ng lalaking ito.'

Nanatili akong tahimik.

"CLAYTON!!"

'Lorcan,' tanging sambit ko sa aking isip.

"Magsalita kang p*ta ka!" Galit na sigaw ni Christiano sa akin pero hindi ako nagsalita.

"Christiano! H'wag na h'wag mo siyang sasaktan! Anak mo pa rin siya!" sigaw naman ni Lorcan.

"Pagsalitain 'yan." utos ni Christiano sa tauhan niya.

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa pagpasalitain nang lumapit ang isang lalaki sa akin ay agad akong sinikmuraan kaya napaungol ako. Napaubo rin ako sa lakas ng suntok ng lalaki sa akin.

"Dang it! CLAYTON!!! Don't you f*cking dare lay a hand on him!"

"Now that you hear him. Kung gusto mong makita pa itong may buhay. Give me a money and step down as a mafia boss in Asia." ani Christiano.

"F*ck you! Hindi pa ba sapat ang perang ninakaw mo sa akin!"

"Madali lang akong kausap, Lavoisier."

"LORCAN H'WAG KANG MANIWALA SA KANYA AT WAG MONG ISUKO ANG PAGIGING MAFIA BOSS MO PARA SA AKIN! H'WAG NA H'WAG MONG GAGAWIN IYAN PARA SA AKIN!" Buong puso kong sigaw.

Sa galit ni Christiano ay natapun niya ang cellphone at agad akong sinakal. Napapikit ako sa sakit. P*tang*na!

"This mouth of yours!" Aniya at mas hinigpitan pa ang pagkakasakal sa akin. Napaubo ako nang padarag akong pakawalan ni Christiano.

"Ako na. Ako na ang magbabantay sa kanya rito." Mayamaya ay bulontaryo ni Lindsey nang sinabi ni Christiano kung sino ang magbabantay sa akin dito sa loob.

Masama ko siyang tinapunan ng tingin. Ano nang nangyari sa international model na ito. Lumabas na ang lahat at naiwan si Lindsey kasama ako. Agad siyang lumapit sa akin at sinuri ang kamay ko sa likod.

"Anong ginagawa mo?" may diin kong tanong.

Pumunta siya sa harapan ko. Kumunot ang noo ko nang makita kong naluluha at parang may guilt sa mukha niya. Anong laro ito?

"Sorry. I'm so sorry, Clayton." Lumuhod ito sa harapan ko.

"A-anong pag-arte iyan, Lindsey!" Akala niya ba nakakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin sa MU?

"Sorry. I am so sorry. Hindi ko naman alam na aabut sila sa ganito. Bakit kasi hindi mo pa iniwan si Lorcan." Paninisi niya sa akin. Tingnan muna lumabas din ang tunay na kulay.

"Hah! Lumabas din ang tunay mong kulay."

Umiling siya sa akin. "Hindi. Hindi mo ako naiintindihan, Clayton."

"Anong hindi ko maintindihan, Lindsey? E, itong ginagawa mo malinaw naman na para ito makuha mo si Lorcan, diba?"

"No! Wala akong balak. Noon pa man na bumalik kay Lorcan, Clayton. Kung may babalikan man ako, iyon ay ang anak ko. Hindi si Lorcan. Clayton no'ng nasa ibang bansa ako wala na akong balak pa sanang bumalik dito. Pero tumawag sa akin si Alfonso makalipas ang ilang taon kong paninirahan sa ibang bansa. Sinabi niya sa akin na kailan ko daw'ng umuwi rito dahil kailangan niya ako-" emosyonal niyang saad pero pinutol ko siya.

"At umuwi ka naman."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kung alam mo lang kung gaano ko ka ayaw nang umuwi rito. Masaya na ako sa mga larawan na nakikita ko kay Daniel kaya ayaw ko na sanang umuwi pero binantaan niya ako, Clayton. Binantaan ako ni Alfonso na kung hindi ako uuwi, sasaktan niya ang anak ko." wika niya at bumuhos ang mga luha.

"L-lindsey."

"Clayton walang kasing sama iyang si Alfonso. Alam mo bang noong isinilang ko si Daniel ay ayaw ko nang umalis ng bansa pero, Clayton. Alfonso made me do it. Kahit na ang kawawang sanggol na walang kamuwang-muwang ay idadamay niya kung hindi ako aalis ng bansa."

Naguguluhan ako. Bakit ito ginagawa ni Alfonso?

"Bakit niya iyon ginawa?" gulong tanong ko.

Mapakla siyang tumawa at pinalis ang luha niya. "Hindi mo pa rin talaga na gets. Alfonso is obsessed with Lorcan, Clayton. Ayaw niyang may ibang taong napapalapit kay Lorcan at mas lalong ayaw niya na may mahal si Lorcan. Naalala mo ba ang nangyaring pag-ambush sa inyo nung galing kayong La Union?" tanong niya sa akin. "Kung sana noon matapos ang pag-ambush niya ay nilayuan mo si Lorcan hindi ka siguro aabut sa ganito."

Halos hindi tanggapin ng utak ko ang mga pinagsasabi ni Lindsey. Papaanong? Si Alfonso? May gusto siya kay Lorcan? E, bakit nakipagsabwatan iyon kay Christiano? Hindi ko talaga alam kung ano rin ang tumatakbo sa utak ng Alfonso na iyon. Patahimik-tahimik lang iyon pero dahan-dahan na niya palang hinihila pababa si Lorcan? Para ano?

"Anong mapapala niya at bakit nakipagsabwatan siya kay Christiano?"

Umupo si Lindsey sa semento. Hindi ko aakalain na ang isang international model na may mala-dyosang mukha ay nakaupo ngayon sa maruming sahig na parang wala lang sa kanya. Ibang-iba siya sa Lindsey na unang nakita ko.

"Of course, Christiano is asking for money, and he wants Lorcan to step down as a mafia boss. After that, maybe Alfonso thinks that if Lorcan's already broke lalapit ito sa kanya. Nabulag lang siya sa sobrang pagkagusto niya kay Lorcan. Hindi niya alam that Lorcan was born with billions on his hands." pagkukwento niya sa akin.

Natahimik kaming pareho.

"Bakit mo ito sinasabi sa akin, Lindsey?" tanong ko sa kanya matapos ang mahabang katahimikan namin.

"Sa oras na pinasok ko ito, alam kong wala na akong kawala pa, Clayton. Kaya ko sinasabi ang lahat ng ito ngayon kasi," lumapit siya sa akin at hinawakan ang binti ko. "Itatakas kita rito. Dapat malaman ni Lorcan na si Alfonso ang traydor sa grupo nila. Dapat hindi siya magtiwala roon. Dapat mo ring makalaya rito, Clayton kasi n-naghihintay ang anak ko sa'yo." wika niya at umiyak na naman.

"Nakita ko kung papaano mo alagaan ang anak ko. Nakita ko kung gaano mo kamahal ang anak ko at nakikita ko rin na gustong-gusto ka ng anak ko. Kaya kahit na anong mangyari. Pangako. Itatakas kita rito. Ito lang ang tanging paraan para makabawi ako sa ginawa ko sa iyo, sa inyo ni Lorcan."

Napaismid ako sa sinabi niya. "Ginamit lang din naman ako ni Lorcan-"

"Hindi ako naniniwala na ginagamit ka lang niyang talaga. Kita ko sa mata ni Lorcan Clayton. Nakita ko kung paano ka niya tingnan. Kaya ipupusta ko buhay ko mahal ka n'on. Siguro sa unang plano niya ay gamitan ka pero sa huli minahal ka rin niya."

Ayaw ko munang isipin iyon.

Umiling ako sa kanya. "Kung itatakas mo ako rito sumama ka. Magpakita ka kay Daniel." anyaya ko sa kanya.

"Gusto ko, Clayton pero wala akong mukha na ihaharap sa anak ko. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya matapos ko siyang iwan pagkaanak ko sa kanya."

Hindi ko siya sinang-ayunan doon.

"Pero hindi mo naman gusto iyon."

Matamlay siyang ngumiti. "Hindi ko nga gusto pero nagpakaduwag naman ako."

"Dahil gusto mo lang naman siyang protektahan. Lindsey matalinong bata si Daniel. I'm sure maiintindihan ka no'n."

Bumuntonghininga siya at umiling. "H'wag na nating pag-usapan 'yan. Ang pagtakas mo ang pag-usapan natin."

"T-teka lang Lindsey iyong kaibigan ko nasaan siya?" tanong ko sa kanya nang maalala ko si Harem.

"Anong kaibigan? Ikaw lang mag-isa ang dinala rito ni Alfonso." kunot noo niyang sagot sa akin.

Jusko! Nasaan na ang kaibigan ko?

"Gaano na ako katagal dito?"

"Two nights and one day na. Kaya bukas ng gabi kita itatakas dito kapag nakatulog na ang mga bantay sa labas."

"Delikado ang gagawin nating ito, Lindsey." may takot at pag-aalala kong sambit.

"Magtiwala ka sana sa akin Clayton na gagawin ko ang lahat makatakas ka lang dito. Basta ipangako mo na aalagaan at mamahalin mo ang anak ko at protektahan mo siya. Iyon lang."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top