Kabanata 10
Kabanata 10 Sunog
Limang linggo na ang nakakalipas magmula nang mangyari ang trahedya sa kaharian ng Jeoson. Marami ang namatay dahil sa lason na kumalat sa kaharian ng Jeoson. At hanggang ngayon ay hindi pa din batid ng lahat kung sino ang salarin sa pagkakalason ng mga naninirahan sa Jeoson.
Sa loob ng limang linggo din na iyon ay lihim na minamanman ng grupo nina Dark mula sa labas ng palasyo ang mga nangyayari ruon. At ngayon nga ay kasalukuyan sila ngayon na nasa labas ng kaharian ng Jeoson. Lihim na nagtatago mula sa mga halaman sa labas ng palasyo upang hindi sila makita at paalisin ng mga taga-pagbantay ng palasyo na nagbabantay duon.
Nagulat na lamang sila nang makita nila lumabas ng gate mula sa loob ang grupo nina Dark. Kaya naman walang pagdadalawang isip at pagaalinlangan na lumabas mula sa pinagtataguan nila ang nagkukumahom na si Brown na hindi na nagawang awitin ng mga kasamahan na sugurin sina Moon.
"Brown sandali!" Sigaw at pigil pa nila rito. Ngunit huli na ang lahat.
"Hoy! Kayo! Anong ginawa at pinakain ninyo sa mga tao at mga kalahi namin na naninirahan dito?! Kung hindi ninyo sila ibig na makasama ay sana'y pinalayas ninyo na lamang rin sila. Nang sa gayon ay kahit papaano ay may buhay pa sila! Mga wala kayong awa! Pinaslang at idinamay ninyo pa ang mga walang kinalaman at inosenteng katulad sa galit ninyo sa amin! Kung galit kayo sa amin ay tayo ang magharap harap! Kami ang kaharapin ninyo!" Galit na galit at halos mapuputol na ang ugat sa leeg na sigaw ni Brown habang dinuduro duro pa nito ang grupo nina Moon. Seryoso na lamang naman silang tiningnan ng grupo nina Moon.
"Manahimik ka! Walang kang karapatan para lapastanganin kami sa sarili naming tertoryo. Wala ka ring alam. at kung hindi ako nakakamali ay kayo naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito! Kayo ang nagpasimula ng lahat ng kaguluhan na nangyayari ito sa kaharian namin! Dahil gusto ninyo kaming sirain! Gusto ninyo kaming sirain sa mata ng lahat ng iba pang mga tao't mga lobo na naninirahan at nabubuhay dito. Para kayo ang mamuno at panigan ng lahat!" Sambit naman ni Moon.
"Hindi! Nagkakamali ka! Dahil kayo ang tunay na may kasalanan at naglason sa mga naninirahan rito!" Sigaw ni Brown.
"Kayo! kaya mabuti pa lumayas na kayo rito sa kaharian namin! wala na kayo karapatan pa rito!" Muli sambit ni Moon.
"Talagang aalis na kami! Pero ito ang tatandaan ninyo. Pagbabayaran niyo lahat ng ito!!" Matapang na banta pa ni Brown. "Tara na!" Sigaw pa nito.
"Mabuti pa ngang lumayas na kayo at wag na kayong babalik pa rito! Dahil sisiguraduhin kong kayo ang magbabayad." Habol pang banta ni Moon. Bago na tuluyang umalis sina Dark sa lugar na 'yon.
💜💜💜
~Kinabukasan~
"Ano?!" Gulat na sigaw ni Dark. At napatayo siya mula sa pagkakaupo sa harap ng hapag-kainan. "Paano nangyari 'yon?!" Sigaw pa nito.
Kasalukuyan sila ngayon na nasa harapan ng hapag kainan para magumagahan. nang biglang dumating ang isang lalaki na siya pa lang taga-paghatid ng balita mula sa labas. At sabihin nito na nasusunog ang buong kaharian ng Jeoson.
"Magmadali! Kaylangan natin magtungo sa kaharian ng Jeoson!" Natatarantang sigaw muli ni Dark. at kaagad naman nagmadali ang mga kasamahan niya. Nagpaalam muna sila kay Haring Yoo. "Mahal na Hari. Aalis muna po kami. Kaylan kami sa kaharian ng Jeoson." Paalam pa ng mga ito.
"Sige na. kayo'y humayo na. aking naiintindihan ang kaylangan niyong gawin sa kaharian ng Jeoson." Sambit pa ni Haring Yoo.
"Sige na po. aalis na po kami." Sambit pa ng mga ito bago tuluyan ng umalis ng palasyo.
Pagdating nila duon, kaagad nilang naabutan ang mga nasusunog ng halaman at puno na rin ng usok ang buong paligid ng palasyo. Mula sa labas man o sa loob. Nakabukas na rin ang malaking gate ng palasyo at wala na rin mga taga-bantay duon kaya madali na lang din silang nakapasok sa loob.
Pagpasok nila sa loob ng palasyo ay bungad ang mga nagtatakbuhan at hindi na mapakaling mga tao, bampira at lobo na nakatira duon sa paglabas ng palasyo. Napapalibutan na rin ng makapal na usok ang buong palagid at halos hindi at wala na rin silang maaninag dahil sa kapal na ng usok na bumabalot sa buong paligid ng palasyo.
Pati na rin ang malaking tahan ng Haring Sik ay nasusunog na rin at nababalutan na ng maitiim na usok. Tumingin at lumingo lingon sila sa paligid ng mapansin nila na parang wala at hindi nila nakikita ang grupo nina Moon rito.
"Kaylangan muna nating hanapin sina Moon para malaman natin kung ano ang mga nangyari rito?" Sambit ni Dark.
"Tama! at paniguradong sila ang may kasalanan sa nangyari na ito!" Inis naman sambit ni Brown.
"Sa tingin ko hindi. Hindi sila ang may pakana ng lahat ng ito. Dahil kung ang grupo man nila ang may pakana nito, bakit naman nila susunugin palasyo na gusto nilang mapasa-kanila lamang? at sa tingin ko rin may iba pa tayong kaaway at kalaban. May iba pang gustong umakin sa dito sa palasyo na hindi natin kilala't nakikita.." Seryosong sambit ni Grey.
"Mali ka. Dahil ang grupo talaga nina Moon ang may kasalanan at may pakana ng lahat ng ito!" Sambit naman ni Brown.
"Hindi. Hindi Kuya Brown. Tama si Kuya Grey. Mga Kuya sa palagay ko ay may hindi nga tama sa nangyayari. sa palagay ko rin ay tama na hindi lamang tayo at ang grupo nina Kuya Moon ang magkalaban rito. May isa pa tayong kalaban na hindi pa natin alam kung sino at nakikita." Sambit naman ni Winter.
"Kung tama nga talaga ang hinala ninyo ay yuon ang dapat natin alamin. Pero sa ngayon ay kaylangan muna nating mahanap at hanapin ang grupo nina Moon upang malaman natin kung ano ba talaga ang pinagmulan ng nangyayaring sunog rito?" Seryosong sambit naman ni Black.
"Mabuti pa nga at tayo na. Hanapin na natin sila." Sambit naman ni Dark at nagsi-tanguan lang sila bago na sila umalis sa kinaruroonan nila upang hanapin na nila ang grupo ninang Moon sa iba pang lugar o bahagi ng palasyo.
Hinanap lamang naman ng hinanap ang grupo nina Moon duon hanggang sa matagpuan na nila ang mga ito. Naabutan nila ang mga ito na may mga akay akay na may mga sugat, pilay at hindi makalakad na tao, lobo at bampira. May mga sugat na rin sa mukha at katawan nila sina Moon.
"Anong ginagawa niyo rito? Kayo ba ang nagpasunog ng buong kaharian?!" Nahihinang sigaw ni Moon habang may akay akay ito.
"Hindi kami naparito upang makipag-away. Nagtungo kami rito upang tumulong." Sambit naman ni Dark.
"Hindi. hindi ako naniniwala sa iyo! isa kang traydor! pinatay mo ang mahal na Hari. Ikaw ang pumatay sa kaniya at sa iba pang mga tao at lobo na naninirahan rito!" Sisi naman ni Moon sa kaniya. "At ikaw rin ang may kagagawan ng lahat ng ito!" Sambit pa nito.
"Tanga ka ba?! Bakit naman namin papaslangin ang mga walang kinalaman at inosenteng katulad ng mga tao at ang mga sarili naming kalahi? Baka kayo pang bampira. Hindi kami magda-dalawang isip na paslangin kayo pero hindi ang mahal na Hari, ang mga walang kinalaman na tao at mga kalahi namin! At hindi din namin ibig na sirain ang palasyo na gusto naming mapasa-amin!" Sambit naman ni Brown.
"Hindi pa rin ako naniniwala sa inyo. Mga sinungaling! Magtutuos tayo." Sambit ni Moon saka niya ibinaba sa gilid ang akay akay niya at ganuon din ang ginawa ng mga kasamahan nito. Saka sila muling nagharap harap ng grupo nina Dark para muling maglaban...
💜💜💜
Note: Abangan ang muli nilang laban... Siya nga pala.. hindi ko pa po sigurado ngunit parang mukha at sa palagay ko ay nalalapit na muli ang pagkakatapos ng isang na namang kwento. Siguro mga ano na lang, mga apat na kabanata na lang. ngunit maari pa po iyong mabago based sa mga scene na maiisip at gagawin ko. Kaya abang-abang lang! :)
Hit the ☆ icon for VOTEs
Click the 💬 icon for COMMENTs
And SHARE for RECOMMENDATION
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top