CHAPTER 29
Chapter 29
Clayton’s Pov
NAGISING ako na uhaw na uhaw ako parang natuyuan ata ang lalamunan ko. Nagising na naman ako sa isang pamilyar na silid halos ilang araw pa lang no'ng huling narito ako. Nasa ospital na naman ako. Suki na ata ako rito sa LCL hospital.
"Clayton buti nagising ka na." Bungad ni Harem at binigay sa akin ang isang baso ng tubig. Bumangon ako at umupo bago tinanggap ang baso ng tubig. Inibus ko ang isang baso ng tubig.
"Harem-"
Pinutol niya ako. "Nakakatampo ka." malungkot niyang wika.
Hawak ng dalawa kong kamay ang baso, binaba ko ito at yumuko. "Sorry Harem, sorry talaga."
"Alam mo bang wala akong nagawa kanina habang pinagsasalitaan ka ng babaeng iyon ng hindi maganda? Hindi ko alam kung papaano kita puprotektahan kung ako mismo hindi alam kung ano na ang nangyayari sayo."
"Harem."
"Siguro kasalanan ko rin. Siguro hindi ako naging mabuting kaibigan."
Nilagay ko ang baso sa maliit na mesa sa gilid ko at inabut ang kamay niya. "Hindi. Huwag kang magsalita ng ganyan, Harem. Ako ang hindi naging mabuting kaibigan. Marami akong nililihim. Ang hirap lang kasi ng sitwasyon ko. Kung alam," tumigil ako saglit para punasan ang luha na dumaan sa pisngi ko. "Kung alam mo lang Harem kung gaano ko kagustong sabihin sayo ang lahat p-pero kasi bawal hindi pwede. Nahihirapan na rin naman ako. Kaya sa nangyari ngayon kasalan ko rin siguro. Siguro ito na iyong bayad dahil sa pagsisinungaling ko."
"Tumigil kang lalaki ka!" Umupo si Harem sa hospital bed at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Huwag na nating pagtalunan kung sino ang may kasalanan sa atin o kung sino ang nagkulang sa pagkakaibigan nating ito. Basta ang importante ayos ka lang at hindi ako naniniwala sa sinasabi ng babae kanina. Alam ko may dahilan ka. Kaya iintindihin kita, Clay. Nandito lang ako. Alam mo bang nung nawalan ka nang malay. Wala ni isa ang dumalo sa'yo. Lahat sila ay parang nandidiri sayo." Mapait akong ngumiti sa kanya. Ano pa ba ang aasahan ko?
"H-harem, t-totoo iyong sinabi ng babae kanina. T-totoo iyong sinabi ni Lindsey kanina. Ginamit ko ang katawan ko para sa pera. K-kaya kung nandidiri ka sa akin Harem, ayos lang."
"Naiintindihan kita, Clay." Binitawan niya ang kamay ko saka huminga siya ng malalim. "Sa panahon na kailangan mo ako wala akong nagawa. Wala akong natulong. Alam ko naman na hindi mo gagawin iyon kung hindi kailangan ni tita, ng mama mo, diba? Kilala kita higit man sa iba dyan kaya hindi ako nandidiri sayo. Dahil alam ko, hindi ka naman ganoong tao. Alam kong hindi ka kagaya ng sinasabi ng babae kanina."
Ngumiti ako saka niyakap si Harem. Muling tumulo ang mga luha ko. Saan pa ba ako makakahanap ng ganitong klaseng kaibigan sa mundo.
"Salamat. Salamat, Harem."
Kinuwento ko sa kanya kung papaano ko nakilala si Lindsey at kung bakit ganun na lang ang reaksyon ni Lindsey sa akin. Nagtanong pa siya kung ayos lang ba raw na malaman niya ang lahat ng sinabi ko sa kanya, e sinabi ko raw kanina na hindi pwede. Syempre sinabi ko na kakausapin ko si Lorcan. Siguro maiintindihan niya iyon saka kumalat na school iyon. Ang hindi lang alam nila ay si Lorcan iyong lalaki ko. Kinuwento ko rin sa kanya na nagustuhan ko si Lorcan na nahulog din ako sa lalaki kinalaunan. Ang bakla kung kaibigan kinikilig pa.
"Alam mo bet ko talaga iyang mga ganyang galawan ni Lorcan. Urrgh!!! Saan ba ako makakahanap ng ganyan?" napu-frustate niyang sabi.
"Baka kasi babae talaga ang para sayo." Biro ko. Mas lalo tuloy siyang nainis.
"Nah! Ikaw na dati babae ang hanap lalaki ang nakita. Tapos ako na lalaki ang hanap babae . . . ahh! Hindi pwede!"
Natawa na lang ako sa kanya. Dahil kay Harem gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko masyadong naisip iyong nangyari kanin dahil sa mga rants niya na walang katapusan at walang patutunguhan nakakalimutan ko kahit saglit ang mga problema ko. Sobrang pasasalamat ko na nakakita ako ng ganitong klaseng kaibigan. Isa lang pero totoo.
"Pero Clay magpakatatag ka h'wag kang papatalo sa bruhang iyon. Maganda lang iyon. Wala lang iyong sandata na kagaya sa atin. Walang makakapantay sa sandata mo na kinakain ni papa Lorcan." Nasuntok ko na naman siya. Grabe rin kasi ang bibig nito.
"Pero seryoso nga wala na sila ni Lorcan kaya h'wag kang matakot doon. Ngayon pa ba na label na lang ang kulang sa inyo ni Lorcan." seryoso niyang sabi sa akin.
"Salamat, Harem. Salamat talaga. Hindi ko talaga alam ang gagawin kung wala ka." buong puso kong pasasalamat ko sa kanya.
"Hay! Ano pa't naging kaibigan mo ako?" anito at umingos. "Pero, ewan ko talaga sa inyo ni Lorcan, Clay. Naghahalikan at nagkakantutan na kayo pero wala pa ring label, tssk!" dagdag niya at umiling.
Hindi ako umimik sa kanya. Ano naman ngayon kung walang label at least masaya ako at sigurado akong wala akong pagsisihan. Ayaw ko ba no'n araw-araw ako may dilig.
"Pero infairness din sa inyo ni Lorcan walang label pero kung makaasta ay parang mag-asawa na. Kung nakita mo lang siya kanina-"
"Nando'n si Lorcan?" gulat kong sambit.
"Oo," inis na sagot niya sa akin. Ganito talaga kaming dalawa ni Harem. Panay ang talakan, pikonan, inisan pero sa bandang huli magkaibigan pa rin. "Ewan ko kung paano niya nalaman, sweetie pie, pero pagdating niya parang naagaw niya talaga ang spotlight."
"Talagang pumunta si Lorcan? Nakita niya ako?" 'Di pa rin talaga ako makapaniwala. Bakit bigla ata siyang napapunta ng MU?
"Tang*na naman Clay, oo nga! Saka tauhan ata niya ang tumulong sa akin kanina. Bwesit sa paningin lang dahil bago ka dinala rito sa ospital may pa halik pa sa noo si papa Lorcan. Tang*nang walang label ang meron kayo! Para akong sinuntok ng katotohanan na single ako."
Ngumuso ako sa kanya. Nagpipigil sa kilig.
"Hey!" Nagtatawanan at kapwa kami lumuluha sa kakatawa ni Harem nang may biglang pumasok sa room. Hinihingal. Luwag ang necktie. Magulo ang buhok pero tang*na naluluha ako sa kagwapuhan ng lalaking pumasok ngayon. Parang gusto kung lumipad at lumambinit kay Lorcan. Pero syempre hindi ko kayang gawin iyon.
"Lorcan," tawag ko sa kanya. Isinara niya ang pinto. Si Harem naman ay tumikhim at umalis sa pagkakaupo sa kama.
Lumapit si Lorcan at umupo sa kinauupuan kanina ni Harem. Hinalikan ni Lorcan ang noo ko. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Ah, oo hehehe." Hilaw akong ngumiti sa kanya.
"Eheem!!" Sabay kaming napatingin ni Lorcan kay Harem sa tabi. "Aalis na ako, ha. Mag-iingat ka, sweetie pie. I love you."
"Mag-iingat pa ka rin at I love-" napatingin ako kay Lorcan na nakataas pala ang kilay sa akin. "Hehe, sige ingat ka."
"You are really close to that guy, 'no?" wika ni Lorcan nang makalabas si Harem.
"Umm, sobra. Siya lang ang kayang pataasin ang presyon ng dugo ko. Kaya mahal ko iyon." Sinabayan ko ng tango.
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming pagitan.
"Perkin."
"Lorcan."
Nagkasabay pa kami.
He smirked. "Okay you go first."
"Ano. . . s-sinabi ko kay Harem ang lahat. Lahat-lahat sinabi ko pati iyong kontrata natin sinabi ko na sa kanya. Sorry."
Narinig ko ang malalim niyang hininga.
"It's okay. It's fine."
"Diba sabi mo may punishment." Ngusong sabi ko.
Inipit niya ang labi ko at hinalikan.
"Let's not talk about punishment." Nilapit ang labi sa tenga ko. "I know you will like my punishment."
My face redden.
Nabanggit ko kay Lorcan na natatakot akong pumasok sa MU dahil sa nangyari. Natatakot ako sa mga tao. Hindi naman ako natatakot sa sasabihin nila. Natatakot ako sa kung ano ang gawin nila. At iyong scholar ko. Baka mawala iyon sa akin. Pero sinabi niya na naayos na raw niya ang gulo sa MU at sinisigurado niya rin na walang tao ang makakasakit sa akin. Hindi ko alam kung papaano niya iyon gagawin pero nagtitiwala ako sa kanya.
"Paano na si Lindsey, Lorcan?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.
"I don't know why she acted like this to be honest. But I already settle everything. I just hope totoo ang sinasabi niya na titigil na siya. She just wants money from me. She told it me personally, so feed her enough money."
Kumunot ang noo ko bakit kakailanganin niya ng pera kung mukha naman siyang mayaman? Tapos international model pa.
"She's spending millions in just one day that's why." Sabi niya na para bang nababasa niya ang iniisip ko.
"Oi, hindi ito ang daan papuntang Marcet Village, ah." Nagtataka kong sambit saka bumaling kay Lorcan.
"We're going to Batangas." Simpleng sagot niya.
"Hala, bakit? Si Daniel?"
"Desmond and Colt will be in my house while we're in Batangas. They will babysit Daniel. And you said that you're afraid to go to MU. So, we'll just spend days in Batangas to cool down the issue and for you to relax. I have unfinished work there as well."
Muntik na akong mapaismid sa relax na sinasabi niya. Hindi ako naniniwalang makakarelax ako doon. Nagtake-out rin kami sa nadaanang fastfood chain.
"Clayton." Napaayos ako sa aking pagkakaupo dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Uh?" Saka uminom ng tubig na nakita ko sa compartment niya.
"Let's make this official. Let's be partners."
Sa gulat ko dahil sa sinabi ni Lorcan, nabuga ko ang tubig na iniinom. May ibang tubig na pumasok sa ilong kaya medyo humamdi ang ilong ko. Napaubo ako sabay tapik sa dibdib ko. Tang*na naman!
"F*ck!" Mura ni Lorcan saka mabilis na itinabi ang sasakyan. "Hey, look at me." Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kanya. Hindi na ako nag-abala pang tanungin kung saan galing ang tissue na pinangpunas niya sa akin. Kunot noo niya akong pinunasan. "Why are you so careless?" Habol niya pa.
Tang*na naman, oh. Bakit ba kasi bigla-bigla siyang magsasalita ng ganun 'yan tuloy basa na ang damit ko. Ang uniporm ko pala.
"Are you okay? Does your nose hurt?" Iniinspeksyon nito ang buong mukha ko.
"A-ayos lang ako."
"You want to change your shirt? It's wet. I have a spare tshirt at the back. Get change." Utos niya sa akin.
Pumunta ako sa backseat saka hinanap ang damit na sinasabi niya sa akin. Totoo nga may iilang t-shirt siya rito. Habang tinatanggal ko ang butones ng uniporme ko ay nagulat ako na kinuha ni Lorcan ang kamay ko at siya na iyong nagtanggal sa mga natitirang nakabotones.
"You heard earlier, yes?" usisa niya sa akin nang matapos niyang tanggalin lahat ng butones. Siya na rin ang naghubad sa uniporme ko. Para akong bata na binibihisan ng nanay ko.
"O-oo."
"That's why you choke?"
"O-oo, nangbibigla ka kasi." Pagsisi ko sa kanya. "Tapos hindi magandang biro iyon."
"I'm serious, Perkin." aniya at ipinasuot sa akin ang spare niyang t-shirt.
'Ang laki naman.' Pipi kong reklamo.
"Let's make this official, Perkin." Hindi ako makasagot sa kanya. "A-ayaw mo ba?" Nautal niyang tanong. Nauutal din pala ang isang mafia boss.
"Ano . . . kasi baka nadala ka lang sa nangyayari ngayon. Dahil sa pagdating ng e-ex mo."
Totoo naman ah. Baka nasasabi niya lang iyan dahil gusto niyang ipakita sa ex niya na nakamove-on na siyang talaga. Baka dala lang 'yan sa bugso ng damdamin niya.
"No. It's not about that. I already thought about it before she came into the picture Perkin. I already forgot her long time ago. Like what I said it's you, I adore with. You set my heart on fire, Perkin."
Mas lumapit siya sa akin. Iyong kamay niya ay nasa loob na ng tshirt ko at gumuguhit na ng maliliit na bilog sa likod ko.
"Lorcan," sambit ko sa pangalan niya.
"Yes?" Parang wala niyang sagot. Iyong kamay niya ay nagiging malikot na.
"Umayos ka."
"What?" Taka niyang tanong.
Ngumiwi ako sa kanya. Nagpapatay malisya pa.
"L-lorcan, alam ko at alam mo na mahal kita, diba pero 'di naman kailangan na mahalin mo ako dahil mahal kita. Hindi mo kailangang sabihin na mahal mo ako para lang mapasagot ako. Alam ko na-"
"Shhsh, stop talking about that. I meant every word I said, Perkin. Believe it or not. I'm not a teenager who loves to play with love. I've been there, Perkin."
"Lorcan."
"It's okay if you can't answer me yet. I'll wait for you. You waited for me maybe it's time for me to wait for you too."
"Hindi!" Mabilis kong agap sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay. "S-sige ta-tayo na." Sabi ko habang unti-unting humina ang boses.
"I don't hear you."
"Eehh!"
"What?" Taas kilay niyang sambit.
"Sige na tayo na." Mabilis kong sabi. Nakita ko ang multong ngiti sa labi niya pero binawi niya iyon.
"N-napipilitan ka lang." Napapadalas ata ang pagkautal niya ngayon.
"Boyfriend na kita. Sa'yo na ako." wika ko at hinalikan siya.
"Officially?" tanong niya habang nakatagpo ang noo at ilong namin.
"Officially yours." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"D*mn, now that your mine let's forget about our contract. Contract void." Ngumiti kami pareho saka muling naghalikan ng walang pagpipigil. Sinabi ko naman na basta sa mga outing-outing o bakasyon basta kasama ko si Lorcan walang relax-relax na mangyayari sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top