Kabanata 11
Kabanata 11 Muling pagkikita
"Sige na po. aalis na po kami." Sambit pa nina Dark bago tuluyan ng umalis ng palasyo. Nang makaalis naman ang mga ito ay kaagad inutusan ni Haring Yoo ang ilan sa kaniyang mga kawal na maghanda upang sundan nila sina Dark papunta sa kaharian ng Jeoson.
Nang makarating sila ruon ay naabutan nila kung ano ang nangyari at nangyayari ruon. Naglakad lakad pa sila upang libutin ang paligid at suriing mabuti ang hitsura na nito. Ngunit maya maya pa, sa kalagitaan ng kanilang paglilibot. ay nang mapansin ni Haring Yoo ang isang nakaitim na pigura ng tao na dumaan sa kaniyang gilid.
Kaagad siyang napalingon rito at kaagad na naglakad papalapit dito upang tingnan ito. "Sino ang nariyan?" Seryoso at kalmadong sambit nito.
"Kumusta na? Tagal nating hindi nagkita ah?" Sambit nito. Habang unting unting humahakbang at lumilitaw mula sa madilim na gilid ni Haring Yoo. Hanggang makalapit na ito kay Haring Yoo at makita na nito ang mukha ng kausap nang magpakita na ito sa liwanag.
Kaagad naman napaatras si Haring Yoo sa gulat. nang humarap ito sa direksyon kung saan nagmula ang nagsalita.
"S-shin.. a-anong ginagawa mo rito? B-bakit ka naririto sa Jeoson?" Gulat na tanong naman ni Haring Yoo sa kausap nito na nagngangalang Shin.
"Hinahanap ko ang anak ko.. at nabalitaan ko rin ang nangyari sa ating yumaong ama. Alam kong galit ka pa rin sa akin at sinisisi mo pa rin ako sa pagkamatay ng asawa't anak mo. Ngunit maniwala ka man sa hindi, wala kaming kinalaman ni Ama sa nangyari sa inyo ng pamilya mo." Kalmadong sambit ni Shin.
Si Shin ay ang nakatatandang kapatid ni Haring Yoo sa ama. Mga half human, and half vampire and were wolf sila. si Haring Yoo ay half were wolf dahil ang ama nila na si Haring Sik ay tao at ang ina nito ay isang lobo. Habang si Shin naman ay half vampire at half human dahil tao si Haring Sik at bampira naman ang ina nito. Ngunit walang kaharian na pagmamay-ari si Shin. at sinisisi ni Haring Yoo si Shin sa pagkamatay ng kaniyang asawa't anak dahil sa sunog na nangyari sa nakalipas na panahon. at ganun din si Haring Yoo.
"Ngunit hindi lamang iyon ang kinagagalit ko sa iyo! Ikaw at ang pamilya mo lamang ang niligtas ni ama sa nangyaring sunog nuon. at kaya't hindi niya nailigtas nuon ang aking magina! pinabayaan niya sila... hinding hindi ko kayo mapapatawad." Umiiyak at galit na galit nito sambit. "Umalis ka na! Bago pa kita mapatay!" Sigaw nito at naglabas ng espada at kaagad nitong inaktake si Shin. Ngunit mabilis kaagad na nakaiwas si Shin at humakbang ito pagilid.
"Iniligtas at nilayo ni Sik ang pamilya mo at ikaw sa kapahamakan dulo't ng sunog. ngunit hindi niya inisip at naisip iligtas at ilayo ang pamilya ko mula ruon. Habang ako ay nakikipag-laban at ikaw naman ay natatakot na humarap sa kalaban na nagpanimula ng sunog. bukod duon, hindi niyo man lamang din ako inisip na balikan mula sa laban at sa sunog na 'yon!" Galit na sambit pa ni Haring Yoo.
"Maniwala ka man o sa hindi. hindi mo alam ang buong pangyayari. oo natakot akong humarap sa laban at yuon ang pinakamalaking pinagsisihan ko na hindi ko ginawa at hindi kita sinamahan sa laban na 'yon. ngunit si ama. wala kang dahilan upang magalit sa kaniya. dahil hindi totoo na wala siyang ginawa upang mailigtas ang pamilya mo." Sambit ni Shin.
"Iniligtas ni Ama ang pamilya mo kasama ang pamilya ko at ako. Pinababalik ako ni ama para puntahan ka ngunit hindi ko iyon ginawa dahil duwag ako at takot akong humarap sa laban. at iyon ang kasalanan ko. Iniligtas ni ama ang magina mo kasama ako at ang magina ko. ngunit hindi sumama ang asawa mo sa amin nang lumikas kami dahil hindi ka rin niya nais na maiwan. Bumalik siya at iyon ang naging dahilan upang lamunin siya ng apoy at naging sanhi ng pagkamatay niya. sinubukan namin siyang pigilan. ngunit hindi siya nakinig. nailigtas at naligtas ang anak mo at anak ko kasama ako pati na ang asawa ko. napilayan ang asawa ako sa gitna ng pagtakas namin sa kalaban at pinaghahanap kami ng mga kalaban ni ama. napunta ang anak mo kasama ang anak ko kay ama nang magkahiwalay hiwalay kami at magkalayo dahil sa mga kalaban." Mahabang salaysay pa ni Shin.
"Tumahimik ka! hindi pa rin ako naniniwala sa iyo! at kung totoo man ang sinasabi mo. sige nga. sabihin mo sa akin kung nasaan ang anak mo't anak ko?!! May labing dalawang ampon si Ama. Ang pito sa kanila ay mga bampira at habang ang lima naman sa kanila ay grupo ng mga lobo. Kung gayon ay nasaan ang anak ko sa isa sa kanila?" Madiing sambit nito.
"Hindi ko alam. dahil nahiwalay rin ang anak ko sa akin. at hindi ko rin batid kung sino sa isa sa kanila ang anak ko... o kung isa nga ba sa kanila ang anak ko?" Malungkot na sambit ni Shin.
"Kung gayon ay wala na akong dahilan pa para patagalin pa na manatili ka rito sa mundo. Katulad ng sabi mo ay may atraso ka pa sa akin dahil sa pagiwan mo sa akin sa gitna ng laban nuon." Galit muling sambit ni Haring Yoo saka muli nito inatake si Shin. Kaagad namang nakaiwas si Shin at kinuha na ang kaniyang espada.
"Kung iyan ang iyong nais na mangyari ay pagbibigyan kita." Sambit nito at iwinasiwas ang kaniyang espada. Walang takot naman siyang sinugod ni Haring Yoo. "Ha!" At duon sila nagsugudan ng espada. nagtama sila ng espada ngunit bigo naman nilang matamaan ang isa't isa. Umabot ng isang minuto ang kanilang pagtatamaan ng espada ng wala namang nangyayari sa kanilang laban hanggang sa mapagod na lamang sila.
Hinihingal na sila dahil sa laban na wala namang nangyayari pero tuloy pa din silang dalawa sa paglalaban.
"Yoo... tumigil ka na pakiusap." Pagmamakaawa pa ni Shin. habang hingal na hingal pa ito.
"Paumanhin ngunit hindi kita mapagbibigyan sa ninanais mo na iyan." Sambit naman ni Haring Yoo at winasiwas nito ang espada saka sinugod muli nito si Shin.
Nagsimula na muli silang maglaban. Natamaan na ni Haring Yoo si Shin sa tagiliran nito. ngunit parang wala lang ito kay Shin at parang wala itong iniindang sakit sa katawan niya. Natamaan din naman kaagad ni Shin si Haring Yoo sa tagiliran nito at kita na ngayon sa mukha niya ang bakas ng sakit na iniinda niya dulo ng sugat na natamo nito. Hindi kaagad nakabawi si Haring Yoo dahil hinintay niya pang maghilom ang sugat niya. at nang maghilom ito ay kaagad siyang nagipon ng lakas upang magtransform bilang were wolf.
Naging kulay berde ang mga mata nito at saka nito binitawan ang espada niya at hinagis ito sa gilid. nagsimulang humaba ang mga kuko nito sa kamay at paa.. unting unting nasira ang damit nito. Humaba ang uso at nagsimulang lumaki ang katawan nito mula ulo hanggang paa. Hanggang sa tuluyan na itong maganyong malaking aso lobo. nakatayo ito. Makapal ang balat nito na animo'y uri ng chocolate. At kaagad itong umalulong.
Walang ano ano ay tumakbo ito kagad papunta kay Shin at sinugaban na lamang ito gamit ang nguso nito. natumba at napahiga si Shin. Bumuka naman ng malaki ang bunganga ng lobo at handang handa na sana nitong lamunin si Shin. Samanatalang naging matulis naman ang kuko ni Shin sa kamay at handang handa na sana si Shin na tusukin sa leeg nito si Haring Yoo na ngayon ay anyong lobo na. Nang may magsalita at pumigil sa kanila.
"Tigilan niyo na iyan.... kung gusto niyo pang makasama ang mga anak anak ninyo?" Seryosong sambit ng isang babae na naglalakad mula sa dilim.
"Sino ka?" Tanong naman ni Shin. "Alam mo ba kung nasaan ang mga anak namin?" Tanong pa muli nito. Umatras naman si Haring Yoo sa harapan ni Shin at kaagad namang tumayo si Shin at pinagpagan nito ang kaniyang damit. Habang bumalik na naman si Haring Yoo sa anyong tao nito.
"Nasaan sila? Sabihin mo sa amin kung nais mo pang mabuhay..?" Seryosong sambit naman ni Haring Yoo.
"Sasabihin ko sa inyo.. lahat lahat.. ng nais ninyong malaman..." Sambit naman ng babae.
💜💜💜
Note: Orayt! Malapit na! Nalalapit na ang pagtatapos!! And yes. May kapatid po si Haring Yoo. Ano kaya ang sasabihin ng babae?
Ji Chang Wook as Shin picture on the top of chapter and upper side!
Vote, Comment And Share. Thankieeeee!! I Purple U!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top