CHAPTER 15
Chapter 15
Clayton’s Pov
MASAKIT ang balakang at inaantok pa ako pero pilit kong binangon ang katawan mula sa kama. Grabe si Lorcan sa akin kagabi may balak pa atang pagapangin ako ngayon. Hindi man lang niya naisip na may pasok pa ako ngayong araw. He's a beast and monster in bed.
"Ah, ah, ah" daing ko habang hawak-hawak ang bewang ko. Mabagal na akong kumilos pero mas dumoble pa. Paika-ika akong pumasok sa banyo saka naligo. Nang matapos ako. Lumabas ako sa banyo nang nakatapis lang ang tuwalya sa bewang ko. Pumunta ako sa closet kung saan ang damit ko na hindi man lang nangangalahati sa laki ng closet na ito.
Kumuha agad ako ng underwear at uniform ko sa school. Basta ko na lang iyon tinapon sa kama ko. Akmang tatanggalin ko na ang tuwalya sa bewang ko nang may marinig akong boses ng bata sa kabilang kwarto, sa kwarto ni Lorcan.
"To whom this door is, uncle?" ani ng boses ng isang bata.
Mabilis kong inalis ang tuwalya at nagsuot ng underwears ko. Nang biglang bumukas ang pintuan. Niluwa no'n ang isang malusog at maputing bata na ang hula ko ay edad ay nasa apat na taon ang gulang
"Daniel!" rinig kong sigaw ni Lorcan saka sunod ding pumasok sa silid ko.
"Ohhh," parang gulat na sambit ng bata nang makita niya ako.
Tang*na hindi pa ako nakakasuot ng damit tanging brief lang at boxer ang suot ko ngayon. Sa gulat ko ay hindi ko magawang kunin ang uniform ko sa kama. Nakatutok lang ang mata ko sa bata sa harapan ko.
At ang bata naman ay manghang nakatingin sa akin, para pa nga siyang aliw na aliw sa akin.
Lumingon ang bata kay Lorcan.
"Uncle, who is he?" tanong ng bata kay Lorcan na nakasandal sa dingding at ang isang kamay ay nasa bulsa sa suot niyang jeans.
"Friend of mine, Daniel." blankong sagot ni Lorcan.
Ang bata ay parang walang narinig at tinakbo ang distansya namin. Agad siyang sumampa sa kama at tumayo. Napatingin ako sa paa ng bata na nakaapak sa uniform ko. Sinundan ng bata ang tingin ko.
"Opps! Sorry," nakangiwing paumanhin niya.
Kinuha ko ang uniform ko at saka isinuot.
"Okay lang baby Daniel." Ani ko. Narinig ko kasi si Lorcan na tinawag ang malusog na batang ito na Daniel. Kinurot ko ang pisngi niya.
"Hehehehe!" hagikhik ni Daniel. "Ohhhh," manghang wika ni Daniel saka hinawakan ang tiyan ko. Pinipindut pa niya ang tiyang gamit ang index finger niya. "Why is it soft?" tanong ni Daniel na para bang ang laking misteryoso nang tiyan kong hindi matigas.
"Wala akong abs, Baby Daniel."
"Uncle come here." Mula sa pagkakasandal ay lumakad si Lorcan papalapit sa amin ni Daniel. Tumabi si Lorcan sa akin. Nang maabot siya ni Daniel si Lorcan ay walang ano-ano'y itinaas ni Daniel ang tshirt ni Lorcan.
"It's very hard." komento ni Daniel nang mahawakan niya ang matigas na tiyan ni Lorcan. Pabalik-balik ang tingin ni Daniel sa tiyan ko at sa tiyan ni Lorcan.
Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Daniel. Bumilog ang mata kong tiningala ang tangkad ni Lorcan.
"I like yours than uncle's tummy . . . .”
Binalik ko ang tingin ko kay Daniel na nakayakap ang malulusog niyang braso sa bewang ko. "Clay, Clay ang pangalan ko baby." Ni hindi man lang ako pinakilala ni Lorcan sa pamangkin niya.
Ngumuso si Daniel at tiningala ako. Ginulo ko ang buhok niya.
Nang matapos akong magbihis ay sabay kaming lumabas sa silid ko. Hawak ni Lorcan ang kamay ni Daniel palabas. Nauna nang naglakad sina Lorcan at Daniel. Habang naglalakad kami sa hallway ng second floor ay nilingon ako ni Daniel saka kumalas sa pagkakahawak ni Lorcan. Lumapit ito sa akin.
Natawa ako nang makarating si Daniel sa harap ko. Pinagsiklop niya ang kamay niya saka ngumuso. Mas nagiging cute siya tuwing ngumunguso siya.
Nag-squat ako sa harap niya.
"May kailangan ka ba, baby?" tanong ko at inayos ang malambot, maitim at tuwid niyang buhok.
Nag-puppy eyes siya. "Can you . . . carry me?" napangisi ako dahil sa sinabi niya.
Inayos ko ang bag ko. "Oo naman. Halika ka." ani ko saka binuhat si Daniel. May kabigatan nga si Daniel. Malusog e. Buti na lang hindi na gaanong masakit ang bewang ko. Salamat sa cold shower.
"Daniel, your uncle is very thin he—"
Pinutol ko si Lorcan. "Ayos lang."
Nanliit ang mata ni Lorcan at umiling.
Pagkarating namin sa dining room ay may nakahanda ng agahan. Nilapag ko si Daniel sa upuan kung saan malapit kay Lorcan at sa tabi naman ni Daniel ako umupo.
"Lorcan, sinong nagdala ng pamangkin mo rito?" tanong ko kay Lorcan nang matapos niyang lagyan ng pagkain ang plato ni Daniel.
"My mom and dad." payak niyang sagot.
Napakurap ako ng ilang beses bago tumingin kay Daniel saka bumalik kay Lorcan ang atensyon ko.
"N-nandito ang mga magulang mo?" pagkukumpirma ko. Tumango siya. "Alam ba nilang . . . ."
Hindi ko magawang tapusin ang pangungusap ko. Kinakabahan ako. Kinuha ko ang tubig sa mesa saka nilagok iyon.
"They don't know about you, but I'll introduce you to them when they get back from office." anito.
Diyos ko!
"N-naku Lorcan h-hindi na . . . ano pupwede naman akong do'n muna sa bahay namin habang nandirito ang mga magulang mo."
Nilapag niya ang kanyang kubyertos. Tinungkod ang kamay sa mesa. Kita ko ang pag-igting ng panga niya.
"Why are you going to your house?"
"Lorcan baka kung ano ang isipin ng mga magulang mo."
Ano na lang ang iisipin ng mga magulang niya na nagpapatira siya ng ibang tao rito sa mansyon nila. Tapos, ano na lang din ang sasabihin ng mga magulang niya kapag nalaman nila ang dahilan kung bakit ako nandirito?
"Iisipin? About what?" litong usal ni Lorcan. Para bang wala talaga siyang ideya.
"Lorcan naman nagpatira ka ng ibang tao sa mansyon ninyo. Tapos-"
"Why would they care? This is my house not theirs. My house, my rules." seryoso at may diin niyang saad. "I can bring whoever I want in this house, and they cannot do against that."
Natahimik na lang ako sa sinabi ni Lorcan. Itinuon ko nalang ang pansin sa pagkain sa harap ko.
Hindi ko na nalalasahan ang mga kinakain ko. Ang utak ko ay nasa mga magulang na ni Lorcan. Ano naman kasi ang nasa tuktok ng lalaking ito at ipapakilala niya pa ako sa mga magulang niya?
Bumalik ang huwisto ko nang may yumugyog sa braso ko. Tiningnan ko si Daniel na nakatingala sa akin.
"Hmm?"
"U-uncle Clay, c-can . . . ." Binuhat ko si Daniel saka dinala sa hita ko.
"Baby may gusto ka bang sabihin sa akin?" malambing kong tanong sa kanya. Saglit na nawala ang isip ko sa mga magulang ni Lorcan.
Ngumuso siya." C-can I call you . . . papa?" tanong nito saka nilaruan ang butones ng uniform ko.
Noon pa man ay gusto ko na talaga ang mga bata. Ako lang kasi ang anak ni Mama Ellen, walang kalaro, walang kaaway, at walang katulong sa mga gawaing bahay. Ang lungkot din kaya ng nag-iisang anak ka lang. Kagaya ngayon wala akong karamay sa mga nangyayari sa buhay ko. Walang karamay sa hirap at ginhawa. Walang masasandalan. Walang mapagsasabihan.
Ngayon itong si Daniel. Hindi lang kapatid ko magiging anak-anakan ko pa.
"O-oo naman, baby." masayang sagot ko.
"Yey! Did you hear that uncle I have papa now!" masayang wika ni Daniel saka ako niyakap. Gumanti ako ng yakap kay Daniel.
Tiningnan ko si Lorcan na nakatitig lang kay Daniel na nakayakap sa akin. Ilang sandali ay iniwas niya ang tingin sa bata.
***
"Baby, uuwi naman ako mamaya, e. Maghintay ka na lang dito, ha." pag-aalo ko kay Daniel.
Mula kanina ay hindi na siya umalis sa kanduangan ko. Ayaw na niyang bumitaw sa akin. Ngayon ay yakap-yakap niya ang hita ko dahil gusto na niyang sumama sa akin sa eskwelahan.
"Daniel behave," pangangaral ni Lorcan kay Daniel.
"Noooo," umiiling na kontra ni Daniel kay Lorcan.
"Daniel your . . . p-papa will go to school." ani naman ni Lorcan.
"Then I will also go to papa's school too."
Bumuntonghininga ako saka kinuha ang kamay ni Daniel na nakakapit sa hita ko bago siya binuhat. Nakita ko na naluluha na si Daniel.
"Okay, isasama na kita pero dapat behave ka roon."
"Yes, yes, yes, I will." masiglang sabi ni Daniel saka yumakap sa leeg ko.
"Perkin you can't bring my nephew to your school. It’s . . . ." napailing si Lorcan ng 'di niya matapos ang sasabihin niya.
"Lorcan h'wag kang mag-alala kaya kong bantayan si Daniel. Saka half day lang ang klase ko ngayon." pakiusap ko sa kanya.
"No Perkin. I will not risk my nephew—"
"Lorcan naman anong risk pinagsasabi mo. Sa school lang naman."
"Even if I—"
"Uncle, pretty please." sabay na dumapo ang tingin namin ni Lorcan kay Daniel. Pinagsiklop niya ang kamay niya saka nakikiusap na tumingin sa uncle niyang matigas din ang tuktok.
"Darn it!" mura ni Lorcan kaya pinandilatan ko siya.
"Ano ba may bata!"
"Tssk!"
Kaya ayon sa huli pumayag si Lorcan pero pinasamahan niya kami ng batalyong men in black. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga MIB na ito. Basta na lang sila sumulpot kanina.
"Take care of my nephew, Perkin." pormal niyang bilin. Hindi ko alam pero mukhang paranoid din itong si Lorcan.
Pagdating sa MU ay agad na lumabas ang mga MIB. Pumunta ito sa kani-kanilang posisyon animo'y pinaghandaan na nila ito. 'Praktisadong-praktisado,' sabi ko sa isip ko.
'Yong ibang MIB ay nakasakay sa ibang van. Ako ang nahihilo sa mga ito. Ang OA kasi ng uncle nitong ni Daniel.
"Halika ka na, Baby." anyaya ko kay Daniel.
Binuka nito ang kamay niya na parang magpabuhat sa akin. Napangiti na lang ako. Binuhat ko nalang ito. Buti na lang at tapos na ang exam namin kahapon.
"Wooww!!! A lot of people." manghang komento ni Daniel nang makapasok kami sa loob ng MU. May nakasunod din sa amin na dalawang bodyguard. Ayaw ko sana nito pero isa ito sa kasunduan namin kanina ni Lorcan na dapat may laging nakabantay kay Daniel.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito ka raming tao, baby?"
Sunod-sunod na tumango si Daniel. Buhat-buhat ko si Daniel habang tinatahak namin ang hallway patungo sa classroom ko.
"Hoy! Lalaki—"
Napatigil si Harem nang nilingon ko siya. Nanlalaki ang mata niyang pinukol ng tingin si Daniel sa bisig ko.
"Oh my gosh!" Pag-ieksaherada niya. "Kahapon lang kita nakitang may kumuhang yummy na fafa pero di ko aakalain na magkakaanak kaagad kayo."
Kung hindi ko lang buhat si Daniel ay malamang tinamaan na ito ng kamao ko.
"What a cutie!" Nanggigil na untag ni Harem saka pinisil ang malambot na pisngi ni Daniel.
"Ouch! Don't pinch me!" Malditong saad ni Daniel kay Harem saka sinimangutan.
"Ahh!" maarteng wika ni Harem saka napahawak sa puso niya na para bang nasaktan siya sa sinabi ni Daniel.
Natawa ako kasi ilang beses ko nang pinisil ang pisngi ni Daniel pero ngumunguso lang siya sa akin tapos nang si Harem na, naging maldito na.
"Halika ka na Harem ipapaalam ko pa sa mga prof. natin na may dala akong bata."
Taimtim niya akong tiningnan.
"Hmm, oo na ikukwento ko sayo sa susunod." Alam ko na kasi sa paraan pa lang ng titig niya. Alam ko na na nanghihingi na siya ng explanation ko.
"Ewan ko kung kailan 'yang susunod na 'yan, Clay. Nakakatampo ka na. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa buhay mo. " malungkot niyang wika.
Nahabag naman ako sa sinabi niya.
"Basta pangako sasabihin ko rin sa'yo."
Bumuntonghininga siya saka tumango sa akin. Kukunin sana ni Harem sa bisig ko si Daniel pero niyakap lang ni Daniel ang braso niya sa leeg ko at inirapan si Harem.
"Ikaw'ng bata ka isusumpa ko! Ako ang makakatuluyan mo!"
Ewan ko kung paano ko nagawa pero natampal ko ang bibig ni Harem dahil sa winika niya.
"Hahahaha! That's right papa hit him mooorrreeeee!" Pagchi-cheer ni Daniel at tumawa.
Wala na kaming masyadong ginagawa sa school dahil malapit nang ma-end ang semester. Iyong mga projects na lang na hindi natatapos ang mga ginagawa ng ibang mga classmates at blockmates ko. Mabuti na lang din at okay lang sa mga prof. na may bata akong dala-dala.
Pauwi na kami ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Harem kanina sa school canteen. Huminga ako ng malalim saka tiningnan si Daniel na natutulog at nakaunan sa hita ko. Hawak niya pa ang kamay ko. Hindi ko maipaliwag pero parang takot si Daniel na mawala ako. Kakakilala lang namin pero ganito na siya sa akin.
Biglang pumasok sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Harem.
"Clay kaninong mga MIB ang nasa labas ng school at 'yang mga 'yan." Nginuso ni Harem ang dalawang bodyguard na nakabantay sa pintuan ng classroom.
"Ahm, bodyguard 'yan ni Daniel at saka yong sa labas ay kasama rin nila iyon." Kaswal kong wika saka binigyan ng chocolate si Daniel.
"Thanks, papa!"
"Clay akala ko nagkamali lang ako kanina ng dinig pero bakit papa ang tawag n'yan sa'yo." Pagtutukoy ni Harem kay Daniel na busy sa chocolate.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kaninang umaga bago ako pumunta rito sa MU. Natawa pa siya nang banggitin ko ang sinabi ni Daniel kanina na soft ang tiyan ko.
"Hahahahaha! Bakit ka kasi walang abs!" Tapos tumawa na naman siya. Napapalakpak pa siya sa kamay niya sa tuwa!
Baklang 'to!
"Pshh!! Ikaw? Akala mo naman meron ka g*go!"
"Hoy! Nagsisimula na akong mag-work out 'no." angal niya. "Pero, Clay, kilala mo ba talaga ang tiyuhin ni Daniel na napakasungit." Mayamaya ay biglang naging seryoso ang tono ng pananalita ni Harem. "Clay, hindi ko alam kung papaano mo nakilala ang tiyuhin nito na napaka-yummy pero mag-iingat ka. Hindi ka man lang ba nagtataka kung bakit ang daming bodyguard ang dala ninyo ngayon?"
Niisip ko rin naman iyon. Pero ano naman kung marami ang bodyguard di ba? Pwedeng concern lang si Lorcan sa pamangkin niya. Alam ko naging OA lang si Lorcan dito. Tapos itong si Daniel halatang hindi nai-expose sa mga maraming tao. Parang hindi siya lumalabas ng bahay nila.
"Harem natural lang naman siguro ito dahil mayaman na businessman ang tiyuhin niya. Hindi talaga maiiwasan na may mga threats sa pamilya nila."
"Ewan ko sayo Clay basta iba—aishh! Basta iba ang kutob ko."
Napasandal ako sa kinuupuan ko. Aminado akong marami ang misteryo kay Lorcan pati na nga rin sa loob ng mansyon niya, lalo na sa third-floor ng mansyon. Marami siyang tinatago hindi lang si Lorcan pati na ang mga kaibigan niya. Pumikit nalang ako.
Nakakatawang isipin na noon lahat ng trabaho kaya kong pasukan h'wag lang ang ganito pero heto na ako ngayon parang isang bayaran na rin. Pero sa tuwing naiisip ko si mama alam ko magiging worth it din lahat ng ito. Maging maayos lang muli si Mama, ayos na sa akin iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top