CHAPTER 3
Chapter 3
Clayton’s Pov
SABAY kaming lumabas ng Lattea ni Jersey pagkatapos kong makapagpaalam kay Ate Kris. Sinabihan ko rin siya na aabsent ako bukas at sa makalawa dahil maghahanap ako ng ibang trabaho. Naintindihan naman ni ate Kris dahil alam niyang kailangan ko ngayon ng pera. Maybe I look like a desperate person right now, but I don't care; I need money for my mother's operation.
Hindi ko sinabi kay ate Kris ang tunay na dahilan kung bakit ako aabsent dahil alam ko na pipigilan niya ako. Parang tunay na kapatid na ang turing sa akin ni Ate Kris. Ako kasi ang unang trabahante ng shop niya at noong muntik ng malugi ang shop. Ako lang ang naiwan na trabahante dahil 'yong iba lumipat na sa ibang shop. Kaya ganun na lamang sa akin si ate Kris.
Ngayon ay nakasakay ako sa kulay pulang second hand na kotse ni Jersey. Patungo kami ngayon sa ospital kung saan naka-confine si mama. Gusto niyang dalawin si mama at ako ay magpapaalam naman dito. Ilang minuto lang at nakarating na kami sa ospital.
"Ma," tawag ko kay mama pagkapasok namin. Mabuti na lang at gising si Mama. "Ma, sorry po hindi ako nakapunta rito kagabi nakatulog po kasi ako kagabi sa bahay." paliwanag ko at lumapit kay mama.
"Ayos lang anak may mga nurse naman na pumunta rito sa akin." Nakangiting sabi ni mama. Nakakalinlang ang ngiti ni mama kung titingnan mo siya ngayon. Parang wala siyang sakit na iniinda. Kung wala lang ang nakasabit sa kanya ngayon ay aakalain mong nakikitulog lang siya rito ngayon.
"Oh, Jason ang ganda-ganda mo na." biro ni mama nang makita niya si Jersey sa likod ko. Lumapit naman si Jersey kay mama. Totoong maganda si Jersey—magandang gwapo. Kahit na bakla si Jersey ay hindi naman siya nagsusuot ng mga pambabaeng damit . Ni hindi nga siya naglalagay ng kahit anong sa mukha. Natural na magandang nilalang lang talaga siya dahil may foreign blood din kasi siya sa kanyang father side.
"Ano ka ba tita, Jersey po hindi na Jason." Nakasimangot na puna ni Jersey kay mama.
"Hahaha, sige Jersey na." Natatawang bawi naman ni mama.
Bumaling si mama sa akin. "Oh, anak kailan pala ako lalabas dito. Naku ang laki na siguro ng babayaran natin dito. Sabihin mo na sa mga nurse roon na lalabas na ako. Mabuti na naman ang pakiramdam ko." ani mama.
Malungkot akong ngumiti kay mama. "Ma, kailangan mo pang mag-stay rito at h'wag kang mag-alala sa babayaran gagawa ako ng paraan."
"Clayton, hindi mo man sabihin sa akin pero alam ko na malaki ang perang babayaran mo rito. Ayaw kong magpagamot kaya lalabas na ako rito." Heto na naman si Mama. Matigas talaga ang ulo niya minsan.
"Ma, sasama ako kay Jersey. Hahanap ako ng trabaho sa kabilang syudad dahil malaki ang pasahod doon. H'wag kang mag-alala sa babayaran 'ma ako nang bahala roon." pagsusumamo ko kay mama at tumingin kay Jersey upang humingin ng tulong.
Nakuha naman iyon ni Jersey.
"O-oo nga tita magpagaling po kayo." Pagsasang-ayon naman ni Jersey sa akin.
Binalewala lang ni Mama ang sinabi ni Jersey. "Wala akong sakit para magpagaling kaya lalabas ako rito, Clay. At papaano ang pag-aaral mo? Iiwanan mo na naman? Anak pangarap mo ang makatapos ng pag-aaral, diba?"
"Ma, hindi mo man aminin sa akin pero alam ko na na may sakit ka." Nagsimula ng mamuo ang luha sa gilid ng mata ko. "Sinabi na sa akin ng doctor. Kaya ma . . . alam ko na po. Kaya 'wag na po kayong magmatigas. Magtatrabaho ako para sayo-"
"Ang pag-aaral mo Clayton-"
"MAA!!! Makapaghihintay ang pag-aaral ko pero ang kalusugan mo hindi kaya ipagpapaliban ko muna ang pag-aaral ko." Hindi ko sinasadyang nasigawan si Mama Ellen, kaya bumilog ang mata niyang nakatingin sa akin. Kinuha ko ang kamay ni mama at hinawakan iyon gamit ang dalawang kamay ko atsaka lumuhod. "Ma, wala na nga po akong papa. Ayaw ko po na pati kayo ay kunin sa akin. 'Ma, ayaw kong mag-isa, ikaw lang ang meron ako kaya po . . . parang awa niyo na ma. Kahit ngayon lang makinig po kayo sa akin." Pagmamakaawa ko kay mama.
"Clay," tawag ni mama sa akin. Iniling ko ang ulo ko sa kanya ayaw ko siyang tingnan. "Clay, malabo ang gusto mong mangyari malaki ang perang kakailanganin natin kung gagawin ko ang gusto mo. Mas gugustuhin ko pa na ipagpa-aral ang perang iyan kung meron man tayo. Kaso anak, wala nga tayong pera."
"Ma, kaya nga magtatrabaho ako." giit ko.
"Tumayo ka d'yan." Utos niya pero umiling ulit ako sa kanya. "Tumayo ka d'yan o gusto mong atakehin ulit ako rito dahil sa'yo." Pagbabanta sa akin ni Mama. Labag sa loob akong tumayo, pinalis ko ang luha sa aking pisngi.
"Gagawa po ako ng paraan ma. Gagaling ka." Paninigurado ko kay mama.
"Clay, kung ano mang paraan iyang sinasabi mo sana ay hindi illegal 'yan." Tumingin si mama kay Jersey na nasa tabi ko. "Ja—Jersey, bantayan mo ang anak ko. H'wag mong hayaang gumawa ng kung anong ikakapahamak niya si Clayton, Jersey." bilin ni Mama kay Jersey. Napatingin ako kay Jersey na hindi makatingin ngayon ng deretso kay mama.
Nakita kong gumalaw ang bibig niya na parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili niya.
"O-oo naman po t-tita babantayan ko itong kaibigan ko." Tapos ay tumawa siya ng pilit.
"Ma, aalis po ako sasama po ako kay Jersey para maghanap ng trabaho." Pagsisinungaling ko kay mama. Hindi ko intensyong magsinungaling kay mama pero wala akong choice. White lie won't hurt right?
"Labag sa kalooban ko ang gagawin mo anak dahil ako dapat ang nagtatrabaho hindi 'yong ikaw. Ako dapat ang nagsisikap para sa atin." Lumuluhang saad ni mama. Niyakap ko siya.
"H'wag kang mag-alala ma alam ko naman po na gagawin n'yo rin po ang lahat para sa akin at ganun din po ako sa inyo."
"Mag-iingat ka at alagaan mo ang sarili mo," bilin ni mama sa akin bago ako pakawalan.
Pagkatapos naming magpaalam ni Jersey kay mama ay sumakay ulit kami sa kotse niya. Patungo kami ngayon sa condo niya na malapit lang daw sa hotel na pinagtatrabahuan niya. Nakatulog ako sa byahe namin ni Jersey dahil gabi na rin.
Nang makarating kami ay pumasok muna kami ni Jersey sa seven'eleven na nasa tabi lang ng tinutuluyan niya. Hindi na raw kasi siya makakapagluto dahil gabi na. Kaya bibili na lang daw kami. Gamit ang elevator umakyat kami sa condo unit niya. Sabi niya kanina ay maliit lang ang condo niya na kasya lang daw ang tatlong tao. At totoo ang sinabi niya maliit nga talaga ang condo niya. Hindi kagaya ng nasa isip ko na mga condo na malalaki at magarbo.
"Ilagay mo muna ang bag mo d'yan sa gilid ng kama Clay para makakain na tayo." Tinuro ni Jersey sa akin kung saan ko dapat ilagay ang bag ko. Tumango ako sa kanya.
"Clay nakausap ko na pala ang boss ko kanina habang bumabyahe tayo patungo rito." Pagsisimula ni Jersey habang kumakain kami ng binili naming ready to eat na pagkain kanina sa seven'eleven.
"Ohh, tapos." tugon ko habang nginunguya ang pagkain.
"Gusto ka raw niyang makausap bukas."
Nabitin sa ere ang kamay ko. Binaba ko ang kamay na may hawak na kutsara at umayos sa pagkakaupo.
"Bukas agad?" 'Di makapaniwalang bulaslas ko.
"Oo, iyon ang sabi niya sa akin. Maraming ginagawa ang boss ko Clay kaya siguro niya minamadali." hinuha nito.
"Ahm, Jersey may alam ka ba kung ano ang gagawin ko kung sakaling—."
Pinutol ni Jersey ang linya ko. "Clay, sa totoo lang wala akong ideya. Ang totoo nga n'yan ay naghahanap lang ang boss ko at narinig ko lang naman ito sa mga kapwa ka trabaho ko. Kaya wala akong ideya kung ano ba talaga ang ipapagawa sayo. Basta sa narinig ko ay handang gumastos ng kahit magkano ng boss namin basta makahanap lang ng lalaking magtatrabaho para sa kanya personally." Jersey narrated. Personally? Anong klaseng personal naman kaya iyan. "Maybe 'yong sinabi ko sa'yo sa milktea shop kanina or whatever." Nagkibit balikat siya.
Hindi rin pala siya sure kung ano itong papasukan ko.
"Wala pa bang nahahanap ang boss ninyo?" Hindi ko mapigilang magtanong dahil marami naman pala ang nakakaalam tungkol dito, baka may hinahanap ang boss niya na hindi pa nito nakikita?
"Basi sa narinig ko, marami na raw nakausap si boss pero wala ni isa ang nagustuhan niya." Uminom si Jersey sa tubig niya.
"Ibig sabihin ay maaaring hindi rin ako magustuhan ng boss mo?"
Tumango siya sa akin. Yumuko ako na parang lahat ng lakas sa katawan ko ay nawala. Kung marami na siyang nakausap na tao at hindi niya nga nagustuhan. Ano pa kaya ako? Ngayon pa talaga na marami na akong binitawang salita kay mama. Parang lahat ng pag-asa ko ay nawala.
"Don't worry that much, Clay. I'm sure kung hindi ka man niya magustuhan ay makakahanap pa tayo ng ibang paraan." Pampalubag sa kalooban ni Jersey sa akin.
Hanggang sa humiga kami sa kama ni Jersey ay iyong pag-uusap pa rin namin kanina ang laman ng utak ko. Papaano nga kung hindi ako magustuhan ng boss ni Jersey. Ngayon pa na sa tingin ko ay siya na ang ang solusyon sa problema ko. Tumagilid ako upang tanungin sana si Jersey kung sino ang boss niya nang makita ko siyang mahimbing ng natutulog. Tumihaya ulit ako at tumingin sa kisame ng condo ni Jersey. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nasanay na akong maaga na gumigising upang magluto. Paggising ko ay tulog pa si Jersey kaya naisipan kong hiramin muna ang maliit niyang kusina para magluto. Naligo muna ako at nagbihis tapos ay nagluto. Tamang-tama naman ang gising ni Jersey dahil tapos na rin akong magluto.
"Hala! Nakaluto ka na?" Bungad niya sa akin.
"Oo, sorry pinakialaman ko ang kusina mo. Nasanay lang kasi ako sa bahay." Kinamot ko ang batok ko.
"Naku! Ayos lang. Mabuti nga ito matagal na rin kasi akong hindi nakakatikim ng lutong bahay. Maliligo lang ako at sabay na tayong kumain." paalam niya at kumaripas para maligo.
Madali lang natapos si Jersey sa pagligo at pagkatapos ay nagbihis na siya para pumasok sa trabaho niya. Tiningnan ko siya habang sinusuot niya ang kanyang unipormi.
"Oi, Clay magbihis ka na rin."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Naku, idadaan na lang kita sa restaurant kung saan kayo magkikita ni boss." anunsyo niya bigla.
"Ano? Maaga pala? Akala ko mamaya pa?" Alam ko naman na ngayon kami magkikita ng boss niya pero hindi ko alam na maaga pala.
"Oo sorry hindi ko pala nabanggit kagabi." Paghingi niya paumanhin.
Tumayo ako at hinalungkat ang bag ko para maghanap ng maaaring isuot ko ngayon. Nang makahanap ako ay ipinakita ko iyon kay Jersey. Isang ragged jeans at black tshirt lang nakita kong maaaring isuot ko. Ito lang ang dala ko na maayos-ayos na damit.
"Ayos na 'yan magbihis ka na." Utos niya sa akin. Kaya nagmamadali akong isuot iyon.
"'Yan isuot mo iyan." utos niya sa akin at hinagis ang isang denim na jacket.
Habang nasa byahe kami ni Jersey ay nanginginig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ng malamig. Kinakabahan ako ng todo.
"Kaya mo 'yan." Pampalakas loob ni Jersey sa akin.
Tumingin ako kay Jersey na seryosong nagmamaneho. "Paano kung hindi niya ako magustuhan Jersey. Siya na lang 'yong naisip ko na makakatulong sa akin . . . sa amin ni mama."
"May tiwala ako sa'yo." wika niya at hindi inalis ang mata sa daan.
Kung matatanggap o magustuhan. Hindi ko alam kung anong term ba dapat. Pero pagnangyari na magustuhan o matanggap ako ng boss ni Jersey. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin. Maaaring magbago ang buhay ko dahil dito.
"Bumaba ka na Clay." Napukaw ako sa pag-iisip nang magsalita si Jersey.
Tumingin ako sa labas. Nakita kong tumigil kami sa isang two storey na restaurant. Two storey lang pero kung titingnan mo sa labas ay sumisigaw na ito sa rangya. Sa labas pa lang ng restaurant ay parang sinasabi na na bawal pumasok ang mahihirap dito.
"Dito na?" pagkumpirma ko.
"Oo, hanggang dito lang ako, Clay. Huwag kang mag-aalala pagpasok mo d'yan lalapitan ka ng waiter at dadalhin ka niya sa table n'yo."
Tumango ako kay Jersey. Nang makababa ako ay sumilip ako sa bintana niya. Medyo nagulat pa ako nang binaba niya ang salamin ng sasakyan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang panga ko. Walang ano-ano'y pinahiran niya ng kung ano ang labi ko.
"Jason! Anong nilagay mo? Lipstick?" Sa gulat ko ay nasabi ko ang tunay niyang pangalan.
Umismid siya sa akin. "Tse! Jason mo mukha mo. Lip balm lang 'yan." Akmang buburahin ko nang magsalita ulit siya. "Huwag mong tanggalin. Ang arte nilagyan lang kita ng konti dahil parang ilog na naubusan ng tubig ang labi mo. Namumutla pa." Puna niya kaya hindi ko na lang tinanggal. Dinampi-dampi niya ang thumb sa labi ko. Parang kinakalat niya ang lip balm na nilagay niya sa labi ko.
"Tama na 'yan." suway ko at kinuha ang kamay niya. Nalalasahan ko na ang cherry sa labi ko.
"Sige lakad na. Ang ganda mo talaga Perkin." Kantyaw niya kaya inikutan ko siya ng mata bago tumalikod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top