Kabanata 3

Kabanata 3 Liham

"Mahal na mga imortal, ako'y may nakitang liham kanina nang aking linis ang silid ng mahal na Hari sa isa sa kaniyang mga lagayan." Umaga na at ito kaagad ang bungad na sambit ng punong taga-pagsilbi matapos nitong maglinis at linis muli ang silid ng Hari. At kasalukuyan silang kumakain ng umagahan ngayon.

"Anong liham?" Nagtataka at kunot noong tanong ni Moon.

"Ito po." At inabot naman ng punong taga-pagsilbi ang liham kay Moon. at inabot at kinuha rin naman iyon ni Moon sa taga-pagsilbi saka kaagad na binuksan at binasa.

"Anong nakasulat?" Mausisa at takang tanong din naman ni Dark. Seryoso naman siyang binalingan ni Moon ng tingin.

"Ayon sa nakasulat sa rito... ang buong kaharian ng Jeoson ay ibibigay at ipapamana sa ilalim ng pamumuno ng grupo nina Moon sa takdang panahon na ibinigay at ipinamana na ng mahal na Hari ang buong kaharian sa mga ito." Mahinahong pagbasa pa ni Moon na kaagad naman iki-naalma ng grupo ni Dark.

"Ano? Ano ang iyong sinabi? Ulitin mo! Bakit sa grupo ninyo lamang ipamamahala at ipamamana itong buong kaharian? Hindi! Hindi iyon maari!" Gigil na gigil na sambit ni Brown at napatayo at napahampas pa siya sa mesa.

"Wala tayong magagawa. iyon ang nakasaad rito sa iniwang liham ng mahal na Hari." Kalmadong sambit ni Moon.

"Hindi. Nagkakamali ka! Akin na ng makita ko ang nakasaad na mensahe ng mahal na Hari." Apila pa ni Brown.

"Pasensiya na. ngunit kami ay mauuna ng umalis sa inyo. paalam. Tara na." Tugon naman ni Moon kay Brown at saka na tumayo at inaya na nito ang mga kasamahang tuluyang umalis.

"Hoy! Aba't-- teka lang. sandali! Mga lapastangan!" Habol pang reklamo ni Brown. "Ahhh! Peste! Nakakainis! Dark bakit kasi hindi ka man lang nagsalita kanina?! Wala ka man lang kahit anong sinabi't ginawa kanina! Ni-hindi ka man lamang nga umalma eh. Papayag ka na lamang bang sa kanila lamang mapunta ang kaharian na ito at mamahala rito?! Baka nakakalimutan mong tumira rin tayo rito?!" Inis na inis na reklamo ni Brown

"Hindi ko nakakalimutan iyon. At puwede ba huminahon ka nga?! Basta basta ka na lang kasi nagre-react diyan eh." Inis ng sambit ni Dark.

"Paano ako hihinahon? Eh wala ka nga sinabi at ginawa man lang kanina!" Inis pa ring sambit muli ni Brown.

"Tama na! Brown tama si Dark. Huminahon ka muna--" Singit naman ni Black na pinutol naman ni Brown.

"Letche naman oh! Pati ba naman ikaw Kuya Black? Kakapihan mo pa iyang katangahan niyang si Kuya Dark." Sambit ni Brown.

"Hindi ako tanga. At puwede ba? wag mo akong matanga tanga dyan dahil kuya mo pa din ako at mas nakatatanda pa rin ako sa iyo." Kalmado ngunit may inis na tugon ni Dark sa sinabi na iyon ni Brown.

"Talaga? Hindi ka tanga? Kung hindi ka talaga tanga, hindi ka mananahimik lang dyan." Pang-ngunguyam naman ni Brown. at magsasalita pa sana si Dark ng sumigaw na si Black.

"Puwede ba? tumigil na nga kayo! At ikaw naman Brown huminahon ka muna kasi at makinig ka muna, puwede?! Sumasakit ulo ko sa inyo. Ganito kasi 'yan Brown, okay? Makinig ka muna kasi ng mabuti bago ka umamik dyan. Tama si Dark--" At hindi pa man natatapos ni Black ang sasabihin nya ng magsalita na naman si Brown.

"Tama?! Anong iki-natama niya du'n?!" Inis pang tugon muli nito.

"Ano ba?! Sinabi ng makinig ka muna sa sinasabi ko, 'di ba? Puro ka kasi satsat eh. Kapag hindi ka tumigil sasalaksakin kita nitong tinidor. Mabalik tayo. Ang sinasabi ko nga ay tama si Dark dahil alam ko na may iniisip at naiisip na siyang plano para mapaghandaan na din natin ang kung ano plano nina Moon laban sa atin. At ikaw na ang magsabi nuon Dark kung ano man ang iyong naiisip sa ngayon?"

"Una, kaylangan nating alamin kung may alam o nabasa ba nung punong taga-pagsilbi iyong kung anong mensahe ang nakasaad duon. At pangalawa, kung wala at hindi naman alam o nabasa ng punong taga-pagsilbi ang kung ano mang mensahe ang nakasaad duon ay kaylangan nating makuha ang liham na iyon sa grupo nina Moon. Dahil may hinala ako at may pusibilidad na nagsisinungaling sa atin si Moon at hindi talaga iyong sinabi niya ang nakasaad na mensahe sa liham." Pahayag naman ni Dark.

"Maaring tama ka nga. Kung gayon, ano ang iyong balak para malaman natin kung ano talaga ang nakasulat sa sulat?" Tanong ni Grey.

"Sa ngayon ay hindi ko pa alam. pero iisa lang ang sigurado ako na kaylangan natin gawin sa ngayon. at yuon ay ang malaman ang nakasulat sa sulat at para maoaghandaan natin ang kung ano mang binabalak nilang gawin sa atin." Huling linyahan ni Dark bago na natapos ang kanilang paguusap.

💜💜💜

~Kinabukasan~

Umaga pa lang at matapos na nila maitanong sa punong taga-pagsilbi kung alam ba nito kung ano ang nakasulat sa liham, ay kaagad ng gumawa ng hakbang ang grupo nina Dark para maisagawa na nila ang naisip nilang plano. at iyon ay ang makuha ang liham sa grupo nina Moon.

At hindi naman sila nabigo. Kaagad nilang nahanap at nakuha ang liham sa isang sa lagayan sa silid ni Moon.

"Ito. Ito na 'yon." Sambit ni Brown sabay pakita kay Dark ng isang piraso ng papel.

"Ikaw ba'y nakasisiguro riyan na ito na nga ang hinahanap nating liham?" Paninigurado ni Dark.

"Aba ay oo naman. Ako ay nakasisiguro na iyan na nga iyong hinahanap natin." Sambit namang muli ni Brown at binalangin na lang naman ni Dark ng pansin ang papel saka nito binuksan na iyon at binasa.

"Sinasabi ko na nga ba. nagsisinungaling lamang sa atin si Moon. Halika na. Bago pa nila tayo maabutan rito. kaylangan na rin itong malaman ng iba pa natin mga kasamahan kung ano talaga ang nakasulat sa liham na ito." Seryosong at matamang sambit ni Dark. saka bahagyang nilukot ang papel sa kaniyang mga kamao dahil sa inis na kaniyang nadarama. Bago na sila umalis ruon sa silid ni Moon.

💜💜💜

Samantala, sa ibang bahagi naman ng palasyo kung saan nanduruon naman ang grupo nina Moon na kasalukuyan ngayong silang naguusap usap.

"Moon hindi namin nakita't nabasa ang liham kaya naman ay nais lamang sana naming malaman kung ano ba talaga ang nakita at nabasa mong mensahe na nakasaad sa liham?" Tanong ni Blood.

"Bakit? Kayo ba'y hindi naniniwala at nagtitiwala sa kung ano man ang sinabi ko kanina?" Balik na tanong ni Moon.

"Hindi naman sa gayon. at hindi rin naman sa wala kaming tiwala sa iyo Moon at hindi kami nagtitiwala at naniniwala sa iyo.. ngunit ako'y may pakiramdam na iba ang sinabi mo kanina sa tunay na nakasaad sa liham at hindi talaga iyon ang nakasaad duon. Dahil akin ring napansin at nahalata na hindi at wala kang balak ipabasa at malaman ng grupo nina Dark at na nililihim mo sa kanila ang kung ano mang tunay at totoong nakasaad duon sa liham na iyon." Sambit naman ni Bad.

"Tama ka naman riyan sa hinala mo Bad. Para saan pa't makakasama, makakaibigan at makakapatid ang turing natin kung hindi mo ako kilala? Tama ka. Hindi nga iyon ang tunay na nakasaad sa liham." Tugon naman ni Moon sa sinambit ni Bad.

"Eh kung gayon, ano ang tunay at totoong nakasaad duon?" Tanong naman ni Night.

"Ang totoo. at tunay. na nakasaad sa liham ay.... hindi tunay at totoo ang mga sinabi ko kanina na sa atin lamang ipinamana at ipinamahal ng mahal na Hari ang buong kaharian ng Jeoson. Dahil... ang tunay at totoong nakasaad duon ay--" At naputol ang dapat sana'y sasambitin ni Moon ng may biglang magsalita.

"Dahil ang tunay at totoong nakasaad sa liham ay.. hindi lamang sa inyo ipinamana at ipinamahal ng mahal na Hari ang buong kaharian ng Jeoson. dahil ang hilagang parte ng Jeoson ay kayo ang mamumuno ngunit kami naman ang mamumuno, mamahala at magmamana ng isa pang kabila at kanlurang bahagi ng kaharian na ito ng Jeoson." Biglang singit naman ni Dark kasama ang mga kasamahan nito na matatalim na ngayon ang tingin sa grupo ni Bad at mga kulay green na ang mga mata ng mga ito. senyales na handa na silang magtransform sa ano mang oras sa pagiging lobo.

Napatayo naman si Moon habang nanlalaki ang mga mata nito ngunit kaagad din iyong napalitan ng isang nakakaloko ngisi. Habang napatayo din naman ang grupo nina Moon saka tumalim din ang kanilang mga tingin sa grupo nina Dark at nagsimula ng lumabas ang kanilang mga pangil at matitilos na mga kuko.

"Oh! Nandyan ka pala at iyon pa lang narinig ang aking mga sinabi. Oh eh? Ano naman ngayon, kung iyong narinig at nalaman ang buong katotohan?" Maloko at nang-aasar na sambit ni Moon.

"Anong ano naman ngayon? Bakit ka nagsinungaling? Bakit ka nagsinungaling sa'min? Bakit ka nagsinungaling na hindi kami kasali sa mamahala at magmamana nitong kaharian? Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Ibig mo bang angkinin na lamang itong buong kaharian. Akala ko pa naman ay kaibigan at kapatid ka namin, yun pala traydor ka!" Asik at bulyaw ni Dark kay Moon at 'agad itong sinugod at hinawakan ito sa kwelyo nito.

"Iyong bantayang mabuti ang mga salitang lumalabas mula diyan sa bibig mo. sa iyo pa talaga nang-galing ang salitang 'Traydor'? Ano naman sa iyo kung nagsinungaling ako at hindi ko sinabi ang buong katotohan sa inyo? Nalaman niyo pa din naman, hindi ba? At ano pa bang iki-naiinit ng ulo mong gago ka?! At bago mo sabihin traydor kami at nagtraydor kami sa inyo, alamin nyo muna kung hindi rin ba kayo ganuon sa amin. Bukod duon simula ng mamatay ang mahal na Hari hindi na tayo makakaibigan at higit sa lahat hindi na namin kayo itinuturing na mga kapatid namin." Matalim ang tingin naman sambit ni Moon.

"At iyon ang pagkaka-mali ko. ang nagtiwala at tinuring ko pa kayong kaibigan at higit sa lahat ang maging kapatid. tara na. wala na tayong gagawin pa rito." Huling asik at sambit ni Dark kay Moon bago na niya tinanggal at binitawan si Moon mula sa pagkaka-hawak nito sa kwelyo ni Moon at inaya ang mga kasama saka na tuluyang umalis.

💜💜💜

Note: At iyan na nga po iyon. ipag-paumanhin ninyo at pasensya na kung ito lamang ang aking nakayanan at hanggang dyaan na lang muna ang kabanatang ito at kung nakaka-bitin at bibitinin ko na naman kayo at kung maikli. Dahil sa susunod na kabanata ko na lamang na naman ipagpapa-tuloy ang naudlot na pang-yayari sa kabanatang ito.

Anyway, kung inyong mapapansin. mas madaming eksena o dailogo si Moon sa story pero hindi lang po si Moon at Dark ang main cast ng story na ito. Kung hindi ay kasama din po yung mga kagrupo nila. And sobra po bang sama ng ugali ni Moon rito? Haha! Sorry na sa gumaganap kay Moon na si RM Oppa, beybe at sa mga Namjoonie Stan there. Pasensya na talaga. Pero mabait talaga 'yang beybe ko na 'yan! 'Di ba armys? Yiee! ♡_♡

Hit the ☆ icon for votes, leave comments on the comment box and share below to recommend this story to others.

Thank you And P💜rple Heart Means I P💜RPLE U 🙆 Bye for now. See you on my next update!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top