CHAPTER 25

Chapter 25

Clayton’s Pov

BINABANGUNGOT talaga ako sa blowjob na sinasabi ni Lorcan halos hindi ako patulugin. Maya't maya ako nagigising. Buti na lang at hindi na rin binubuksan ni Lorcan ang topic na iyon. Sa katangahan ko pa ay nagsearch pa talaga ako kung papaano ang blowjob kaya ayon dumagdag sa bangungot ko. Minsan nga ay tinatawag ako ni Lorcan pero nakatulala lang ako. Iniisip ko kasi ang blowjob at ang alaga ni Lorcan. Parang mahihimatay na ako. Tapos naiisip ko palang na magsi-s*x kami sa kahit saang anggulo at sulok ay pinamumulahan na ako. Ano kaya ang pakiramdam no'n?

Sa mga sumusunod na araw ay naging maayos naman ang takbo ng araw ko dahil hindi ako masyadong pinapagod ni Lorcan at nakakalangoy na rin ako sa dagat. Sulit na iyong sem break ko. Nagtagal kami ng ilang araw sa rest house pero sina Colt at Desmond ay nauna ng umuwi sa amin dahil marami pa raw silang gagawin. Naiwan kaming tatlo ni Daniel at Lorcan. Masaya ako sa naging bakasyon namin.

"Baby Daniel kong ang papa mo ba si uncle Lorcan mo. Gusto mo ba iyon?" tanong ko habang nakahiga ako sa sun lounger at katabi ko si Daniel. Si Lorcan kasi naliligo sa dagat.

"It's fine." wala sa sariling sagot ni Daniel.

"Gusto mo bang tawagin siyang daddy?" tanong ko pa sa kanya.

"I don't know." inosente niyang sagot sa akin.

"Anong- bakit, I don't know baby?"

"Buhat." Binuka niya ang dalawang kamay. Bumangon ako sa pagkakahiga at binuhat siya bago kinandong paharap sa akin.

"I want- I want to call Uncle Lorcan . . . my Daddy, but does he want it? What if he'll get mad? I am afraid of him, papa."

"Naku baby hindi magagalit ang dad- uncle mo. Saka h'wag kang matakot sa kanya mabait ang uncle mo."

"I know that he is my father, Papa." pabulong na saad ni Daniel saka niyakap ako.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa bata. Alam niya na ama niya si Lorcan. Pero, bakit uncle pa rin siya nang uncle? Ako ay maagang iniwan ng ama at mahirap iyon. Iyong pumapasok ako sa school tapos nakikita ko iyong iba na hinahatid ng kanilang ama tapos ako wala. Nakakainggit ang ganun. Iba pa rin talaga pag may ama ka.

"What happened?" tanong ni Lorcan na ngayon ay nagpupunas ng buhok sa harap ko. Umupo siya sa katapat na sun lounger.

"Lorcan," itinaas niya iyong isang kilay niya sa akin. "Sorry-sorry nakialam ako."

"Why are you sorry? Tell me what really happened." aniya at kinuha si Daniel sa akin.

"Daniel," kinandong niya rin si Daniel. "Why are you crying? I thought you're a big boy. Big boys don't cry." pag-aalo niya sa bata na tahimik na umiiyak.

"Perkin?" patanong na tawag sa akin ni Lorcan.

Yumuko ako at pinagsiklop ang kamay ko. "T-tinanong ko kasi siya kanina kung-kung gusto ka ba niyang tawaging d-daddy, pero Lorcan alam niya na ikaw ang ama niya."

Tumingin ako kay Lorcan.

"D-daniel," nangangatal na saad ni Lorcan. Ngayon ko lang siya nakitang sobrang takot at nangamba ng ganito.

"D-d-daddy." ani Daniel saka humagulhol at niyakap si Lorcan.

Napaluha ako habang tinitingnan silang dalawa. Niyakap din ni Lorcan si Daniel ng mahigpit. May luhang kumawala sa mata ni Lorcan. Lumuluha ang mata niya habang nakangiti ang labi. Iyong takot at pangamba sa mata niya ay nawala nang tawagin siyang daddy ni Daniel.

"D*mn, I-I'm so sorry, son. Daddy is very sorry. I'm sorry." Iyon ang paulit-ulit na sambit ni Lorcan habang niyayakap ang anak niya. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo gusto ko silang bigyan ng oras sa isa't isa.

Pumunta ako sa kusina at naghanda ng maaaring kainin. Ewan ko kung bakit ang emosyonal ko ngayon. Siguro ay namimiss ko lang rin ang ama ko. Kahit na sinasaktan niya noon si mama namimiss ko pa rin siya. Kahit na pinagbubuhatan niya rin ako ng kamay.

Ang ganda lang sa mata iyong nakita ko kanina na magkayakap si Lorcan at si Daniel. Kulang na lang ng ina at kompleto na sila. Napalunok ako nang maiisip ko na kompleto silang pamilya. Sino kaya ang ina ni Daniel? Buhay pa kaya ito? Ang sama ko na siguro kung ihihiling ko na sana ay wala na ang ina ni Daniel. Dahil kung buhay ito maaaring bumalik ito sa buhay nila. Tapos, paano na ako? Ano na ang mangyayari sa akin?

Pinuno ko ng hangin ang naninikip kong dibdib. Pinunasan ko muli ang luha na kumawala sa mata ko. Napaigtad ako ng may biglang yumakap sa bewang ko. Sa amoy pa lang at sa braso na nakagapos sa akin alam ko na na si Lorcan ang yumakap sa akin.

Ibinaon niya ang ulo sa leeg ko at hinalik-halikan ang leeg ko ng maliit. Ikiniling ko ang ulo ko para maging malaya ang  siya roon. Nagtayuan naman ang mg balahibo ko.

"Why did you leave us?" malambing niyang tanong.

Nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya na nasa tiyan ko.

"Gusto ko lang kayong bigyan ng oras sa isa't isa."

Tumaas ang halik niya patungo sa tenga ko saka sinipsip niya ang likod ng tenga ko. Napapikit ako.

"Then why are crying? Want me to cuddle you? You want to sit on my lap as well, hmm?" sabi niya sabay ikot sa akin. Kinulong niya ako gamit ang matitigas niyang braso. Itinungkod niya ang kamay niya sa counter. Hindi man lang nag-abalang magdamit pang itaas.

"Why are you crying, Perkin?"

"N-namimiss ko lang din s-siguro ang ama ko." sinalungat ko ang matatalim niyang tingin sa akin. Umigting ang panga niya. "Maliit pa lang ako Lorcan i-iniwan na kami ng ama ko. Iniwan niya kami ng mama ko. Naghirap kami. Siguro kung nandirito siya baka wala ako rito ngayon. Sa kabila ng ginawa niya sa amin ni mama namimiss ko pa rin siya."

Kinabig niya ako at niyakap. Wala siyang sinabi niyakap niya lang ako hanggang sa huminahon ako.

"Lorcan si-"

"Shhsh, nagsisisi ka ba na nakilala mo ako?"

Bahagya ko siyang tinulak at tumingala sa kanya. Tiningnan ko ang berde niyang mata na parang nangungusap. Umiling ako sa kanya. "Sa lahat ng nangyari Lorcan wala akong pinagsisihan. Hindi ako nagsisisi na nakilala kita at minahal. Naguguluhan din naman ako kasi akala ko talaga noon ay babae ang gusto ko. Oo naguluhan ako pero hindi ako nagsisisi, Lorcan." pagtatapat ko sa kanya.

"Thanks God!" sabi niya tapos niyakap na naman ako.

"Perkin, hindi-hindi mo man lang ba tatanungin if who's Daniel's mother?"

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Hindi pa ako handa sa usaping iyan.

"Hey!" pagkukuha niya sa atensyon ko. Kinulong niya ang mukha ko gamit ang palad niya.

"A-ano hindi ko kasi alam kung ano ang-"

"It's okay if you don't ask but I'll still tell you. Of course, now that I like you, I will try, I will try to share to you everything. I will open my life and my heart for you, Perkin."

Nakakalunod ang paraan ng pagtitig ni Lorcan sa akin. Para akong hinihila ng mga mata niya.

"Lorcan."

"Daniel's mother left him the time she gives birth to him. Hindi ako nando'n noong pinanganak niya si Daniel dahil sa trabaho ko. Pagdating ko sa hospital wala na siya. Nag-iwan na lang siya ng sulat na umalis na siya ng bansa at h'wag ko na raw siyang hanapin. I can't blame her tho' cuz from the very beginning ayaw na niyang mabuntis, gusto niyang i-abort ang baby who is Daniel. But I pleaded na h'wag niyang ipakuha ang bata. And in exchange she will leave the child to me at hindi siya makikialam. Daniel's mother is now a known international model. She leaves her child for her passion."

"Mahal mo pa rin ba siya?" Diretsong tanong ko sa kanya. Sa nakikita ko sa mata niya parang may nararamdaman pa kasi siya sa ina ni Daniel. May sakit pa rin sa mata niya habang sinasabi niya iyon sa akin. Kaya ba hindi ang hirap makapasok sa puso niya dahil may nagmamay-ari pa roon. May matagal na pa lang nakakulong doon na hinding-hindi niya kayang pakawalan?

"Perkin."

Bumitaw ako sa kanya at umiwas ng tingin. Bakit hindi niya masagot? Oo at hindi lang naman ang maaaring isagot doon, ah. Hindi iyon ang sagot na nais kong marinig. Simpleng pagtawag niya lang sa akin pero kakaiba ang sakit na dala. Mabibigat na hininga ang pinapakawalan ko dahil parang may punyal na tumusok sa puso ko. Nilalabanan ko rin ang namumuong luha sa mata ko.

"A-ayos lang." ani ko at humakbang papaalis.

"Wait Clay-" naputol si Lorcan nang biglang pumasok sa kusina si Daniel. Halos pasalamatan ko si Daniel sa pagdating niya.

"Papa, daddy!"

Nagpatuloy ako sa lakad nang maabot ko si Daniel ay ginulo ko ang buhok niya. "Dun ka muna sa daddy mo baby magliligpit lang ako ng gamit ko."

"D*mn it! Perkin." rinig kong tawag ni Lorcan pero nagpatuloy ako.

Pagdating ko sa silid ay agad kong hinanap ang bag ko at niligpit ang mga dinala kong damit. Kung hindi pa aalis dito si Lorcan siguro ay mauuna na ako dahil may enrollment pa ako para sa susunod na sem. Rason ko na lang iyon.

Napalundag ako nang bigla kong narinig ang pabagsak na pagsara ng pintuan. Lumingon ako at nakita ko si Lorcan na nagdidilim na ang mata na nakatingin sa akin. Agad kong binaling ang pansin ko sa aking bag. Tssk! Napasok ko na pala ang lahat ng damit ko!

"I called you hindi mo ba ako narinig."

Hinarap ko siya at ngumiti ako ng hilaw sa kanya. Umupo ako ng maayos sa gilid ng kama. He sauntered towards me.

"A-ano."

"Are you jealous?" tanong niya saka pinaghiwalay ang binti ko sa isa't isa. Hindi man lang ako binigyan ng oras para isara ulit iyon nang iharang niya ang tuhod doon at inilapit ang katawan sa akin. Yumuko siya dahilan para maglapit ang mukha naming dalawa. Umatras ako para ilayo ang katawan ko sa kanya.

"Don't be jealous. Matagal na siyang wala sa buhay ko."

Matagal ng wala sa buhay mo pero nand'yan pa rin sa puso mo.

"Why are you packing?" tanong niya at sinilip ang bag ko na nasa gilid namin.

"A-aalis . . . uuwi na ako. Mauuna na lang ako sa inyo. Magku-commute na lang siguro ako. May enrollment pa kasi para sa second sem."

"As in now?" maarteng tanong niya.

"O-oo ngayon na kailangan ko nang umalis." sagot ko sa kanya. Hapon na at kung uuwi ako hindi na rin naman ako makakapag-enroll. Pagdadahilan ko na lang iyon.

Tumayo ng maayos si Lorcan. "Okay, wait for me we're going home, now." Tatayo na sana ako ng hulihin niya ang mukha ko at hinalkan. "Don't be jealous, okay? Your expressions when you are jealous is making hard, darling."

Tahimik lang kami sa byahe si Lorcan naman na papahead bang sa music. Minsan ay nagha-hum pa siya. Medyo malayo na ang naging takbo namin nang biglang pinitay ni Lorcan ang music saka panay ang tingin nito sa likuran namin. Napansin ko ang paging balisa niya. Mas naging mabilis din ang takbo niya sa sasakyan.

"Lorcan may problema ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Can you unfasten your seatbelt, Perkin and please tabihan mo si Daniel sa likod." seryoso niyang sambit.

"Lorcan sabihin mo muna sa akin may problema ba? Bakit panay ang tingin mo sa likod?"

"D*MN IT!!! JUST FOLLOW WHAT I SAID!" Bulyaw niya sa akin.

Napasandal ako sa salamin ng bintana. Sa gulat ko sa kanya. Parang ibang Lorcan ang nakita ko. Nasaan na iyong Lorcan na malambing, sweet at clingy.

"Perkin," tawag niya sa akin at aabutin na niya sana ang kamay ko ng iniwas ko iyon sa kanya.

"S-susunod na." Nanginginig kong ani. Hindi ko siya hinayaang hawakan pa ako.

"Perkin, I'm so sorry. I didn't mean to shout at you. It's just that there are cars following us."  wika ni Lorcan at tiningnan ako doon sa salamin sa harap.

Napatingin ako sa likod namin at totoo nga may tatlong itim na sasakyan na nakasunod sa amin. Napansin ko na iyan kanina pero hindi ko aakalain na kami ang sinusundan ng mga sasakyang iyon.

"Sino sila, Lorcan?" kinakabahang saad ko. Niyakap ko ang natutulog na bata.

"Maybe one of my enemies."

Mas binilisan pa ni Lorcan ang takbo niya. Ako naman ay panay ang tingin sa likod namin. Sumusunod nga sa amin ang mga sasakyan sa likod.

"Don't look at them, Perkin."

"AHH!" sigaw ko dahil sa gulat nang may narinig akong putok ng baril.

"F*ck it! Drop Perkin, drop!" utos ni Lorcan na sinunod ko naman habang yakap-yakap si Daniel.

"L-lorcan," nanginginig na ako sa takot. Para kasing nangyari na ito sa akin noon. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan.

"Don't be scared. I'll protect the two of you. Okay?"

"P-papa, what's happening?" nagising si Daniel.

"Shshh, matulog ka l-lang baby. P-papa and daddy is here."

"Rap, can you track me? Yes, d*mn it we're tailed, Rap. There are three cars following us. I don't know how many they are. Send back up please. I am with Perkin and Daniel." rinig kong ani ni Lorcan.

Niyukyok ko na ang sarili ko dahil pinaulanan na kami ng bala. Si Lorcan naman ay nakita kong nakikipagpalitan na rin ng bala sa likod.  Hindi nagtagal at may narinig na akong helicopter at nagpaulan na rin ng bala.

"Sh*t!" mura ni Lorcan.

Sumilip ako kay Lorcan. Namutla ako nang makita kong duguan ang balikat niya. Jusko!

"L-lorcan." mahinang tawag ko sa pangalan ni Lorcan. Parang nawalan ng lakas ang katawan ko. Nangatal ako at nanginginig ang kalamnan ko. Nagsimula ng dumilim ang paningin ko. Bago pa ako tuluyang lamunin ng dilim ay nakita kong tumingin sa gawi ko si Lorcan. Hanggang sa nilamun na ako ng kadiliman. Bumuka ang bibig ni Lorcan pero wala na akong narinig sa mga binibigkas niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top