CHAPTER 18
Chapter 18
Clayton’s Pov
UNANG araw ng semestral break pero heto ako. Nakahiga sa kama at masama ang pakiramdam. Nilalamig ako ng husto. Ngayon pa ako nagkasakit kung kailan gusto kong pumunta sa Lattea. Bigla ko kasing namiss kasi si Ate Kris at 'yong trabaho ko roon.
Pagod kong minulat ang mata ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang katawan ko na nakabihis na ako. Sa pagkakaalala ko kagabi ay natulog akong hubo't hubad. Tinagilid ko ang ulo ko at inalala kung sino ang maaaring nagbihis sa akin. Hindi maaaring si Jhera! Tang*na lang. Sino naman kaya si Lorcan? Pinilig ko ang ulo ko. Mas maniniwala pa siguro akong si Jhera na lang dahil malabo namang si Lorcan. Sa nalaman niya kagabi posibleng paalisin na ako no'n dito sa mansyon niya.
Bakit ko nga naman kasi nasabi iyon? Pahamak talaga ang bibig ko kahit kailan.
Ang lamig ng pakiramdam ko pero ang init ng hininga ko. Tssk! Bwesit na lagnat! Mahina akong bumangon dahil pakiramdam ko ang bigat at pagod ng katawan ko.
Pagkatapos kong mag-cr ay lalabas na sana ako nang biglang nanghina ang tuhod ko. Akala ko masasalampak ako sa tiles pero may matigas na braso mula sa likod ko ang sumalo sa akin. Mabilis ang kilos kong umalis sa kamay ni Lorcan. Humarap ako sa kanya. Nakita kong naka-jeans lang siya at walang damit pang itaas. Halatang bagong ligo siya dahil basa pa ang buhok niya. Tumalikod ako sa kanya saka inabot ang busol.
"You have a fever?" tanong niya bago pa ako makalabas.
Hindi ako humarap sa kanya. "Uhmm," tugon ko sa kanya.
"Ipapaakyat ko rito si Jhera to take care of you."
Hinarap ko siya dahil sa sinabi niya. "H-hindi na kailangan Lorcan, kaya ko ang sarili ko." Pagmamatigas ko.
"It' s an order." Pinal niyang wika.
"Pero kasi . . . .”
"If you don't want to be a burden then you should at least wear something before you doze off!"
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Kagabi ay ibang iba siya tapos ngayon, ano 'tong paandar niya?
"Kung nag-aalala ka dahil nilalagnat ako-"
"Don't misunderstood me again, Perkin. I'm not worried about you! I'm just worried about Daniel because his looking for you! What if he catches your cold? That's.all. I am. concern. with." may diin niyang saad.
Halos matawa ako sa sarili ko. Bakit ko nga ba sinabi na nag-alala siya sa akin? Ano niya ba ako? Parausan lang na pagkatapos gamitin iiwan na lang at kukunin na naman kung kailan kakailanganin niya. Ganun lang ako sa kanya.
"Ah, o-oo nga pala," huminga ako ng malalim. "S-sige kung 'yan ang gusto mo."
Lumabas ako ng CR at sumandal sa pintuang nilabasan. Napatawa ako nang mapait sabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko. Sa ganito lang ako magaling. Nagpadausdos ako sa pintuan saka niyakap ang tuhod. Tinago ko ang mukha ko at ko at tahimik na umiiyak. Walang awa rin talaga si Lorcan kahit na sa mga salita niya ang sakit. Hindi man lang ba niya inisip na may lagnat ako. Sana fi-in-lter man lang niya 'yong sinabi niya.
"CLAYTON!" pag-angat ng ulo ko ay nakita ko si Jhera na may dalang tray. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang damit ko. Bago sumubok na tumayo.
"Oi, dahan-dahan lang," anang ni Jhera saka inalalayan akong tumayo.
"Salamat."
"Heto, kumain ka tapos inumin mo itong gamot. Hay, ang init mo. Ano bang ginawa mo at nagkalagnat ka?"
Isang beses kong iniling ang ulo ko saka kinuha ang pagkain sa side table at kumain. Umupo si Jhera sa kama at nagsalita ng kung ano-ano. Puro lang tango ang sagot ko sa kanya. Hanggang sa matapos akong kumain.
"Sige ibaba ko na ito, magpahinga ka d'yan para gumaling ka na. Pinapahirapan ako ni Daniel, e."
Puyat lang akong ngumiti sa kanya. Nang umalis si Jhera ay natulog nalang ulit ako.
Paggising ko ay alas syete na nang gabi kaya kumukulo na ang tiyan ko. Bumangon ako. Buti na lang at naging maayos na ang pakiramdam ko. Wala na iyong init ko pero medyo mahina pa rin ang katawan ko. Mas mabuti kaysa kanina nang gumising ako.
"Papa!" tumingin ako sa pintuan nang bumukaa iyon at pumasok si Daniel na kasunod si Jhera.
Tumakbo siya patungo sa kama ko pero pinigilan ko siya. "D'yan ka lang, Baby," pagpigil ko sa kanya.
Agad na lumukot ang mukha niya. "Why?" Humaba ng nguso nito.
"May lagnat si Papa kaya bawal ka lumapit. Baka mahawa ka." saad ko sa kanya.
"Okay," bumuntonghininga siya bago tumingin kay Jhera na may dalang pagkain. "Hey! You! Get me a chair!" Tinuro niya pa si Jhera.
Huminga ng malalim si Jhera at nilapag ang dalang tray ng pagkain bago kinuha ang isang upuan. Nilagay niya sa tabi ng kama ko ang silya.
"Ayan na po, kamahalan." sarkastiko na saad ni Jhera sa bata. Nagkibit balikat lang si Daniel saka umupo roon sa upuan na parang hari. Bumaling sa akin si Jhera. "Hindi na kita nagising kanina kasi ang himbing na nang tulog mo saka tsi-neck ko naman ang temperature mo at bumaba naman. Kaya siguro maayos-ayos na ang pakiramdam mo."
Tumango ako kay Jhera. "Salamat." sabi ko sa kanya. Sinuklian niya rin ako ng tango bago yumuko at lumabas sa kwarto.
"Papa, you should get better."
"Hmm."
"And papa bring me to the mall."
Napatigil ako sa pagsubo dahil sa sinabi ni Daniel. "Bakit gusto mong dalhin kita sa mall?"
"I just want to . . . I actually saw it on TV, I think it's fun there." Aniya na para bang wala siyang kaide-ideya kung ano ang mall.
"Baby, hindi ka pa ba nakakapunta sa mall?"
Naliit ang mata ko. Anong silbi ng yaman nila kung hindi man lang siya nito nadadala sa mall?
"Nope," maikli niyang sagot. "That's why I want you to convince uncle, Papa that I want to go to the mall. Only you, can convince that uncle of mine po." Nakasimangot niyang sabi saka kumikibot pa ang maliit na bibig. Napailing ako. What a brat! Pakiramdam ko sa akin lang malambot ang batang ito. Pero imposible namang mapilit ko si Lorcan sa gusto ni Daniel. Lalo na ngayon na may balak akong iwasan na si Lorcan. Para maka-move on na ako.
Mabilis ko siyang nagustuhan, mabilis ko siyang minahal, kaya alam ko rin na mabilis lang na mawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Sana . . .
Mabuti na lang at di rin nagtagal ang lagnat ko at naging maayos na ang katawan ko. At kagaya ng naging plano ko na iwasan si Lorcan sa abot ng makakaya ko. Nagawa ko naman. Hindi ko nga alam na kung kailan ko pa siya ayaw makita e, 'yon naman ang oras na lagi ko siyang nakikita. Parang sinusubukan talaga ako ng tadhana. Parang lumiliit itong mansyon niya pagnandito siya.
Pag nagkikita kami o magkakasalubong man lumalabas ang pagiging secret agent ko. Nagkakausap lang kami pagtinatanong niya ako. Kung ano ang tanong niya iyon na ang sagot ko. Ganun ka simple pakinggan pero sobrang nahihirapan na ako. Dahil sa pag-iwas at paglayo ko sa kanya parang mas lalo pa yatang lumalalim itong nararamdaman ko para sa kanya. Sa bawat talikod ko sa kanya ay ako ang nasasakatan—ako nagdurusa. Ako ang may gusto nito. Ako ang nagplano nito pero mukhang palpak dahil sobrang namimiss ko na siya. Kahit isang beses simula noong nilagnat ako wala ng nangyari sa amin. Nakakamiss iyong init niya.
Ngayon ay susubukin ko na naman ang sarili ko. Nandito ako ngayon sa harap ng pintuan papasok ng kwarto niya. Susubukan ko siyang kausapin na ipapasyal ko si Daniel sa mall. Ako na kasi anh naaawa sa bata araw-araw na akong kinukulit na gusto niyang pumunta sa mall.
Naalala ko na naman ang unang bese na pumasok ako sa kwarto niya para pakiusapan siya na bumalik ako sa eskwela. Hinawakan ko ang dibdib ko saka huminga ng malalim. Akmang hahawakan ko na ang busol nang bumukas ang pinto. Napatingala ako. Nakita kong nakakunot noo si Lorcan na nakatingin sa akin.
"A-ano . . . ."
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ka-kasi-"
"Come on in." wika niya bago bumalik sa loob.
Pumasok ako sa kwarto niya saka sinara ang pintuan. Nakade-kuatro siyang umupo sa sofa na nasa paanan ng kama niya. At sumandal siya roon habang bukas ang mga brasong nakapatong sa arm rest. Dipinang-dipina tuloy ang malalapad niyang dibdib na bumabakat sa suot niyang button down shirt.
Naglakbay ang mata ko sa buong katawan niya. Bigla ko tuloy'ng naalala ang unang pagkakataon na may nangyari sa amin. Talagang nagustuhan ko iyon. Iyong sensasyong naramdaman ko at lahat-lahat. Napalunok ako nang biglang parang umiinit ang pakiramdam ko. Pero naputol ang pag-iisip ko sa nakaraan nang malakas na tumikhim si Lorcan.
"You're making me hard the way you stare at me, Perkin," aniya. Bumalik ang mata ko sa kanya. May mapaglarong ngiti sa labi niya. Ngayon ay ako na naman ang tumikhim. "You want us to f*ck? Come." Then he gestured me to come near him.
Napamaang ako sa kanya. Ganun ba ako kahalata?
Umiwas ako ng tingin. "H-hindi 'yan ang pinunta ko rito."
"Then don't look at me like you want me inside your hole." deretsong wika niya.
"Pumunta ako rito para sabihin sa'yo na gusto kong dalhin sa mall si Daniel,"
"You know I will not let you, right?" saka niya pinagkrus ang braso sa harap ng dibdib niya.
"Lorcan, araw-araw akong kinukulit ng bata tapos sinabi niya pa na hindi pa siya nakakapunta sa mall. Gusto ko lang naman maranasan niya."
"Still hindi ako papayag." he said in finality.
"Pero kasi Lorcan ngayon lang naman at sa-"
"Is this the reason why you're here? Talking to me na parang hindi mo ako iniiwasan these passed few days?" he snapped. "You thought hindi ko mapapansin? Will it's f*cking obvious!"
Niyuko ko ang ulo ko. Paano napunta ang usapan sa ganito. Gusto ko lang namang magpaalam sa kanya.
"Cat got your tongue?"
Tinuon ko ang mata ko sa sahig kung saan nakikita ko ang repleksyon niya na nakatuon sa akin.
"Wag mong iniiba ang usapan."
"Answer me. Why are you avoiding me?"
Sa tanong niyang iyon ay halos mapatawa ako. Hindi pa ba halata na kaya ko siya iniiwasan dahil sa nararamdaman ko sa kanya? Gulat nga ako na hanggang ngayon ay nandirito pa ako sa mansyon niya at hindi niya ako pinaalis pa.
Tumingin ako sa kanya at sinalungat ang matatalim niyang tingin.
"Dadalhin ko si Daniel sa mall." pagbabalik ko sa paksa namin at hindi sinagot ang tanong niya.
"Answer me and I will let you," seryoso niyang saad.
"Ano?"
"You heard me."
Pinadaan ko ang kamay ko sa buhok ko dahil sa pagkasiphayo. Hindi niya pa rin tinatanggal ang berdeng matang nakatutok sa akin.
"Sige basta dadalhin ko ngayon si Daniel sa mall." Para kay Daniel kung bakit ko ito ginagawa. Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.
"Alam mo na kung ano iyomg nararamdaman ko para sayo diba?" kumunot ang noo niya pero nagpatuloy ako. "Mahal kita . . . kahit na bawal iyon sa kasunduan natin-"
"I said you are just confused with your feelings towards me and don't misunderstand everything-"
Pinutol ko siya. "Wala kang magagawa kung ano iyong nararamdaman ko. Wala kang karapatan husgahan kong ano ang nararamdaman ko. Kasi wala ka naman talagang alam. Damdamin ko 'to," tinuro ko ang dibdib ko. "Kaya alam ko kung ano ang sinabi nito. At sa para sabihin ko sayo . . . kaya kita iniiwasan dahil nga ayaw mo at saka hindi ko naman gusto ito. Huwag kang mag-alala dahil kaya lang naman kita iniiwasan dahil iyon lang ang nakikita kong paraan para mawala itong nararamdaman ko para sayo. H'wag ka ring mag-alala dahil kung gusto mong ilabas iyang libog mo. Nand'yan lang naman ako sa kabilang kwarto. Dahil gaya ng sabi mo kahit kailan mo gusto sa umaga, tanghali, hapon, gabi, hatinggabi o kung ano pa, kung mong ilabas iyang libog mo nandito lang naman ko. Dahil iyon naman ang dahilan kung bakit ako nandirito sa mansyon mo ang maging parausan mo. Pero h'wag lang ngayon may lakad kami ni Daniel siguro mamaya pagnakauwi na kami." halos kapusin ako sa hininga nang tumigil ako sa pagsasalita.
Without breaking our eye contact he abruptly rise then sauntered towards me and cruelly grip my wrist. Napaatras ako sa biglaang pagkilos niya hanggang sa napasandal ako sa malamig na dingding. Pilit kong inaagaw ang kamay ko mula sa kanya pero mas lalo lang humihigpit ang kapit niya roon.
"Lorcan ano ba!"
Nag-aalab sa galit ang mata niya. Hindi siya maintindihan bakit siya ganito. Anong problema niya?
"Ang sabi ko naman diba mamaya na dahil may lakad ako. Alam kong wala akong karapatang humindi pero pakiusap naman kahit ngayon lang!"
"Do you know what the f*ck are you saying just now!"
"Ano?" naguguluhang tanong ko. Naduduling na ako sa lapit ng mukha namin. Nagsusukatan na kami ng tingin.
"Darn it!!!" mura niya saka marahas na binitawan ang kamay ko. Napahawak ako sa palapulsuhan ko na namumula dahil sa hawak niya kanina. He ran a hand on his hair frustratedly. "Leave."
Hindi niya naman kailangang sabihin iyon dahil aalis talaga ako. Dahil kung hindi ako aalis ay baka doon ako sa harap niya mag-nguwa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top