Kabanata 2

Kabanata 2 Tensyon

"Kuya Dark? Kuya Dark gising ka pa ba?" Tanong ni Winter. Habang nasa tapat siya ng pintuan ng silid ni Dark at kumakatok ito duon.

Kaagad naman siyang pinag-buksan ni Dark ng pintuan ng silid nito. "Oh Winter? Bakit? Ano ang iyong kaylangan?" Tanong nito dito.

"May kaylangan kayong malaman nina Kuya. Pero bago ko iyon sabihin at ipaalam sa iyo ay kaylangan muna nating masigurong walang makakaalam at makakarinig ng ating paguusapan at ng aking sasabihin sa iyo." Mahina at pabulong na turan naman ni Winter. Habang lumilingo lingon pa sa paligid nito. At kaagad namang napakunot ng noo si Dark dahil sa sinabi na iyon ni Winter.

"Sige. pumasok ka muna rito sa loob ng aking silid." At pinapasok naman muna niya si Winter sa loob ng kaniyang silid at pumasok naman kaagad ito bago nito isinara ang pinto. "Ano ba iyon? Ano ba ang iyong nais na malaman namin?" Tanong pang muli ni Dark kay Winter.

"Aking napag-alaman at narinig kanina ang paguusap ng grupo nina Kuya Moon. At tayo ang kanilang pinag-hihinala at pinag-bibintangan na gumawa sa pagpaslang sa mahal na Hari." Kumunot naman lalo ang noo ni Dark dahil sa kaniyang nalaman at sinabi pa ni Winter.

"Imposible. imposible ang iyong mga sinasabi na pagbintangan nila tayo. hindi nila iyon magagawa sa atin. Matalik natin silang kaibigan simula bata pa lang at sama sama tayong kinukupkop at itinuring na parang mga tunay na anak ng mahal na Hari. At itinuring din natin sila bilang ating mga parang tunay na mga kapatid kung kaya't hindi ako basta basta naniniwala sa iyong mga sinasabi." Hindi naman pagsang-ayon ni Dark sa sinasabi ni Winter.

"At sa tingin mo ako pa ngayon ang hindi nagsasabi ng totoo sa iyo? Tayo ang magkakalahi rito kung kaya't dapat tayo ang higit na nagtitiwala sa isa't isa kaysa sa kanila. Mga bampira sila at kahit na kaylangan hindi mo mababago ang katunayan na magkaiba ang lahi natin at lahi nila. kahit pa itinuring natin ang bawat isa na bilang magkakapatid at hindi kaiba sa isa't isa sa loob ng mahigit dekada ng taon. Kung ang mga tao ngang iyon na kasama rin natin nabuhay at nanirahan dito at kinupkop din sila ng mahal na Hari, ay nagawa niyang ipadakip? tayo pa kaya na hindi nila kauri at itinakda ang mga bampira at lobo bilang magkaayaw. Ang talikuran at magawa nilang traydurin?" Bahagya namang natigilan at napaisip naman si Dark sa sinabing iyon ni Winter.

"Bukod duon narinig ko rin kanina ang balak nila na lihim nila tayong mamanmanan upang makahanap sila ng patunay laban sa atin na may kinalaman tayo sa pagkamatay ng mahal na Hari." Sambit pang muli ni Winter.

"Kung gayon, ano ang iyong iki-natatakot? Wala tayong dapat na ika-takot at ika-bahala dahil wala naman tayong ginawa at ginagawang masama at kinalaman sa bagay na iyon. Kaya't wala rin naman sila makikitang patunay laban sa atin." Sagot naman ni Dark kay Winter.

"Ngunit kahit na ganuon ay wala pa rin tayong kasiguraduhan at hindi pa din tayo nakasisiguro sa balak nilang gawin sa atin." Muling turan ni Winter.

"At wala pa rin tayong dapat na ika-pangaba ngunit hindi rin tayo maaring magpaka-kalma sa ngayon. Lalo na ngayon na alam na natin na pinag-hihinalaan at pinag-bibintangan na rin nila tayo. Isa lang ang nasisiguro ko ngayon. Hindi na tayo dapat na magtiwala pa sa kanila." Huli naman pahayag at linyahan ni Dark. Bago na natapos ang kanilang paguusap.

💜💜💜

Kasulukuyan sila ngayon na nasa harap ng hapag-kainan, habang may mga mapag-matyag at mapang-husga na silang tinginan na ipinapataw sa isa't isa ngayon habang sila'y kumakain ng hapunan.

Nang biglang umayos at tumuwid sa pagkakaupo niya si Moon. "Ehem!" Pagkuha nito sa atensyon ng lahat na kaniya namang nakuha. "May nais lamang akong sabihin. Maari ba?" Tanong ni Moon.

"Maari naman. Ano ba ang iyong nais na sabihin?" Tanong naman ni Dark sa pagasa ito ay tungkol sa pagpaslang sa Hari. at na nais ding malaman ni Dark kung totoo ang sinasabi ni Winter na pinag-iisipan sila ni Moon ng masama sa salang pagpaslang sa Haring sik.

"Nung.. nung gabi kung kaylan nangyari na namatay ang mahal na Hari. Sa aking pagkaka-alala o pagkaka-tanda sa mga nangyari ng gabing iyon bago tayo magsama sama sa hapag-kainan at matapos ng laban ay ipinaalam natin ang ating naging tagumpay muli laban sa bilang ng mga kalaban sa mahal na Hari. At isa isa tayong nagtungo sa kaniyang silid upang isa isa niyang batiin at kausapin tayo tungkol sa naging laban." Pahayag ni Moon.

"At anong meron sa bagay na iyon? Bakit mo ito sinasabi sa amin ngayon? Wag ka ng magpa-ligoy ligoy pa. kami ay diretsuhin mo na sa kung ano ang iyong nais sabihin." Tugon din naman ni Dark.

"Kung gayon, hindi na ako para magpaligoy ligoy pa. At ang nais kong sabihin at malaman mula sa inyo ay kung may kinalaman ba kayo sa pagkamatay ng mahal na Hari?" Tugong muli ni Moon. Dahilan para mapaayos naman ng upo niya si Dark saka bahagyang nagtaas ng dalawang kilay. Dahil sa nakumpirang dahilan na nais malaman ni Moon.

"At bakit mo naman naisip ang bagay na 'yan na may kinalaman kami sa pagkamatay ng mahal na Hari? Bukod duon, Bakit naman namin iyon gagawin? Ano naman ang iyong naiisip na magiging motibo namin sa pagpaslang sa kaniya?" Tanong ni Dark.

"At iyan din ang magiging tanong ko sa iyo. Ano ang maari naming maisip para isipin naming maari niyong maging motibo at para magkaroon kayo ng kinalaman sa pagpaslang sa mahal na Hari?" Balik na tanong naman ni Moon kay Dark.

"Wala. Ang sagot ko sa kung ano mang hinala, bintang at iniisip mo tungkol sa amin sa bagay na 'yan, ay wala. Dahil wala naman talaga kaming magiging motibo at kinalaman sa pagpaslang sa mahal na Haring Sik kung iyan ang iniisip mo." Tugon naman ni Dark.

"Sana nga. sana nga ay tunay ang iyong sinasabi. Dahil kahit pa pare-pareho man tayong pumasok sa silid ng mahal na Hari ng araw at gabing iyon. May nagiisa pa rin sa atin at na nasisiguro ko na isa sa myembro ng grupo niyo ang huling pumasok duon." Sambit ni Moon na wari ba ay may nais na ipahiwatig at iparating sa mga salitang kaniyang sinambit.

"At nasisiguro ko din na wala sa amin ang nagtraydor sa Hari at ang may kayang gumawa ng bagay na iyon sa kaniya." Balik na sambit din naman ni Dark.

Tumango na lang naman si Moon. "Sana nga. nawa'y sana nga'y tunay ang iyong mga sinasabi." Sambit pa muli ni Moon.

"Nakasisiguro akong tunay ang aking mga sinasabi." At nagsukatan sila ng tingin. Bago na natapos ang tensyon na namumuo sa hapag-kainan.

💜💜💜

Matapos ang hapag-kainan at ang magkainan ay kasulukuyan naman ngayong nagtitipon tipon ang grupo nina Dark sa silid nito para duon sama samang mamahinga. at habang sila'y namamahinga ng biglang magsalita si Dark.

"Sa tingin ko ay hindi na nga talaga natin sila dapat na pagka-tiwalaan pa. Sa paraan pa lamang ng pagtingin at tono ng pananalita ni Moon kanina habang magkausap kami. ay halata ko ng may ibang ibig siyang ipahiwatig sa mga tingin at salita niyang iyon kanina." Biglang sambit nito. Habang tulala sa kawalan at pawang wala sa sariling katinuan at wisyo.

"Baka nga sa mga oras na ito ay umiisip na sila ng paraan para saksakin tayo patalikod." Biglang sambit naman muli ni Brown.

"Maaring tama si Brown. Baka nga sa mga oras na ito ay umiisip na nga sila ng paraan para saksakin tayo ng patalikod. Ngunit bago pa man mangyari iyon ay kaylangan na nating maghanda at nang sa ganon ay mapag-handaan na natin ang kung ano man ang maari nilang binabalak na sa ngayon." Sambit namang muli ni Black.

💜💜💜

~Kinabukasan~

Maaga pa lang ay wala na sa kaharian ang grupo nina Dark, dahil may kinailangan silang puntahan sa bayan ng Jeoson. At kaya naman ito naman ang naisip na pagkaka-taon na ng grupo nina Moon upang humanap ng patunay laban sa grupo nina Dark tungkol sa usapin sa pagkamatay ng Hari.

Kasalukuyan ngayon na nasa silid ni Dark si Moon at habang iba pang myembro naman ng grupo nina Moon ay nasa silid ng iba pang myembro at kagrupo ni Dark. Nang maya maya naman ay biglang dali dali at nagmamadaling pumasok sa loob ng silid ni Dark si Night kung nasaan nanduon si Moon.

"Moon! Moon tingnan mo 'to. tingnan mo kung ano itong nakita ko sa silid ni Grey." Nagmamadaling sambit nito nang nagmamadali rin itong pumasok sa silid ni Dark. Sabay pakita at abot kay Moon ng isang maliit na lalagyan.

"Ano iyan? Ano ito? Anong nilalaman ng lagayang ito?" Nagtataka naman tanong ni Moon ng abutin na niya ang maliit na lagyan.

"Hindi ko pa alam ang nilalaman niyan dahil hindi ko pa nabubuksan. Ngunit ako'y nakasisigurong iyan na ang hinahanap nating patunay kaya't buksan mo na." Sambit muli ni Night. At kunot noo na naman iyong binuksan ni Moon. "Ano ang nilalaman?" Paguusisa na tanong ni Night. Na nagpaigting naman ng panga si Moon. Bago na inilabas nito ang nilalaman ng maliit na lagyan.

"Lason?" Gulat na lamang na sambit ni Night.

"Sinasabi ko na ba!" Nagpipigil ng galit at sigaw na mariing sambit ni Moon. at kasabay naman nuon ay ang pagdating ng iba pa nilang kasamahan nang marinig ng mga ito ang pigil na sigaw ni Moon.

Maya maya naman ay nakarinig na sila ng mga maiingay na boses.

"Nandiyan na sila. Tara na. Baka maabutan pa nila tayo." At saka na sila nagsi-alisan at lumabas ng silid ni Dark.

💜💜💜

Note: So?! Pasensya na, kung akin na munang puputulin at bibitin pansamantala kayo rito. at pasensya na rin kung maikli ang kabanata na ito. Well, dahil sinadya ko talagang putulin at bitinin muna kayo rito dahil para maka-gawa ako ng marami pang kabanata at para sa iba ko namang kabanata ilalagay yung magiging sana'y katugtong pa nito. So that's it.

Hit the ☆ icon for votes, leave comments on the comment box and share below to recommend this story to others.

Thank you And P💜rple Heart Means I P💜RPLE U 🙆 Bye for now. See you on my next update!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top