Wakas
Wakas
~Isang taon ang nakalilipas~
Kasalukuyan ngayon na busy ang lahat para sa isang pagtitipon at para sa papiging na gaganapin mamaya sa palasyo. Dahil kasalukuyan ngayon na nagtitipon ang lahat para sa gaganapin na pagpaparangal sa magiging susunod na Hari ng Jeoson at Sila.
"Kasalukuyan tayo ngayon na nandirito para isang pagtitipon at para masaksihan ang pagpaparangal para sa ihaharangin na susunod na Hari ng dalawang kaharian ng Jeoson at Sila. Akin na munang inaanyayahan na umakyat sa entabladong ito ang dating Hari ng Sila na si Haring Yoo at ang kapatid nito na si Shin upang siyang magbigay parangal sa susunod na magiging Hari ng kaharian ng Jeoson at Sila.." Anunsyo pa ng taga-pagsilbi na siyang may hawak ng titolo na nagsasabi ng parangal. Umakyat na naman ang magkapatid na si Haring Yoo at Shin sa entablado.
"Susunod naman na aking tatawagin ay ang dalawang susunod at siyang hihirangin at paparangal bilang bagong mga taga-pamahala na sina Moon at Dark!!" Muling anunsyon ni Grace. At nakangiti namang umakyat sina Moon at Dark.
💜💜💜
~Flashback~
"Dark!!" Sigaw ni Haring Yoo at nang mga kasamahan nito.
Pero bago pa man matamaan ng mga kawal ng espada ang leeg ni Dark ng bumagsak ito kay Haring Yoo para harangan at yakapin ito. Ay kaagad na namang naihinto ng mga kawal ang akmang pagputol sa ulo ni Haring Yoo na akmang si Dark ang tatamaan nito...
"Ama." Kaagad namang tawag ni Dark sa kaniyang Ama. Habang nakaluhod ito sa harapan nito at hawak hawak ang kamay ng Ama.
"Dark.. patawad. kasalanan ko ito... nang dahil sa akin ay muntikan ka ng mapahamak. patawad.. anak." Hinging paumanhin ni Haring Yoo sa anak. Habang nakahawak ito sa magkabilang pisngi ng anak.
"Ama.. ama aminin niyo na po ang kasalanan niyo. upang hindi na matuloy ang pagbitay sa inyo." Pakiusap naman ni Dark si Ama. at napaisip naman si Haring Yoo saka ito napatingin sa punong taga-paglitis at sa mga nanduruon. bago saka ito muling bumaling ng tingin kay Dark at marahang tumango.
Tumayo ito. "Kayo lahat! Makinig kayong lahat sa sasabihin ko! Aamin na ako! Aaminin ko na ang lahat sa inyo! lahat lahat! lahat lahat na aking nagawang kasalanan. at oo! tunay at tama ang sinasabi ng lalaking ito! Siya si Alyas, kilala ko siya dahil siya ang aking kanang kamay sa lahat ng aking masamang gaawin. sa kaniyang ko lahat sinasabi at inuutos lahat ng dapat iutos na gawin ng iba pa naming mga utusan na gawin ang aking inuutos. ako rin ang dahilan ng pagkamatay ng aking ama. dahil ako rin ang nagutos na lasunin siya.. ako rin ang nagtangkang lasunin ang lahat ng naninirahan rito at nagpasunog sa kaharian ng Jeoson. dahilan upang sisihin ninyong lahat at mabaling ang sisi sa mga inampon ng aking ama na grupo nina Dark at Moon. at upang pagawayin sila at sisihin din nila mismo ang isa't isa sa mga nangyayari..."
"Ngunit ako ngayo'y nagsisi na sa lahat ng aking nagawa ngunit ay huli na. Magmula nang malaman kong anak ko si Dark ng siyang namumuno sa kanilang grupo ay laking pagsisi ko dahil ginusto ko ring mapaslang siya ng grupo nina Moon. upang kapag wala na ang grupo nina Dark ay iisa na lamang ang aking dapat na paslangin at yuon ay ang grupo nina Moon. Patawad. patawad hukom. patawad anak ko.. patawad sa lahat. patawad sa inyong lahat sa lahat ng aking nagawang kasalanan. patawarin niyo ako. wag niyo sana akong paslangin. kaylangan pa ako ng anak ko!!" Pagmamakaawa naman ni Haring Yoo.
Nagbulungan naman ang lahat. habang ang iba naman ay tahimik lamang na nagiisip kung ano ang dapat na ihatol ng punong hukom kay Haring Yoo.
"Tahimik!" Biglang sigaw at putol ng hukom sa kaingayan ng paligid. "Makinig kayong lahat sa aking sasabihin! lalo ka na Haring Yoo. Ikaw. ang ngalan mo ay Yoo, tinatawag at tinuturing na Hari ng Sila.. ikaw ngayon ay napatunay na at nahaharap sa kasalang pagpaslang sa iyong yumaong Ama na si Haring Sik na siyang Hari ng Jeoson. at ikaw ngayon ay pinaparusahan at pinapatawan ng kamatayan!!" At pumukpok ito.
Napasinghap naman ang lahat at nanlalaki ang mga mata ni Dark at Haring Yoo dahil sa gulat na nakatingin sa hukom.
"Hindi! hindi maari! hindi maari hukom! nagmamakaawa ako!! Bawiin niyo ang parusa sa kaniya!!" Sigaw pa ni Dark na mapuputol na ang ugat sa leeg nito. Napaluhod na naman si Haring Yoo dahil nahihina na ang mga tuhof nito.
"Nagmamakaawa kami hukom... parusahan niyo na ako at lahat. ngunit wag lamang ang kamatayan... hindi para sa akin kung hindi para sa anak ko. ilang dekada kaming hindi nagkita at nagkasama.. nalayo siya sa akin sa loob ng mahabang panahon. nagkalayo kami sa isa't isa. at gusto ko pang makita't makasama ang anak ko.."
Sa huli pinatawan na lamang ng hukom si Haring Yoo nang isang taon at kalhating pagkakakulong. Nakulong ito sa loob ng isa at kalhating tao. Binibisita bisita na lamang ito ni Dark para kumustahin, tinginan at dalhan ng pagkain. Sabay din silang kumakain kapag bumibista ito sa kulungan.
Nang makalabas na si Haring Yoo ay kaagad ito nagtungo at hinanap ang grupo nina Moon upang humingi ng tawad. Makakasama at naguusap usap ngayon sa harap ng hapag ang grupo nina Dark at Moon kasama ang magkapatid na sina Haring Yoo at Shin.
"Hindi na ako para magpaligoy ligoy pa.. Ace.. Jack.. Luis.. Night.. Bad.. Black at lalong lalo na sa iyo.. Moon. Patawad. humingi ako ng kapatawaran ninyo sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa inyo.. alam ko hindi ako madaling patawarin sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Ngunit nagsisi na talaga ako.. at kahit wag niyo na akong patawarin ayos lamang. ngunit sana ay huwag na kayo magalit sa anak kong si Dark at sa mga kasamahan niya. wala silang kasalananang nagawa. ako lahat ang may kasalanan... patawad."
"Paumanhin.. ngunit sa ngayon ay hindi ka muna namin kayang patawarin.." Sambit ni Moon.
"Naiintindihan ko.." Nakayuko namang sambit ni Haring Yoo.
"Moon!" Alma naman ni Dark.
"Makakaalis na kayo. kaya kitang patawarin ngunit hindi ngayon at matatagalan din bago ko pa matawad ang Ama mo.. dahil siya mismo ang pumatay sa sarili niyang Ama na si Haring Sik an tinuring din nating Ama natin." Sagot naman ni Moon at magsasalita pa sana si Dark. ngunit hinawakan na ni Haring Yoo ang kamay nito upang pigilan na itong magsalita.
"Aalis na kami." At tumango si Haring Yoo upang magpaalam na.
💜💜💜
Ngunit hindi rin naman nagtagal ay napatawad na din ni Moon si Haring Yoo at Dark. Naging magkaibigan na ulit sila at magkasundo. At ngayon ay kinokoronahan na nina Yoo at Shin sina Moon at Dark. Dapat sana ay si Luis ang isang pang hihirangin bilang isang bagong Hari ng Jeoson ngunit hindi niya ito tinanggap. at mas pinili niya na lamang ito ibigay at ipaubaya kay Moon dahil ito ang pinuno ng kanilang grupo at ang mas nakakatanda sa kaniya at mas may kakayanang gampanan ang pagiging Hari...
"Magbigay pugay tayo sa mga bagong hari!! Si Haring Moon ang bagong Hari ng Jeoson at si Haring Dark ang bagong Hari ng Sila!!" Sigaw naman ni Grace. Nagpalakpakan naman ang lahat saka lumuhod.
"Awoo!!" Alulong naman ng mga Lobo.
💜💜💜
Wakas...
At dito na po nagtatapos ang kwento ito. Next Story Link: https://my.w.tt/gVB0ErtJA3 Z FOREST Simula is now up! Enjoy reading to my next story and thank you for reading Own The World!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top