Kabanata 7
Kabanata 7 Haring Yoo
Kasalukuyan ngayon na nagsasalo-salo para sa isang hapag-kainan ang grupo nina Dark kasama si Haring Bangis. Nang ayain ng Hari ang grupo nina Dark na sumama sa kanila sa kaharian nito. Upang dito pansamantalang tumuloy at kumain muna..
Nung una ay nahihiya't nagaalalangan pa ang grupo nina Dark na sumama rito. Ngunit nang pilitin sila nito ay hindi kalaunan ay napapayag din sila ng mga ito.
"Sige pa. humayo kayo't kumain at magpakabusog pa. Masarap ang mga iyan." Alok pa nito.
"Naku! Hindi na ho. nakakahiya." Nahihiyang sambit ni Dark.
"Sige na. Masarap ang mga iyan. pinaluto ko pa iyan sa mga taga-pagsilbi namin rito para sa inyo." Nakangiti pang alok muli nito.
"Hindi na ho talaga. saka.. makikitulog lamang po sana kami rito pansamantala. Ngayong gabi lamang." Nahihiyang sambit pa ni Dark. Habang si Brown naman ay kanina pang napapakagat sa sarili niyang labi habang nagniningning ang kaniyang mga mata dahil sa sarap ng mga pagkain kanina pa niyang ibig tikman.
"Ha? Ah, eh bakit ngayong gabi lamang? Kayo ba'y may matutuluyan na?" Takang tanong nito. At magsasalita pa sana si Dark, nang sumingit na si Brown ng hindi na niya matiis ang sarili.
"Oo nga, Kuya Dark. Wala pa naman tayong nahahanap na matutuluyan pansamantala? Kung kaya't dumito muna tayo. Buti nga't may nakakita pa sa atin at may nagalok ng maari nating matuluyan at makainan. at sa wakas makakain na rin ako, tayo! Nagugutom na ako eh." Reklamo naman ni Brown saka kumuha ng manok. "Haring Yoo, pakain po ah." Paalam pa nito bago nilantakan na ng kain ang manok.
"Haha! Oo naman." Sambit naman ng Hari. at lihim na ngumisi.
"Brown! Mahiya ka nga! Pasensya na po mahal na Haring Yoo." Sambit naman ni Dark.
"Bakit ba? Kumakain lang eh." Maktol ni Brown.
"Haha! Okay lang. alam ninyo nakakatuwa kayo." Sambit nito na may halong kalungkutan na parang may inaalala itong isang nakakalungkot na pangyayari sa kaniyang nakaraan. "Siya nga pala, paano kayo napadpad sa kaharian dito sa Sila? At bakit din kayo natutulog sa kala-gitnaang bahagi ng kagubatan? Wala ba kayong tirahan o maaring matirahan? Hindi ba't sabi ninyo ay ampon kayo ng aking ama? Kaya't bakit wala kayo sa kaniyang kaharian?" Usisa pa ng Hari. Nagbago naman ang ekspresyon na nakalarawan sa mga mukha ng grupo nina Dark.
"Ehem. Okay lamang naman kung.. kung hindi ninyo ibig pa na magkuwento." Alanganing sambit ng Hari. Saka ito ngumiti rin ng alanganin.
"Hindi ho. Kung.. kung anak nga ho talaga kayo ng mahal naming Haring Sik? Ibig at nais kong inyong malaman ang nangyayari sa kaharian... lalo na ngayon. Mahigit ilang dekada na rin kaming nabubuhay rito sa mundong ibabaw at naninirahan sa kaharian ng Jeoson sa ilalim ng pamumuno ng mahal naming Hari na si Haring Sik. Inampon niya kami't inalaga mahigit ilang dekada na rin ang lumipas. At habang kami ay lumalaki sa ilalim ng kaniyang pangangalaga ay kasama't kasabay naming lumalaki ang mga bampira na kaniyang ring inalagaan't inampon. Ngayon nang mamatay ang amimg mahal na Haring Sik ay ang mga bampirang iyon na itinuring din naming kaibigan at higit sa lahat ay aming parang mga kapatif at kalahi ay ibig na sakupin at angkinin na lamang ang buong kaharian ng Jeoson. Kahit pa nakasaad sa liham na iniwan ng mahal na Hari para sa amin na kami ang mamumuno sa ikaliwang bahagi ng Jeoson." Pahayag ni Dark.
"Kung gayon ay bakit kayo pumayag na mangkin na lamang nila ang buong kaharian ng aking ama?" Tanong ng Haring Yoo.
"Tinakot at pinagbandaan niya kaming idadamay niya ang mga inosenteng tao na siyang kinupkop din ng aming mahal na Hari." Seryosong sambit naman ni Grey.
"Ikaw Haring Yoo? Hindi ba't iyo ring sinabi na anak ka ng aming mahal na Haring Sik. kung gayon ay ano ang nangyari kung bakit ka naririto at hindi mo ipaglaban ang karapatan mo para sa iyo mapapunta ang buong kaharian ng Jeoson? At hindi mo na kaylangan pang magtago rito sa iyong kaisa isang kaharian rito sa sila." Mausisa namang tanong ni Black. Na nagpatigil kay Haring Yoo.
"Sapat na sa akin ang kaharian ko na ito rito sa sila. Bukod duon.. ay.. wala na rin namang pakialam pa sa akin ang aking ama. Kahit nuong nabubuhay pa siya. Sa akin, sa asawa ko't lalo na sa anak ko, na pinabayaan niya lamang kami ng magiina kong mapahamak nang dahil sa isang trahedya nuong matagal ng panahon ang lumipas." Seryoso't puno ng paghihinagpis na sambit pa nito.
Napalunok naman sina Dark. "Paumanhin kung akin pang naitanong mahal na Hari." Hinging paumanhin naman ni Black saka yumuko.
"Wala iyon. matagal na naman iyon ngunit sadya lamang na hindi siya kaya patawarin ng aking puso na punong puno ng hinanakit at paghihinagpis sa kaniya dahil sa pagkamatay ng aking mahal na asawa." Sambit pa nito. "Oh siya. mga taga-pagsilbi ligpitin ninyo na itong mga pinagkainan at habang ang iba naman ay nililinis ang kanilang silid na tutulugan." Utos nito sa mga taga-pagsilbi na kaagad namang sinunod ng mga ito.
"Nga pala. nais ko lamang itanong, kung ano na nga pala ang inyong balak patungkol sa pagangkin ng mga bampirang iyon sa kaharian ng aking ama? Hahayaan ninyo na lamang ba na sila lamang ang tuluyang mamahala ruon?" Napaisip naman sina Dark sa turan ng mahal na Haring Yoo.
"Hindi pa po namin batid ang aming dapat gawin." Pagamin ni Dark.
"Kung gayon ay kung ako sa inyo, hindi ko sila hahayaan na lamang ng basta na sila lamang ang dapat na mamumuno ruon sa kaharian ng aking ama. Oh siya. tapusin na natin ang pagpupulong na ito at magpahinga na lamang muna kayo." Saad ng Haring Yoo. saka ito uminom ng wine sa kaniyang wine glass. at habang tulala at napaisip na lamang naman ng malalim sina Dark dahil sa tinuran ng mahal na Haring Yoo.
Duon na naman natapos ang kanilang pagtitipon at paguusap.
💜💜💜
Kasalukuyan ngayon na nakatambay si Dark sa may balkonahe ng silid kung saan sila pinatulog ng mahal na Haring Yoo upang makapag-muni muni at makapag-isip isip sa kung ano ang dapat nilang gawin? Ang hayaan ang grupo nina Moon na ang mga ito lamang ang mamumuno sa kaharian o ang ipaglaban nila ang karapatan na mamuno rin rito katulad ng nakasaad sa liham na iniwan ng mahal na Haring Sik para sa kanila?
Maya maya pa ay dumating at biglang sumulpot si Black.
"Tila malalim ang iyong iniisip, tama ba ako?" Tanong nito.
"Hindi ko lamang batid kung ano ba talaga ang dapat nating gawin? Ang lumaban o sumuko na lamang sa karapatan natin bilang mamahala sa ikaliwang bahagi ng Jeoson? Ano sa iyong palagay? Tama ba ang sinabi ni Haring Yoo. na dapat nating ipaglaban ang ating karapatan?" Tanong din naman ni Dark kay Black.
"Kung ako ang iyong tatanungin...? Nagtitiwala at naniniwala ka ba sa itinuran ng anak ng ating mahal na Hari?" Tanong pa ulit nito.
"Sa totoo lang. isa pa iyon. kasi ang totoo ay hindi ko batid kung magtitiwala ba ako at maniniwala sa kaniyang mga sinabi? Kung totoo at tunay ba talaga siyang anak ng mahal na Haring Sik? At kung totoo at tunay rin ba ang kaniyang mga sinabi na kaniyang isinagot na dahilan sa iyong mga itinanong sa kaniya?" Sambit ni Dark.
"Kahit ako rin naman ay may pagdududa sa kaniya. Ngunit... kung ako ang iyon tatanungin kung dapat ba natin ilaban o isuko na lamang ng basta ang ating mga karapatan sa ikaliwang bahagi ng kaharian ng Jeoson na ipinamana sa atin ng mahal na Haring Sik? Sa aking palagay ay dapat natin itong ilaban. Sa pagkat may karapatan din naman tayo ruon. hindi lamang sila ang inampon at inaruga ng ating mahal na Haring Sik at hindi lamang din sa kanila ipinama lamang ng mahal na Hari ang buong kaharian ng Jeoson. Sa pagkat sa atin din. tayo ang magmamana ng ikaliwang bahagi ng kaharian kaya't naman may karapatan din naman tayo ruon." Sambit naman ni Black. at natahimik na lamang si Dark at napaisip muli ng malalim.
💜💜💜
"Anong balita? Kumusta ating mga mahal na bisita?" Tanong nito sa lalaking nasa kaniyang harapan.
"Mahimbing na silang lahat na natutulog ngayon. sa pagkat aking naabutan at narinig pang mga naguusap ang dalawang matanda sa kanilang grupo na aking napag-alaman na ang kanilang mga pangalan ay sina Dark at Black." Sambit ng lalaki.
"At ano ang kanilang pinaguusap?" Tanong nito.
"Hindi ano mahal na Hari. kung hindi ay sino? Kayo mahal na Hari. Kayo ang kanilang pinaguusapan. nagdadalawang isip at pinagduduhan pa rin nila kayo." Sambit muli ng lalaki.
"Hayaan mo sila. Hayaan mo lamang sila hanggang sa maniwala't mapasakay natin sila. at hindi kalaunan ay sila ang magiging susi ko para makaganti sa aking ama. kahit na pumanaw na siya ay sisiguraduhin ko na magbabayad siya dahil sa pagiwan at hindi niya pagtulong sa amin ng magiina ko mula sa sunog na iyon ilang taon na ang nalilipas." Pagsumpa pa nito sa kaniyang ama na si Haring Sik.
💜💜💜
Note: Ang lawak talaga ng imahinasyon ko. biruin niyo hindi ko talaga inakala na makakagawa ako ng story na katulad nito, ng love story lalo na ito. but anyway, higit sa lahat ang lawak ng imahinasyon ko dahil palagi at madalas talaga akong magIMAGINE lalo na ng KWENTO NAMING DALAWA NA WALA NAMANG UMPISA PERO MAY KATAPUSAN!! HAHA! JOKE LANG!! ^_^V
BTOB Min Hyuk As Haring Yoo on multimedia on upper side
Sa mga nagbabasa kung mayroon man nito, please if you like? Hit the ☆ Icon and make it Orange for VOTES, Leave COMMENTS on the Comment Box and share this to others.
Thank you and P💜RPLE 💜 Means I Purple U and I Purple U means? Comment on the comment box what I Purple U means, If you are a true ARMY??? :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top