CHAPTER 32

Chapter 32

Clayton’s Pov

PAGBALIK namin ni Lorcan sa Manila, sa mansyon niya ay bumalik na rin sa rati ang daily routine namin. Ang nabago lang siguro ay lagi na naming kasama ni Daniel si Lorcan kumain sa umaga at gabi. Kapag naman natatagalan siya sa trabaho ay nagt-text siya sa akin na huwag na siyang hintayin. Syempre dumoble ang landian namin ni Lorcan.

Nung pumasok ako sa MU. Totoo nga ang sinabi ni Lorcan na inayos na niya ang lahat. Pagkapasok ko ay parang wala lang nangyari ang mga estudyante, parang walang pumutok na issue sa akin. Akala ko nga ipapatawag ako ng guidance or ng dean ng school pero wala naman. Kaya naging maayos lang ang daloy ng buhay ko sa MU.

Mabilis lang ang paglipad ng panahon at binibisita ko rin si mama sa ospital. Ang sabi ng doctor niya ay stable naman daw si mama at nagpapakita na raw ng signs na malapit na siyang magising na kinasaya ko ng sobra.

Isang araw ay half-day lang namin at dumiretso ako sa mansyon ni Lorcan. Naalala ko kasi na hindi pa ako nakakabisita sa opisina niya. Kaya pagka-uwi ko ay nagluto ako ng menudo. Isu-surprise ko siya. Dadalhan ko siya ng lunch sa opisina niya. Sana lang wala pa iyong lunch.

"Papa, what are you doing?" tanong ni Daniel na kakapasok lang sa kusina.

Tinikman ko ang luto ko at tinakpan iyon. Pinatay ko ang apoy bago sumagot kay Daniel.

"I'm cooking for your daddy's lunch, baby." Sagot ko rito. Hinubad ko ang apron ko at pinaupo ko si Daniel sa isang upuan. "Huwag malikot ah, baka mahulog ka." Paalala ko sa kanya. Magiliw naman siyang tumango sa akin.

"I wanna taste it papa."

"Sige wait lang," ani ko at kumuha ng pinggan. Kumuha na rin ako ng rice na niluto ko rin.

"Clay!" Napaigtad naman ako nang biglang sumigaw si Jhera.

"Jhera," ani ko.

"What are you doing here?" Malditong tanong ni Daniel habang nakakrus ang maliit braso.

"Ay! ay!ay! Ang mahal na prinsipe. Uy, maghuhugas ako ng pinggan. Inutusan ako ni Esmerald." katwiran naman ng babae.

"I don't really like you. Get out!" sigaw ni Daniel kay Jhera.

"Oi! oi!oi!-"

Naoutol si Jhera nang pabagsak kong nilapag ang babasaging pinggan sa counter dahil naririndi na ako kanilang dalawa. Napatigil naman sila. Inayos ko ang upo ni Daniel.

"Baby ito kumain ka." Binalingan ko si Jhera na nagmi-make- face kay Daniel.

"Ugly creature!" wika ni Daniel.

Nagmana talaga sa ama!

"Baby h'wag mong tawagin ng ganyan si Ate Jhera. Masama 'yan Ate mo siya-"

Pinutol niya ako. "I don't have an ate who look like her! She's ugly nga papa it's true can't you see it. Short hair doesn't suit her. She looks like a rotten mushroom." Aatakehin ata ako sa puso nitong si Daniel.

"Kahit na baby don't call her that. It's bad. I thought you're a good boy." pangangaral ko sa kanya.

"No! Daniel Earl is a good boy only to his papa." sagot niya sa akin.

"Tingnan mo. Tingnan mo 'yan, Clay! Ang-"

"Jhera!" napatigil si Jhera at tumingin sa akin. Maarte niyang nilagay sa likod ng tenga niya ang kanyang takas na buhok. "Huwag mo kasing iniinis ang bata. Alam mo naman na pikon iyan at mainit ang dugo sa'yo."

"Ang sarap kasing asarin, e."

"Tigilan mo kung gusto mo pang magtagal dito. Alam mo bang sinasabi niya kay Lorcan na sisantehin ka raw." pag-amin ko sa kanya.

Lumapit sa akin si Jhera. "Talaga crush- ay este, Clay?"

"Oo, kaya umayos ka d'yan."

Napakamot siya sa ulo niya.

"Baby aalis lang ako saglit ah. Pupuntahan ko lang si daddy sa opisina niya." Pagpaalam ko kay Daniel na naglalaro.

"Will you be home or not?" 

"Ay, oo naman uuwi ako kaagad."

"Really? You won't go on a trip with dad like before."

Nilapitan ko siya. Naniniguro na siya. Ayaw na niyang maulit iyong pagpunta namin ni Lorcan sa Batangas at naiwan siya rito. Nagtampo rin siya dahil doon e.

Hinalikan ko ang noo niya. "Oo pangako 'yan. Uuwi ako at si daddy mo." ani ko at kinurot ang namamawis niyang ilong kahit na may aircon.

"Jhera, pakitingnan ang bata ah. Madali lang ako ihahatid ko lang ito kay Lorcan." bilin ko kay Jhera na nakatutok sa cellphone niya.

"Oo crush mag-ingat ka." Wika niya habang ang mata ay nasa cellphone pa.

"Jhera ah. Ang bata wag cellphone."

Hinatid ako ng isang sasakyan ni Lorcan doon sa opisina niya. Ang driver ay iyong laging naghahatid at sundo sa akin sa MU. Bumaba ako sa harap ng isang matayog na gusali.

"Kuya hintayin niyo lang po ako mabilis lang naman po ako." saad ko kay kuya na sa tagal ko sa mansyon ni Lorcan ay hindi ko pa rin siya kilala.

"Sige po, Sir." sagot sa akin ni kuya.

Tumalikod ako sa kanya at papasok na sana ako ng harangan ako ng guard.

"Saan kayo, Sir?" tanong nito.

Tssk! Hindi ba obvious na papasok ako sa loob?

"Sa loob kuyang guard." sagot ko naman.

"Anong sadya mo, hijo? May ID ka ba?"

Ay! Hindi ko dala ang ID ko. Bwesit naman.

"Kuya kilala ko ang boss ninyo rito. Pakitawagan po sabihin niyo po nandito si Clay-"

"Ay naku hijo lumang alibi na 'yan."

Anak nang!

"Papasukin mo siya kilala siya ni Mr. Lavoisier." Napalingon ako sa likod ko ng may nagsalita na babae.

"Oh!" Tanging usal ko.

"Halika sumama ka sa akin." Sumunod ako sa babae. Nakita ko naman ang pagkunot noo ni kuyang guard. Sinabayan ko ang babae sa lakad niya. Para kasing nakita ko na siya hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.

"Hmm, nagkakilala na tayo, hijo. Ako iyong . . . ako iyong tumulong sa mama mo noong inatake siya. Ako ang nagdala sa kanya sa ospital." Tang*na! Bakit ko nakalimutan? Oo nga siya nga iyon.

"Hala sorry po. Nakalimutan ko po talaga. Saka ang mukha niyo lang po kasi ang pamilyar sa akin. Hindi ko po kasi nakuha ang pangalan mo noong panahon na iyon. Sorry po." hingi ko ng tawad.

She tapped my shoulder. "It's okay. By the way, I'm Ivon." Pagpapakilala niya sa akin.

Inabut ko ang kamay niya. "Ako si Clayton. Clay na lang tawag mo sa akin."

"Nice to meet you again, Clay."

Ngumiti ako sa kanya. Pumasok kami sa elevator at siya na rin ang pumindot sa up button at sa kung saang floor kami.

"Dito ka nagtatrabaho . . . Ivon?" Nahihiya akong tawagin siyang ate e. Para kasing hindi bagay sa kanyang tawagin siyang ate.

"Ah, uhmm yeah dito." tugon nito sa akin. Hindi na lang ako umimik kasi parang hindi siya komportable sa tanong ko. Bumukas ang elevator at lumabas ako pero hindi siya sumunod sa akin.

"Hindi ka-"

"Hinatid lang kita. Sige na. Walang ibang pintuan dyan kondi ang office lang ni Mr. Lavoisier." saad niya at ngumiti sa akin.

"Sige, sige salamat at salamat ulit sa pagtulong noon sa mama ko."

Tipid siyang ngumiti at yumuko bago sumara ang elevator. Sabi ni Ivon walang iba pinto rito kundi ang opisina na ni Lorcan. Oo nga may isang double-door pero sa gilid naman ay may lalaking nakaupo at nakatutok sa monitor.

"Good afternoon po! Nandito po si Lorcan?" tanong ko sa lalaki. Nakasuot siya ng salamin kaya hinubad niya ito.

"Oh, you have an appointment with Mr. Lavoisier?" Balik nitong tanong sa akin.

"Ay, wala po," hindi ko matuloy ang sasabibin ko at napatingin ako sa dala kong paper bag na lamang lunch ni Lorcan.

"Para kay Mr. Lavoisier 'yan?" He asked me, pertaining to the paper bag.

I nodded. "Oo pwede pakibigay na lang lunch niya 'yan." Ani ko at inabot sa kanya ang paper bag.

Iwiniwasiwas niya ang kamay at umiling. "You must be . . . .” he trailed. "Clayton Perkin?"

Nahihiya akong tumango sa kanya. "I'm Elias his secretary." Tapos nakamayan kami. "Okay wait a sec."

"Hello sir, Mr. Perkin is here, Sir. Papaalisin ko po ba or papasukin ko na siya, oh okay sir. Okay sir, copy."

"Saglit lang hintayin muna natin lumabas ang mga investors."

Mayamaya ay lumabas ang ilang mga matatandang lalaki galing sa double-door.

"Sige na pumasok ka na." Giniya niya ako roon sa double-door

"Salamat."

"Babe!" Napatalon ako sa gulat ng biglang may humawak sa baywang ko. Tang*na buti na lang at mahigpit ang pagkakahawak ko sa paper bag.

"Ano ba h'wag ka ngang manggulat! Baka sa susunod masuntok na kita."

"Yeah," aniya at hinuli ang mukha ko at sinimulan akong halikan. Gamit ang dalawang malalaki niyang kamay ay hinawakan niya ang baywang ko at inilapit ako lalo sa katawan niya at pinalaliman pa ang halik namin. Naghiwalay lang ang labi namin nang kapusin kami sa hininga.

"D*mn it. I wanna eat you." kompisal niya at hawak-hawak pa rin niya ako.

"Oh, tamang-tama gutom ka may dala akong lunch para sa'yo." Lumayo ako sa kanya. Baka saan pa kami makarating kapag hinayaan ko siya. Pumunta ako sa mesa niya at niligpit ang nagkalat na mga folders doon. Tinabi ko iyon at nilabas ang dala kong lunch para sa kanya.

"I thought you would be my lunch." Pagmamaktol niya at niyakap ako galing sa likod. Hinalik-halikan niya pa ang batok ko. Sorry siya hindi ako bibigay. Nasa baba si kuyang driver naghihintay sa akin.

"Mamaya na iyan kain ka muna." suway ko at inalis ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin. Pinaupo ko siya sa swivel chair niya. "Tikman mo luto ko."

"It would taste wonderful if I will eat you, babe. Please?" nag-puppy eyes pa siya. Hindi naman bagay sa kanya.

"Hindi nga sabi. Mamaya na. Sa dinner, sa dinner na lang."

"F*ck! Really? You better not take back your words, Perkin."

Tumango ako sa kanya. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at kinunan siya ng larawan. Stolen. Stolen pero gwapo pa rin kahit saang anggulo.

Nakailang subo siya at nilapag ang kutsara at tinidor. Tapos ay pinisil-pisil niya ang kamay niya. Nilagay ko sa mesa niya ang cellphone ko.

Kinuha ko ang kamay niya. "Anong nangyari sa kamay mo? Masakit?"

"Nope, nangangalay lang siguro kakapirma sa mga documents." Nakita ko ngang tambak ang lamesa niya ng folders. Kawawa naman ang boyfriend ko.

"Subuan kita, okay lang ba." Offer ko.

"Good idea, babe." Agad niya namang sang-ayon sa akin.

Akmang magsasandok na ako upang subuan siya nang bigla niya akong paupuin sa hita niya, in sideways.

"Lorcan! Buti hindi pa ako nakakuha ng pagkain."

Ngumiti lang siya at ninakawan ako ng halik at binuka ang bibig niya. Kaya ang nangyari nakaupo ako sa hita niya habang sinusubuan ko siya. Nang matapos niyang ubusin lahat ng dala ko ay pinunasan ko ng tissue ang bibig niya. Tumayo ako at kumuha ng tubig. Pagbalik ko ay pinaupo siya rin ako sa hita niya habang pinapainom ko siya ng tubig.

Matapos niyang uminom ay nilapag ko sa mesa ang baso. Sinampay ko ang aking kamay sa kanyang leeg.

"I love how you take care of me, babe. I love how you spoil me." Niyakap nito ang kamay sa katawan ko.

"Hehe, ako rin naman," pag-amin ko sa kanya. Niyakap ko siya at inunan ang ulo ko sa balikat niya.

"You're tired?" wika niya at hinahaplos ang likod ko.

"Wala lang gusto lang kitang yakapin. Gusto ko lang yakapin ang boyfriend ko." Sambit ko at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango rito. Gusto ko ng dito tumira. Kahit na araw-araw at gabi-gabi ko siyang katabi hindi talaga ako nakaka-get over sa bango niya.

"B-babe, don't bite me. Always remember sa dinner na." Si Lorcan nang nakagat ko ang leeg niya dahil sa bango. "You are waking up my sleeping beast down there, babe."

Akmang dudukutin ko na ang sleeping beast niya nang biglang bumukas ang pintuan. Sabay kaming tumingin doon. Naunang pumasok si Raphael na ngayon ay parang dumoble ang pagkalamig ng paraan ng pagtingin sa akin. Tapos ay sumunod si Colt at Desmond na may seryoso ring ekspresyon sa mukha.

Umalis ako sa pagkakaupo sa hita ni Lorcan. Ewan ko kung alam na ba nila na kami na ni Lorcan. Hindi naman kasi nabanggit ni Lorcan na sinabi niya sa mga kaibigan niya ang tungkol sa amin.

"Pwede bang umalis ka na Clayton." Malamig na wika ni Raphael na nakatingin kay Lorcan.

"Rap/Raphael!" Sabay na tawag nilang tatlo sa pangalan ni Raphael.

"Si-sige aalis na ako." ani ko naman dahil nararamdaman ko na ang tensyon sa loob gg silid. Kung dati ay namangha ako sa laki nito. Ngayon naman pakiramdam ko ay naiipit na ako sa liit.

"Ba-Perkin." pigil sana ni Lorcan.

"A-aalis na ako Lorcan. Naghihintay lang pala sa baba ang driver ko kanina." Tumayo si Lorcan saka hinalikan ang noo ko.

"Okay take care." Ngumiti ako sa kanya.

Bahagya akong yumuko sa kanila bago ko sila iniwan. Agad akong sumakay sa elevator para bumaba. Muntik ko ng makalimutan na naghihintay pala sa akin sa baba ang driver ni Lorcan. Tskk! Landi pa kasi e.

Pagkalabas ko sa elevator ay kinapa ako ang bulsa ko dahil tatawagan ko sana si Harem. Pero wala ang cellphone ko sa aking bulsa. Tumigil ako sa paglalakad at inalala ko kung saan ko iyon nakalimutan. Tapos naalala ko na kinunan ko pala ng picture si Lorcan kanina at nilagay ko iyon sa desk niya. Ginulo ko ang buhok ko at bumalik sa elevator. Tang*na! Nagmamadali pa naman ako.

Pagdating ko doon ay wala ang secretary ni Lorcan sa kinauupuan niya kanina. Kaya dumiretso na ako doon sa double-door kakatok na sana ako nang marinig ko ang sigawan nila sa loob kaya nabitin sa ere ka kamay ko.

"F*ck you, Lorcan!" Rinig kong sigaw ni Raphael sa loob.

"And what is it to you, Rap! It's my life and you don't have to-"

Rinig ko ang pagkaputol ni Lorcan. Kaya aalis na lang sana ako nang marinig ko ang pangalan ko.

"D*mn it! Did you forget why that Clayton is here?!"

"It's my choice so back off, Marcet!" Dumagundong ang boses ni Lorcan.

"You know what Lorcan. I thought this plan of yours will success. I thought you would.win.this.battle. but look at you now, so smitten with that d*mn guy. I thought you would never fall for him. I thought it was just part of the plan, so I let you in your craziness. I'm so dissappointed, Lorcan."

Hindi ko alam kung anong plano ang tinutukoy ni Raphael. Naguguluhan ako. Gusto kong pumasok doon at komprontahin sila kung anong plano. Bakit kasali ang pangalan ko d'yan? Anong ibig sabihin nito?

"Like what I said it's my choice so f*ck off," malamig na saad ni Lorcan.

"F*ck you! You wasted the years of waiting and planning for this assh*le! From the very beginning its crystal as clear that you'll be just using Clayton to lure his father. From the very beginning you know better that it was for revenge! From the very beginning you know it was a play idi*t!" sigaw ni Raphael

Hindi ko na nakayanan tatalikod na sana ako at baba na lang pero parang may kung anong humatak sa akin at binuksan ko iyong double-door. Lahat sila ay nagulat sa pagpasok ko. Si Lorcan ang unang tumayo si kinauupuan niyang leather na single sofa tapos sabay na tumayo si Colt at Desmond. Tiningnan ko si Raphael na walang emosyon ang mukha at malamig ang tingin sa akin.

"B-babe," nauutal na saad ni Lorcan. Sa center table ay may nakita akong mga stolen pictures ko sa school, sa Lattea noon, sa bahay namin at iba pa.

"B-babe," ani Lorcan at humakabang papalapit sa akin.

"Lumapit ka sa akin at mapapatay kitang g*go ka." malamig kong saad sa kanya at tumulo ang luha ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top