CHAPTER 19
Chapter 19
Clayton’s Pov
TULALA ako habang naghihintay kung kailan matatapos si Daniel kaka-shoot doon sa basket. Nandito kami ngayon sa arcade ng mall kung saan ko siya dinala. Hindi mawala sa isip ko iyong mga binitawan kong salita kay Lorcan. Minsan naisip ko na rin na i-staple itong bibig ko. Kung ano-ano na rin kasi ang lumalabas. Pero hindi ko na mababawi pa iyon at siguro mas nakakabuti na rin na malaman niya iyon. Para na rin sa ikakatahimik ko.
Ang hindi ko lang mawari ay kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya. Bakit siya pa iyong galit? Galit ba siya na pinamukha ko sa kanya na f*ckboy siya? Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko. Saya dahil naamin ko na mahal ko siya at lungkot kasi iyong pagmamahal ko hindi niya iyon kayang suklian. Masakit pero kailangan kong tanggapin na sa unang pag-ibig ko ay bigo. Hindi ako naniniwala sa first love never dies na 'yan dahil kaya kong patayin itong nararamdaman ko sa kanya. Hindi nga lang siguro iyon magiging madali.
Hindi ako makapaniwala na iibig pala ako sa isang lalaki. Kaya siguro noon ay hindi talaga ako nagkainteres sa mga babae. Dahil lalaki pala ang gusto ko. Pero pagtumingin naman ako sa ibang lalaki wala naman akong nararamdaman. Para sa akin parang wala lang. Aaminin kong gwapo si Lorcan pero marami naman akong lalaki na kilala na gwapo rin kaso wala akong maramdaman sa kanila. Tanging si Lorcan lang ang nagpapatigil sa oras at sa paligid ko. Siya lang ang lalaking kayang magpakapos ng hininga ko. Siya lang ang kayang pahatawin ang puso ko sa saya at sakit pero kahit ganun mahal ko pa rin siya.
Hindi ko naman inibig na magkagusto sa kanya pero heto ako hindi na halos makaahon. Lunod na lunod na. Gag* siya pero gusto ko, mahal ko. Kaya ngayon sa mga nasabi ko kanina kay Lorcan. Hindi na siguro ako magugulat kung pag-uwi namin nasa gate na iyong mga gamit ko.
Ang yugyug sa kamay ko ang nagpukaw sa akin sa malalim ba pag-iisip. Bumaba ang tingin ko kay Daniel na naka cap at face mask. Ayaw kasi siyang palabasin ni Ronnie kanina nang walang suot na ganito. Ako tuloy iyong naiinitan para sa bata. Akala ko si Ronnie ay isang simpleng hardinero lang, pwede rin pa lang driver at bodyguard. Siya iyong pinasama sa amin ni Alfonso kanina. Iyon daw kasi ang bilin ni Lorcan pero syempre hindi ko na pinasama si Ronnie rito sa loob nandun lang siya sa sasakyan.
"Papa, hindi ka po nakikinig sa akin. I'm sad." tapos ay ngumuso siya.
Pinantayan ko ang tangkad niya saka ginulo ang buhok. Ang kyut-kyut talaga ng batang ito. Pwede ko nang kidnap-in ito at hingan ng ransom si Lorcan pero syempre sa kulungan lamg ang bagsak ko.
"May iniisip lang si papa," ani ko.
"Do you regret bringing me here, Papa?"
Mabilis akong umiling sa sinabi niya.
"Hindi. Nagugutom ka na ba?" tanong ko sa kanya bago tumingin sa suot kong mumurahing relo. Malapit nang mag alas syete ng gabi.
Tumango si Daniel at humawak sa laylayan ng damit ko upang magpabuhat. Bago ko siya mabuhat nagvibrate iyong phone ko sa aking bulsa kaya kinuha ko iyon.
From: Ronnie
Oras na para umuwi.
May number si Ronnie sa akin, kinuha niya kanina para daw ma-contact niya ako at ma-contact ko rin siya.
To: Ronnie
Papakainin ko lang si Daniel tapos labas na kami.
Reply ko kay Ronnie saka binalik ang telepono sa bulsa dahil two percent na lang ang cellphone ko.
Pinakain ko si Daniel sa isang restaurant saka nilinisan at binihisan sa cr. Buhat-buhat ko si Daniel habang bumababa ako sa parking lot. Sa 'di inaasahang pagkakataon ay nagkasalubong kami ni Jersey. Kaya nilapag ko muna si Daniel.
"My goodness Clay! Kailan ka nakaanak ng ganito ka kyut." eksaherada ni Jersey at kinurot ang pisngi ni Daniel pero tinampal naman ng malditong bata.
"Don't touch me!" maarte nitong saad kay Jersey saka tumalikod.
Kinuha ni Jersey ang braso ko saka tumalikod kami bahagya kay Daniel. "Ano 'yan? Kaninong bata iyan?" pasigaw niyang bulong sa akin.
"Ano ka ba pamangkin yan ni Lorcan." sagot ko sa kanya at sinilip sa likod si Daniel na nakatalikod din sa amin ni Jersey.
Mahina akong napamura nang kinurot ni Jersey ang braso ko. Pinandilatan ko siya sa mata ko.
"Anong pamangkin?" bulong niya. "Walang kapatid si sir. Only son siya!" Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Siya ang nagsabi Jersey saka uncle kaya ang tawag niya kay Lorcan." ani ko.
Umiling si Jersey saka bumuntonghininga. "Bahala ka. Basta walang kapatid yang si sir."
Napaisip ako bigla sa sinabi ni Jersey. Wala nga namang kapatid iyang si Lorcan dahil noong nagkukwentuhan kami ng mama niya wala naman siyang nabanggit na kapatid nito o ano. E, kaninong bata iyang si Daniel kung ganun? Malabo naman kung anak ni Lorcan si Daniel. Pero may posibilidad din naman. Kung ganun sino at nasaan iyong ina ng bata? Napapikit ako sa rami ng katanungan ng utak ko. Nababaliw na ako.
"Oi, si Harem talak nang talak sa akin. Nagtatampo raw siya sa'yo kasi pakiramdam niya ang dami mo raw'ng nililihim sa kanya. 'Yong bakla pakiramdam ko nanghihinala na rin sayo, Clay. Kaya sana . . . sana masabi mo rin sa kanya dahil pakiramdam ko naman mapagkakatiwalaan siya."
Huminga ako ng malalim. "Sasabihin ko rin sa kanya pero 'di pa ngayon."
Tumango sa akin si Jersey saka tinapik ang balikat ko. "Sige alis na ako may date pa ako." sabi niya. Ngumisi lang ako at tiningnan siyang paalis. Nang 'di ko siya matanaw binalingan ko si Daniel. At halos tumakas ang dugo ko sa katawan nang pagtalikod ko upang tingnan si Daniel ay wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.
Tang*na!
"Daniel!" sigaw ko sa pangalan niya at ginagala ko rin ang paningin sa aking paligid. "Daniel! Baby, lumabas ka na kung saan ka man nagtatago. 'Di magandang biro ito. Gabi na kailangan na nating umuwi."
Iniisa ko ang mga sasakyan doon sa parking lot na malapit sa akin kaso wala akong makita kahit na animo ni Daniel. Tang*na naman nasaan na Ang batang 'yon. Napapikit ako nang maalala ko na tinanggal ko pala ang face mask at cap niya noong binihisan ko siya sa cr. Ayaw ko sa naiisip ko pero tang*na na lang! Paano kung nakidnap siya? Ang lakas na nang tibok ng puso ko habang hinahanap si Daniel sa parking lot. Napapakagat labi ako dahil nilalamig na ako sa kaba.
Tumigil ako. Hinihingal ako habang nililibot ko ang tingin ko sa buong parking area. Napapikit ako at ginulo ko ang aking buhok nang hindi ko mahanap si Daniel.
Nanginginig ang kamay kong kinuha ang telepono sa bulsa ko. Tinawagan ko si Lorcan. Isang ring lang at sinagot agad niya ang tawag ko na para bang inaabangan niya ang pagtawag ko.
"L-lorcan," nagpapanic kong wika.
Hindi siya nagsalita.
"Lor-lorcan," hindi ko alam kong ano ang unang sasabihin ko sa kanya. Ako ang magpumilit na dahil dito ang bata kahit na ayaw niya. Kaya ngayon mukhang mapapahamak pa ako.
"What?" malamig niyang tanong.
"Kasi . . . ."
"Just f*cking say it Perkin. You're wasting my time!"
"Kasi Lorcan, m-mukhang nawala ko ata si Daniel."
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa amin akala ko nawala na siya sa kabilamg linya.
"Daniel . . . what?" bulyaw nito.
"N-nawala ko ata si Daniel." ulit ko.
"Don't kid around Perkin. It's not funny at all!" may riin niyang wika.
Pumikit ako. "S-sana nga biro ko lang Lorcan pero kasi-"
"KASI! WHAT??" halos mabingi ako sa sigaw niya.
"Nag-usap lang naman kami ni Jersey ay ni Jason sandali tapos paglingon ko wala na si Daniel. Lorcan hindi ko naman ginusto na-"
"F*ck you, Perkin! Kung anuman ang mangyari sa an-pamangkin ko. Mapapatay kita. Huwag kang umuwi rito hangga't hindi nahahanap ang pamangkin ko!"
Pagkatapos no'n ay binaba niya ang tawag. Tatawagan ko sana ulit siya pero na-off na iyong telepono ko. Sa sobrang frustration ko nahagis ko ang aking telepono. Bakit ngayon pa siya na lowbat? Nang mahimas-masan ako ay kinuha ko ang nagkalat na telepono ko. Halos wala na akong pambili pero nahagis ko pa ng 'di-oras ang cellphone ko. Tang*nang buhay!
Pumunta ako sa CCTV room ng mall at pinareview ko sa kanila ang CCTV sa parking lot. Ang lamig ng aircon sa CCTV room ay hindi na gumagana sa akin. Panay na ang pahid ko sa malamig na pawis na lumalabas sa katawan ko.
"Naku Sir under construction po pala ang mga CCTV sa parking lot. Pinalitan po kasi iyon-"
Hindi ko pinatapos sa pagsasalita ang nakabantay roon sa CCTV room at umalis ako para hanapin si Daniel.
Alas diez akong umalis sa mall nang hindi ko talaga mahanap doon si Daniel. Sumakay ako nang taxi patungo sa Marcet Village. Pagdating ko roon ay hindi ako pumasok sa loob ng village umupo lang ako doon sa malapit sa guard house. Pinahid ko ang luha na lumabas sa mata ko. Bakit ko ba kasi binitawan si Daniel? Hindi sana siya nawawala ngayon. Bakit ko baka kasi siya nilapag kong pwede naman kaming mag-usap ni Jersey na buhat-buhat ko siya. Yumuko ako at ginulo ang buhok.
Pag may mangyaring masama kay Daniel hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kanina ay dumaan ako sa prisento upang i-report sa kanila iyong nangyari pero tang*nang mga pulis din dahil hihintayin pa ang 24 hours. Walang silbi rin!
Lorcan’s Pov
Nang umalis sina Perkin kasama si Daniel pumunta ako sa third floor ng bahay. Binuhos ko ang oras ko sa mga dapat kong gawain. From checking the sales of my businesses. Checking emails from different mafia bosses around the globe. And my recent transanction from overseas and inside the country.
I lay my back when I remember the things that Perkin said. Why does he need to say all those stuff? Kinukonsensya niya ba ako? And then why do I care? Why Am I thinking those stuff? Why am I being affected? F*ck it! That Perkin really loves to give me a headache.
I glance at my watch and it's already 8 PM. Tinawagan ko si Alfonso.
"Wala pa ba sila?"
"Wala pa Lorcan." Nang marinig ko ang sagot niya binaba ko ang cellphone ko. What took them so long?
My phone rings. Pekin is calling me.
"L-lorcan," rinig kong saad niya sa kabilang linya.
Hindi ako nagsalita.
"Lor-lorcan," he stuttered.
"What?" malamig kong tanong.
"Kasi . . . “ he trailed.
"Just f*cking say it Perkin. You're wasting my time!" I already lose my patience. I really hate it when he speaks like this.
"Kasi Lorcan . . . m-mukhang nawala ko ata si Daniel."
Napatayo ako mula sa aking pagkakaupo sa swivel chair ko. Hindi ako makapagsalita.
"Daniel . . . what?"
"N-nawala ko ata si Daniel."
"Don't kid around, Perkin. It's not funny at all!" I hissed.
"S-sana nga biro ko lang Lorcan pero kasi-" I cut him off.
"KASI! WHAT??" I roared.
"Nag-usap lang naman kami ni Jersey ay ni Jason sandali tapos paglingon ko wala na si Daniel. Lorcan hindi ko naman ginusto na-"
"F*ck you, Perkin! Kung anuman ang mangyari sa an-pamangkin ko. Mapapatay kita. Huwag kang umuwi rito hangga't hindi nahahanap ang pamangkin ko." I ended the call.
When I said it. I really meant it. I kill people. I can kill people like they're sort of animal. Fourteen years ago, I promised to my grandparents grave that I kill whoever tries to hurt my family. And if anything will happen to Daniel. I will destroy them. I will crush them.
Darn it! How did Daniel gone? I have my men around them.
Bumaba ako at nakasalubong ko si Alfonso na papasok sa loob ng meeting room.
"Saan ka pupunta Lorcan?" tanong niya at hinawakan ang balikat ko.
Tiningnan ko ang kamay niya saka marahas iyong kinuha.
"Daniel is gone. My son is gone, Alfonso. That's why don't block my way."
"Kasama siya ni Clayton-"
"He lost him." I said and left him.
"Ilabas ang sasakyan ni Lorcan!" sigaw ni Alfonso.
I didn't wait long at pumarada sa harap ko ang aking sasakyan. Agad na bumaba ang isa sa mga tauhan ko at akmang sasakay na ako roon nang dumating ang sports car ni Desmond. Lumabas si Laszlo roon at kasama at karga niya si Daniel na mahimbing na natutulog.
Padarag kong isinara ang kotse.
"Alfonso bring Daniel to his room." utos ko kay Alfonso at sinunod niya naman agad.
Ngiting-ngiti si Desmond na nakatingin sa akin. Tumabi si Laszlo sa kanya.
Before he can dodge my fist already landed hard on his face. At sinunod ko si Laszlo. Laszlo dodged my first attack pero hindi niya nasangga ang sunod na suntok ko sa mukha niya.
"F*ck, my nose." reklamo ni Desmond. The blood rolled from his nose.
Ngumingiwi naman si Laszlo habang hinahawakan ang panga niya.
"Bakit nasa inyo ang anak ko?" kalmado kong saad sa kanila na para bang hindi ko sila nasuntok.
"D*mn it parang nabasag ang ngipin ko." si Laszlo na parang walang narinig mula sa akin.
"Answer me!"
"F*ck, sagutin mo, Desmond. You're the mastermind." pagtutulak ni Laszlo kay Desmond. Then Desmond starts narrating what happened.
"Does Clayton already here?" tanong ni Laszlo.
"He is not here."
"D*mn! So he is still on the mall?" Desmond inquired.
"What do you think so, Desmond Bunsen?" I sarcastically spoke.
Pumasok kami sa loob. I try contacting Perkin, but his phone is off.
"You two," tumingin sila sa akin. Nakaupo kami ngayon sa salas. "Look for Perkin."
"I already called my men they are now on their way to the mall." sagot ni Desmond habang naglalagay ng ice pack sa ilong niya.
It's already 10 in the evening but there still no trace of Perkin.
"D*mn it! Your men can't still find him, Desmond?" Naiirita ko nang tanong.
"Wala raw sa mall, e." he answered.
After a while, may narinig kaming sasakyan na dumating. Sabay kaming tatlo na lumabas upang tingnan kong sino iyon. And there I saw Colt arrived and he is carrying Perkin on his back.
My jaw clinched at the view. It's sore to my eyes.
"Let me carry him to his room." Lumapit ako kay Colt.
"Ako na." ani Colt at pumasok sa loob. My hand clinched into fist.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top