Kabanata 14
Kabanata 14 Kapatawaran
Nanlalaki naman ang mga mata ni Haring Yoo sa gulat nang makita nito ang lalaking tinutukoy ni Moon.
Ito ay si Alyas.. na siyang kanang kamay at utusan ni Haring Yoo.
"Nakikilala mo ba siya?!" Pasigaw na tanong ni Moon.
"H-hindi.. h-hindi ko siyang kilala.." Nangangatal na sambit ni Haring Yoo.
"Sinungaling! Huwag ka ng magkaila pa. Dahil huling huli ka na. Ilang araw ang nakakalipas sa hindi inaasahang pagkakataon. nakita ka ni Luis na may inutusan kang ibang nilalang upang paslangin siya nang malaman mo na anak mo si Dark. Dahil alam mo na siya ang nakakaalam ng lahat! siya ang may alam na balak mo kaming pagawayin ang grupo namin at ni Dark nang sa ganun ay kapag nagaway kami ay magpapatayan kami. kakalabanin namin ang isa't isa! at kapag napatay namin ang isa at ang iba pa naming kasamahan. ikaw naman ang papatay sa isa pa at nang sa ganun ay mangakin mo ang kaharian ng sila at ng Jeoson. at kapag nagkataon, na ikaw ang hihirang Hari sa dalawang kaharian ng Sila at Jeoson. Ikaw din ang kikilalaning maghahari sa buong mundo at aalipinin mo ang lahat ng mga nilalang na nabubuhay sa buong panig ng mundo!" Galit na salaysay ni Moon.
"At para hindi magalit si Dark sa iyo sa sandaling malaman niya ang pinag-gagawa ng ama niya ay pinagtangkaan mong paslangin siya. Ngunit dahil nakita ka nga ni Luis ng gabing iyon na may kausap at may inutusan ka upang paslangin siya. ay kaagad kaming naghinala kaya't sinundan ka namin at nakita namin ang takang pagpaslang sa kaniya ngunit napigilan namin iyon. at dahil sa pagtatangka mo sa buhay niya kaya't napagdisisyunan niyang kung mamatay siya ay magsasalita na siya bago pa mahuli ang lahat...." Tuloy pa nito.
Nakakuyom naman ang mga kamao at nanlilisik ang mga mata ni Haring Yoo na nakatingin kay Moon at kay Alyas pati na rin sa mga nanduruon na naguumpisa ng pagusapan siya.
"Ama...?" Tila ayaw pang maniwalang tawag ni Dark sa Ama.
"H-hindi Dark.. h-huwag maniwala sa kanila.." Sambit naman ni Haring Yoo. "Nagsisinungaling lamang siya... sinungaling siya!" Sigaw pa nito.
"Manahimik ka! sa pagka't ikaw ang nagsisinungaling rito!! sinabi ko na kay Moon ang totoo! Dapat kang parusahan! ikaw dapat ang mamatay!!" Sigaw naman ni Alyas.
"Ikaw ang manahimik! Dahil ikaw ang sinungaling rito! Kaya dapat kang dakpi--" Sambit pa ni Haring Yoo na pinutol na ni Moon nang magsalita ito.
"Ikaw ang dapat dakpin! Kaya sige na! Dakpin siya at ikulong!" Pasigaw na utos ni Moon at na kaagad naman sinunod ng mga kawal at pumunta ito palapit kay Haring Yoo at mabilis ito hinawakan sa braso.
"Bitawan niyo ako! Sinungaling ang lalaking 'yan! Nagsisinungaling siya! Siya dapat ang dakpin niyo! Pakawalan niyo ako! Wala akong kasalanan!" Sambit pa ni Haring Yoo habang pilit na kumakawala sa mahigipit na pagkakahawak sa kaniya ng mga kawal.
"Sige na dalhin na iyan!" Utos pa muling ni Moon na sinunod lang muli ng mga kawal saka na nila hinila si Haring Yoo paalis duon.
"Ama!!" Sigaw naman ni Dark.
"Dark!! Hindi ako pwede makulong! Gumawa ka ng paraan!" Sigaw pa ni Haring Yoo bago na siya tuluyang madala at mahila paalis sa lugar na iyon.
"Dark.. wag mo nang tangkain pang tulungan ang masama mong ama. Dahil kung hindi ay malalagay ka lamang din sa kapahamakan na dala niya. at kung ayaw mong malagay sa kapamahakan at hatulan din ng kamatayan." Sambit ni Moon. "Tara na." Aya na nito sa mga kasamahan. saka tumalikod na pero bago pa sila makaalis nang pigilan sila ni Dark at magsalita ito.
"Sandali... kamatayan ba ang ihahatol kay Ama?" Tanong ni Dark. Lumingon naman si Moon.
"Kung hindi niya magagawang aminin ang kasalanan niya ay maaring iyon ang kahantungan niya. Ngunit kung aamin siya ay maari pa siyang mailigtas sa hamon ng kamatayan. Yuon lamang ang tanging paraan. walang ibang sino man ang makakatulong sa kaniya. hindi ikaw o kahit na sino pa mang magtatangkang tulungan siya ang makakatulong sa kaniya kung hindi ang sarili lamang mismo niya. ang pagamin lamang niya ang tanging susi sa kalayaan na gusto niyang makamit." Seryoso namang sambit ni Moon. saka na ito tumango sa mga kasamahan nito at tumalikod na sila saka tuluyan ng umalis. Naiwan naman tulala ruon si Dark.
💜💜💜
"Nasaan ang Ama ko...?" Tanong ni Dark sa mga kawal na nakabantay sa labas ng bilangguan.
"Sumunod po kayo sa akin." Sambit naman ng isa sa mga kawal. saka nito sinamahan si Dark papasok sa loob ng bilangguan. kasama ang isa pang kawal. Kasalukuyan na ngayon tinatahak ni Dark ang madilim na eskinita sa loob ng bilangguan sa loob ng palasyo.
"Ito na po." Sambit ng isa sa mga kawal nang huminto na sila sa isang madilim na selda. Tumango lamang naman si Dark sa dalawang kawal at ganun din naman ang mga ito saka na sila lumayo ng kaunti lamang. Ngunit hindi sila umalis dahil baka patakasin at tumakas ang bilanggo.
Huminga muna ng malalim si Dark bago siya magsalita. "Ama..?" Tawag nito sa Ama.
"Anong ginagawa mo rito...? Pagkatapos mong hayaan na lamang ako na dalhin nila dito.. nandirito ka upang alamin ang kalagayan ko. o baka naman nandirito ka at naparito upang pagtawanan ako..? Dahil sa sinapit ko." Mahinahon ngunit mababakas ang panunumbat sa tono ng boses na sambit ni Haring Yoo.
"Ama.. hindi. nandirito ako upang.. upang tulungan ka... ngunit magagawa ko lamang iyon sa tulong mo at kung matutulungan mo rin akong tulungan ka... magtulungan tayo. Ayaw kong pabayaan ka rito. at hindi ko gustong pabayaan kang nandirito. kaya.. pakiusap.. ang sabi sa akin ni Moon, maari ka lamang makalabas rito at makakalabas ka lamang rito kung aamin ka, Ama... sa iyong kasalanang nagawa." Sambit ni Dark.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong wala nga akong kasalanan!" Galit na sigaw ni Haring Yoo.
"Kung hindi ka aamin Ama. hindi ka makakalabas rito." Sambit pa nito.
"Umalis ka na! pabayaan mo na lamang ako rito." Sambit naman ni Haring Yoo. Natahimik naman si Dark at napahinga na lamang siya ng malalim saka bago na ito umalis ruon.
💜💜💜
Isang linggo ang lumipas. at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha ni Dark ang simpatya ng kaniyang Ama na aminin ang kasalanang nagawa nito. Matapos din ng araw na kinusap ni Dark ang Ama ay hindi niya na muli itong nakausap dahil ayaw na nitong makipag-usap pa sa kaniya.
Hanggang sa dumating ang araw na hahatulan na ng ika-taas taasang hukuman ng palasyo si Haring Yoo. Kasalukuyan sila ngayon na nandirito at nagtitipon tipon halos lahat ng nakatura sa palasyo sa isang malawak na lupain sa palasyo upang dito litisin ang hatol laban kasalanang nagawa ni Haring Yoo.
"Ikaw. mahal na Haring Yoo na nagmula sa kaharian ng Sila ay nandirito sa hukuman sa palasyo ng Jeoson. ikaw ay kasalukuyang humaharap sa salang pagtatangkang pagpaslang at lasunin ang mga naninirahan rito at paslangin mismo ang iyong Ama na siyang yumaong Hari ng Jeoson. Sa kadahilanang nais mong mangakin ang dalawang kaharian ng Jeoson at Sila... ngunit hindi mo pa ito inaamin. totoo ba ang mga paratang nila sa iyo?" Pahayag at tanong ng puno taga-paglitis.
"Hindi!" Matapang na sambit ni Haring Yoo. Habang nakatali at nanlilisik pa ang mga mata nitong nakatingin sa mga tao, bampira't lobo na nanduruon.
"Ama..." Nagaalalang sambit naman ni Dark habang nakaupo sa bilang ng mga nanduruon na sinasaksihan ang nangyayari.
"Inuulit ko.. ito ba ay totoo?" Muling sambit at ulit pang muli ng taga-paglitis.
"Hindi." Muli naman sambit ni Haring Yoo.
"Sinungaling ka!" Biglang sigaw naman ni Moon sa gitna ng paglilitis. at nanlilisik pa ang mata nito.
"Manahimik!" Sigaw naman ng punong taga-paglitis. saka ito pumukpok. "Ngunit may nagsasabing totoo ito?" Tanong muli nito kay Haring Yoo.
"Pwes nagkakamali siya at nagsisinungaling lamang ang nilalang na iyon sa kaniyang mga sinasabi." Sagot naman ni Haring Yoo.
"Okay. ngayon naman ay pinapatawag ko ang nagsasabing ito na si Haring Yoo ang may kasalanan sa lahat ng ito." Muling sambit ng punong taga-paglitis. saka inilabas ang dalawang kawal at dala dala ng mga ito si Alyas. "Ikaw ba ang nagsabi na si Haring Yoo ang may kasalanan sa lahat ng ito?" Tanong muli ng punong taga-paglitis.
"Opo. ako nga po ang nagsabi at siya po nga po ang may kasalanan sa lahat ng ito. siya ang salarin at may pakana sa lahat ng nangyayaring ito. Nang malaman niya pong anak niya si Dark, bigla niya po akong pinagtangkang ipapatay. dahil alam ko po ang lahat ng kasamaan na ginagawa niya. ako po ang nakakaalam ng lahat dahil ako ang kanang kamay niya at kasama niya rin po ako sa mga plano niya. ako po ang utusan niya na ipautos sa iba ang lahat ng kagagawan niya. Balak po niyang pagawayin ang grupo nina Dark at Moon upang magpatayan ito. at nang sa ganun kapag nagpatayan at pinatay ng isa ang isa sa kanila, ay iisa na lamang po ang papatayin niya grupo at pagkatapos ay makukuha na po niya at maangkin ang dalawang kaharian ng Jeoson at Sila."
"Galit po siya kay Haring Sik na siyang Ama niya. at dahil ampon ng Ama niya ang dalawang grupong ito kaya naman sila ang pinaghihigantihan niya. at ito rin po ang motibo niya sa pagpaslang at paglason sa Hari ng Jeoson..." Pahayag nito.
"Ngunit wala ka pa ring patunay. wala kang patunay sa mga sinasabi mo. maaring sinisiraan mo lamang ako." Sabat naman ni Haring Yoo.
"Iyon ang akala mo. dahil lahat ng mga inutusan mong kawal ay hindi ko pinatay kagaya ng utos mo. at kung mamatay man sila ay pinasulat ko sa kanila lahat ng ginawa mo." Sagot naman ni Alyas.
"Ngunit hindi pa rin matibay na patunay iyon. Maaring tinakot mo lamang silang sulatin iyon." Sabat muli ni Haring Yoo.
"Nagkakamali ka. dahil bawat utos mo ay may saksi ako." Sagot naman muli ni Alyas. saka nagsi-labasan ang mga saksi nito at iisa lamang sila ng itinuturong may sala sa lahat...
"Siya ang may kasalanan!" Sigaw pa ng mga ito. Dahilan upang mapapukpok muli ang punong taga-paglitis.
"Ngunit hindi pa rin basehan ang lahat ng ito para idiin niyo ako. dahil maaring inutusan lamang kayo ng lalaking ito." Sabat naman ni Haring Yoo.
"Manahimik! Marami na ang nagsasabi.. kaya naman kung hindi ka pa rin aamin ay hahatulan ka na namin ng kamatay." Sambit ng punong taga-paglitis. Natigilan naman si Haring Yoo, samantalang napasinghap naman ang mga tao at nanlaki sa gulat ang mga mata ni Dark.
"Ama! hindi maari!" Sigaw ni Dark.
"Totoo ba ang iyong sinasabi?" Muling tanong ng punong taga-paglitis. Hindi naman sumagot si Haring Yoo. at muling inulit naman ng punong taga-paglitis ang tanong nito. "Inuulit kong muli. Totoo ba ang iyong mga sinasabi?" Muling hindi sumagot si Haring Yoo.
"Ama!" Sigaw naman ni Dark at napatayo na ito at parang gusto na nitong tumakbo papunta kay Haring Yoo ngunit pinigilan siya ng mga kasamahan.
"Ikaw ay hinahatulan ko na ng kamatay." At pumukpok na muli ang punong taga-pagsilbi. Hinanda na naman ng mga kawal ang mga espada nila at tinutok ito sa leeg ni Haring Yoo. Napapalibutan ng mga kawal at espada si Haring Yoo at nakatapat ang mga espada sa leeg nito.
Nang akmang pupugutan na ng ulo si Haring Yoo ay kaagad na kumawal si Dark sa mga kasamahan at tumakbo ito papunta kay Haring Yoo...
"Dark!!" Sigaw ni Haring Yoo at nang mga kasamahan nito.
💜💜💜
Note: Mas pinahabang kabanata! Anyway! Next is Wakas na! and paspasan ko pang sinulat 'to kase gabi na po at masakit pa po ang ulo ko. dahil may sipon po ako. so ayon!!
Vote, Comment And Share. Thankiee! I Purple U All!! 💜💜💜😍
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top