Kabanata 9

Kabanata 9 Balita

Akmang magpapaalam na sana sina Dark kay Haring Yoo na patungo sila sa kaharian ng Jeoson, nang harangin sila ni Alyas. ang kanang kamay ng Haring Yoo.

"Mga kamahalan. Ako'y may nasagap na balita mula sa mga taga-paghatid namin ng balita mula sa labas ng palasyo. May nagaganap na pagpaslang sa kaharian ng Jeoson. Marami ang napaslang o nasawi. Ito ay dahil sa hindi maayos at mahigpit na pamamalakad sa ilalim ng limang myembro ng grupo ng mga bampira." Pahayag nito.

"Anong sabi mo?!" Nanlalaki ang mga mata dahil pagkagulat na sigaw ni Dark. "Paano nangyari iyon?!!" Sigaw pa nito.

"Ayon sa nasagap kong balita, hindi daw pinapakain ng maayos ng nga ito ang mga tao at lobo sa kaharian ng Jeoson. At ayon din dito ay nilason nila ang mga ito." Sambit muli ni Alyas.

"Ano?! Hindi iyon magagawa nina Moon." Hindi sumasang-ayon na sambit ni Dark.

"Maniwala o hindi ka man, Dark. Nagawa na nila. Pinaslang na nila ang mga inosente at walang alam o kinalaman sa galit nila sa'tin. Ginawa nila ito dahil gusto nilang angkinin ang kaharian at agawin ang dapat na sa atin." Turan naman ni Black.

"Hindi. Hindi ako naniniwala." Umiiling iling pang sambit ni Dark.

"Ano ba Kuya Dark?! Ginawa na nga nila, nagbubulag-bulagan ka pa din!" Sigaw naman ni Brown. Tulala na lang naman si Dark.

"Ang mabuti pa ay magtungo na lamang kayo ruon, upang kayo mismo ang makasaksi sa kaguluhang nangyayari ruon." Singit namang sambit ni Alyas. At nagsi-tanguan naman sila bilang pagsang-ayon sa tinuran ni Alyas.

"Mabuti pa nga. Tara na!" Nagmamadali namang utos ni Black saka na sila tumakbo paalis.

Samantala pagkaalis naman ng grupo nina Dark, ay lumabas mula sa gilid kung saan ito nagtatago si Haring Yoo. Kalmadong kalmado siyang naglalakad papunta at palapit kay Alyas. Lumingon naman si Alyas mula sa pinang-galingan ng Hari at hinintay ito habang nakangiti.

Nang makalapit si Haring Yoo saka niya ay unti unting sumilay ang isang nakakaloko ngiti mula sa labi ng Hari. Saka ito humalakhak ng malakas na parang isang demonyo.

"Bwahahahaha!!!"

Tawa pa nito. Pero maya maya din naman ay huminto din ito sa pagtawa na parang walang nangyari. at nakangiti na lang ito nang nakakaloko.

💜💜💜

Samantalang sa kaharian ng Jeoson. Kung saan nagkakagulo at hindi na magkamayaw ang mga nakatira duon dahil sa nangyayaring kaguluhan. Bigla bigla na lamang mga hahandusay ang mga nakatira ruon habang naglalakad.

Nakasilip mula sa labas ng malaking gate o pangharang ang grupo nina Dark. Habang pinagmamasdan ang kaguluhang nangyayari mula sa loob ng palasyo.

"Kuya Dark ano na? nagkakagulo na ang mga tao at kalahi nating mga lobo. May mga nahihimatay na rin sa daan. Hindi man lamang ba natin aalamin ang nangyayaring kaguluhan rito? Wala man lamang ba tayong gagawin upang pahintuin ang kaguluhang ito?" Natataranta ng turan ni Brown. Mahina lamang ang kaniyang boses dahil baka marinig sila ng mga nakabantay sa gate ng palasyon.

"Alam ko't nakikita ko ang nangyayari. Hindi mo kaylangan sambitin pa sa akin ang mga iyan. Maghintay ka lamang dahil humahanap pa ako ng tyempo kung paano tayo makakapasok sa loob at kung paano natin malalaman at pahihintuin ang nangyayaring ito." Seryosong sambit naman ni Dark.

"Sandali mga kuya. Wala ba kayong napapansin? Bakit parang wala at hindi ko nakikita ang grupo nina Moon?" Turan naman ni Winter.

"Oo nga, ano?" Pagsang-ayon naman ni Brown. "Bakit nga parang wala sila at hindi natin nakikita?" Takang tanong din nito.

"Baka naman na hindi lang natin sila nakikita." Seryosong sambit naman ni Grey. Minsan lang ito magsalita kaya naman nagugulat na lamang ang mga kasamahan niya kapag nagsasalita ito ng biglaan.

Nagkatinginan na lamang silang lahat at nagkibit-balikat. saka bumalik sa pagmamanman. Sandali silang natahimik, nang magsalita na si Black.

"Walang mangyayari sa atin dito kung wala tayong gagawin at kung hindi tayo gagawa para humanap ng paraan." Sambit niya bago tumayo.

"Anong balak mo?" Tanong ni Dark. Naglakad naman papalapit sa mga taga-pagbantay ng palasyo si Black.

"Sino kayo? Hindi ba't kayo ang mga taksil na lobo na pinalayas ng mga kamahalan?" Sambit ng taga-bantay.

"Taksil na pala kami ngayon? Yuon na pala ang pinapakalat ng mga bampirang 'yon? Kami na pala ang mga taksil ng palasyo?!" Inis namang sambit ni Brown. Pero kaagad siyang pinigilan ni Dark.

"Sino kami? Hindi kami mga taksil. Hindi kami mga taksil ng palasyo at dito sa palasyo. Katunayan niyan, mga taga-pagmana rin kami. Sa amin ipinamana ni Haring Sik ang kaliwang bahagi ng kaharian ng Jeoson." Sambit ni Black. "Kaya kung ako sa iyo, papasukin mo kami. Hindi naman kami para gumawa ng gulo. gusto lamang naming alamin ang mga nangyayari sa loob. Kung ano bang kaguluhan ang nangyayari ruon? At kung ano bang matutulong namin sa nangyayari sa loob?" Sambit pa ni Black.

"Paumanhin, ngunit hindi maari. Lalo na't hindi walang pahintulot ng mga kamahalan." Magalang namang sambit ng taga-pagbantay. at magsasalita pa sana si Black ng biglang magsalita ulit si Grey.

"Kuya Black, Kuya Dark. Parang may hindi tama sa mga nangyayari..." Sambit nito.

"Ano? Ano naman iyon? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong naman ni Black kay Grey.

"Kung hindi mo kami papasukin, maari ba naming malaman kung ano talagang nangyari rito?" Seryosong sambit ni Grey.

"Paumanhin, ngunit hindi maari. Lalo na't walang pahintulot ng mga kamahalan." Sambit pang muli ng taga-pagbantay.

"Nakikiusap ako. Sana'y sabihin mo sa amin kung ano ba talagang nangyayari rito? Gusto lamang naming malaman." Pakiusap pa ni Grey.

"Ngunit...." Nagdadalawang isip na sambit ng taga-pagbantay.

"Sige na.." Pakiusap pang muli ni Grey. Napayuko naman ang taga-pagbantay, bago ito humugot ng hininga at muling tumingin kina Dark.

"Sige na nga.. nilason ang mga nakatira rito. Hindi batid at malaman pa kung sino ang naglason. ngunit batid na naming lason ang sanhi nito. Nakakapag-taka lamang na hindi kasama ang mga kamahalan at mga kalahi nilang bampira sa mga nalason. Ngunit halos sa mga aloping tao at lobo ang nalason. Kasalukuyan ngayong ginagamot at nagkakagulo ang mga bampira at hindi na rin mapakali ang mga kamahalan sa pag-gamot sa kanila. Tanging ang pagkain lamang din ng mga aliping tao at lobo ang may lason. Bigla bigla na lamang silang hahandusay at mangingisay sa daan at tatarak ang mga mata't bubula ang bibig." Pagkukwento pa nito.

"Sinasabi na nga ba. sila talaga ang may pakana nito." Gigil na sambit ni Brown.

"Sa tingin ko Brown. Nagkakamali ka. Wala ba kayong napansin sa mga sinabi niya? Bukod sa ang mga bampira lamang ang hindi nalason ay kung ang intensyon at balak ng mga bampira na iyon ay paslangin ang mga tao at kalahi nating lobo. Bakit pa nila kaylangang gamutin ang mga ito?" Natatakang sambit ni Grey.

"Hindi. Sa palagay ko ay kaya ginagamot nila ang mga tao at kalahi nating lobo ay para unti unti pa silang patayin at pahirapan bago nila ito bawian ng mga buhay." Giit pa ni Brown.

"Sa palagay ko ay wala rin tayong mapapala pa rito. hindi tayo makakapasok sa loob. Kaya wala rin tayong magagawang tulong sa kanila. ang mabuti pa ay bumalik na lamang muna tayo sa sila at para duon muna tayo magisip ng plano na gagawin nating pagtulong." Sambit ni Dark. at aangal pa sana si Brown ngunit pinigilan na siya ni Black at tumango upang sabihin na aalis na sila.

Pagdating at pagkabalik nila sa kaharian  ng Sila ay sinalubong kaagad sila ni Haring Yoo.

"Aking nabalitaan at napagalaman na nagtungo raw kayo sa kaharian ng Jeoson. at kung ano ang nangyayaring kaguluhan ruon. Anong nangyari sa pagpunta niyo ruon?" Tanong nito.

"Wala po. Wala po kaming napala." Tugon ni Dark. napatango tango naman ang Hari. "Sige na po mahal na Hari. Magtutungo na po kami sa aming silid." Sambit pa nito at tumango lamang naman si Haring Yoo. saka na sila tuluyang umalis.

Lumapit naman si Alyas sa likuran ni Haring Yoo. "Peste! Paano ko na ngayon makukuha ang kaharian? Kung wala naman silang ginagawa para makuha iyon para sa akin?" Inis na madiing sambit ng Hari.

"Wag kayong magalala mahal na Hari. Marami pa namang pagkakataon at panahon para mabawi natin iyon. Wag muna tayong masyadong magmadali." Sambit ni Alyas. Natahimik na lamang naman sila habang gigil na gigil pa din si Haring Yoo.

💜💜💜

Note: Errr! :/ Walang kwentang update.. Bagot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top