CHAPTER 11

⚠️SLIGHT MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.

Chapter 11

Clayton’s Pov

"MA, gumising ka na. Miss na miss na kita, 'ma. Marami akong gustong sabihin sa'yo 'ma. Marami ang nagbago sa loob lang ng isang buwan, 'ma." ani ko habang hawak ang kamay ni Mama. Wala pa rin siyang malay na nakahiga sa hospital bed pero nagkukwento ako sa kanya. Para kasing ito ang kailangan ko ngayon. Kailangan kong mailabas itong dinadamdam ko kundi baka sumabog ito sa loob ko.

"'Ma, pati yata ang kasarian ko ay nagbago rin." Pagpapatuloy ko. Natawa pa ako ng mapakla. "Sana magising ka na 'ma dahil marami akong gustong ikwento sa’yo. . . sana mapatawad mo ako 'ma. Sana mapatawad mo ako sa kasalanan ko sa'yo."

Binitawan ko ang kamay ni mama saka pinunasan ang luha na lumakbay sa pisngi ko. Nitong mga nakaraang araw ay napansin kung nagiging emosyonal na ako. Siguro dahil lang ito sa pangungulila ko kay mama. Biglang pumasok sa isip ko si Lorcan.

'Hmm, hindi ko naman namimiss ang taong iyon.' Tanggi ng utak ko pero iba ang binubulong ng damdamin ko. Ayaw kong magpakulong sa walang kapaparoonan na nararamdaman ko dahil alam kung malaking bawal ito. Pero kung hindi ba bawal si Lorcan, ayos lang?

Simula noong pumasok ako muli sa MU ay kada uwian ko na binibisita si mama sa kadahilanang mamimiss ko siya. Pero syempre isa na rin sa dahilan ko na ayaw ko munang umuwi sa mansion ni Lorcan. Gusto ko pag-uwi ko ay matulog na lang ako at pagsapit ng umaga ay papasok agad ako sa eskwela. Hindi ako kumakain doon simula noong umalis si Lorcan na hindi ko alam kung saan o baka tama si Colt na nasa Abu Dhabi sila. Masakit kasi sa parte ko na talagang parang isa lang akong bayaran . . . na lalaki.

Kung may iba lang sana akong maisip noon na paraan siguro hindi magiging ganito ang takbo ng buhay ko. Malamang hindi ako nasasaktan ng ganito dahil sa nararamdaman ko. May parte sa akin na nagpapasalamat nga ako na hindi pa umuuwi si Lorcan dahil parang mababaliw na ako. At halos isang linggo na nga siyang wala sa mansion niya.

Para na nga akong baliw dahil pati sa panaginip ko ay nando'n si Lorcan. Puro na lang siya. Minsan napapanaginipan ko na sweet siya sa akin, na nilalambing niya ako, na naghahalikan kami. Pero paggising ko sumasampal sa akin ang mga reyalidad. Na kahit kailan hindi mangyayari ang mga panaginip ko.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa paaralan dahil ngayon ang play namin. At naging totoo nga na ako ang gumanap na katambal sa male lead. Napi-pressure nga rin ako— kami na kasali sa play. Lalo na si Joseff. Si Joseff ang lead male nagaganap na kasintahan ko sa play. Napi-pressure kami dahil sabi ng teacher namin na siyang direktor din ay darating daw ang mga may-ari nitong MU. Mamayang hapon pa naman ang play pero pinapunta kami rito ng maaga dahil one last practice raw before sa real play na.

Habang umiinom ako sa aking mineral water ay lumapit si Joseff sa kinauupuan ko. "Okay ka lang?" tanong ni Joseff nang matapos kong uminom. Dala-dala niya ang sariling water jug. Umupo rin siya sa tabi ko.

"Medyo kinakabahan lang." Totoong sagot ko. Syempre sino ba naman ang hindi kakabahan pagnalaman pupunta ang mga may ari ng paaralang ito na sila ring dahilan kung bakit ako nakapag-aral dito.

"Huaag kang kabahan dahil pati ako kinakabahan sa'yo. Nararamdaman ko ang panginginig mo kanina. At pati rin sa mata mo nakikita ko ang kaba mo." Puna niya.

"Para namang hindi ka kinakabahan. E, pati nga naman ikaw kinakabahan din at napi-pressure." Balik kong untag sa kanya.

Nilagay niya ang water jug sa tabi niya at humarap sa akin.

Ngumiti siya sa akin ng hindi kita ang ngipin niyang sobrang pantay at puti. Gwapo si Joseff, maputi kagaya ko, pero mas malaki ang katawan niya kumpara sa akin. Mapula rin ang labi niyang laging makintab. Hindi kagaya sa labi ko na laging tuyo. Tapos iyong buhok niyang naka-clean cut. Si Joseff ay isang third year marine student. Actually, nagkasama-sama kami ng mga iba pang estudyante rito sa play na'to. Hindi ko lang alam kung ano mga dahilan kung bakit sila bumagsak dito.

"Let's practice sa last part ng play." aya niya.

"Ano?" Nabaling ang buong atensyon  ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim.

"Kanina sa practice hindi natin 'yon nagawa ng maayos kaya ulitin natin."

Ang tinutukoy niyang part ng play ay iyong sa panghuli na hahalikan ko siya labi pero sa totoo hindi naman sa labi kundi sa gilid lang ng labi. Kailangan lang namin makuha ang tamang angle para sa paningin ng audience ay makatotohan.

"Naku h'wag na. Sinisigurado ko sa'yo kung nag-aalala para mamaya. Don't worry aayusin ko. Dito rin nakasalalay ang grades ko."

"No, let's practice." pilit niya saka kinuha ang kamay ko at nilagay iyon sa batok niya. At saka siya umusog papalapit sa akin. "If you're not comfortable na ikaw ang mag-initiate ng kiss just say so, dahil ako ang mag-aattempt."

Napalunok ako sa lapit ng mukha naming dalawa. Kung hindi ko lang nakasama itong si Joseff dito sa play ay matagal ko siyang pina-tumbling sa kinauupuan niya ngayon. Mabait kasi sa akin si Joseff kaya naging komportable na rin ako sa kanya.

"Hindi naman ito ang nasa script, Joseff." saad ko habang ang kamay ay nasa batok pa rin niya.

"Kinausap ko kanina si Prof. At sinabi ko na may concern ako about sa last part ng play and then nagsuggest ako na kung hindi mo kaya ay ako na lang. And she agreed dahil baka maapektuhan ang play. Highlight pa naman iyon dahil nasa panghuli."

Tumango ako sa kanya tsaka huminga ng malalim bago nag-act. Nilagay ko sa tabi ang mineral water ko saka nilagay ang kabilang kamay sa batok ni Joseff. At dahan-dahan ko na in-angle ang mukha ko sa kanya.

"'Yan satisfy kana." untag ko. At kinuha ang kamay ko sa batok niya saka umatras.

Namamaos siyang tumawa sa akin.

"Yeah, pero sana mamaya ganyan ka rin. Good luck sa atin mamaya."  anito saka tumayo at umalis.

Dahil maaga pa ay napagdesisyonan ko na pumunta sa Lattea. 9:30 pa naman at 2: 00 pm pa ang play. Habang papalabas ako ng MU ay nagring ang phone ko. Nagulat pa nga ako dahil akala ko kung sino na si Jersey lang pala. Nagulat o may hinihintay na tawag? Ang tagal ko rin palang hindi natawagan si Jersey.

Tumigil ako upang sagutin ang tawag.

"Hello."

"Clay nasa labas ako ng MU."

"Oh!" Awtomatik na napatingin ako sa exit na malapit lang sa kinatatayuan ko. "Sige palabas na ako."

"Wala kang klase?"

"Excuse ako. Sige na ibaba ko na 'to."

Pagdating ko sa labas ay nakita ko kaagad ang second hand na kotse ni Jersey. Lumapit ako sa sasakyan niya saka nito binaba ang salamin ng kotse.

"Halika pumasok ka. Ako na ang manglilibre sa'yo dahil parang wala kang balak na ilibre ako."

Napailing ako saka umikot para sumakay sa front seat. "Buti at naparito ka," wika ko habang sinusuot ang seatbelt.

"Oo, dahil binisita ko rin si tita Ellen sa ospital tapos naisipan ko na dumiretso na lang dito. Namiss kasi kita. Saka syempre may utang kang kwento sa akin." saad niya bago pinaandar ang makina ng sasakyan.

"Anong utang na kwento?"

"Duhh! Isang buwan ka kayang walang balita sa akin kung ano na ang ganap sa buhay mo do'n sa bahay ng boss ko." Napatingin ako kay Jersey habang dahan-dahan na nagmamaneho.

Tumikhim ako bago nagsalita.

"Jersey, may play ako ngayon kaya 'di ako pwedeng magtagal kung saan man tayo." Pag-iiba ko sa usapan namin. Kinagat naman iyon ni Jersey.

"Oh, may play pala kayo? Naku naman anong oras?"

"2:30 pm ang exact na magsisimula ang play."

Binalik ko ang tingin ko sa daan.

"Sige d'yan lang tayo sa malapit. Sayang naman at hindi ko makita, night shift ako ngayon, e." Malungkot siyang saad.

"Naku ayos lang, Jersey."

"Pero good luck."

Ngumiti ako sa kanya.

Palabas ako ng sasakyan nang may tumawag na naman sa akin. Pagtingin ko sa umiilaw kong cellphone ay si Harem ang tumatawag.

"Oh, ano?" sambit ko.

"Grabe ka talaga sa akin, 'no? Clay? Bwesit na lalaki ito!"

"Ano nga?"

"Tse, nandito ako sa audi dahil akala ko nandito ka. Bwesit wala ka na pala rito! Saan ka?" Umikot ang eyeballs ko dahil kay Harem sa kabilang linya. Hindi ko man nakikita pero naiimagine ko na ang baklang nagsasalubong na ang kilay sa galit.

"Kasama ko ang kaibigan ko, si Jersey, naalala mo? Kakain kami sa labas."

"Ay! Ang unfair saan 'yan at pupunta ako."

Tumingin ako sa tinigilan naming restaurant saka sumagot kay Harem. Binaba ko na rin iyon pagkatapos.

"Sino 'yong tumawag?" tanong ni Jersey nang makalabas ako sa kotse niya.

"Kaibigan ko si Harem. Hahabol daw siya rito. Ayos lang ba iyon?" Balik kong tanong kay Jersey.

"Iyang . . . 'yang kaibigan mo ba-"

"Pareho kayo."

Napa 'that's great' si Jersey. Umiling na lang ako.

"Wala bang alam 'yang si Harem kung ano ang ganap sa buhay mo, Clay? Like how you get a money for tita's transplant."

Naistatwa ako. Oo nga pala walang alam si Harem.

"Hay! Sige next time na lang tayo mag-usap d'yan. Pero sana masabi mo rin sa kanya Clay."

May gumapang na lungkot sa akin.

"Jersey, ikaw nga lang ang sinabihan ko dahil bawal iyon. Isa 'yan sa bawal sa kontrata."

Napapikit si Jersey.

"Clay, sorry . . . . Patawarin mo sana ako." Kumunot ang noo ko sa inasta ni Jersey.

"Jersey," tawag ko sa kanya. Naluluha na kasi siya.

"I'm sorry, okay? I am really sorry."

"J-jersey, bakit ka nagso-sorry?"

"Bas—"

"CLAYTON!"

Naputol si Jersey nang may sumigaw sa pangalan ko at sabay kaming napabaling ni Jersey kay Harem.


Lorcan’s Pov

"Thank you, Lorcan. And sorry hindi ko nabantayan ng maayos ang territory ko." Desmond said.

"Hmm."

Seryoso akong nakatingin sa labas ng sinasakyang private plane na pag-aari ko. I can't help, but to grit my teeth. What's happening to Perkin this past few days? Bakit tumawag si Esmeralda na hindi kumakain si Perkin sa pamamahay ko.

"Lorcan, when are you going to fly for Italy?" I heard Raphael asked.

I sneered.

Hindi pa nga ako nakakalapag sa lupa ng Pilipinas tapos heto na naman. It’s really nothing to me but d*mn it. That Perkin is not eating. May plano ba siyang magpakamatay? Sa liit ng katawan niya hindi malayong mangyari iyon. Halos 'di mag-sink sa utak ang tanong ni Rap dahil iba ang laman ng isip ko.

"Actually, kagabi tumawag ang adviser ni Romano, Lorcan. He asked if when are you going to Italy then I accidentally said that you're going to Italy today. I’m . . . I'm sorry." I heard Alfonso's remarked.

Malakas kong tinampal ang bintanang nasa gilid ko dahil sa sinabad ni Alfonso.

"Why the h*ll did you say that, Alfonso!?" Malakas kong sigaw.

He is just my adviser and anytime I want I can replace him. Plus, he doesn't have a right na pangunahan ako sa mga gagawin ko o mga desisyon ko.

D*mn him!

Silang lahat ay napaayos sa kani-kanilang upuan nang tumingin ako sa kanila.

"Lorcan, I knew how much you want this." Alfonso said and everyone nodded their heads.

F*cking f*ck!!! What if I'll rip those heads!

"Urgh!!! F*ck! Call that adviser of Romano and tell him na hindi ako pupunta roon. I have another important thing to do."

"But-"

I cut him off. "You call that adviser, or I will pull a trigger to your head before you can even move your body, Alfonso!" Wala itong nagawa kundi sundin ang utos ko.

Inayos ko ang suot kong three-piece suit nang makalapag kami sa NAIA. Agad na pumarada ang isa sa limo ko at kaming lima ay sumakay roon. Si Alfonso ay may inaasikaso pa at kino-contact niya ang adviser ni Romano. Kaya sa ibang sasakyan ito sumakay.

"Lorcan, pupunta pala tayong MU."

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Colt.

"Tumawag ang chairman ng school. They are inviting us at meron din siyang ire-report. Of course, pumayag ako at sinabi ko na pupunta tayo."

D*mn it. Bakit ba palagi na lang akong pinangungunahan ng mga tauhan ko ngayon? Am I too lenient?

"Really-" Handa na sana akong sumigaw nang magsalita ulit si Colt.

The audacity of this man!

"May play at kasali si Clayton."

"A-and?" F*ck! Did I just stammer upon hearing his name?

"Matagal na tayong hindi nakakadalaw sa school Lorcan. Just let this pass." Laszlo interrupted.

Among us Laszlo is always the calm one, Colt was the talkative one, while Desmond only talks when it needed. Well, Desmond is the opposite of Colt. While Raphael is the cold- we are the same, actually.

"Yeah, I miss our school." Raphael added.

"Whatever." I spoke.

Pagdating sa MU ay agad kaming sinalubong ng chairman and the usual si Colt lang ang nagkikipag-usap sa chairman. Minsan ay sumasabad si Desmond kung meron bang dapat na i-improve pa sa paaralan. Nangumusta naman si Laszlo tungkol sa mga scholars dito.

"By the way chairman, tapos na ba ang play?" tanong ni Colt sa matandang chairman.

"Oh," sambit nito at tumingin sa wristwatch niya. "I think, hindi pa. This way." Then he led the way.

Nang makapasok kami sa loob ng malawak auditorium nakita ko agad si Perkin na nasa gitna ng stage kaharap ang isang lalaki. Mula rito sa aking kinatatayuan, sa tingin ko ay parang umiiyak si Perkin.

Nakaside-view silang dalawa no'ng lalaki sa stage. Niluwagan ko ang suot kong necktie ng makita kong kinuha ng lalaki ang kamay ni Perkin at dinala ito sa labi ni lalaki.

Agad na sumabog ng tili ang kaninang tahimik na mga nanonod.

"Aaaahhhhhhhhh!!" 'Di na magkamayaw sa tili ang mga tao sa loob ng auditorium.

"Woooo! CLAYTON!"

Nagtatagis ang bagang kong tiningnan si Colt sa tabi. Naibaba ni Colt ang kamay niya nang makita akong matalim siyang tinitingnan.

"Ito ba ang pinunta natin dito, Colt?" Walang emosyon kong tanong sa kanya.

Nakita kong napalunok si Colt.

"Lorcan." Tawag ni Laszlo sa akin.

Bumaling ako sa stage nang marinig ko ang masigabong palakpakan ng mga tao. Saka ko nakita na hinalikan ng lalaki si Perkin. Hindi ko alam kong sa labi ba iyon o hindi. Pero ganoon ang nakikita ko. At saka bumagsak ang malaking tela hudyat na tapos na ang play.

"Excuse me."

Clayton’s Pov

Sobrang saya ko dahil malapit ng matapos ang play namin.

Sa huling eksena namin ay umiiyak ako sa saya dahil sa wakas ay nagkita kaming muli ni Joseff. Sa storya kasi nagkahiwalay kaming dalawa pero sa huli kami pa rin talaga.

"Mahal na mahal kita, Rain," saad ni Joseff sa linya niya. Rain ang pangalan ko sa storya.

Kinuha ni Joseff ang kamay ko saka ito dinala sa labi niya.

Kaya napuno sa sigaw ang buong audi.

"Woooo! CLAYTON!" Nakilala ko kung sino 'yong sumigaw at nakita ko sa peripheral vision ko si Colt at sa tabi niya ay si . . . Lorcan!

Ang saya na naramdaman ko kanina ay nawala. Ang ngiting nakapinta sa labi ko kanina ay nawala. Kahit na saglit ko lang nakita si Lorcan at malayo pa pero, ewan ko. Parang kahit sa layo namin ay nararamdaman ko ang tulis ng paningin niya.

Ni hindi na ako makagalaw sa posisyon ko. Imbes na ako ang mag-initiate ng halik kagaya ng nasa practice namin, hindi ko iyon nagawa.  Sa huli si Joseff na ang humalik sa gilid ng labi ko dahil hindi ako makagalaw.

Hanggang sa natapos ang play ay lutang ako.

"Congratulations!!!" sigaw ng Prof. namin. Masaya ang lahat maliban sa akin na nagliligpit na ng gamit ko.

"Clayton." Napatingin ako kay Joseff na nakangiti. Isinara ko ang bag ko.

"Joseff."

"May party dahil sa naging success ng play. Sama ka, huh." Yaya ni Joseff sa akin.

Akmang sasagot na ako kay Joseff nang sumabad ang boses na nagpatambol sa puso ko.

"He will not go. He can have his own party."

Lumingon ako kay Lorcan na nagtatagis ng kanyang bagang at halos patayin na niya si Joseff sa paraan ng titig niya. Bakit Lorcan? Bakit ka ganito?

"Let's go!" Nagtatagis bagang na asik ni Lorcan saka kinuha ang palapulsuhan ko. Hinila niya ako palabas ng backstage. Mabuti na lang at naabot ko pa ang bag ko sa sobrang bilis ng pangyayari. Ni hindi ako nakapagpaalam kay Joseff na nakabuka lang ang bibig habang nakatingin sa amin ni Lorcan na papalayo.

"L-lorcan."

"Lorcan, oi. K-kaya ko namang maglakad. 'Wag mo na akong hilahin."

Pero para siyang walang naririnig at patuloy lang sa paghila sa akin. Hanggang sa tumigil kami sa isang room.

Pumasok siya sa room na para bang may titingnan siya tapos ay bigla niya akong tinolak papasok.  Pabagsak niyang na isinara ang pinto saka ako isinandal sa pintuan at walang ano-ano'y sinunggaban niya ako ng mapupusok na halik.

Napapangiwi ako sa tuwing kinakagat niya ang labi ko. Hindi ako humahalik sa kanya. Siya lang ang humahalik sa akin. Nakabukas ang mata ko habang hinahalikan niya ako. As much as I want to kiss him back, but his too rough.

Hindi ako mapalag naibasak ko na lang ang bag ko sa panghihina. Panghihina dahil sa pagod at hina dahil kay Lorcan. Nilagay ni Lorcan ang dalawa kong kamay sa itaas ng ulo ko.

Nalalasahan ko na ang sarili kong dugo dahil sa mga kagat ni Lorcan sa labi ko. Hindi ko alam dahil kahit ganito si Lorcan natu-turn on pa rin ako.

Isang kagat ang ginawa niya bago pakawalan ang labi ko. "Did you like that man's kiss? Are you that horny?"

Isang beses akong umiling kay Lorcan. Pero ngumisi lang siya ng nakakainsulto sa akin.

"Wh*re." saad niya bago ako inatake ng mga mararahas niyang halik. Hinubad niya ang tshirt ko at itinapon iyon kung saan. Inagap ko sana ang kamay niya para pigilan siya pero tiningnan niya ako na para bang sinasabi niya na binayaran niya ako para dito.  Ibinaba niya ang pantalon ko kasama ang brief ko.

"Ahh, ohh." Napaawang ang labi ko nang hinawakan niya ang kaselanan ko at itinaas-baba niya ang kamay niya sa akin.

Napahawak ako sa balikat niya nang mas naging mabilis at mapusok ang pagtaas-baba ng kamay niya sa ari ko.

"L-lorcan, ahhh, ohhh." Ungol ko ng kagatin niya ang tenga ko.

"Hmmm," ungol niya.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nilabasan pero tulala ako sa loob ng madilim na room. Iniwan ako ni Lorcan. Iniwan niya ako ng walang sabi-sabi. Tumutulo ang luha ko habang inaayos ang pang-ibaba ko saka hinanap ang tshirt ko.

Ang sakit ng ganito. Para akong isang basura na pagkatapos gamitin ay iiwan lang—itatapon lang at iiwan. Kaya sa gabing iyon ay nagkalakas loob akong na hindi umuwi sa mansion ni Lorcan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top