Kabanata 13

Kabanata 13 Ama At Anak

Nang dahil sa gamot na binigay ni Haring Yoo kina Dark upang pigilan at pabagalin ang paghilom ng sugat na natamo ni Moon dahil sa laban. Ay hindi pa din ito magaling. Buti na nga lamang at nadala kaagad si Moon sa manggagamot dahil kung hindi ay marahil sa mabagal na paghilom ng sugat ni Moon ay wala na itong dugo at buhay.

Ngunit dahil nadala naman siya kaagad ay kaya nalunasan kaagad ang ipinainom sa kaniya ni Dark na pamigil ng paghilom ng sugat. Yun nga lamang ay matagal ang kaniyang paggaling. At ngayon nga ay naisaayos na nina Dark ang buong kaharian ng Jeoson. Muli niyang pinapaayos ang mga nasirang pader ng malaking tahanan ni Haring Sik kung saan na sila ngayon tumutuloy. Isinasaayos na rin niya ang mga nasirang gusali at ang mga nasaring daanan pati na rin ang mga nagkalat pang parte ng mga istablesyemento at iba pa. Malinis na rin ang paligid. Kasalukuyan na lamang na mga nagpapagaling ang mga nakatira ruon.

Kasalukuyan ngayon na kumakain ng umagahan ang grupo nina Dark kasama sina Haring Yoo, Grace at Shin, sa tahanan ng Haring Sik.

"Dark gusto lamang sana namin kayong makausap? May nais lamang sana kaming sabihin sa inyo." Mahinahong sambit ni Haring Yoo na nasa dulo ng mesa. Habang katabi naman niya si Shin sa kaliwa at si Grace naman na nasa kanan nito. Habang katabi naman ni Shin si Dark kaliwa at katabi naman ni Grace at kaharap ni Dark si Black. Habang si Brown at Grey naman ang magkaharapan at katabi naman ni Grey si Winter.

"Sige po. ano po ba iyon? ano po bang nais ninyo sabihin sa amin..?" Magalang namang tugon ni Dark.

"May dapat kang malaman." Sambit naman ni Grace.

"Ano po iyon?" Takang sambit naman ni Dark.

"Grace ikaw na ang magsabi sa kaniya." Tango naman ni Haring Yoo kay Grace at tumango rin naman ito sa kaniya saka tumingin kay Dark.

"Dark..." Sambit nito sa pangalan ni Dark. saka pa ito tumingin saglit kay Haring Yoo at saka bago bumalik ang tingin nito Dark. "Hindi na ako para magpaligoy ligoy pa dahil ang totoo.. ang totoo ay hindi ka talaga tunay na isa sa mga ampon ng mahal na Hari. Dahil.. dahil kadugo ka niyang tunay... Anak ng mahal na Hari si Haring Yoo. kapatid at anak din ng mahal na Hari si Shin. at.. at apo ka ng mahal na Hari. dahil.. dahil anak ka ni Haring Yoo." Sambit ni Grace. Dahilan upang mapasinghab ng malakas ang mga kasamahan ni Dark at nanlalaki dahil sa gulat ang kanilang mga mata. gayun din si Dark.

"A-anak po ako ni.. ni Haring Yoo..? at lolo at apo po ako ng mahal na Haring Sik?!" Gulat at hindi makapaniwalang tanong pa nito.

"Oo. oo anak kita at ama mo ako. Lolo at apo ka ng aking ama na si Haring Sik." Sambit naman ni Haring Yoo.

"Ama..." Sambit ni Dark.

"Ngunit hindi lamang iyon ang katotohanan na aking sasabihin." Pagputol naman ni Grace sa eksena ng magama.

"Ano pa pong katotohanan?" Usisa ni Brown.

"Ito ay patungkol naman sa nawawalang anak mo, Shin..." Sambit ni Grace at binalingan ng tingin si Shin.

"Ano naman ang tungkol sa aking anak? Nasaan siya Grace?" Seryosong sambit ni Shin. "Sino siya? Gusto ko siyang makita?" Sambit pa nito. Tiningnan lamang naman ni Grace si Shin. Bago saka na ito nagsalita.

"Paparating na sila..." Sambit ni Grace at kasabay ng pagdating ng grupo nina Moon. Ngunit wala at hindi kasama ng mga ito si Moon na hanggang ngayon ay nagpapahinga pa.

"Punong taga-pagsilbi bakit sila naririto? at sino sila? bakit ninyo kami pinatawag rito?" Sunod sunod na tanong naman ni Blood.

"Hindi na ako para magpaligoy ligoy pa. Halika kayo rito. lumapit kayo. lalo ka na..." Sabay turo nito kay Luis.

"Luis.. panahon na para malaman mo ang buong katotohanan. Hindi ka talagang tunay na isang ampon ng mahal na Haring Sik. Pinsan mo si Dark at siya si Haring Yoo, anak siya ng mahal na Hari at kapatid naman niya si Shin na siyang iyong tunay na ama." Pahayag ni Grace. Nanlalaki namanang mga mata ng mga kasamahan ni Luis dahil sa gulat at ganun din siya.

Saka ito bumaling nang tingin kay Shin. tumayo naman si Shin at lumapit kay Luis saka ito niyakap. samantalang, nakatulala lamang si Luis habang yakap yakap siya nito.

"Nahiwalay kayo sa tunay niyong mga ama nang dahil sa isang sunog sa nakalipas ng panahon. naiwang nakikipag-laban nuon si Yoo sa mga nagpanimula ng sunog at gulo. Habang lumilikas naman nuon si Shin kasama kayong dalawa, Luis at Dark pati na rin ang inyong mga ina at si Haring Sik. Ngunit sumunod ang ina ni Dark kay Yoo sa digmaan dahilan upang lamunin siya ng apoy sa baryo na nasusunog na ng mga oras na iyon. Habang nagkahiwalay at nahiwalay kayo ng mahal na Hari kasama at pati na rin kayong dalawa kina Shin at sa ina ni Luis na napilayan din ng mga oras na iyon dahil sa naganap na laban. kasama kayo ng mahal na Hari na lumikas at nagtungo pabalik rito sa kaharian. Habang nalayo naman sina Shin at ang asawa nito sa inyo ng mahal na Hari at nagtago upang hindi sila matuntonng mga kalaban ng mahal na Hari nuon na may galit rito. Alam ko ang lahat ng iyon dahil nanduruon ako ng mga oras na iyon. Saksi't napanuod at nakita ko ang lahat nangyari ng mga oras na iyon dahil kasama ako ng mahal na Hari nang maganap iyon." Salaysay pa ni Grace.

"Alam naming punong taga-pagsilbi ka na rito sa kaharian simula pa nuong bata pa ang mahal na Hari. Ngunit bakit hindi mo sinasabi ito sa amin at ngayon lamang?" Biglang singit ni Luis.

"Patawad at paumanhin kung ngayon ko lamang ito sinabi. naghahanap lamang ako ng tamang pagkakataon upang sabihin ang lahat ng ito sa inyo. sana ay maintindihan ninyo." Nakayuko namang sambit ni Grace.

"Okay. sige. nauunawaan ko..." Sambit muli ni Luis.

"Tapusin na natin ang pagpupulong na ito. Kaylangan natin magpapiging para sa muli naming pagsasama ng ating mga anak." Masayang sambit ni Haring Yoo.

"Ngunit.. ama.. ama.. sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon upang magsaya tayo." Sambit ni Dark.

"At bakit naman?" Tanong ni Haring Yoo.

"Sa pagka't ama, marami pa sa mga naninirahan rito ang sugatan at may iniindang sakit." Nagaalalang sambit ni Dark. "Kung maari po sana ay sa isang linggo na lamang po? Maari po ba ama?" Pakiusap pa nito. Hindi naman kaagad sumagot si Haring Yoo. ngunit tumango din naman ito bago nagsalita.

"Oh sige." Ngiti nito.

💜💜💜

Ilang araw at linggo na ang nakakalipas at kasalukuyan nga ngayon na busy ang lahat dahil nagaganap na papiging ni Haring Yoo. Kasalukuyan sila ngayon nagsasalo salo sa pagkain at inuman ganun din ang mga tao at iba pang bampira't lobo sa labas. Habang nagkukwentuhan.

At habang busy ang lahat, hindi naman mapakali si Luis at para itong balisa.

"Anak may problema ba?" Tanong ni Shin sa anak ng mapansin nito ang pagiging balisa nito. Ngumiling lamang si Luis sa ama ngunit parang itong may hinahanap.

Maya maya pa, sa gitna ng pagsasaya ng lahat. Nang biglang may nagsalita.

"Itigil ang kasiyahang ito!" Biglang sigaw ni Moon sa gitna ng mga tawanan ng lahat. Hindi pa ito gaanong magaling.

"At bakit naman?" Kaagad na sambit naman ni Haring Yoo.

"Ikaw! makinig kayong lahat nandirito! ang nilalang na ito ay isang kalaban. siya ang kalaban natin. Makinig kayo lalo ka na Dark. Napagalaman kong anak siya ng mahal na Haring Sik at siya ang iyong ama. pwes! ang iyong ama ay siyang kalaban natin na tinutukoy mo! Siya ang lumason sa mahal na Hari kaya't namatay ito! Pinatay niya ang mahal na Hari! Pinatay niya ang sarili niyang ama. Pinatay mo siya. mamatay ka!! at lahat ng nangyayaring kaaguluhan rito sa kaharian natin ay siya rin ang salarin. Siya ang naglagay ng lason at naglason sa inyo at ang nangyaring sunog ay siya rin ang may pakana!" Galit na galit na sambit pa ni Moon.

"Ama totoo po ba iyon?" Hindi naman makapaniwal na sambit ni Dark.

"Anak huwag kang makikinig sa kaniya. huwag kang maniniwala sa mga sinasabi niya. sinisira lamang niya tayo. gusto niya lamang ibaling sa akin ang mga kasalanan niya." Naiiyak na sambit pa nito.

"Sinungaling ka! Ikaw ang sinungaling at nagsisinungaling rito!!" Galit na sambit pang muli ni Moon.

"Manahimik ka! Wala kang patunay." Sambit naman ni Haring Yoo.

"Anong walang patunay? ipasok 'yan!" Galit na utos pa nito. at pumasok ang dalawang kawal na may bitbit na lalaki. Nanlalaki naman ang mga mata ni Haring Yoo nang makita nito ang lalaki.

💜💜💜

Note: Opss! itutuloy... ko sa susunod na kabanata.. hanggang dito muna. Medyo napahaba ang kabanata na ito ah! See you on the next chapter! -_>

Own The World Ang nalalapit na pagtatapos..

Vote, Comment And Share. Thankiee! And I Purple U All!! <333

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top