CHAPTER 30
Chapter 30
Clayton’s Pov
NAITAKIP ko sa aking mata ang braso ko nang pagkagising kong tumama sa akin ang sinag ng araw. Napakamot ako sa aking leeg at tinulakbong ang kumot saka muling pinikit ang mata. Jusko! Gustong-gusto ko pang matulog. Heto na naman po ako sa problema ko. Itong pagod na pagod ako kahit na kakagising ko pa lang sa umaga. I think I need enervon.
"Ugrrhhhh!!!" Inis kong sambit dahil kahit anong gawin ko hindi na ako makabalik sa tulog ko. Tang*na. Ito 'yong pakiramdam na gustong-gusto matulog ng katawan ko pero iyong diwa ko tang*na parang nakalaklak ng isang pack ng 3 in 1 coffee! gising na gising! Bwesit na bwesit na ako.
Dahil hindi maganda ang gising ko pikit matang pinagpapatid ko ang kumot at unan.
"You look like a baby throwing a tantrum, Perkin." Napamulat ang ako nang marinig ko ang boses ng dahilan kung bakit hindi maganda ang gising ko. Kung hindi niya ako pinagod magdamag hindi sana magiging ganito ang gising ko. Naglakad siya patungo sa akin habang binabatones niya ang button down shirt niya. Sumampa siya sa kama at hinalikan ako. "Good morning, babe." Umalis din siya sa kama at bumalik sa harapan ng malaking salamin.
Sumimangot ako sa kanya. "Walang good sa umaga ko. Kaya bad morning!"
"Why? Don’t you like good morning kiss? Do you prefer good morning s*x instead?" Tukso niya sa akin. Tumingin siya sa rolex watch niya. "I still have time."
Napapikit ako sa inis sa kanya. Hindi ba pa sapat na halos hindi na niya ako pinapatulog! S*x addict!
"Hindi, 'no! P-pagod ako." Mahinang saad ko. Narinig ko ang pagtawa niya.
Nakita kong nahihirapan siyang itali iyong necktie niya. Kaya napagdisesyonan kong tulungan siya.
"Ako na mag-aayos sa necktie mo." Pagbobolyuntaryo ko. Tumayo ako sa kama. Pero laking gulat ko na nakaboxer lang pala ako. Napatingin ako sa ibaba ko bago tumingin kay Lorcan. Tang*na! Tssk! Boyfriend ko na siya kaya walang malisya na ito. Nagkailang score na siya sa akin, 'no! Nakita na niya ang lahat-lahat sa akin. Kaya kampante akong naglakad sa ibabaw ng kama upang lapitan siya. Pero hindi pa man ako nakakarating sa paanan ng kama ay lumapit na siya roon at binuka ang malaki at matitigas niyang braso. Jusko! Anong nagawa ko sa past life ko at biniyayaan mo ako ng ganito ka gwapong lalaki? Ahhh! I feel blessed.
Na-excite tuloy ako. Nawala bigla ang inis ko kanina. Niyakap ko ang braso ko sa leeg ni Lorcan at pinulupot ang binti ko sa bewang niya. Naglakad siya at pinaupo niya ako sa mesa na nasa harapan ng malaking salamin. Inayos ko ang necktie niya.
"Hindi ka marunong mag-ayos ng necktie?" tanong ko sa kanya at tumingin saglit sa mata niya.
"Hmm." Sagot niya.
"E, sino ang nag-aayos ng necktie mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Sometimes Alfonso did it. Sometimes my secretary." Dahil sa huling sinabi niya nahila ko ng malakas ang necktie niya kaya napaubo siya ng wala sa oras.
"F*ck! Are you trying to kill me, babe!"
"G*go ka! Sinong secretary 'yan!"
Ang inis sa mukha ni Lorcan kanina ay napalitan ng nakakalokong ngiti.
"Are you jealous again?"
"Oo." Walang pagdadalawang-isip kong sagot sa kanya.
"Dang! You're so adorable babe." Pinagpugpog niya ng halik ang mukha ko. Inis kong hinuli ang mukha niya. Wala pa akong hilamos!
"Tumigil ka! Sinong secretary iyan?" Umagang-umaga pinapataas ang presyon ko!
"You don't have to be jealous actually but on the bright side I like you being possesive and jealous. But yeah, my secretary? Elias is 54 years-old and he used to be my dad's secretary. I see him as my dad, Perkin."
Napanguso na lang ako dahil sa inakto ko kanina. E, nagseselos ako eh. Buti na lang lalaki at matanda na. Hindi ako umimik at inayos na lang ulit ang necktie niya.
"Ayan na tapos na," masayang saad ko.
"I would love if you did this to me every day." He beamed.
Nilagay ko ang braso ko sa balikat niya. "Oo naman gagawin ko ito sayo araw-araw."
Niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik. "I don't feel like working. I wanna be with you all day, Perkin." Kinikilig naman ako dahil parang bata si Lorcan na naglalambing sa mama niya. Shocks!
"Parang gusto ko rin 'yan Lorcan pero ano naman ang gagawin natin?" tanong ko habang yakap-yakap pa rin siya.
"Cuddle, kissing, making love." At dahil na naman sa sagot niya napabitaw ako sa yakap namin. Wala talagang alam gawin ang lalaking ito. Ibenta ko na lang kaya itong si Lorcan? May mag-mine kaya? Kidding!
Ngumisi ako. "Ay hindi ko na pala gusto. Sige na Lorcan pumasok ka na sa trabaho para sa future natin, ah. Work hard." Pagtataboy ko sa kanya.
"I thought you want me here as well. Also, I don't have to work my ass off that much for our future. I am a billionaire, Perkin. Your boyfriend is a freaking billionaire. And I am the boss."
Umiling ako sa kanya. Papagurin na niya naman ako hanggang sa hindi na naman ako makakalakad ng maayos. "Hindi na, sige na, alis na dahil pagod ako at inaantok pa ako. Sige na."
Hinalikan niya akong muli.
"Okay. I'll have your breakfast delivered here." aniya na ipinagdiriwang ng katawan ko.
"E, ikaw?" Pagtutukoy ko kung saan siya kakain.
"I'll eat in the restaurant below. As much as I want to have a breakfast with you but you're tired. So, get rest."
Nagsisi naman ako. Sayang sabay sana kaming kakain. Pero sige na lang.
Iniindak ko ang binti ko.
"Ingat ka Lorcan. Huwag kang papaagaw. Tandaan mo akin ka na!" sigaw ko nang makarating siya sa pintuan. Nilingon niya ako at ngumiti.
"Of course, babe." Ngumiti ito sa akin ng matamis.
Hindi na ako naghintay pa nang matagal at dumating na ang agahan ko. Pagkatapos kung kumain ay isinara ko ang makakapal at mahabang kurtina saka natulog ulit ako. Nagising ako mga bandang alas dos ng hapon. May nakita akong pagkain sa table at tatlong malalaking paper bag. Tapos may bill pa sa table. Hindi ko na binilang kung ilan.
Masigla akong bumangon at tiningnan kung ano iyon. Ang isang paper bag ay mga pang summer clothes, boxers, at iba pa. Ang isa naman ay sandal na pang beach. Tapos ang isa naman ay halos maitapon ko. Tang*na talaga si Lorcan. Ipina-deliver ba niya ito rito?! Mga lubes at condoms ang laman ng isang paper bag. Pinapakyaw ba ni Lorcan ang mga botika ng condom?
Kumain ako at pagkatapos ay naligo ako. Nagbihis ako ng isang cotton shorts at pinarisan ko ng isang floral polo iniwan kong bukas ang dalawang botones no'n. Para seductive! Pero syempre biro lang. Buto't balat lang ang makikita mo sa katawan ko. Sinuot ko ang isa na kulay itim na sandal. Dalawa pala ang sandal, iyong isa ay puti tapos malaki siya hula ko kay Lorcan iyon. Kumuha rin ako ng ilang bills dahil debit card ang meron ako, hindi naman ako nagwi-withdraw ng pera dito. Para pang-feeling rich lang itong debit card mayroon ako.
Bumaba ako at pumunta sa dalampasigan. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng ganito. Nakakawala ng stress ang dagat. Maraming mga turista. Maraming nakabikini lang tapos marami ring mga foreigner.
Napansin kong may nagbibinta ng mga souvenir sa 'di kalayuan kaya pumunta ako roon para mamili para kay Daniel. Pasalubong ba. Para hindi sumama ang loob dahil iniwan namin ni Lorcan. Ganito kasi si mama noon sa akin, e. Pag-umaalis siya iniiwan ako sa kapitbahay namin syempre tampo-tampuhan ako noon dahil gusto kong sumama. Tapos pag-uwi niya may pasalubong na siya pambalubag loob. Napangiti ako nang maalala ko kung gaano ka simple at saya ang buhay namin noon.
Nang may bili na ako. Makangiting naglakbay naman ako pabalik sa resort. Malapit ng magdilim.
"Hey!" Naitaas ko ang kilay ko nang tawagin ako ng isang lalaki. Lumingon ako sa likod ko baka kasi nag-assume ako na ako tapos hindi pala ako. Ganyan pa naman tayo minsan. Nag-aassume tayo, kaya tayo nasasaktan.
Bumaling ulit ako sa lalaking banyaga at tinuro ko ang aking sarili.
"Yeah, you." Lumapit ito sa akin.
"Kilala mo ako?" tanong ko.
"I don't but I wanna know you." Ay tang*na direct to the point.
'Sorry ka kuyang foreigner, taken na me.'
"Hehehehe," hilaw kong ngiti sa kanya.
"I saw you earlier and you caught my attention."
Hilaw ulit akong ngumiti. 'Sorry talaga kuya. Wala akong interes sa'yo at kung ikaw na-caught ko ang atensyon mo, p'wes ako, hindi.' Gusto ko sanang sabihin iyan sa kanya.
"Are you available tonight? Let's have a dinner." yaya pa nito.
"No, no, no, sorry I'm not available." Because I'm taken. Gusto pa sanang idagdag.
"But you're alone. Maybe having me will-"
"Maybe having you what?" May biglang sumabad sa amin sa likod ko at hinapit ang bewang ko.
"Oh! Who are you?" turan ng foreigner kay Lorcan.
"I'm his boyfriend so back off." Tumingin ako kay Lorcan. Bakas sa mukha niya ang inis. Nakabihis na pala. Nakashorts at polo lang din siya kung sa akin bukas ang dalawang butones siya naman apat talaga. Bakit nagsuot pa siya n'yan? Naka-sandal na rin siya. Ngayon ko lang napansin parang couple pala itong suot namin ngayon! Tang*na kinikilig ako sa kabila ng inis ni Lorcan.
Sa kabilang banda, ang foreigner naman ay nagulat dahil sa sinabi ni Lorcan tumingin siya sa akin na parang nanghihingi ng kompirmasyon mula sa akin. Tumango ako sa kanya.
"Ohh, I'm so sorry. Sorry." anito at umalis.
Umikot ang ulo ko upang sundan ang kawawang foreigner. Narinig ko naman ang paggitgit ni Lorcan sa ngipin niya.
"Don't tell me you have a crush on that ugly creature!"
"Ay! Lorcan grabe ka naman hindi naman sa ugly creature. Gwapo nga iyon, e." alma ko sa kanya.
"So you have a thing on him nga." Medyo tumataas na ang boses niya.
"Ano? Hindi, wala." Tanggi ko dahil wala naman talaga.
"But you said his gwapo." pagrereklamo niya.
"Oo humanga lang naman." pag-aargumento ko.
"So who's much gwapo him or me?" Tanong niya. Natawa ako sa tanong niya anong klaseng tanong iyan. Parang pinagbibilang lang ako n'yan ng one-to-ten, e.
"Syempre ikaw boyfriend kita e. Wala ng mas gugwapo pa sayo." Mabilis kong sagot sa kanya. 'Di na kailangang pag-iisipan pa iyon talagang siya. Si Lorcan na ang pinakagwapo sa mata ni Clayton Perkin.
"You better be."
Tumango ako at ngumit sa kanya.
"Let's go. We will be having our dinner."
Pumasok kami sa isang mamahaling kainan. Habang naghihintay kami ng order namin ay tumunog iyong cellphone niya. Kinapa niya ito sa bulsa ng short at sinagot iyon.
"Babe, Perkin sit beside me. I'm having a facetime with Daniel." Magkaharap kasi kami ngayon sa iisang four-seater na mesa. Tumayo ako at umupo sa tabi niya. Sumenyas pa siya na sa hita raw niya ako umupo. Tssk! Akala niya sa akin? Ang landi rin talaga nito!
"PAPA, DADDY!!!" Masayang tawag ni Daniel sa amin ni Lorcan.
"Hi, baby! Kumain ka ba? Hindi mo ba inaaway si ate Jhera?"
"Daniel Earl, you behave."seryosong saad ni Lorcan.
Nakita kong ngumuso si Daniel. Kapag ganyan alam ko talaga na nagtalo na naman sila ni Jhera. Ayaw na ayaw niya talaga kay Jhera. Ika nga niya maingay raw. Ako naman may pagkamaingay rin pero gusto niya.
"I'm done eating na po, Papa. I ate with uncle handsome Colt, Desmond, and Raphael."
"Very good, baby! Dahil d'yan uuwi na kami bukas." Wala sa sarili kong sabi. Napa-yehey naman si Daniel.
"That's good, Papa. Cuz, I miss you na po, Papa."
"Daniel daddy's still have a work here. Maybe on the next day we will be home." singit ni Lorcan.
"But daddy papa said-" makikipagtalo pa sana ang bata pero pinutol ni Lorcan.
"Don't believe your papa."
Nakita kong nalungkot ang bata.
"Lorcan." Nakurot ko ang gilid niya. Pero parang wala lang iyon sa lalaki.
"Don't worry Daniel your papa buys you a lot of toys and souvenirs." ani Lorcan na nagpaliwanag naman sa mukha ni Daniel. Tssk!
"Wow! Really, Papa?"
"Oo, baby."
"Tama na 'yan." Narinig ko ang boses ni Colt.
"Sige na, Lorcan papatulugin na namin si Daniel." Paalam naman ni Colt. Hindi talaga nakatakas sa mata ko ang tingin ni Colt sa akin. Naitikom ko ang bibig ko at simpleng tumango sa kanya.
Galit pa ba si Colt sa akin? Hindi ko naman pinilit si Lorcan na sabihin iyon, e. Saka hindi naman siguro malalaman ng head nila na sinabi sa akin ni Lorcan na mafia boss siya. Kung walang magsasalita hindi nila malalaman iyon kaya kampante ako na walang mangyayaring punishment para kay Lorcan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top