CHAPTER 2

Chapter 2

Clayton’s Pov

UMUPO ako sa sofa namin na gawa sa kuwayan. Naninibago ako sa katahimikan ng bahay namin. Minsan kasi kapag umuuwi ako sa bahay si mama ay nandyan sa labas ng bahay namin at nagtitinda ng barbeque. Tapos ang bahay namin ay maingay dahil mahilig makinig ng music si Mama, usually ang pinapakinggan niya ay mga music ng Air Supply.

Nilibot ko ang tingin sa buong sala namin. Maliit lang ang bahay namin at kapag nakaupo ka sa tanggapan namin ay nakikita mo na ang kusina namin. Ang nagsisilbing divider lang ng kusina at tanggapan namin ay isang mahabang kurtina lang na naka sabit sa divider namin. Sa divider naman namin ay nando'n ang 21 inches naming TV, ang DVD, at nando'n din ang dalawang maliit na speakers tapos may mga souvenirs din at mga pictures namin ni Mama roon.

Lumapit ako roon sa divider namin at kinuha ko ang picture namin ni Mama Ellen. Kinuha ko ang picture na iyon kinunan noong 20th birthday ko. Dinala kasi ako nito mama sa Jollibee. Natatandaan ko pa na ayaw kong sumama kay mama dahil masyadong childish 'yon para sa akin. Pero mapilit talaga si Mama at gusto niya rin daw na maranasan ko ang mag-jollibee
And for the first time in my life at sa 20th birthday ko, nagjollibee kami ni Mama. Sabi niya dapat daw ay magpicture kami para remembrance raw. Sa mumurahing cellphone ko pa kinuha ang larawan namin.

Tumulo ang luha ko at niyakap ko ang larawan na iyon namin ni Mama. Hindi ako papayag na mawala ang mama ko. Limang taon lang ako mula no'ng iwan kami ni Papa. Simula noon, si Mama na ang kasama ko sa hirap, lungkot, gutom, at saya ng buhay ko. Kaya gagawin ko ang lahat maoperahan lang siya. Kahit anong klaseng trabaho o paraan pa yan gagawin ko para sa mama ko.

Nagising ako na nakahiga ako kuwayan naming sofa at nasa kamay ko pa ang picture namin ni Mama. Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Nagluto ako ng breakfast ko tapos ay naghanda sa mesa namin. Tatawagin ko na sana si Mama nang maalala ko na nasa ospital pala siya. Tiningnan ko ang mesa na tig-dalawa ang nilagay kong plato, baso at kutsara. Tumingala ako upang pigilan ang luha ko na nagbabadya na namang tumulo. Bumuntong hininga ako bago umupo at kumain.

Pagkatapos kong kumain ay naghanda ako ng mga damit ko dahil habang nasa ospital si Mama do'n muna ako. Wala kasing magbabantay sa kanya maliban sa akin. Wala na akong relatives sa side ni Mama at sa papa ko naman ay hindi ko sila nakilala ni minsan. Hindi ko nakilala ang mga lolo at lola ko o mga pinsan ko man. Kaya nga wala akong malalapitan na kahit isa . . . ako lang ang maaasahan ni Mama. Kaya kailangan kong magpakatatag. Nagdala rin ako ng kaonting damit ni Mama kung kakailanganin. Nakakapanibago.

Pumasok ako sa school at wala namang masyadong ganap. Ang mga chismis at rants lang ni Harem ang naririnig ko. Kaya no'ng uwian na namin ay sabay kaming naglakad patungong exit.

"Teka nga lang Clay,"  ani Harem sabay hawak sa kamay ko, humarap ako sa kanya at tumingin sa kamay niyang nakahawak sa akin. Pareho kaming dalawa na tumigil sa paglalakad. "May problema ka ba?" sunod niyang wika sa akin.

Binitawan niya kamay ko.

Malalim na hininga ang kumawala sa akin bago ako tumingin sa kanya.

"Hmm," tumango ako sa kanya.

"May matutulong ba ako?" panaka niyang tanong.

"Hindi ko alam, Harem," mahinang saad ko.

"Sabihin mo akin kung ganun."

Napapikit ako bago nagsalita.

"Nasa ospital ang mama ko Harem kailangan niyang operahan. Malaki ang perang kakailanganin at hindi ko alam kong saan ako kukuha ng pera. Walang-wala ako." Pagpapakatotoo ko sa kanya. Totoo naman na walang-wala talaga kami. May pera nga kami pero sapat lang iyon para sa pang-araw-araw namin ni mama. Ni wala kaming savings.

"How much? Magkano ang perang kakailanganin ng mama mo. I can lend you some." He offers me.

Mapait akong napangiti sa kabutihan ni Harem.

"Five million o higit pa siguro Harem."

"ANO??? FIVE MILLION???" Sigaw niya at tumango ako sa kanya.

May kaya ang pamilya ni Harem pero alam kong wala ring siyang perang gano'n kalaking pera sa bank account niya.

Nakita kong kinapa niya ang cellphone sa bulsa ng slacks uniform namin. May tiningnan siya doon sa cellphone niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin at umiling.

"1.5 million lang ang laman ng bank account ko at this moment, Clay. Pero pwede ko 'tong ibigay sayo at manghihingi na lang ako ng allowance kay mommy. Maiintindihan naman siguro nila na pinahiram ko sa iyo ang perang ipon ko."

Umiling ako kay Harem.

"Hindi na Harem, salamat, pero gagawa na lang ako ng ibang paraan. At saka kung manghihiram ako sayo saan naman ako ng ipangdagdag. Pero pag nakahanap ako ng iba pang mapaghihiraman. Kakapalan ko ang mukha ko sa'yo Harem at manghihiram ako."

Niyakap niya ako.

"Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon Clay, pero nandito lang ako."

Kumalas ako sa pagkakayakap namin. Naiyak na naman ako. "Alam ko naman 'yon."

"Kaya pala ang laki ng dala mong bag ngayon. Sa ospital ka ba matutulog?" tanong niya sa akin at napatingin sa bag ko.

"Oo, wala kasing magbabantay kay mama."

"Sige, bibisita rin ako sa mama mo."

Ngumiti ako sa kanya tapos ay tinapik niya ang balikat ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad palabas.

Pagdating ko sa Lattea ay wala masyadong customer. Nakita ko si ate Kris na nakaupo lang at nagc-cellphone.

"Good afternoon po, ate Kris," bati ko kay Ate kaya napatingin siya sa akin.

"Uh, good afternoon din, Clay!" bati ni ate pabalik sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at pumunta sa staff or locker room para magbihis ng uniform namin dito. Paglabas ko ay nakita ko si ate Kris na nakatayo sa labas at hinihintay ako.

"Ate aalis ka po ba?" tanong ko. Minsan kasi ay umaalis si ate Kris at ako o si Janice ang nagsasara ng shop.

"Hindi ako aalis Clay pero . . . kahapon sino 'yong tumawag sa'yo? May nangyari ba?" Sunod-sunod na tanong ni ate Kris sa akin.

"A-ate . . . ate Kris." Hindi ko na napigilan at niyakap ko si ate Kris. Naramdaman ko ang saglit na pagkagulat ni ate sa pagyakap ko sa kanya. Mayamaya ay gumanti rin siya ng yakap sa akin.

"Hussshhh," hinahagod ni ate ang likod ko. "Shhshh, nandito lang ako Clay."

"Ate si mama . . . ate hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nasa ospital si mama ate inatake siya." sumbong ko kay Ate Kris.

Bahagya akong tinulak ni ate Kris at tiningnan ako ng mabuti.

"Ano si Aleng Ellen inatake?! Ano kumusta na siya? Bakit ka pa pumasok dito dapat ay umabsent ka na lang at tumawag sa akin." Nag-aalalang sabi ni ate at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Yan na nga ang problema ko a-ate. Kailangan kong pumasok kasi saan naman ako kukuha ng pera. Tapos ang laki pa ng k-kakailanganin ni mama sa ospital." Nanlumong sumbong ko kay ate.

"Bakit malala na ba ang lagay ni Aleng Elllen?"

Napaupo at sinapo ang ulo ko. Kanina pa ako nag-iisip kung saan ako kukuha ng pera para sa operasyon ni Mama. Kailangan kasi ito sa madaling panahon. Saan ako kukuha ng ganong kalaking milyones?

"Clay," tawag sa akin ni ate.

Pinatayan ako ni ate.

"Ate saan ako kukuha ng pera." Nangingiyak kong wika kay Ate Kris.

"Magkano ba ang kailangan mo?"

Umiling ako kay ate dahil alam ko kahit na may negosyo si Ate maliit lang din ang kita nitong milktea shop niya tapos may trabahante pa siya.

"Five million po."

"Huh? Ganun ka laki?" Hindi makapaniwalang tanong ni ate sa akin.

"Kailangan po kasi ni mama ng kidney transplant, Ate, at kapag nangyari naman iyon kailangan pang obserbahan at hintayin kung kailan magigising si mama kaya kailangan ng ganong kalaking pera."

"Naku Clay kahit pa yata ibenta ko ang shop ay hindi sasapat ang pera ko." Malungkot na sabi ni ate at hinawakan ang balikat ko.

Inalalayan ako ni Ate na tumayo.

"Alam ko naman ate. Ayos lang po maghahanap po ako sa mga kaibigan ko. Kailangan ko rin po sigurong humanap ng ibang trabaho," ani ko sa kanya.

"Clay, alam kong kailangan mo ngayon ng napakalaking halaga ng pera pero h'wag kang papasok sa trabahong ikakapahamak mo. Gagawa tayo ng paraan h'wag ka lang pumasok sa mga illegal na trabaho." payo sa akin ni ate.

"Alam ko rin po 'yan ate, hindi po ako papasok sa mga ganyan kasi ako lang po ang maaasahan ni mama." Malungkot akong ngumiti kay ate.

"Ang swerte ng mama mo sayo Clay."

"Pero mas maswerte po ako na siya po ang naging nanay ko."

"Hmm," pagsasang-ayon sa akin ni ate.

Bumalik na kami sa pagtatrabaho at kahit ukupado ang utak ko kung saan pa ako hahanap ng pera. Nagawa ko naman ang trabaho ko ng maayos. Mayamaya ay dumating na si Janice kaya pumunta ako sa staff room para magbihis dahil pupunta pa akong ospital. Pero paglabas ko nang room ay nakita ko si Janice sa kinatatayuan kanina ni ate Kris. Parang hinihintay ako.

"Uh, Janice anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya at inaayos ang sling ng malaki at mabigat kong backpack bag.

"May naghahanap kasi sayong tao sa labas Clay." aniya sa akin.

"Ha? Sino naman?" taka kong saad sa kanya.

"Naku hindi ko na natanong dahil pinuntahan na kita rito." tugon niya naman sa akin.

Nang makalabas kami ni Janice ay tinuro niya sa akin ang isang lalaki na nakatalikod sa gawi naming dalawa. Tamang-tama naman na lumingon sa direkayon namin ni Janice ang lalaking tinutukoy niya. Lumaki ang mata ko nang makilala ko kung sino iyon.

"Jersey!" Hindi makapaniwalang sigaw ko.

Napatingin tuloy sa akin ang mga tao sa loob ng shop. Doon na ako nahiya nang ma-realized ko na sumigaw pala ako.

"Kilala mo Clay?" Kinalabit ako ni Janice sa gilid ko.

Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Sige pupuntahan ko muna siya, Janice." paalam ko kay Janice tumango lang siya sa akin at bumalik sa trabaho. Agad kong nilapitan si Jersey.

Jersey was also my gay best friend. Ang tunay niyang pangalan ay Jason but I'd prefer calling him Jersey kasi 'yon 'yong mas gusto niya. Nagtatrabaho si Jersey sa isang malaking hotel sa kabilang syudad kaya minsan lang kami nakakapag-usap at nagkakasama. Pero siya talaga 'yong pinakamatagal ko ng kaibigan dahil magkabitbahay kami noon bago sila lumipat ng pamilya niya sa kabilang syudad. Mas pabor kasi roon dahil nando'n ang trabaho niya at ang mga magulang niya.

"Clay, my gosh ang ganda mo na!" Tumayo si Jersey at sinalubong ako ng yakap.

"Anong maganda?!" untaga nito nang makakalas sa yakap namin.

"Hahaha, joke lang syempre mas gumwapo ka ngayon. Pero infairness ang ganda ng kutis mo parang maganda pa sa kutis ko." Pambabawi niya at kinurot ang balat ko. Napangiwi ako sa ginawa niya.

Wala naman akong ginagawang skin care kagaya ng iba pero likas na maputi ang kumukintab na talaga ang balat ko. Kaya nga siguro madalas napagkakamalan akong bakla at 'di sa pag-aano pero maraming lalaki na umaaligid sa akin. Though wala akong interes sa kanila. Napangiwi ako sa iniisip. Hindi kasi ako sanay roon, sa mga lalaking nagpaparinig sa akin na type nila ako. I don't know if pure ba ang mga intensyon nila sa akin o hindi. Baka kasi tukso-tukso lang din.

Umupo kaming dalawa.

"Buti naman at napadalaw ka rito ang tagal mo ng hindi nakabisita." ani ko at hinubad ang bag ko.

"Hmm, may day off kasi ako at wala akong magawa kaya naisip ko na bisitahin ka tsaka namiss din kita, Clay." Maarte niyang sabi at dumapo ang mata niya sa malaki kong backpack bag sa tabi. "Saan ang lakad mo?" tanong nito sa akin.

"Pupunta akong ospital Jersey. Nasa ospital kasi si mama." Ulit ko na naming kwento. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nakwento ito.

"What si tita Ellen? Anong nangyari?" Gulat niyang tanong.

Bumuntonghininga ako at sumandal sa upuan ko. Tumingin ako sa milktea na nasa harapan ko at nagsalita. "Inatake si mama habang nagtitinda siya ng mga barbecue sa labas ng bahay. Alam mo naman na 'yon lang ang pinagkikitaan ni Mama, 'di ba? Sinabihan ko na naman siya na h'wag siyang magtinda kapag maiinit pa pero hindi talaga nikikinig si Mama, e. Pero hindi ko rin alam na may malubha pala siyang sakit na iniinda. Ngayon ay malubha na ang lagay niya at kailangan na niya ng kidney transplant." Pagkukwento ko kay Jersey at hinawakan ang milktea sa harap ko.

"Gosh! Anong gagawin mo ngayon? May pera ka ba para pampaospital?" Nag-aalala niyang tanong at hinawakan ang kamay ko na nasa mesa.

"Hindi ko pa alam Jersey pero gagawa ako ng paraan. Maghahanap ako ng trabaho."

"Malaki ba ang kakailanganin mo?" 'Yang tanong na 'yan na naman.

"Five million or so ang kakailanganin ko, Jersey. Tapos kailangan pa sa madaling panahon. Kaya nga gagawin ko kahit anong legal na trabaho makahanap lang ako ng ganong kalaking pera." desperadong saad ko.

Binitawan niya ang kamay ko at nilapit ang katawan sa mesa

"Gagawin mo ang lahat?" Paniniguro niya.

Lumapit din ako sa mesa.

Napalabi ako. "Oo lahat," sagot ko sa kanya.

Sumandal siya sa kinauupuan niya at pinakrus ang kamay sa harap ng dibdib niya.

"Tamang-tama Clay, may alam akong tao na makakatulong sayo." Sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Jersey, kung iniisip mo na ibebenta ko ang katawan ko sorry pero hindi ko kaya yan. Ayaw ko." Matigas kong sabi.

Pumikit siya ng mariin. "Do you think, Clay may magbibigay sayo ng limang milyon? O may mapapasahod ba sayo ng limang milyon? Kahit sabihin na nating magpapautang man lang? O, sige, sabihin na nating may mapapahiram ng ganun kalaking pera maghihintay ka pa kung sino ang magiging donor ng mama mo. At ikaw na nga ang nagsabi na malubha na ang lagay ni tita."

Yumuko ako. Wala na ba talagang ibang paraan? Ito lang ba talaga ang tanging paraan para mapaoperahan ko si mama. Kaya ko bang ibenta ang katawan ko. Saan naman kaya? Sa mga matatandang babae ba? Napapikit ako. Nasusuka ako sa iniisip ko.

"My boss can pull some strings for your mother's operation, Clay, and I'm sure, sa yaman niya, kaya niyang makahanap ng donor within a day. Malilipat din sa mas magandang ospital ang mama mo kung saan maaalagaan siya ng mabuti. At kaya rin siguro ng boss ko na kunan ng private doctor ang mama mo kung papayag ka. Ganon ka makapangyarihan ang boss ko," pagpapatuloy ni Jersey.

Umiling ako nang wala akong ibang maisip kundi ang gawin ang isina-suggest ni Jersey. This is the only way, and I will do everything for my mother.

"Sige, kung hindi ka pa makapagdesisyon ay okay lang. Tawagan mo lang ako kapag nakapagdesisyon ka na. Halika, bibisita ako kay Tita," sabi ni Jersey at nauna nang tumayo.

Tumalikod na si Jersey bago ako nagsalita. "Sige, papayag na ako, Jersey."

Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat ni Jersey habang humaharap siya sa akin.

"Okay . . . ," huminga siya ng malalim. "good decision."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top