Kabanata 12
Kabanata 12 Katotohanan
"Una.. Sino ako? Ang pangalan ko ay Grace. Ako ang pinakabatang alipin nuon sa kaharian ng Jeoson at ang nagalaga kay Haring Sik mula pa nuong bata't maliit pa lamang siya. hanggang sa tumanda na siya at hanggang ngayon na nawala na siya ay ako ang naging punong taga-pagsilbi ng palasyo. Saksi ako kung paano dalawang beses na ikinasal nuon si Haring Sik sa dalawa magkaibang babae. Nagkaron siya ng dalawa lalaking supling sa magkaibang babae na iyon. at kayo ang mga supling na iyon. saksi rin ako sa naganap na sunog sa nakalipas ng panahon. kung paano nalayo si Haring Sik kasama ang dalawang bata sa inyo ng asawa mo Shin. Nanduruon ako. saksi rin ako kung paano sumunod ang asawa mo, Sik sa iyo sa laban at mamatay siya sanhi ng sunog at maiwan ka naman na nakikipag-laban. Lahat ng iyon ay saksi ako at naruon ako't napanuod at nakita ko lahat ng nangyari." Salaysay ni Grace. Ang punong taga-pagsilbi.
"Ngayon nasa anak namin?" Kalmadong sambit ni Shin.
"Nang mawalay ang mahal na Hari sa inyong magasawa, Shin. Bumalik rito sa palasyo si Haring Sik kasama ang dalawang bata. Sa paglipas ng panahon naging tuluyan ng mga kawawang tao, bampira at lobo ang palasyo. ngunit may sampung bata ang wala ng mga magulang. ang anim sa kanila ay mga bampira samantalang apat naman ay mga lobo. inampon iyon ng mahal na Hari." Sambit pa ng taga-pagsilbi at napatigil ito sa pagsasalaysay ng magsalita si Haring Yoo.
"Sandali. May inampon si Ama na sampung bata nuon? Ngunit pito sina Moon at samantalang lima naman sina Dark. Huwag mong sabihing...?" Hindi na natuloy ni Haring Yoo ang sasabihin nito. Nang tumatangong nagsalita muli si Grace.
"Oo. isa sa kanila ang anak ninyo." Sambit ni Grace. at magsasalita pa sana ito ng bigla namang magsalita si Shin.
"Sino sa kanila?" Tanong ni Shin.
"Ang mga anak niyo.. ang pangalan nila ay... si Luis ang anak ni Shin at si Dark naman ang pangalan ng anak ni Yoo..." Sambit ni Grace. Dahilan upang matigilan si Haring Yoo.
"Nasaan sila..?" Tanong ni Shin.
"Hindi ko batid kung nasaan sila ngayon." Tugon ni Grace.
"Nandirito sila... nandirito lamang sila. Nagtungo rito ang grupo nina Dark upang puntahan ang grupo nina Moon." Sambit naman ni Haring Yoo. "Tara na. kaylangan nating alamin kung nasaan sila. kaylangan natin silang puntahan." Sambit pa nito.
"Mabuti pa nga. ngunit kaylangan nating maghiwalay upang mas mapadali natin ang paghahanap sa kanila." Sambit naman ni Shin. at tumango naman si Haring Yoo bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
"Tutulong din ako." Sambit naman ni Grace at nagtanguan sila.
"Tara na. Dito ako." Sambit pa ni Haring Yoo at tinuro ang kaliwang direksyon. "Dito ako." Sambit naman ni Shin at tinuro naman nito ang kanang direksyon. "Sige. Dyan kayo. Dito naman ako." Sambit naman ni Grace saka na sila nagtanguan lang muli bago sila naghiwa-hiwalay at nagtungo sa kani-kanilang direkyson.
💜💜💜
Samantala, kasalukuyan naman ngayon naghaharap ang grupo nina Moon at Dark sa lugar kung nasaan sila ngayon.
"Hindi pa rin ako naniniwala sa inyo. Mga sinungaling! Magtutuos tayo." Sambit ni Moon saka niya ibinaba sa gilid ang akay akay niya at ganuon din ang ginawa ng mga kasamahan nito. Saka sila muling nagharap harap ng grupo nina Dark para muling maglaban... at saka bago na ito sumugod papunta kay Dark.
Kaagad naman hinarangan ni Dark nng kaniyang espada ang espada ni Moon. Upang mapigilan at hindi ito tuluyang lumapat sa kaniya.
"Ano ba Moon?! Pakiusap. Nakikiusap ako. Tumigil ka na. Tigilan mo na ito! Itigil mo na ang kahibangan mo na ito!" Pakiusap pa ni Dark kay Moon.
"Anong itigil? Wala akong ititigil. Hangga't hindi kita napapaslang!" Madiin namang sambit ni Moon.
"Hindi ako ang dapat mong paslangin. May iba pa tayong kalaban na siyang mas dapat nating pagtuunan ng pansin at maaring siya ang dapat nating paslangin." Sambit ni Dark.
"Tama na ang satsat. Hindi ako naniniwala sa iyo. Kaya tatapusin na kita! Ha!" Sambit ni Moon saka siya humakbang paatras at muling sinugod ng espada niya si Dark. "Ha!" Nagtamaan muli sila ng espada.
"Moon.. nakikiusap ako.." Pagmamakaawa pa ni Dark. "Nakikiusap ako sa iyo. itigil mo na ito.." Sambit pa nito. Ngunit hindi naman nakinig si Moon at sinugod muli nito ng espada si Dark.
"Ha!" Natamaan si Dark sa tagiliran niya dahilan para dumugo ito. ngunit hindi rin naman nagtagal ay naghilom din ito ngunit muli siya ng dalawang magkasunod na hiwa ni Moon sa kaniyang tagiliran.
Tagas na ang dugo ni Dark at napahawak na rin siya rito. Dahilan upang mawala ang kaniya pansin kay Moon.
"Dark!" Sigaw pa ng mga kasamahan ni Dark na nakikipag-laban din sa iba pa. "Ha!" At muling sinugod siya ni Moon ngunit bago pa ito matuloy ay nahiwa na niya ng diretso sa tyan si Moon. Napaaray naman si Moon.
"Dark wag mo na siyang pagbigyan. Tuluyan mo na siya!" Sigaw ni Black habang nakikipag-laban ito kay Blood. "Dark! Ano ba?! Nakikiusap ako! Pagkakataon na natin ito!" Nakaluhod lamang naman si Dark habang nakayuko dahil na rin sa pagod. Ngunit kaagad din siyang napatunghay nang marinig niya ang sigaw ni Moon.
"Ha!"
"Paumanhin Moon. Kung gagawin ko ito. sa pagka't pinagbigyan na kita ngunit sa sandaling ito na pinilit mo ako ay oras na siguro para pagbigyan ko naman ang hangarin ng grupo namin."
Bulong ni Dark sa kaniyang sarili habang hinihingal pa siya. Panay naman ang sigaw ng mga kasamahan ni Dark sa pangalan niya at sinasabing tapusin na nito si Moon. At bago pa man makalapit si Moon kay Dark. may kinuha ito sa bulsan nito sa gilid at saka binuksan.
Nahinto si Moon sa harapan niya nang itulak ni Dark si Moon pahiga. at hinawakan ang pisngi nito saka pinainom nito ang binigay ni Haring Yoo na paraan upang hindi mabilis na maghilom ang mga bampira o ang grupo nina Moon kapag naglaban sila.
Ngunit kakaunti lamang ang napainom ni Dark kay Moon dahil madali at kaagad din siyang malakas na tinulak ni Moon palayo sa kaniya. Napahiga tuloy si Dark sa lupa at mabilis naman nakatayo si Moon saka niya mabilis na tinutukan si Dark.
"Katapusan mo na!! Ha!!" Sigaw pa ni Moon. Ngunit gumulong si Dark upang maiwasan niya ang espada. Tumusok ang espada sa lupa na mabilis naman hinugot ni Moon mula rito. Mabilis naman nakatayo si Dark at umikot ito sa likuran ni Moon saka mabilis na hiniwaan sa likod nito sa tagiliran si Moon.
Napaluhod naman si Moon dahil mas tumindi ang kirot ng sugat niya. Hanggang sa mapahiga na ito sa lupa. kasabay nuon ang pagdating ni Haring Yoo, sumunod namang dumating ay si Shin at sunod ay si Grace.
"Moon!" Sigaw naman ng mga kasamahan nito dahil upang matigil na ang laban dahil natuon na ang atensyon ng ibang myembro ng grupo kay Moon, na tila naghihingalo na sa sakit. "Moon anong nangyayari?" Umiiyak na sambit ng sambit Night. Dahil kahit si Moon ang pinuno ng grupo nila at si Blood naman ang matanda ay sila palagi ang magkasundo ni Moon sa lahat ng bagay..
"Magmadali kayo! Dadalhin natin siya sa malapit na pagamutan." Utos naman ni Blood at na kaagad naman ginawa ng mga kasamahan nila. Binuhat ng mga ito si Moon upang dalhin sa pagamutan.
Naiwan naman ruon ang grupo nina Dark na tahimik lamang at tulala.
"Anong nangyayari rito?!" Natataranta naman tanong ni Grace ng makalapit ito kina Dark.
"Tama ba ang ginawa ko? Tama bang naging makasarili ako sa pagkakataong ito at sinugatan ko pa siya?" Tulala naman tanong ni Dark. "Ginamitan ko siya ng binigay sa atin ni Haring Yoo na mamigil ng paghilom ng sugat. Tama ba na ginamitan ko siya nuon upang manalo sa laban namin at mapasa-atin ang kaharing ito..?" Sambit pa nito na parang nagsisi sa ginawa niya. Wala namang nagsalita para sagutin ang kaniyang mga katanguan.
💜💜💜
Note: Oh. sorry! but i already should cut this chapter here! Next chapter na tayo! -_> Please vote, comment and share every chapter of this story. Thankiee and I Purple U All!!♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top