Kabanata 1
Kabanata 1 Lason
Nang mamatay ang Hari ay kaagad na inasikaso ng mga taong taga-bantay ng kaharian ang libingan o huling hantungan ng Hari. Matapos nito ay kaagad namang inayos ng punong taga-pagsilbi ang silid ng Hari bago ito ilibing at dalhin sa huling hantungan.
Ngunit nang nililinis at inaayos na ito ng puno taga-agsilbi. At habang nagwawalis at winawalis nito ang ilalim ng higaan at silid ng Hari. ay nang may mapansin itong maliit na bote sa ilalim ng hinihigaan ng Hari. At nang kuhanin ito ng taga-pagsilbi ay nakita niya ang isang maliit na bote na may laman kulay itim na likido.
"Ano 'to?" Kunot noo sambit na lamang ng punong taga-pagsilbi sa kaniyang sarili habang pinagmamasdang mabuti at hawak nitong bote sa harapan ng kaniyang mukha. "Kaylangan itong makita ng mga imortal." Sambit pang muli nito sa kaniyang sariling isip. Imortal ang tawag ng mga aliping tao sa grupo nina Moon at Dark.
Kaya naman kaagad siyang lumabas ng silid ng Hari at tinawag ang isa pang taga-pagsilbi upang ipatawag at papuntahin sa silid-tanggapan sina Moon at Dark pati ang grupo ng mga nito para ipaalam at ipakita ang nakitang bote na may lamang likido sa mga ito.
"Bakit mo kami pinatawag ngayon dito? Ano ang iyong kaylangan? Para saan ang paguusap na ito? Alam mo namang kasalukuyan pa kaming nagluluksa ngayon." Seryosong bungad kaagad ni Moon, pagpasok nito ng silid-tanggapan. nakaupo naman sa sofa ang taga-pagsilbi at habang mga nakatayo naman ang dalawang grupo sa harapan nito.
"Kayong mga imortal. Maupo muna kayo." Mahinahong pahayag at pagaya ng punong taga-pagsilbi sa kanila na maupo muna ang mga ito. Ngunit tiningnan lamang siya ng mga ito.
"Bilisan mo na kung anong nais mong ipahayag kung ayaw mong mabilis na maginit ang ulo ko sa iyo at baka wala rin namang kakwenta kwentang bagay ang sasabihin mo. Kaya't baka hindi din ako makapag-timpi pa sa iyo at mapaslang pa kita ng hindi oras." Seryosong at madiing sambit pang muli ni Moon at nagsimulang maglabasan ang mga matutulis nitong Kuko at pangil.
"Huminahon ka imortal. Hindi kita ginagalit. Bukod duon, hindi kawalang kakwenta kwenta ang sasabihin ko. Tungkol ang paguusap na ito sa pagkamatay ng mahal na Hari. At may nais akong ipakita sa inyo." At kinuha nito sa kaniyang bulsa ang maliit na bote na may lamang likido na kulay itim saka ipinakita kina Moon.
"Ano 'yan?" Nagtataka at nakakunot-noo tanong ni Moon.
"Nakita ko 'yan sa silid ng mahal na Hari, sa ilalim ng kaniyang higaan. Hindi ko batid kung ano iyan at kung anong laman niyan. Ngunit sa tingin ko ay isa iyang gamot o kung hindi gamot ay lason na siyang naging sanhi ng pagkamatay ng mahal na Hari. At maari ninyong malaman at masiguro kung ano talaga ang nilalaman ng bagay na 'yan sa tulong ng mang-gagamot." Pahayag ng taga-pagsilbi saka inabot kay Moon ang maliit na bote. at inabot at kinuha din naman kaagad iyon ni Moon. "Kung may tanong at kaylangan pa kayo tungkol sa bagay na 'yan? Wag kayo sa aking magtanong, kung hindi sa mang-gagamot dahil siya ang nakakaalam ng sagot sa mga katanungan niyo tungkol diyan. Sige. Ako'y mauuna na." Nagbow lamang naman ito bago na ito tumayo at lumabas para umalis na ng silid-tanggapan.
Habang ang grupo naman nina Moon at Dark ay kaagad ng umalis para puntahan at magtungo na sila sa mang-gagamot. Nang makarating na naman sila kaagad sa bahay kung saan nakatira ang mang-gagamot at makita ito ay kaagad na nilang pinakita dito ang maliit na bote na may lamang itim na likido.
"May nais kaming ipakita at itanong at nais malaman tungkol sa bagay na ito." Seryosong pahayag ni Moon sa mang-gagamot. Nang makapasok na sila sa tahanan nito at saka inilabas at ipinakita sa harap ng mukha ng mang-gagamot ang maliit na bote na may lamang itim na likido. "Ano ito? Anong klase ang bagay na nasa loob nito? Anong klaseng likido ang nilalaman ng maliit na boteng ito? Gamot ba ito o isang uri ng Gamot o lason na nakamamatay na siyang naging sanhi ng pagkamatay ng mahal na Hari?!" Seryosong tanong ni Moon sa mang-gagamot. at kaagad namang nanlaki ang mga mata ng mang-gagamot nang mapagtanto nito ang nakitang nilalaman ng bote.
"S-saan niyo iyan nakita?" Nanlalaki ang mga matang tanong ng mang-gagamot.
"Sa silid ng mahal na Hari. Tama ba ang aking hula? Ito ba ang maaring naging sanhi sa kaniyang pagkamatay?" Seryoso pa ding tanong muli ni Moon sa mang-gagamot.
"M-maaring iyan na nga iyon." Tugon naman ng mang-gagamot.
"Kung gayon, ano ito? ano ang bagay na ito? Ano ang nilalaman ng maliit na lalagyang ito?" Sambit ni Moon.
"Iyan.. iyan ay lason. isang uri ng lason na napaka-makamandag na lason. Pinaghalo at gawa sa tunay na lason at nagmula sa dugo ng pinaka-mabangis at makamandag na ahas. Ang kung sino mang makakainom nito ay sigurado wala ng ligtas pa sa kamatayan dahil ito na ang pinaka-matibay at ipiktibong pangpa-wala ng hininga at buhay ng sino man." Malungkot at mahinahong turan ng mang-gagamot habang nakayuko.
Natahimik naman ang lahat bago na muling nagsalita si Moon. "Sige. Salamat. Mauuna na kami. Tara na. May kaylangan pa tayong gawin." Saka na sila umalis para bumalik na sa kaharian.
💜💜💜
"Ano ng balak mo ngayon?" Kaagad na bungad ni Blood kay Moon ng makabalik na sila sa palasyo. at ngayon nga ay kasalukuyan sila ngayong nagtitipon tipon sa silid-tanggapan para sa isang paguusap habang umiinom ng tsaa at may mga taga-bantay na kawal at mga taga-pagsilbi sa isang tabing gilid nila.
"Kayong lahat na mga kawal at taga-pagsilbi na nandirito sa mga oras na ito. Nais kong magpatawag kayong lahat ng isang pagpupulong sa labas ng kaharian para sa lahat. Ngayon din! Magmadali! At may nais akong ipaalam sa kanilang lahat. Bumalik kayo rito kapag natapos niyo ng gawin ang inuutos ko!" Seryosong utos ni Moon sa mga kawal at taga-pagsilbi na nanduruon din ng mga oras na iyon.
"Masusunod po mahal na imortal" At tumango lamang naman ang mga kawal at taga-pagsilbi saka na sila mga nagsi-alisan na din kaagad.
"Moon hindi mo pa sinasagot ang katanungan ko. kung gayon ay ano na ngang balak mo ngayong nalaman na natin na lason nga ang sanhi ng pagkamatay mahal na Hari?" Ulit pang muli ni Blood sa tanong at tinatanong nito kanina kay Moon.
"Anong balak ko?" Tanong naman pabalik ni Moon. Tumango lang naman si Blood sa kaniya bilang sagot. "Ganito. ngayong alam na nga natin na lason at nilason ang mahal na Hari. Ang katanguan ngayon sa aking isipan ay... ay kung sino ang naglason sa kaniya?" Napaisip naman ang lahat. "Kaya ko sila pinatawag na lahat ay upang malaman ko at isa isa ko silang maimbistigahan tungkol sa nangyari sa ating mahal na Hari." Patuloy pang sambit ni Moon sa kanila. Napatango tango naman sila.
Maya maya pa ay dumating na ang mga kawal at taga-pagsilbi na inutusan ni Moon.
"Mga mahal na imortal naka-handa po ang lahat. natipon at nasa labas na po silang lahat." Sambit ng isang kawal at tumango. Kaagad namang tumayo na lang si Moon at ang iba pa saka na sila umalis para magtungo sa pagpupulong.
"Ano po ang inyong kaylangan sa amin? Bakit ipinatawag niyo po kaming lahat mga mahal na imortal?" Tanong ng isa sa mga tao at habang lahat sila ay nakaluhod at ang isa lang nilang tuhod ang nakatuon sa lupa habang ang isang kamay nila ay nakatuon sa lupa at isa naman ay nakapatong ang kanilang siko sa isa nilang tuhod.
Habang ang grupo naman nina Moon at Dark ay nasa itaas ng balkonahe kung saan kitang kita at tanaw na tanaw nila ang dami ng bilang ng mga tao at mga kapwa nila bampira at lobo.
"Napag-alaman na namin ang naging sanhi ng pagkamatay ng ating mahal na Hari. Siya. Siya ay nilason! At kaya ko kayo ipinatawag ay para malaman at ma-imbistigahan ko ang nangyari sa pagkamatay ng mahal na Hari. at matunton ko kung sino man ang pumatay sa kaniya? Kaya naman mga kawal! Kapkapan sila!"
"Sandali! Sandali lang! Sandali lang naman!" Natatarantang bulyaw ng isang ale nang tumayo ito mula sa pagkakaluhod at saka nagpumiglas ng makalapit na sa kaniya ang isang sa mga kawal at pilit siyang hinahawakan o kinapkapan nito. "Bakit kami ang pinag-bibintangan niyo na gumawa sa bagay at kasalanang 'yan na hindi naman namin ginawa at kasalanan?! At ano namang magiging motibo namin sa pagpatay sa Hari? Isa pa! Bakit naman namin papaslangin ang nagiisang tao na tumanggap at kumupkop sa amin? Kahit pa kasama at hindi kami kabilang o nabibilang sa inyo na iba pang naninirahan rito!" Sigaw nito.
"Tama! Mas kayo pa nga ang dapat na paghinalaan at pagbintangan na pumaslang sa kaniya. dahil kayo ang mga hindi niya talaga kauri. Pero ano? kinupkop, minahal, inaruga at inalagaan kayo ng mahal na Hari bilang mga anak at nabibilang sa kalahi niya!" Sigaw naman ng isang lalaki.
"Manahimik ka! Laspatangan! Wala kang karapatang at kahit sino man sa inyong lahat na ibaling sa amin ang paratang. Dahil unang una sa lahat, bukod sa Hari ay kami sumunod na nakatataas sa inyo!"
"Ayon na nga eh. Sumunod lang kayo sa Hari. Nagyayabang na kayo! Bago niyo kami paratangan ng kung ano anong bagay na hindi naman namin ginawa. Siguraduhin niyo na may patunay kayo! Tara na nga! Walang kwenta ang pagpupulong na ito." Sambit naman ng isa pang ale.
"Walang aalis. Ikulong niyo ang lahat ng mga taong 'yan. Wala silang lugar rito!" Utos na sigaw ni Moon na kaagad namang sinunod ng nga kawal at lumapit ang mga ito sa mga tao na umaalma kanina.
"Bitawan niyo kami!" Sigaw ng mga ito.
"Moon itigil mo ang kung ano mang iniisip mong balak na gawin sa kanila." Mahinahon ngunit may pagaalalang pagtutol ni Dark sa ginagawa ni Moon.
"Wag kang makialam." Seryosong pahayag nito bago na tumalikod. "Tara na." Sambit nito saka na tuluyang umalis at sumunod naman sa kaniya ang mga kagrupo nito.
Napatingin na lang naman si Dark sa mga tao na nasa baba na ngayon ay nagpupumiglas na mula sa pagkakahawak at pagdakip ng mga kawal sa kanila. Napabuntong hininga na lang naman siya dahil gustuhin niya mang pigilan at tulungan ang mga taong iyon mula sa pagkakadakip sa kanila ay wala siyang magagawa dahil hindi din niya nais na masira ang pagkakaibigan nila.
Kaya naman ay tumango na lang naman siya sa mga kasamahan niya para umalis, pumasok at bumalik na din sa loob ng kaharian. At dumiretso naman sila kaagad sa kani-kanilang silid-tulugan.
💜💜💜
~Kinagabihan~
Ito ang kanilang unang beses na kakain ng hapunan na wala ang kanilang Hari. Kaya naman mga wala silang ganang lumabas ng kani-kanilang silid.
"Mga mahal na imortal kaylangan niyo na pong kumain ng hapunan upang kayo ay magkaroon ng sigla." Pahayag ng punong taga-pagsilbi ng puntahan nito ang mga ito isa isa sa kani-kanilang silid.
"Lumayas ka! Huwag mo kaming pilitin sa hindi namin nais gawin. Hayaan mo na lamang kaming magutom dahil wala rin naman kaming gana. Bukod duon ay wala na rin kaming ganang mabuhay pa sa mundong ito. katulad ng kung paano kami mawalan ng ganang kumain dahil kahit na kaylan man ay hindi na babalik ang dating sigla ng kahariang ito katulad ng kung paanong hindi na rin babalik ang mahal na Hari." Naluluhang pahayag ni Moon. Napa-bumuntong hininga na lamang naman ang punong taga-pagsilbi.
"Sige. Kung gayon ay ako'y mauuna na. tawagin niyo na lamang ako kung may kaylangan kayo at kung nais ninyong kumain ng hapunan ay ipaghahanda ko kayo." Sambit nito saka na umalis.
Maya maya pa, napagpasyahan o naisipan ni Moon na pumunta sa balkonahe para duon tumambay, magpalipas ng oras at makapag-isip isip na din. At ilang minuto ang lumipas na nakatambay siya duon, nang dumating si Blood at hanggang sa sunod sunod ng nagdatingan at tumambay duon ang grupo nina Moon.
"Kung gayon, paano na natin malalaman ngayon kung sino nga ang pumatay sa mahal na Hari?" Biglang tanong ni Night.
"Sino ba ang huling kasama o pumasok sa loob ng silid ng mahal na Hari bago tayo kumain ng hapunan ng gabing iyon?" Tanong naman Jack.
"Ayokong isipin ito, ha?" Pero.. hindi kaya isa sa grupo nina Dark." Sambit naman ni Luis.
Napalingon naman sa kaniya ang lahat. "Hindi nga malayong mangyari ang iniisip mo Luis. Hindi malayo na isa nga sa kanila ang may motibo sa pagpaslang sa mahal na Hari." Seryosong sambit naman ni Moon.
"Ngunit Moon. hindi tayo nakakasiguro sa bagay na 'yan kung kaya't huwag muna tayong magisip at magbintang ng kung ano ano sa kung sino sino lamang na wala namang kinalaman sa nangyari. lalo na't dahil wala naman tayong sapat na patunay. Isa pa. isa isa rin tayong pumasok sa loob." Biglang sambit naman ni Bad.
"Ngunit hindi naman tayo ang may motibo sa pag-gawa ng bagay na 'yon. Hindi natin magagawa ang bagay na 'yon. ngunit kahit na kaibigan pa natin sila ay hindi tayo nakasisiguro kung sila ba ay wala ring motibo sa pag-gawa ng bagay na iyon? Bukod pa duon ay hindi isa sa atin ang huling lumabas at nagmula sa silid ng mahal na Hari." Turang muli ni Moon.
"Ngunit pinunong Moon hindi pa rin tayo nakasisiguro sa bagay na 'yan." Biglang singit na sambit naman ng pinaka-batang sa grupo na si Ace.
"Huwag kayong magaalala. Ang kaylangan lang nating gawin ay lihim silang manmanan.... nang sa gayon ay makakuha tayo ng sapat na patunay laban sa kanila."
Ito na ang huling linyahan ni Moon. Bago na natapos ang kanilang paguusap. Ngunit sa kabilang banda ay narinig pala ng isa sa myembro ng grupo nina Dark na si Winter, ang pinaka-bata sa grupo nina Dark ng were wolf. ang usapan na iyon ng grupo nina Moon, na kaagad naman nitong isinumbong sa mga kagrupo.
💜💜💜
Note: Binago at pinag-palit ko po ang name nina RM at Suga rito na sina Moon at Bad. Si Moon ay si RM na at si Bad ay si Suga. Sana ay hindi kayo malito sa mga nagbabasa nito. kung mayroon man. At paumanhin kung naisali ko pa si Bang Pdnim sa kabaliwan kong ito. Paumanhin po. Hehe! (^_^v)
Hit the ☆ icon for votes, leave comments on the comment box and share below to recommend this story to others.
Thank you And P💜rple Heart Means I P💜RPLE U 🙆 Bye for now. See you on my next update!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top