CHAPTER 14
Chapter 14
Lorcan’s Pov
"ALFONSO, can you get some whisky?" I asked Alfonso and he left the room. Nandito kami ngayon sa meeting room ng bahay ko. Currently having a meeting about our organization and of course the situation in Asia at sa sitwasyon ng kani-kanilang mga lugar na pinamamahalaan.
Alfonso came in in with whisky on his hand and lowball glasses on a tray. Right after, Alfonso handed me a folder, a minute report. Pagkatapos kung basahin ang minutes kumunot ang noo ko nang makita ko loss ng isa sa mga hotel na pagmamay-ari ko. Almost half? How did this happen?
"When did it happened?" I asked while eyeing the papers in my hands.
"Noong pumunta tayo sa UEA." Rinig kong sagot ni Alfonso sa gilid ko.
I gritted my teeth. They really know when to move, huh?!
"Where's the finance head?"
I ask for the head of finance of the hotel.
"I am currently hunting him down, Mr. Lavoisier. The day before we land here, he already flew with the money on his hands." Alfonso explained. "If only you were there at the meeting earlier the boards are chaotic everyone was blaming one another for the lost . . . the others want to pull their stocks. Because of the incident."
Irritable and mad I throw the papers together with the folder somewhere. I close my eyes, trying to calm myself. It's a billion of peso d*mn it. How is this possible?
"Bring that man to me." Pagtutukoy ko sa finance head.
Alfonso bows his head before leaving the room.
"Hindi ka pumunta kanina sa meeting? I thought you went there maaga kang bumyahe." Laszlo said after a moment of silent.
I stared at him.
"Well, I saw your car earlier." Pagpapatuloy ni Laszlo.
Narinig ko ang tikhim ni Colt.
"May ibang pinuntahan lang siya, Las."
"More important than the meeting?" Raphael intermitted.
"Yes." tugon ni Colt kay Rap.
I glared at Colt.
"Hmm, maybe another important business Las, Rap." Desmond said in malicious tone.
Hindi ko inintindi ang mga sinasabi nila. I'm just wondering kung bakit hindi nakarating sa akin ng maaga ang masamang balita na ito. I lost billions in my hotel yet ngayon ko lang nalaman. I'm pretty sure there's someone behind all of this. The head of finance dept. cannot pull out billions of moneys in just one transaction. It'll need my confirmation and with the other boards.
Isa-isa kong tiningnan ang mga kaibigan ko na nandidito sa loob ng meeting room. Desmond cannot do that to my business even if he lost some on his. I turned at Raphael. Raphael also cannot do that to me. We almost grow up together I know him better than his own parents. There's also Laszlo, Las cannot do that to me as well d*mn, he is a royalty back in his home. Si Colt naman I raised him that's why he cannot betray me. Sa kanilang lahat ang pinakamaliit na tyansa na magtaksil sa akin ay si Colt iyon. He almost promised his life to me.
Kinuha ko ang whisky at nagsalin sa lowball glass ko. Pero nabitin iyon sa ere dahil sa tanong ni Laszlo.
"I didn't know, Lorcan. Marunong ka na palang mag sorry?" He calmly said. But I know there's something on his voice.
My hand on the whisky tightened, before resuming on pouring my glass.
"Baka nakakalimutan mo na ang dahilan kung bakit siya nandirito, Lorcan." saad ni Raphael sa malamig na tono. Kung may ibang tao na nakarinig kung paano magsalita si Raphael maybe they will be having a shiver right now. My personality and Raphael's is almost the same. Kaya hindi na ako nagulat doon.
"Tssk! How can I forget that, Rap. I planned this for a long time." Tumingin ako sa kanila na seryosong nakatingin sa akin. As if they are waiting for the next words that come out from my mouth. I took a sip from my glass before continuing. "You all knew better than anyone why he's here. He's here for a purpose." Makahulugan kong wika.
"Then what about the sorry part you pulled earlier at the grand parlor?" Laszlo asked.
"For the show of course . . . ." Colt answered Laszlo for me.
I clinched my jaw.
"Make sure that it's just for the show Lorcan. You've never apologized to someone. You never cared anyone aside from your family and Daniel. I'm afraid that you'll lose the game you started." Rap pointed.
Clayton’s Pov
Mabilis na lumipas ang panahon at magtatatlong buwan na ako rito sa mansion ni Lorcan. Ang kalagayan naman ni mama ay stable naman pero hindi pa rin siya gumigising. At ganun pa rin kada-uwi ko galing MU ay sa ospital ako dederetso bago umuwi sa mansyon ni Lorcan. Sa mga nagdaan na linggo ay naging mabait sa akin si Lorcan. Lagi ko na rin siyang nakikita sa mansyon niya. Sa umaga ay lagi kaming sabay na kumakain at nag-uusap. Kahit papaano sa hapunan naman ay 'di kami nagkakasabay dahil gabi na siyang umuwi siguro dahil sa trabaho niya. Dahil lagi na siyang nandito sa bahay niya lagi na ring may nangyayari sa aming dalawa. Hindi ko alam kung alam niya ba ang salitang pagod dahil minsan nagigising ako ng hating gabi dahil may humahalik at kumakagat na sa aking balat. Masyadong adik rin itong si Lorcan.
Ngayon ay maaga akong nagising dahil may pasok ako. At malapit na rin ang sem-break kaya excited na ako. Final week namin kaya nagsusunog na rin ako ng kilay dahil scholar ako ng MU.
"Oh, going to school already?" Bungad agad ni Lorcan sa akin nang magkasabay kami sa paglabas mula sa sari-sariling silid. Nakita kong inaayos niya ang kwelyo niya.
"Magandang umaga!" Tumango siya. "Oo, may exam kami ngayon ayaw kong ma-late." ani ko sabay sukbit sa bag ko.
"How about your breakfast?" tanong niya at ngayon ay nahihirapan siyang ayusin ang necktie niya.
Lumapit ako sa kanya at ako na ang nag-ayos ng tie niya. "Sa school na." Ngumiti ako bago pinakawalan ang necktie niya.
"Okay, let's go."
"Huh?"
"Let's go. I'm dropping you off at your school."
Iwiniwasiwas ko ang kamay ko sa kanya. "Naku Lorcan h'wag na kaya ko na. May pera naman ako magku-commute na lang ako." Tanggi ko.
Ang totoo n'yan ay binibigyan niya ako ng pera at tinatanggap ko naman iyon. Dahil ayaw niyang bumalik ako sa part time job ko. Nagreklamo kasi ako sa kanya na kailangan ko rin ng pera at nag-offer siya kaya hindi na rin ako makatanggi.
"I insist."
Tinikom ko ang bibig at tumango lang sa kanya. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin talaga ako sa kabutihan naipinapakita sa akin ni Lorcan. Minsan naiisip ko kung nag-iinarte lang ba siya o sadyang mabait lang talaga siya at hindi lang naging mabuti ang first impression ko sa kanya.
Habang tumatagal din ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Lalo na sa mga pinapakita niya sa akin, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Minsan tuloy gusto kong bumalik iyong Lorcan na walang pakialam sa taong nakapaligid sa kanya, iyong Lorcan na malamig makitungo, iyong Lorcan na walang pakialam kahit may masaktang tao sa sa paligid niya.
Konting-konti na lang mapapaamin na ako sa kanya na gusto ko siya, na nahuhulog na ako sa kanya. Pero ako lang din ang naaawa sa sarili ko. Dahil alam ko, kung gagawin ko iyon, lahat ng ito ay mawawala sa akin lalo ang pampapagamot kay mama. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito kayang ilihim pero gagawin ko ang lahat mapigilan lang ang sarili ko.
"Hey! You're spacing out. Let's get going!" he snapped at me.
Muli akong tumango bago pumasok sa loob ng bugatti niya. Habang nasa loob kami ng sasakyan ay tahimik lang kami. Ako, aminado ako na ayaw ko talagang magsalita tapos siya tahimik lang din naman. Nagmamasid lang ako sa mga dinadaanan namin.
"Would you mind if we swing a bit in drive thru? You didn't eat your breakfast." Pagbasag niya sa katahimikan namin. Umayos ako sa pagkakaupo bago ako tumingin sa kanya.
"I-ikaw? Ano . . . ikaw hindi ka pa rin naman kumakain." Nauutal kong wika.
"Sa hotel na ako kakain." tumingin siya saglit sa akin saka binalik ang mata sa daan. "Ikaw ang importante . . . you have an exam, right? It's better to take your exam with full stomach."
Nakaawang ang bibig ko. Tulala akong napatitig sa kanya. Pumikit ako bago tumingin sa unahan namin. This is not good. Napahawak ako sa damdamin ko. 'Calm down.' Bulong ko sa puso ko. Si Lorcan lang ang may kayang magbaliw sa puso ko. Hindi naman ako gutom pero 'yong tiyan ko parang may kung anong nangyayari dahil sa simpleng salita ni Lorcan. Is this what they called butterflies in your stomach?
"I'll pick you up right after your dismissal, okay?" Si Lorcan nang makarating kami sa harap ng MU.
"Hala, h'wag na pupunta pa akong ospital. Dadalaw ako kay mama."
"Let's go there together then." pinal nitong saad.
"Lorcan." Kinalas ko ang seatbelt saka tumingin sa kanya. "Huwag mo sanang mamasamain pero . . . nitong mga naraang linggo napapansin ko ang pagbabago ng ugali mo—ng pakikitungo mo sa akin."
Gumalaw ang panga niya bago ako itinoon ang mata sa akin.
"You noticed it then. I know . . . I know we meet in an unexpected time and circumtances. I've been harsh and ruthless to you and all you did was good and you’re always being obedience to me. I just realized that maybe I . . . should at least treat you better. Again, I'm sorry for all the bad things that I did to you."
"Lorcan, h-hindi mo naman kailangang mag-adjust dahil sa pakikitungo ko sa'yo. Binayaran mo ako. Ginagawa ko lang kong ano ang parte ko sa kontrata natin. Hindi ko man alam kong kailan ang expiration nito pero pangako sa loob ng panahon na nakatali pa ako sa kontrata gagawin ko ang parte ko nang maayos." Buong puso kong saad.
Tumikhim siya.
"Can we not mention our contract?" Sumama ang timpla ng mukha niya.
Kahit na naging maayos ang pakikitungo sa akin ni Lorcan may bagay rin talaga na hindi nagbabago sa kanya. Iyon ay ang tono ng boses niya. Malamig pa rin at parang laging walang gana.
"O-oo naman."
Inabut niya ang panga ko saka nilapit sa kanya. Nagpaubaya naman ako. He kissed my lips before inserting his tongue to my mouth and let it go after a couple of seconds.
"You should go you have an exam," aniya saka kinuha ang binili niyang pagkain na dinadanan namin kanina sa isang fastfood chain.
"Salamat dito," ani ko at itinaas ang bigay niyang pagkain. Tumango lang siya at isinara ang bintana ng kotse niya.
Shi*t! Ano 'yon? Sino 'yon?" napalundag ako nang may magsalita sa likod ko.
Hinarap ko si Harem saka sinutok ang balikat niya. Inayos ko ang bag ko.
"Tumahimik ka."
"Sus, ang siga-siga, ah. Lalaking 'to, ano iyon sugar mommy mo? Iyon ba 'yong tumustos sa pangpaospital ng mudra mo?" Inismiran ako ni Harem saka matalim akong pinukol ng tingin.
"Anong sugar mommy pinagsasabi mo d'yan. Hindi. Ano . . . kaibigan ko lang iyon." pagsisinungaling ko. Sorry, Harem hindi ko pa pwedeng sabihin sayo ngayon o kahit kailan mukhang hindi ko talaga masasabi sa kanya ito. Hindi ko naman intensyong ilihim ito sa kanya.
Hindi niya pa rin tinatanggal ang tingin niya sa akin. Ako na ang umiwas at naglakad ng una sa kanya dahil alam ko. Hindi talaga siya naniniwala sa mga pinagsasabi ko.
"Clay." Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko si Harem na tinawag ako kaso hindi ko siya nilingon. "Handa akong maghintay, Clay. Alam ko may mga bagay na hindi mo pa masasabi sa akin pero kaibigan mo ako. Makikinig ako sa'yo, handa akong makinig sa'yo. Kung . . . kung ano man iyan sana masabi mo rin sa akin 'yan. Tandaan mo, Clayton Perkin, nandirito lang ako."
Huminga ako ng malalim bago siya nilingon. Ngumiti ako sa kanya.
"Alam ko."
Pagod at masakit ang ulo ko pagdating ng hapon. Hinihilot ko ang sintido habang naglalakad kami ni Harem palabas ng MU.
"Oh!" Singhap ni Harem.
"Hey! Clayton," pagod kong tiningnan ang tao sa harap ko. Naging alerto ang sistema ko nang makita ko si Joseff sa harap namin ni Harem. Nakailang ulit pang tikhim si Harem sa tabi ko.
"Oi, Joseff," gulat kong saad. Naalala ko kaagad ang huling pagkikita namin Joseff. Tapos iyong play pa namin na pumalpak ako sa huli. "Joseff, pasensya kana pala no'ng play, huh. Nawala ako sa concentration at wala rin ako sa after party. Pasensya na sa inyo."
"Wala na iyon. Oh, right may gagawin ka ba ngayon hang-out lang tayo d'yan."
"Sama ba ako d'yan?" singit ni Harem sa tabi. Muntik ko nang makalimutan si Harem.
"Ah, Joseff si Harem pala kaibigan ko at Harem si Joseff 'yong partner ko sa play."
Nilahad ni Joseff ang kamay niya kay Harem at si Harem naman ay nagpipigil sa kilig na kinamayan si Joseff. Tssk!
"Ano Clayton labas tayo?" baling sa akin ni Joseff.
Pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni Lorcan kaninang umaga nang ihatid niya ako rito. Susunduin niya pala ako ngayon.
"Sorry Joseff, hindi ako pwede, eh. May . . . .” Nag-isip ko ng pwedeng idahilan ko. "May gagawin pa kasi ako at pagod ako sa exam."
"Hindi ba pwedeng ipagpaliban 'yang gagawin mo?" pilit niya sa akin.
"Oo nga, Clay, ako nga exhausted din sa exam at para na rin makapagrelax tayo." panggagatong pa ni Harem.
Nag-isip isip ako. Hanggang sa may narinig kaming mga bulong-bulongan sa paligid namin. Napalingon ako sa paligid namin na mapababae man o lalaki ay nakatingin sa unahan namin. Sumilip ako sa likod ni Joseff. At nakita ko ang walang emosyon na mukha ni Lorcan habang naglalakad patungo sa direksyon namin.
"Holala! Sinong diyos ng olympus itong bumaba sa lupa?" Eksaheradang wika ni Harem.
Tang*na! Anong ginagawa niya rito?
"Perkin," tawag niya sa apilyedo ko.
"Oh, ikaw ata ang hanap, Clay," ani Harem at kinalabit ako. Si Joseff naman ay tumabi kay Harem at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Lorcan.
"I guess you're done with your exams already. Let's go." ani Lorcan nang makalapit sa akin.
"Huh? Ah, oo sige," lutang kong saad bago bumaling kay Harem at Joseff sa gilid. "Harem, Joseff, kayo na lang ang lumabas may gagawin pa kasi kaming importante."
Nilapit ni Harem ang bibig niya sa tenga ko. "Ang yummy naman n'yan. Pero chika tayo bukas kung sinong anak ni Zeus iyan."
Bumuntonghininga na lang ako.
"Tara na, Lorcan." aya ko kay Lorcan.
"I love you, Clay ingat ka!"
Halos dumugo ang labi ko kaka-kakagat dahil sa sigaw ni Harem. Binilisan ko na lang ang lakad ko palabas. Tang*nang Harem ipapahamak pa ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top