CHAPTER 12

Chapter 12

Clayton’s Pov

MEDYO madilim na nang makauwi ako sa bahay namin. Madilim ang bahay mula sa labas kung nasaan ako ngayon. Sobrang tahimik pero namiss ko ang bahay na 'to. Hindi ko alam na isang araw ay iiwan ko pala pansamantala ang bahay na kinalakihan ko.

Pumasok ako sa loob at binuhay ang ilaw sa maliit naming tanggapan saka ako pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Pero nang makita ko ang tubig mula sa gripo ay biglang gusto kong maligo.

Napapikit ako nang maalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Lorcan kanina sa classroom. Hindi ko mapigilang maging emosyonal. Tao ako na may damdamin at nasasaktan din. At sa nangyari kanina ay sobra akong nasaktan. Pakiramdam ko ay katulad na ako ng mga pokpok d'yan sa tabi-tabi.

Umiling ako. Sa isang classroom pa talaga. Demonyo talaga si Lorcan.

'Demonyo pero gusto mo naman.' bulong ng kabilang utak ko.

Pumunta ako sa maliit kong kwarto rito sa bahay namin. Hinubad ko lahat ng damit ko at pumunta sa CR para maligo. Tabo-tabo lang naman ang paliguan namin dahil hindi naman kami mayaman at hindi rin namin afford ang shower. Kaya nang matapos kong kuskusin ang balat ko ay napaupo ako sa sahig ng CR namin na sa gilid, sa gilid ng drum.

Pinagsiklop ko ang binti ko saka ko inilagay ang baba sa tuhod ko. Umiyak ako nang umiyak, hindi ko na talaga kaya. Sobrang bigat ng dibdib ko na halos hindi na ako makahinga. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala pero di ko magawa. Ang tanging nagagawa ko ang ay ang umiyak ng palihim.

Hindi ko aakalain na darating sa punto ng buhay ko na iiyak ako ng ganito. Nakakaawaan ko ang sarili ko ng ganito. Kung sana . . . kung sana mayaman lang ako—kami ni Mama. Hindi sana ako makakaranas ng ganito. Kung sana may pera lang akong pang-gamot kay mama hindi ako malalagay sa ganitong sitwasyon ng buhay ko.

Dahil sa pagod ko galing sa play namin, pagod sa nangyari sa amin ni Lorcan, at pagod sa pag-iyak ko kanina ay mabilis akong dinalaw ng antok. Ni hindi na nga nakapaghapon bago humiga sa kama ko na matigas. Nasanay na ba ako sa mansyon ni Lorcan na pati sa sarili kong kama na kinalakihan ko ay naging matigas na para sa akin?

Nakaidlip na ako nang magising ako sa malakas na katok galing sa main door ng bahay namin. Ginulo ko ang buhok ko bago bumangon. Sino naman kaya ang matinong tao na kakatok sa ganitong oras?

Bago ako lumabas sa kwarto ko para pagbuksan kung sino man ang taong iyon ay kinuha ko ang isang flower vase na nakalagay sa gilid ng maliit kong higaan.

Dahan-dahan akong pumunta sa main door habang bitbit ang flower vase. Ang tao naman sa labas ay walang tigil sa kakatok sa pintuan. Hindi ba siya aware na maaaring magising niya ang mga kapitbahay namin.

"Sino 'yan?" tanong ko pero walang sumagot. Imbes ay mas nilakasan pa nito ang pagkatok.

Sabay ng pagbukas ko sa pintuan ay ang pag-angat din ng isa kong kamay sa flower vase. Handa ko ng ibato iyon sa tao pero mabilis naman nitong nahawakan ang kamay ko para pigilan sa paghampas.

Sa lapit naming dalawa ay nasinghot ko kaagad ang kanyang panlalaki at mamahaling pabango. Bango palang ay kilala ko na kung sino ito. Pinatay ko kasi ang ilaw kanina bago ako matulog at hindi ko ito binuksan paglabas ko sa silid ko.

"Not too fast, Perkin," anang boses ni Lorcan.

Napaatras ako pero hawak niya pa rin ang kamay ko. Kinuha niya ang vase na nasa kamay ko at basta na lang niya iyong nilapag. Hindi ko alam kung papaano niya iyon nagawa sa gitna ng dilim. Isinara niya ang pintuan sa likod niya.

"Open the light." Utos niya pero nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hindi na ako makagalaw.

Kung bubuksan ko ang ilaw makikita niya ako. Makikita niya ang mata kong namumugto. Paano kung magtanong siya? Anong isasagot? Tssk!!! Baka umiyak na naman ako. Or worst masabi ko pa sa kanya ang pinakaayaw niyang marinig.

"A-anong ginagawa mo rito?" Imbes na sumunod sa utos niya ay tinanong ko siya.

"Why didn't you go home?" Sagot niyang tanong sa akin.

Napalunok ako. Winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Napakuskos ako sa kamay ko na hinawakan niya kanina.

"Hindi ko home iyon. Sa'yo 'yon."

"Darn it! I know that but what am I trying to say is-"

"Huwag kang mag-alala. U-uuwi rin ako roon bukas. H'wag lang ngayon," putol ko sa kanya.

"Why not now? We'll go to my house." Pilit niya saka kinuha ang kamay ko pero mabilis kong nabawi ang kamay ko mula sa magaspang ngunit malambot niyang kamay.

"AYAW KO NGA SABI!" Napasigaw ko bigla. Natataranta na rin kasi ako. Bakit atat na atat siyang pauwiin ako sa mansyon niya gayong uuwi naman din ako roon bukas?

Hindi man ko man makita si Lorcan ngayon dahil sa dilim pero alam kong pati siya ay nagulat sa sigaw ko. Natigilan ito. Pati nga ako ay nagulat din sa sigaw ko. Saan ko nakuha ang lakas ng loob ko ngayon?

"D-did you just shout at me?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"A-ano . . . umuwi ka na lang kasi bukas na bukas din naman uuwi ako roon. Huwag kang mag-alala hinding-hindi kita tatakasan."

Akala mo naman makakatakas ako sa kanya.

"What's the difference then?"

Napapikit ako ng mariin. Bakit ang tigas ng ulo ng lalaking ito?

"Pagod ako Lorcan," mahinang saad ko.

"I have my car outside."

"Please naman Lorcan kahit ngayon lang dito lang muna ako. Namiss ko ang bahay namin. Matagal na akong hindi nakakauwi rito kaya pakiusap kahit ngayon lang dito muna ako." pilit ko rito.

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naman bago ko naramdaman ang paggalaw niya at pagbukas niya sa pintuan. Pero bago pa siya makalayo ay narinig ko ang malutong niyang mura.

Nang makaalis si Lorcan ay bumalik ako sa kwarto ko pero kakaupo ko pa lang sa aking kama. May kumatok na naman. Napairap ako sa ere. Ano? Si Lorcan na naman ito? Akala ko umalis na siya. Narinig ko ang pagbuhay at pag-alis ng kotse niya. Bumalik siya?

Muli akong tumayo. Pagod na pagod talaga ako at gusto ko nang matulog.

Nagmartsa ako patungo sa pintuan saka walang habas iyong binuksan.

"ANO BA! MAGPATULOG KA-" nabitin sa ere ang sigaw ko nang makita ko si Colt na nagkamot sa batok niya. "Colt?"

"Hey! Good evening?" patanong niyang bati sa akin.

"Anong ginagawa mo rito, Colt?" tanong ko habang hawak pa rin ang busol ng pintuan. Habang si Colt ay nasa labas pa rin.

"Can I get in first?"

Niluwagan ko ang pintuan saka siya pumasok. Binuksan ko ang ilaw.

Umupo siya sa kuwayan naming sofa. Pinagmasdan ko siya kung paano niya sinuri ang sofa namin. Saka may nilapag siyang malaking paper bag sa maliit naming center table na gawa rin sa kuwayan. Hindi ko napansin kanina na may dala pala siya no'n. Siguro dahil sa antok at pagod. Ngayon ay parang nawala na ang antok ko. Tumingin ako sa wall clock namin alas onse na nang gabi.

Biglang tumunog ang tiyan ko hudyat na gutom na ako. Napahawak ako roon. Tumingin ako sa mukha ni Colt na natatawa sa akin.

"Tamang-tama may dala akong pagkain. C'mon." anyaya niya.

"Colt, ano ba talaga ang ginagawa mo rito?" Muli kong tanong sa kanya. Hindi niya kasi ako sinasagot kanina.

"Nothing. I'm just bored you, know?" wala sa sarili niyang sabi saka nilabas ang mga laman ng malaking bulsetang dala niya.

"Halika ka do'n tayo sa kusina," aya ko saka siya tinulungan.

"Wait, ilalalgay ko lang ang beer dito."

"Bakit nagdala ka ng beer?" sumilip ako sa bulseta at meron ngang mga can beers doon.

"I just think you also need it."

Tapos ay nagkibit balikat lang siya.

Pagkatapos naming kumain ay umupo kami sa sahig sa may sala. Kapwa kami nakasandal sa sofa namin. Mas komportable raw siya sa sahig kaysa sa sofa masakit daw sa p'wet niya. Binuksan niya ang isang beer saka iyon binigay sa akin. Hindi ko iyon tinanggap.

"Don't tell me hindi ka umiinom?" Tapos ngumisi siya. "What? You're minor?"

Umiling ako saka kinuha ang beer sa kamay niya. Nilagok ko iyon. Umasim ang mukha ko ng dumaloy ang init sa lalamunan ko.

"Hindi ka pa nakainom ng mga alcoholic drinks?"

"Hmm, ngayon pa lang." Tinungkod ko ang aking braso sa tuhod ko. "Paano mo pala nalaman na rito ako nakatira?" tanong ko at pinakatitigan ang beer sa kamay ko.

"I have my ways of knowing it."

Tumingin ako sa kanya na seryosong umiinom. Hindi pa ako nakakalahati sa akin pero siya ubos na ang isa. Ang lakas uminom nito.

"May problema ka ba Colt?" mayamaya ay sunod kong usisa.

Mabibigat na hininga ang pinapakawalan niya bago binuka ang bibig.

"I’m . . . I'm just guilty." Yumuko siya.

"Guilty?"

Hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya.

"Hmm . . . .” tumingin siya sa akin. "Are you my friend now, Clayton?"

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Naguguluhan ako pero tumango ako sa kanya bilang sagot ko.

"D*mn! Are you really this kind?"

Bumaling ako sa harapan namin kung saan ang ilang mga nakasabit na palamuti sa bahay. Uminom ulit  ako sa beer ko.

"Kung ako ang tatanungin, hindi ako mabait, Colt. Sinungaling pa nga ako."

"I'm sorry, Clayton. I am really sorry. I hope you can forgive me."

Natawa ako kay Colt.

"Lasing ka na ba Colt?"

"Tssk! I'm not. Beer can't make me drop."

"Sabi mo, e." Natatawa kong untag dito.

"D*mn it." Bumaling ako sa kanya dahil sa mura nito. "Clayton, can I get some pillow? D*mn, my butt hurts."

Umiling ako saka tumayo para kumuha ng unan sa kwarto ko. Pagbalik ko ay 'di maipinta ang mukha ni Colt dahil masakit daw ang p'wet niya sa sahig namin. Tinapon ko sa kanya ang unan pero nagulat ako dahil kahit na hindi niya nakita ang unan na paparating mabilis niya pa rin iyong nasalo.

"Hay! Thanks, godness!"

"Pasensya ka na wala kaming foam dito. Tsaka hindi ko naman aakalain na mapapadpad ka rito. Mahirap lang kami Colt kaya magtiis ka d'yan. Ikaw ang nagdala sa sarili mo rito." saad ko sa kanya.

Tumitig ako sa kanya pero nagulat ako nang nakatingin din pala siya sa akin. Pinandilatan niya ako.

"Yeah, I change my mind. You're not kind na pala . . . .” Itinungkod niya ang siko niya sa sofa at tumitig sa akin.

Naiilang ako sa titig niya kaya ako na ang unang umiwas.

"Ang totoo n'yan Clayton kaya ako nandito dahil . . . dahil doon sa nangyari sa school. I don't know what happened to you and Lorcan, but I feel responsible for it."

Nilagok ko 'yong beer. Naubos iyon kaya kumuha ulit ako ng bago saka binuksan.

"May alam ka ba kung bakit ako nando'n sa mansyon ni Lorcan?"

Kinakabahan ako. Dahil baka kung malaman niya mag-iba ang tingin niya sa akin. Baka mandiri siya sa akin dahil pumasok ako sa ganoon dahil sa pera.

"Yeah, I know." Matagal bago siya sumagot.

Napatingin muli ako sa kanya na ngayon ay titig na titig pa rin sa akin.

"A-alam mo?" Tumango siya. "Hindi ka nandidiri sa akin?"

"Why would I? Besides, you only did that because you need money and I salute you for your bravery Clayton. Hindi lahat kayang gawin iyon-"

"Dahil desperado na ako." Putol ko sa kanya pero pinutol niya rin ako.

"I know that's why nga I salute you because you'll do all for your mother. I am also poor, Clayton."

Sarkastiko akong tumawa sa kanya. Tang*na niya! Mahirap daw pero may sasakyan na just millions. Ako ba niloloko nito?

"Ako ba pinagloloko mo, ha, Colt. Mahirap ka na sa lagay na 'yan? Ano nalang ako? Pulubi?"

"Before, before I was also poor. My mother left me with my dad and dad found another family then I was left behind. Yeah, maybe my mother is rich but she chose to be with my poor dad. Naghiwalay rin sila kasi hindi na nakayanan ni mommy ang buhay namin. At simula noong umalis si mommy nagkada-litse na ang buhay ko. I was once a beggar on the street asking for a penny just for me to have something to eat. I was once experienced kung paano sumakit ang tiyan dahil sa gutom at walang makain. I even slept on the rough ground before." Pagkukwento ni Colt. Natahimik ako at natulala na nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam na ganun pala ang pinagdaanan niya. Hindi ko alam na sa likod ng natatamasa niya ngayon ay ganun pala ang pingadaanan niya. Hindi ako makapaniwala. Paano siya nagawang iwan ng mama niya at ama niya.

"Colt. . . .”

"You can't believe it?"

"Pero paano ka yumaman ng ganito?"

"Hayst! I'm the poorest to our clique, Clayton."

Umirap ako sa kanya.

Inalagay ko ang beer sa sahig.

"Ewan ko kung ano ang depinisyon mo sa mahirap at mayaman, Colt. Pero papaano mo nakilala sina Lorcan?"

"I was in my teenage years that time noong una kong nakilala si Lorcan and he was on his senior year that time. Naglalakad siya noon sa street kung saan ako namumulubi nang may humablot sa pitaka niya at nagkataon na nando'n ako kaya ako ang humabol sa nagnakaw sa kanya. And when I gave him his pocket hindi niya iyon tinanggap instead he gave his pocket to me. Tapos ayon tinanong niya ako kung may mauuwian ba ako o wala. Then when I said na wala he offers me his home. Doon nagsimula ang lahat. Pinag-aral niya ako at sinama niya ako kahit saan siya. Dahil kay Lorcan at sa mga kaibigan niya kaya ako naging ganito, Clayton, kaya I'm poor. Before. Alam ko kung ano ang mahirap, Clayton."

Hindi ko mapigilang umirap ulit dahil sa huling sinabi niya. Pero sa sinabi niya na tinulungan siya ni Lorcan ngayon ay humanga na ako sa kanya ng todo. Sa lahat ng ginawa niya sa akin kanina ay parang nawala lahat ng iyon at napalitan ng paghanga.

"Pero ba't ang arte mo ngayon?"

Tumawa siya. Hmm, ang gwapo rin pala ng isang 'to. Mas naaninag ko pa ang tsokolate niyang mata.

Umismid siya sa akin. "Of course, that was from the past and I lived my life lavishly right now, Clayton."

"Can I sleep here?" Muntik na akong masamid sa sariling laway.

"Hoy, Colt wala nga kaming foam dito."

"I know, I can sleep in your bed." He spat!

"At ako?"

"You sleep on the ground, or we can sleep together on your bed." He offers.

"Tss!"

Kinaumagahan ay maaga akong nagising at buti na lang hindi ako natamaan ng beer kagabi. Iniwan ko si Colt na tulog na tulog pa sa kama ko. Umalis ako saglit sa bahay para bumili ng maaaring maluto ko para sa umagahan bago ako pumunta sa mansyon ni Lorcan. Syempre isinali ko na rin si Colt para agahan.

Nakapagluto na ako at mayamaya ay may narinig na akong tubig na lumalagaslas mula CR.

"Colt!" tawag ko.

"Yahh!"

"Naligo ka!"

"Yeah, I feel itchy because of your bed sheets!"

Ang arte talaga ng isang ito.

Pumunta ako sa kusina para maghanda nang may kumatok sa pintuan. Naghugas ako ng kamay bago tumungo sa pintuan.

Pagbukas ko sa pintuan ay ganun na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ko si Lorcan. Na nakaputing long sleeve siya na at nakatupi hanggang sa siko niya at sa ganoon ay kitang kita ko ang mamahalin niyang relo, naka-slocks ng itim at sapatos na itim din siya.

"Lorcan . . . .”

"Good morning-" Naputol si Lorcan nang may nagsalita sa likod ko.

"Clayton can-"

Napatingin ako kay Colt na nakaawang ang bibig. Nakatapis lang ang kulay na asul kong tuwalya sa bewang niya habang ang isang maliit na towel ay nasa ulo nito.

Binalik ko ang tingin ko kay Lorcan na ngayon ay nagtatagis na ang bagang at matalim na pinukol ng tingin si Colt na nasa likuran ko.

"What the f*ck you are doing here, Colt?" Kinalabutan ako sa paaran ng pagkabigkas no'n ni Lorcan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top