CHAPTER 28
Chapter 28
Clayton’s Pov
UMAWANG lang ang labi ko habang tulalang nakatingin sa babaeng nasa harapan ko na hinangaan ko kanina. Hindi ko maigalaw ang akinh paa, para akong pinako sa kinatatayuan ko. Boyfriend? Sa mansyon ng boyfriend niya? Baka naligaw lang ang babaeng ito? May namumuo naman talagang ideya sa utak ko kung sino ang babaeng nasa harapan ko ngayon ayaw ko lang tanggapin.
Humakbang siya papalapit sa akin. Habang nakakrus pa rin ang braso niya. "For a house boy, you have a nice complexion." Pagkokomento niya. "But I don't feel good about you."
Gusto ko siyang tanungin. Gusto kong magsalita pero parang may nakabara sa lalamunan ko. Naisara ko ang bibig ko.
"Clayton!" Dahil sa tawag na iyon ni Esmeralda. Doon ko lang nagalaw ang katawan ko. Nilingon ko si Esmeralda na laging seryoso ang mukha at kumukulubot na konti. Inabot niya ang braso ko at itinago ako likuran niya.
"Woah! Your son Esme?" anang ng babae.
Hindi iyon pinansin ni Esmeralda. "Muli Lindsey umalis ka na rito dahil wala rito ang hinahanap mo. Wala rito si Young Master." Bumaling ang mata ko kay Esmeralda bago tuminging muli sa babae na si Lindsey. Si Lorcan ang hinahanap niya.
"I can wait for him." Nakangising saad niya.
"Umuwi ka na lang muna sa inyo o sa penthouse mo. Sasabihin ko na lang kay Young Master kapag nakauwi na siya na pumunta ka rito." suhestiyon ni Esmeralda.
"Esme, just so you know I have a room here. So I.will.wait for.Lorcan.here." May diing pagkakasabi niya.
"Clayton, umakyat ka na sa silid mo." utos ni Esmeralda habang hindi tinatanggal ang paningin kay Lindsey. Dumaan sa mukha ni Lindsey ang gulo at pagkabigla dahil sa inutos ni Esmeralda.
Tahimik akong umalis doon at umakyat sa taas. Panay ang sulyap ko sa kanilang dalawa habang paakyat ako. Nagsusukatan sila ng tingin. Nang makarating ako sa ikalawang palapag ay narinig ko ang muling pagsasagutan nila. Nagtago ako sa dingding upang marinig ko sila. Alam ko naman na bawal ang makinig sa usapan ng may usapan pero nagsisigawan na naman sila.
"Lindsey-"
"You call me madame," rinig kong pagpuputol ni Lindsey kay Esmeralda.
Tumawa ng nakakainsulto si Esmeralda. "Bakit kita tatawaging madame? Matagal na kayong hiwalay ni young master! Noon pa man Lindsey unang beses pa lang kitang nakitang tumapak sa mansyong ito ayaw ko na sa pagmumukha mo. At nadagdagan iyon noong iniwan mo ang amo ko at ang anak mo sa kanya. Ngayon. Anong karapatan mo dito para tawagin kitang . . . .” nagpabitin pa ng ilang sandali si Esmeralda. "Madame?"
"You. B*tch!"
"Huwag mo akong matawag na ganyan Lindsey. Tandaan mo matanda pa rin ako sa'yo." Nakakamangha talaga itong si Esmeralda. Taas-noo niyang sinasagot itong babae.
"What is that boy doing upstairs? He supposedly on the maid's quarter! No one's allowed to go their e-except-"
"Hay! Napakaganda mo sanang babae Lindsey pero may pagkatanga ka rin. Sa tingin bakit siya nando'n? At ano naman sa'yo iyon? Hindi kung sino-sino lang ang lalaking sinasabihan mo ng house boy dahil ang lalaking iyon kahit kailan ay hindi pa nakakahawak ng basahan sa panahon ng nandito iyon."
Nang marinig ko si Esmeralda ay napayuko ako at napatingin sa kamay ko. Totoo nga iyong sinabi niya. Hindi pa nga talaga ako nakakahawak ng basahan simula noong nakatungtong ako rito. Gusto-gusto ko na tumulong sa gawaing bahay kaso hindi nila ako pinapayagan dahil hindi naman daw ako katulong dito. Pero kahit na ganun, nais ko pa rin sana silang tulungan.
Sinilip ko sila Esmeralda at Lindsey sa baba. Nakita kong nagtaas-baba ang balikat ni Lindsey.
"W-what? Who . . . who is that guy? Who is he in this household?"
Halos malagutan ako nang hininga ng tumingin si Esmeralda sa direksyon ko. Mabilis akong bumalik sa pagkakatago ko. Hindi ko alam kong nakita ba ako ni Esmeralda.
"Huwag na Lindsey dahil baka atakin ka sa puso. Kaya kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga tauhan dito sumunod ka sa akin. Ako ang mayordoma rito."
Pagkatapos kong marinig iyon ay pumunta ako sa kwarto ni Lorcan. Pero hindi pa ako nakapasok ay sinara ko ulit ang pinto at doon pumasok sa silid ko nung dati. Nilagay ko sa isang silya ang bag ko ang binagsak ang katawan ko sa kama.
Iyong Lindsey . . . siya ang girlfriend ni Lorcan na ina ni Daniel na umalis ng bansa para sa pangarap niya. Iniwan niya ang anak niya pagkatapos niya itong iluwal. Kilala niya kaya ang anak niya? At bakit siya bumalik ngayon? Anong kailangan niya at bakit nandito na naman siya? Babalikan niya iyong iniwan niya? Babalikan niya ang dating sinayang niya? Iyong tinapon niyang pamilya ay pupulutin niya ba ulit?
Alam na kaya ni Lorcan na nandito na si Lindsey? Masama na kung masama pero dinadasal ko na sana hindi na lang muna umuwi si Lorcan. Threat kasi sa akin ang pagbalik ni Lindsey. Dahil ako mahal ko si Lorcan pero siya hindi ko pa alam. Wala akong karapatan pa sa kanya. Hindi ko alam kung papaano ko siya hahawakan at ipaglalaban. Mukha pa lang ni Lindsey wala na ako roon tapos may anak pa sila.
Pumikit ako at itinakip ko ang braso sa mata ko. Nawala na sa isip ko ang oras at nakatulog ako. Gabi na nang magising ako. Hindi ko ata kayang nandirito mababaliw ako. Suot ko pa ang uniform ko at napagdesisyonan na umalis na sana nang bumukas bigla ang pintuan.
"Clayton," tawag sa akin ni Esmeralda. Ito ata ang pangalawang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. Hindi siya pumasok nanatili lang siya sa hamba ng pintuan.
"Ano po iyon?"
"Anong ano po iyon!? Bumaba ka at kumain. Nakailang balik na rito si Jhera at hindi ka raw sumasagot. Anong minumukmok mo d'yan?" Nakapameywang niyang bulyaw sa akin. Kahit kailan talaga itong si Esmeralda parang laging galit sa mundo at sa paligid niya.
"M-amaya na. Hindi pa kasi ako gutom."
Bumuntonghininga siya. "Nasa baba si Lorcan hinihintay ka."
"Huh?"
"Oo umuwi ang amo ko kaya kung ayaw mong siya ang pumunta rito bumaba ka na."
Kanina pa ay dinasal ko pa na sana h'wag siyang umuwi pero bakit ngayon ay umuwi siya. Gustong-gusto niya bang makita ang girlfriend niya?
"Hindi ako kakain busog ako." ani ko saka tinalikuran si Esmeralda at bumalik sa kama.
"Clayton, mahiya ka nga! Pinaghihintay mo si Young Master sa baba!"
"Sabing ayaw-"
"Mong kumain."
Awtomatik na lumingon ang ulo ko sa pinanggalingan ng boses. Si Lorcan ay nakatayo sa may pintuan at walang kabuhay-buhay na nakatingin sa akin.
"Leave us alone Esmeralda."
Nang makaalis si Esmeralda ay binagsak niya ang pintuan. Siniksik ko ang katawan ko sa may headboard ng kama saka niyakap ang binti ko at pinatong ang ulo ko roon.
"You've seen Lindsey and now you are sulking like a baby." aniya pero hindi ako nagsalita. Tapos ay lumapit sa kama.
"It's already 10 in the evening and you're not eating. Why are doing this to yourself? What do you want? What the h*ll are you thinking?" Umuga ang kama ng umakyat siya. Inangat ko ang mata ko sa kanya. Hinubad nito ang kanyang coat at iniwan ang puting polo shirt.
"Are you . . . jealous? Perhaps?"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Perkin, listen. Lindsey is just part of my past no need to be jealous and sulk. I don't know what she is up to para bumalik dito, but one thing is for sure. Wala na kami matagal na." paliwanag niya. Hindi pa rin ako nagsalita. "D*mn it! Why am I explaining this to you." bulong niya pero rinig ko.
"Ba-bakit ako magseselos saka umuwi ka dahil bumalik na siya."
"F*ck! Of course not! I went home because I thought you would runaway knowing you that's close to possible, right?"
"Anong gagawin mo ngayon na nandirito na siya. Sabi niya sa akin boyfriend ka raw niya."
"So, you two talk?"
Inunat ko ang binti ko bago umiling sa kanya. "Hindi, siya lang ang salita nang salita. Lorcan, pag ba sinabi niya na bumalik ka sa kanya, babalikan mo siya?"
"No," he abruptly answered.
"Hindi mo ba iniisip na maaaring mabuo na ang pamilya mo ngayon na bumalik na siya."
"I don't need her. I can raise my son alone." Diretong wika niya. Walang pagdadalawang isip iyon.
"Pero-"
"The day she left me and my son is the day that I started to forget her. And on that day, we cut off all of our communication. Even once she didn't come to see her son. So, how can an incompetent woman be a mother to my child? Trust me when I said we're done long time ago. Like what I said, I like you and I meant every word I said." madamdamin niyang sabi.
"Pero paano nga-"
Naputol ako nang lumapit siya sa akin saka walang kahirap-hirap akong binuhat at inupo sa hita niya.
"Lorcan-" dinampian niya ng halik ang labi ko.
"Stop with your pero and pero. I will talk to her tomorrow, and I will tell her to stop interfering with my life. I will also tell her that I like someone. Someone who loves to sulk and easily gets jealous." Tukso niya sa akin.
"H-hindi nga ako nagseselos."
"Yeah." pagsasang-ayon niya sa akin pero halata naman sa mukha niya na hindi siya naniniwala.
Nagpahatid si Lorcan ng hapunan sa silid ko. Hindi na kami lumipat pa sa kwarto niya. Maayos naman akong nakakain ng hapunan pero si Lorcan ako naman ang ginagawang hapunan niya. Buti napakiusapan ko si Lorcan na may pasok na ako dahil baka hindi na naman ako makatayo nito kinabukasan. Kaya kahit na pagod ako bunga ng ginawa niya nakatulog pa rin ako ng may ngiti sa labi.
Naalimpungatan ako dahil may narinig akong nagsasagutan sa labas. Inaantok akong bumangon saka lumabas sa silid upang tingnan kung sino iyong nagsasagutan. Umagang-umaga pa, ah.
"You want to see the child you abandon? I will let you see him but-"
"I just want you back, Lorcan! And I don't care about that child!"
"Lorcan?" tanong ko nang makalabas ako sa kwarto. Lumingon sa akin si Lorcan na nakatopless pa at suot ang itim na slacks niya kahapon. Namumula ang mata niya sa galit. Nawala ang antok ko nang makita kong si Lindsey ang babaeng nasa harapan ni Lorcan.
"Pero-" hindi natuloy ni Lorcan ang pagtawag sa akin nang sumigaw si Lindsey.
"YOU! WH*RE!" Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang sa paanan ko. Sinunod ko ang tingin niya. Ngayon ko lang napagtanto na ang suot ko lang ay ang polo shirt ni Lorcan kagabi.
Susugurin na sana niya ako nang niyakap ni Lorcan ang bewang niya upang pigilan siya sa pag-atake sa akin.
"Let go of me, Lorcan. Ito ba! Ito ba ang pinalit mo sa akin, Lorcan! Really? A d*mn homo! Is he your wh*re, Lorcan?"
Natuptop ko ang labi ko nang marahas na iniharap ni Lorcan si Lindsey sa kanya at walang pagdadalawang isip na sinampal. Agad namang nagmarka sa magandang mukha ni Lindsey ang malaking kamay ni Lorcan.
"You’re testing my patience woman! Who the h*ll are you to call him wh*re? When you're the one who's wh*re here! As if I don't know that you sell your body just to get on that modelling abroad that you flaunted. Last night, I decided to talk to you nicely, but I guess I cannot do it."
Nagtataka akong bumaling kay Lindsey nang tumawa siya. "Alam ko Lorcan na nasasabi mo lang iyan dahil mahal mo pa rin ako hanggang ngayon. Don't deny it. Kaya nga diba, hindi ka makamahal ng iba dahil alam mo na nakatali pa rin sa akin?"
Napatingin naman ako kay Lorcan na nagtatagis na ang bagang at nakakuyom ang kamao. Namumula na ang lalaki dahil sa galit.
"Just so you know. I'm so much grateful to you for leaving me years ago Lindsey. For a harlot like you? Don't you think your so much full of yourself?"
Pero hindi nagpatinag si Lindsey. "Aminin mo na kasi na hanggang ngayon mahal mo pa rin ako-"
"I f*cking like and love someone and that's definitely not you." Lumingon sa akin si Lorcan. "You get ready Clayton. You still have a class remember?" Tumango ako kay Lorcan.
Wala sa sarili akong pumasok ulit sa kwarto. Natapos akong naligo at magbihis na parang nakalutang lang. Wala ako sa sarili ko. Paglabas ko sa kwarto ay wala na si Lorcan at Lindsey sa hallway. Bumukas ang katapat na kwarto at lumabas si Daniel na naka-pj pa at kinukusot ang mata. Buti hindi siya nagising kanina.
Wala nga talagang interes si Lindsey sa anak niya dahil kahapon at hanggang ngayon ay si Lorcan lang ang hinanap niya. Hindi man lang niya hinanap ang anak na kanyang iniwan. Makapal din ang mukha niyang bumalik dito at magpakita sa taong iniwan niya noon.
"Good morning, Papa." bati sa akin ni Daniel saka nagpabuhat.
"Good morning, baby."
Hinalikan ko ang pisngi niya at binuhat siya pababa. Sabay kasi kaming kumakain. Pagkababa namin ay nakita kong palabas na si Lindsey. Lumingon siya sa direksyon kung saan si Lorcan. Alam ko na kahit si Lorcan ang tiningnan niya ay nakita niya rin ako at si Daniel pero umirap lang siya at tumalikod.
"Lorcan."
"Daddy, good morning."
Lumapit si Lorcan at kinuha si Daniel sa akin. Hinalikan niya ang noo ni Daniel. Bumaling siya sa akin.
"I'm sorry about earlier," umiling ako sa kanya. Hindi niya naman iyon ginusto.
Wala namang masyadong ganap sa klase maliban sa discussion at quizzes. Hindi ako nakapag-aral kagabi. Pero mabuti na lang at mabait at masipag ding mag-aral itong si Harem. Pagkalabas namin sa huling subject namin ay magpapasalamat na sana ako sa kanya dahil nagbigay siya ng ilang sagot sa akin. Kaso naunahan na niya ako.
"Libre mo ko, oi. Hindi libre iyong pagbigay ko ng sagot sa'yo. May hot papa ka nga d'yan e." Umingos siya saka ako hinila. Akala ko sa canteen lang kami kakain pero ang bakla dinala ako sa ilang mamahaling kainan. Akala mo naman siya ang gagastos.
"Hoy, doon na lang tayo sa turo turo h'wag dito. Baka hindi tayo makalabas dito ng 'di oras e." reklamo ko sa kanya nang nasa pintuan na kami.
"Hoy! Yayamanin 'yong sugar daddy mo, 'no."
Nasuntok ko siya sa tiyan niya. "G*go ka, anong sugar daddy ka d'yan?"
Oo nga't binigyan ako ni Lorcan ng debit card pero ayaw ko namang waldasin iyon. Siya na nga iyong gumagastos sa ospital ni mama tapos dadagdagan ko pa. Ayaw kong isipin niya na pera ang habol ko sa kanya. Wala ngang silbi itong debit card na binigay niya dahil nagbabaon naman ako. Tsaka hindi naman masyadong mabigat ang fare kung magku-commute ako. Tapos hatid sundo pa ako minsan. Tssk!!!
"Sige na rito na tayo, Clay. Ayaw ko nang pumunta roon sa turo turo baka akala nila hindi natin kaya rito. Ayaw kong magmukha tayong mahirap."
Lihim akong napairap dahil sa sinabi niya.
"Sige na nga pero ito na 'yong una at panghuli, ah."
"Wahh! The best ka talaga Clay! I love na talaga. Mwuah!"
Halos malula ako nang tingnan ko ang menu. Tumataginting na isang libo lang naman ang isang serving ng ulam nila rito at iyan na iyong pinakamura rito. Jusko! Mabubutas ang bulsa sa kung sino man ang kumain dito. Nailapag ko ang menu dahil sasakit ata ang ulo ko sa mga presyo.
"Ano napapili ka na?" masayang tanong ni Harem. Umiling ako sa kanya. "Sige ako na lang o-order para sayo," sabi niya at nagbuklat na naman sa menu.
"Clayton?"
Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Si Desmond pala.
"Uy, Desmond." ani ko pabalik sa kanya.
"Fancy seeing you here. You're with someone?"
Malakas na tumikhim si Harem. "Ah, kaibigan ko Desmond si Harem. Harem si Desmond." Pagpapakilala ko sa kanila. Naglahad ng kamay si Harem kay Desmond pero hindi iyon tinanggap ni Desmond. Tipid lang na yumuko si Desmond kay Harem bagkus ay bumaling ulit siya sakin.
"Order anything you want, Clayton. It’s on me."
"Naku h'wag na." Pagtatanggi ko.
"No, just think of it as my treat for you, okay." aniya saka tinapik ang balikat ko at umalis.
"Ah, bwesit siya, isang magandang dyosa ang tinalikuran niya." paghihimutok ni Harem.
Kaya ayon sa pagkain namin ay puro reklamo lang ang nasabi niya tungkol kay Desmond. Buti nga nilibre pa kami. Pagkabalik namin sa MU ay nagtaka kaming pareho ng may mga taong nagkompulan at dahil tsismoso si Harem pati ako ay hinila niya roon sa dagat ng estudyante.
"Wow, grabe ang ganda niya talaga."
"Sino kaya ang hinahanap niya."
"Balita ko nga rito daw yan nag-aral noon."
"International model 'yan,cdiba?"
"Oo, isa nga 'yan sa mga Victoria Secret Angels."
Ilan lang yan sa mga bulong-bulongan ng mga estudyante na naririnig ko. Nakipagsiksikan kami ni Harem. Umawang ang labi ko nang makita ko na si Lindsey iyon. Anong ginagawa niya dito?
"Everyone, do you know someone named Clayton?" anunsyo niya sa mga estudyanteng nasa kanyang harapan.
Umatras ako pero di ako makaatras dahil sa dami ng tao.
"Clayton ikaw ata ang hanap?" Dahil sa sinabi ni Harem ay lahat ata ng ulo ng mga estudyante ay napunta sa akin. Pinagpapawisan ako ng malamig sa hindi ko malamang dahilan.
"Nandito siya! Iyong Clayton, miss Lindsey!" hindi ko kilala at matukoy kung sino ang sumigaw no'n dahil sa dami ng tao. Handa na akong umalis. Handa na akong banggain iyong mga estudyante sa daan ko nang makita ako ni Lindsey na nakangisi sa akin.
"There you are." Lumapit siya sa akin. Kusang humawi ang mga estudyante sa bawat hakbang niya. Nang makalapit siya sa akin ay ngumisi siya bago bumaling sa mga estudyante na nakapalibot sa aming dalawa.
"Ladies and gentlemen. This boy is a hooker! A d*mn wh*re who's f*cking the father of my child for money. Selling his body to get a penny!" Pagkatapos niyang isigaw iyon ay ngumisi siya sa akin. Iyong mga estudyante ay nagkanya-kanyang bulongan. Pero iyong mga bulong nila ay parang bala na tumatama sa akin. Nasasaktan ako sa bawat masasamang salita na binibitawan nila. Nakakapanghina.
"You are clinging on the wrong person, Clayton Perkin. Lorcan is mine."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top