KABANATA 3

Kabanata 3

The School's Awaited Event



"Ma'am, gising na po kayo, andito na po kasi ang order niyo galing Lazada..." ani ng papa ko, habang kumakatok sa aking  pintuan.


I immediately got up upon hearing Papa's voice. Finally! Papa's back after few weeks! 


I immediately hugged Papa, He carried me like a baby. These were the moments, I missed so much.


"Pa! why are you disguised as a Delivery Man?" tumawa ako. "Kahit ano suot mo Pa, gwapong gwapo pa din!"


"Gan'on talaga! 'tsaka bagay na bagay sa'kin oh!" ngumisi si Papa.


"True, Pa!" I said as I looked at him.


"Kamusta? Na-miss ko itong nag i-isa kong anak," nagagalak na sabi ni Papa.


"Okay lang Pa! Kamusta kayo ni Mama Beth?" maligalig kong sagot.


"Maayos naman, anak. Tulog ang Mama mo napagod siguro..." Suminghap si Papa na para bang may naalala. "Dadating pala ang kaibigan mo, Si Vance. Nag book siya ng hotel, sinabihan ko na mag-stay siya rito ngunit umayaw. Na-miss ka daw." 


I slowly nodded. I don't know if I want him here, but I definitely missed him. I just think that It'll be very awkward... and I hope it's not.


Vance was the only person I have, noon, pero we parted ways kasi sa girlfriend niya. I don't blame him either, girlfriend niya ang nag utos sa kanya. Hindi niya iyon ginusto.


His father is one of the senators of the country, kaya kilalang kilala siya, lalo na sa Maynila. 


Nang Nakita ni Papa na tumahimik ako agad siyang nagsalita.


"'Di ba gusto mo maging model? Hindi man ako masyadong magaling sa mga damit damit, pero ako mismo pumili n'yan anak." sabay turo ni Papa sa mga mamahaling brands.


"Wow! Pa! Salamat Pa!" agad kuminang ang aking mata.


"Meron din dyang thrifted na damit." nagkibit balikat ako, It's normal, Papa always buys me those. They're actually in a good quality at half of the price pa!


"Really?!" I asked, Papa nodded proudly.


"Pa! punta ka sa volleyball play ko ha?" pagpapaalala ko. Habang tinitignan ang mga damit.


"S'yempre! Pangako, Prinsesa ko pa!" itinaas ni Papa ang kamay niya na parang bang nangangako.


"Thank you, Pa!" sabay yakap ko muli.


"Anak, maguusap tayo tungkol sa birthday mo mamaya. Itong okasyon na ito ang isa sa mga kinagigiliwan kong araw, kaya sana mapagusapan ito ng masinsinan." Papa smiled as he said that.


"Akala ko nakalimutan mo na, Pa." I jokingly said.


"Baby ko pa?" Papa grinned.


"Narinig ko na nahihirapan ka dito mag aral? Ay siya nga pala kamusta ang exams mo?" tanong ni Papa.


"It's okay Pa, and I did well sa Exam namin!" nagagalak kong kwento kay Papa, hanggang makarating kami sa dining area namin.


"Pero... Pa 'di ko na siya nape-perfect, 'di tulad ng dati..." Ngumuso ako. Unti unting itinaas ni Papa ang baba ko.


"Kahit ma-perfect mo man o hindi... Proud pa din ang Papa mo." He proudly said.


"Si Louisse at Jessa kamusta? May dala akong pasalubong para sa mga kaibigan mo." Papa mumbled.


"They're the same Pa, you know the usual Louisse and Jessa." 


Kwi-nento ko lahat ang nangyari noong wala si Papa. Tuwang tuwa si Papa.


"Nay, kami na po ang magluluto sa ating tanghalian." Papa clarified since si Nanay ay nagsisimula ng mag luto at maghain nang mga putahe para sa aming tanghalian.


"Oo nga pala Donato, mas gumagaling na si Sapphire sa pagluluto baka nga mas magaling na siya kesa sa'yo! Naku! Pag natikman mo ang luto ng aking Sapphie. Talagang matatakam ka!" sabik na sabi ni Nanay kay Papa.


"Sige nga, lutuan mo ako ng paborito kong ulam." masayang sinabi ni Papa ngunit may halong pagbibiro.


Agad akong nagsimula magluto ng iba't ibang ulam. Sinigang, Caldereta, Adobo at Iba pang putahe. Siyempre tinulungan ako ni Papa. Tinawagan ko ang aking mga kaibigan si Louisse at Jessa para maghapunan dito.


"Louisse! Andito sa bahay si Papa!" sabik kong kwento kay Louisse.


"Gagi! Totoo?! pupunta ako dyan! promise! Wala sila Mama at Papa! makakalusot ako." bumuntong hininga si Louisse. "'Tsaka may pasalubong ba 'ko?" masayang sambit niya.


"There! Pasalubong again Louisse!" Jessa nagged.


"Oo! Punta kayo dito. I cooked!"


I prepared, after that dumating na si Vance, halos sabay lang sila dumating nila Louisse at Jessa.


"Amporkchop! Ang gwapo! Sino 'yan?" tanong kaagad ni Louisse sa akin.


"Sapphire, has a boyfriend pala!" Jessa speculated, habang pinipindot ang tagiliran ko.


"Vance! Lika! Pakilala kita sa mga kaibigan ko!" tawag ko na parang walang nangyari sa amin.


"Si Vance, kaibigan ko sa Manila." 


"Ito naman si Louisse at Jessa, ang aking mga matalik na kaibigan dito sa Vizcaya." pagpapakilala ko sa mga kaibigan ko.


"Vance! Marunong ka mag gitara?" tanong ni Louisse sabay akbay nito sa kanya.


"No, why?"


"Puta! Nag e-english! Ma-no-nosebleed na ata ako sa kaibigan mo 'te!"


"No, I can actually speak in tagalog." Vance said confused.


Humalaklak ako, the same with Jessa.


"'Yan landi pa!" Jessa giggled.


"Louisse, Jessa!" tawag ng aking Papa, his arms were wide open, handang yakapin sina Louisse at Jessa.


"Tito!" at agad yumakap sila kay Papa.


They're very close to Papa. Parang tropa na nga namin si Papa eh.


"Buti at pinayagan ka ng mga parents mo, Louisse." bungad ni Papa.


"Out of town, Tito. Ay! Tito kwek kwek tayo next time ah?" Louisse changed the topic.


"Sige, basta't ti-tikman ni Jessa, 'yung iluluto kong kwek kwek!" tinulak ng marahan ni Papa si Jessa.


"Hmm... pag i-isipan ko pa" nakatagilid ang ulo na sagot ni Jessa.


"Tito, kamusta naman po?" tanong ni Jessa. "How's Tita din pala?" dagdag nito.


"Maayos naman... Ang Tita niyo, natulog kaagad nang makarating rito... pero baka gising na 'yun."


"Naks naman, Tito! Busy-ing Busy ah... pero pahalagahan mo kalusugan mo ha? kawawa kami pag nagkasakit ka... Wala nanton kaming street foods buddy!" Tumawa ng bahagya si Papa.


"Yes, Tito! you should use Vitamins! and always drink water from time to time!" Jessa suggested.


"Tapos, matulog ka Tito ng 8 hours a day! And kumain ka ng mga gula-" 


"Dami mo talagang alam, Jessa." tumawa si Papa.


"Yes! Marami akong alam." Jessa smirked.


"I will always stay Healthy para sa inyo..." Papa said.


Nag fake cough si Louisse. "Tito, beke nemen saan na po ang pasalubong?" 


Jessa sniffed. "Tito, I've asked for new set of makeup. Sana 'yun po ang na bought mo." 


Tumawa ng bahagya si Papa.


"Nandoon sa kwarto ni Sapphire lahat, O, sige kain na tayo. Vance!"


We sat and began to eat...


"Tito, how's business?" Vance asked.


"It's stable."


"That's true." Mama Beth agreed.


"I heard that you've been getting loads of project Tito." Vance said as he bit the steak.


Tumango si Papa. "Medyo busy, pero kakayanin, 'di ba Jessa?" Lumingon si Papa kay Jessa.


"Yes, Tito! Dapayon!" pagmamayabang ni Jessa.


"Dapayon?" Vance asked, confused.


"Ha!" Jessa smirked. "You don't know dapayon?!" Jessa looked at Vance with a hint of intimidation.


Kinalabit ni Louisse si Jessa. "Gagi, ano 'yung dapayon?!" 


"Even you, Louisse?!" Suminghap si Jessa, 'di makapaniwala.


"Songs 'tol! Padayon 'yon!" sabay kagat sa pagkain ni Louisse.


"Really?" Jessa blushed from the embarrassment.


Vance faked cough to signal me in order to save Jessa.


"Pa..." I calmly said.


Ngumiti si Papa na para bang may naisip. "Louisse, naka bingwit ka na ba?" tanong ni Papa.


"Donato!" sabay palo ni Mama beth kay Papa.


"It's Okay po, Tita." smiled Louisse "Wala po, eh, Tito, si Sapphire 'tsaka si Jessa kasi" pouted Louisse.


"Dinadamay mo pa talaga kami, ha!" taas kilay ni Jessa. 


I was surprised, Jessa really has an enormous confidence.


"Oo nga! and Pa! we're still young!" I exclaimed.


"It's ok for me na mag boyfriend, I'm not forcing you to. I want you to enjoy your teenage life. Basta't walang masamang ginagawa. 'Di ba Vance?" Papa spoke.


"Yes po! Manang mana kay Tito." tawa ni Vance.


"Tito, did you cook this? Masarap." smirked Vance.


"Ang anak ko ang nagluto, masarap 'di ba?" proud na sabi ni Papa.


Mama Beth gave a thumbs up.


"Tara picture tayo!" sigaw ni Louisse ng matapos kaming kumain.


"Louisse, I know gusto mo lang ka-pic si Vance." bulong ni Jessa kay Louisse.


Agad na tumabi at pinalupot ni Vance ang kanyang kamay sa aking baywang. I didn't said anything, friendly gesture lang siguro.


"'Yan! we're done! Hoy! Sapphire, punta na kami sa kwarto mo ha?" sabik na sabi ni Louisse, dahil siguro sa pasalubong nila Papa at Mama.


"Yeah! Sure! may keys naman kayo ng kwarto ko 'di ba?" tanong ko.


"Oo, it's here..." ipinakita ni Jessa ang susi.


"Vance, usap tayo." iginaya ko siya sa aming verranda.


"Kamusta?" tanong ko.


"We're fine, na-mi-miss ka na ng Lola" Humalukipkip siya.


"I'm gonna visit there soon, kamusta kayo ni Portia?" I said pertaining to his girlfriend.


"We broke up, by the way have you received my texts? Text ako ng text sayo nung umalis ka." pagiiba ng usap ni Vance. 


"Yes, I did, but Papa got me a new phone." I said as a matter of fact.


"Are you gonna stay here?" I asked.


"No, but I'll definitely visit you on your birthday." He grinned.


"Your house here is nice." sabay tingin sa mga muwebles.


"Yes, Papa himself designed it. I-pina-renovate dahil medyo luma na ang kagamitan..." I chuckled.


"Nag pla-play ka pa din ng Volleyball?" agad na tanong ng kaibigan ko.


"Oo, malapit na intrams namin! Pwede ka manood." I smiled.


Nagusap pa kami, at napagdesisyonang umakyat na. Baka kasi kung anu-ano na ang ginawa nila Jessa at Louisse sa aking kwarto.


"I'll go upstairs, Vance, I hope we'll see each other again..." I said as I took a step.


He held my wrist and hugged me.


"I missed you, Sapphire." 


"I-I m-missed... you too." I uncomfortably said. But then, before, we always used to hug a lot. It just felt weird hugging him now...


Umalis na si Vance at siguro nagpunta na sa malapit na Hotel para ipagpaliban ang gabi dito sa Vizcaya. Nueva Vizcaya traveling to Manila is 8 hours, and I appreciate his efforts. Pumunta siya dito para lang maka attend sa tanghalian namin... 


"Wow!" rinig na sabi ni Louisse nang makaakyat ako ng hagdan.


"Tita, is indeed good at picking makeups!" puri ni Jessa.


"Look, oh!" nung makita ako ni Jessa sa pintuan.


"Sapphire, Look, see? Ang ganda ng mga shades." Jessa said pertaining to the colors of the lipsticks, eyeshadows and blush.


"Hoy! Tignan mo, oh! Ukelele! para sa akin ba 'to?" Namamanghang tanong ni Louisse. 


"Louisse! Tito does not know na marunong ka kumanta. Which means 'di 'yan sa'yo!" agad na saway ni Jessa, at tinabi ang fully covered na Ukelele. 


After a lot of talkings, umuwi na sila.


"Sapphire, Tawag ka na ng Papa mo sa office niya." Manang Elda spoke. "'Tsaka manonood daw tayo ng Movie mamaya! Excited na ako!" Manang Elda smiled from happiness.


"Yay! I'll cook the Popcorn later!" I stood up and went to the next room, Papa's office.


"Pa, What is it? Umuwi na pala sila Louisse and Jessa. Vance on the other hand, tinanggi ang offer ko na dito na siya matulog." I sniffed Papa's office. He smells like it!


"Kinuha ba nila mga pasalubong ko? Si Mama mo Beth ang pumili ng mga makeups. 'Tsaka nga pala narinig kong kumanta si Louisse dati, kaya naisipan kong bumili ng Ukelele para sa kaniya... 'Di ko alam kung gusto niya 'yun pero alam mo naman si Louisse kahit ano gusto!" Pagbubuking ni Papa kay Louisse, humagalpak ang mga tawa namin. 


Ikinagulat ko naman 'to, ti-next ko si Louisse para sabihing sa kanya ang Ukelele. Nakita ko kasi na kumikinang ang mata niya nung nakita niya ang Ukelele roon, at para bang gustong tumugtog. Busy ata kaya 'di niya nakita message ko or baka bumalik na ang parents niya...


"Sapph, Anak, usap tayo para sa Birthday mo. Baka may meeting kami sa mga susunod na araw, kaya ngayon nalang..." Tinawag ni Papa ang sekretarya at nagsimula na mag sulat nang kung anu-ano.


"Pa, how much ba ang budget?" I asked, para naman alam ko.


"1 to 2, bakit anak?" kunot noo ni Papa.


"That's too much pa!" saway ko.


"Piso? Too much?" Papa joked.


"Pa!"


"O, tama na." Mama Beth stopped us.


Pagkatapos ng ilang minuto ng paguusap ay naisip kong gusto ko na lamang i-donate, I feel like people need it much more than me.


"Basta Pa, I want to donate it." I stood by my opinion.


Papa and Mama looked at each other. "Ah... eh... Anak na-plan na nang Mama mo..." Guilty-ing sagot ni Papa.


"Ah..." Suminghap ako. "It's okay, Pa! I can just give them food, 'tsaka paniguradong maraming pagkain ang mahahain..." I smiled, I don't want Papa to feel bad about it.


"Talino talaga ng anak natin, Donato!" Mama Beth applauded.


Although, I was a bit disappointed, I did not let that overflow over me. 


Mama Beth began to speak. "Purple ang theme natin since 'yun ang favorite color ni Sapphire." 


They gave me some ideas that helped, our secretary wrote all the things down. They also showed me different drawings of gowns, customized, just for me.


"Ganda ng Headband ng anak ko, ah..." Papa complimented me.


"Thank you, Pa... I just noticed na bagay na bagay sa'kin..." I smiled.


"I'll buy more of those, mukhang gustong gusto mo." Papa suggested.


"Wag na, Pa!" I immediately said, causing raising pitch of voice


"Uh, I mean wag na, Pa." I politely said. 


Seus bought more and I think It is enough.


"Okay..." Papa nodded.


"Bye Papa!" I said ng makatapak ako sa labas ng aming sasakyan, siya kasi ang naghatid sa akin.


"Ingat, Anak!" Papa gave me a flying kiss, I gave it back.


"Morning, Manong Guard!" I smiled.


"Morning, Sapphire!" lumingon si Manong Guard sa tabi niya.


"Si Sapphire, nariyan na." I heard him said.


"Huh?" Kumunot ang noo ko.


My eyes drifted to Seus, he immediately carried my bag and projects na nasa kamay ko, It was a daily routine.


"Hey, Seus, kamusta ang weekends mo?" tanong ko.


"Okay lang, ikaw?" Cold voice of Seus is what I heard.


"Maganda!" agad na sagot ko habang naka smile. 


Kinulit naman ako ni Seus, pero there's something different...


He is cold.


"Kaya mo?" He asked directly looking at the teacher, not me. Which Is odd.


"Yes, thanks for asking."


"Hmmm." tanging sagot niya.


"Gagi! Parang isang iglap lang ang weekends!" complained Louisse.


"Yeah! I haven't even mastered my makeup skills yet." Jessa agreed.


"By the way, Thank you sa Makeups, ha!" pasasalamat ni Jessa.


"Pakisabi kay Papa mo na hindi ko maiuuwi ang Ukelele. Makikita nila Mama at Papa, eh." pagpapaliwanag ni Louisse. "Salamat din pala, hehe." ngumisi siya.


"Oh, ba't yang kaibigan mo, Andre, may kasamang babae?" pagbabalewala ni Louisse.


"Nagtaka ka pa pre."


"Sabagay." kibit balikat ni Louisse.


I saw Seus having a Lunch with a bunch of girls. This is the first time I saw it, pero as Louisse' said, normal lang siguro 'to...


Nauna na ako at umakyat patungong classroom kasi may nakaligtaan akong tapusin na project dahil sa movie night namin nila Papa. 'Di pa daw ubos ni Louisse ang pagkain kaya nanatili.


"Oh, shut up you two." Miracle rolled her eyes. This is a normal scene sa school namin.


"I'm not bragging, I'm just using what I have." Miracle continued.


I looked at them, I think they should stop fighting.


"Sapphire, there's a practice. Type B ang uniform natin para sa Volleyball." Jessa informed me at binuksan ang locker niya.


"Type B ba talaga?" Taka ko, medyo strict kasi ang school namin. 


Nagpalit na din lang ako. Isa itong maikling short at oversized recognized t-shirt ng school.


Nagsimula na ang game practice. Ako ang nag serve, Dati pa man ay nag-vo-volleyball na ako kaya naman 'di na ito mahirap para sa akin.


Sumigaw ang mga lalaki kong kamag-aral, 'di ko sure siguro mga higher or lower grades. Wala akong oras para tumingin sapagka't ako'y naka focus sa practice namin.


"Go Hottie Sapphire! Go Hottie Jessa!..." sabay banggit nila sa apat pa naming kasama sa game.


"Timeout."


"Wow! Bhie! Talagang ki-na-career mo ang pagiging volleyball player! Practice palang 'to 'no!" agad na lumapit si Louisse sa amin, nakakakabit ang ngiti sa kaniyang labi.


"Tubig, pinapa-bigay ni Seus. Practice din nila eh." sabay abot niya ng tubig.


"Tignan mo baka may gayuma 'yan, Sapph." pagbibiro ni Louisse habang iniinom ko ang tubig.


Natapos ito at napagpasiyahang pumunta sa practice ng baskateball nila Seus. May sasabihin daw kasi si Louisse, ibinilin daw ni Tita Chandra ang anak sa pamangkin.


"Nakakaloka ang mga fan girls ni Seus!" agad na sigaw ni Louisse nang makapasok kami sa gymnasium.


"Aba! May pa banner pa!" sigaw ni Louisse sabay tingin ko sa mga babaeng 'yon.


"Hala! It's practice palang! Why naman sila ganon?" bumuntong hininga si Jessa. "Ah! right... A Vergara." Jessa added.


"Alam mo ba, Sapphire, his fan girls are so wild. Lahat gagawin para sa kanya, 'kala mo naman pagaari." Jessa chuckled.


"Diba 'yun 'yung pinaglaruan ni Seus noon? Akala ko ba move on na? Gagi! 'di pa pala." itinuro ni Louisse ang babae na naka ponytail.


"That's true! I can clearly what happened that day." sabay iling ni Jessa.


"Siya 'yun diba? 'yung tumitilili at may pa-balloon!" pag du-duda ni Louisse. nagtaas ako ng kilay.


"Yes! 'yung kaibigan ni Miracle! Si Isabelle!" 


"Tapos 'yun Si Maisie! Naging sila din!" sabay turo ni Jessa sa maputing babae.


"Tangina! Baka kailangan na ng tarpaulin na  nakalagay 'Reunion ng mga Ex ni Seus'" iritadong baling sa'min ni Louisse.


"Oh iyon pa! Si Rosie! Tas Si Phoebe!" umiling ng todo si Louisse.


"Si 'yun pa! ano nga ba pangalan?" nakapalumbabang sambit ni Louisse.


"Kaia." sagot ni Jessa, sabay tingin sa kuko niya.


"Oo, Kaia."


"Ampucha! Ano 'to hulaan ng pangalan ng mga ex ni Seus?"


"Talaga 'tong mokong kong pinsan, 'di nalang gayahin si Andre o kaya naman para mas Mabuti si Aeacus."


"Sumbong it to Tita." advice ni Jessa.


"Talaga!"


"Hey! My favorite cousin of Seus-" ani nung babae na lumapit sa amin.


"Sorry what's your name? I forgot kase eh. Luce? Lacie? I don't know" 


"Amp! Favorite pero 'di alam pangalan." bulong ni Louisse.


"Louisse, ang pangalan ko. Lo-uisse." may diin sa kanyang pagka-kabanggit.


"Paki-bigay naman 'to kay Seus." sabay abot ng isang invitation.


"'Di ba nag break na kayo?" tanong ni Louisse, sabay open nung invitation. Nakita kong umangal pa si Hazel pero tinikom nalang ang bibig.


"Yes, we did, pero he's not pansining me." aniya na namromroblema.


Kumunot ang noo ko. Seus' Ex again?


"Volleyball competition?" Louisse read the invitation.


"Louisse, saan ba nag aaral ang mga Ex ni Seus? Parang 'di ko talaga sila ma-mukha-an." pag amin ko.


"Iba't ibang school." sagot ni Jessa.


"Tama! Basketball doon basketball dyan, chicks doon chicks dyan. In short, Every fest sa iba't ibang school may bagong jowa 'yan." umiling si Louisse sa pagkabigo sa pinsan.


"Every game may bago 'yan, pustahan tayo. Kaya sinasabi ko sa iyo, Sapph, lumayo layo ka sa pinsan ko." pagbabalala ng kaibigan ko. 


I reached out to Sunny kasi I felt bad... Naalala ko 'yung ibang mga sections na tulong tulong talaga, pero ni-isa wala kay Sunny. I reached out to Damien, since he's the one who suggested Sunny pero ayaw niya. Louisse, Jessa and I were the only ones that I know, that would support Sunny.


5:45 pm

ms_sapphiremerritt

Hey! Sunny, do you need help in preparing for the school's Ms. Intramurals?

5:46 pm

parisalisonsage_andres

Okay lang kaya Sapphire? Nakakahiya sainyo...

5:46 pm

ms_sapphiremerritt

It's okay. We insist. I just think we should help, besides Jessa is willing to give some tips, Siya ang nanalo last year 'di ba?

5:46 pm

parisalisonsage_andres

Ma-a-appreciate ko talaga 'to! Salamat Sapphire ha?

5:47 pm

ms_sapphiremerritt

Awe! 'tsaka don't thank me... joint efforts 'to

5:47 pm

parisalisonsage_andres

Thank you talaga!


6:25 pm

ms_sapphiremerritt

Nag oo na si Sunny, Louisse at Jessa!

6:27 pm

itsmelouisselara

Yayy!

6:27 pm

imjessamendez

So much for yeses...

6:26 pm

itsmelouisselara

Gais! Kailangan natin ng team work dito. Mag cooperate okay?

6:26 pm

imjessamendez

Okay... What are we gonna do?

6:26 pm

itsmelouisselara

Jessa you do the makeup, Sapphire you'll do the clothing

6:27 pm

ms_sapphiremerritt

Let's do it! 


"Sunny, kunti nalang ang pimples mo. Ma-tre-treat pa 'yan. Promise!" sabay tingin ni Louisse sa Gamot na binili naming para mas mapabilis ang pagkawala ng pimples na 'yan.


"Si Damien kasalanan niya ito!" fumed Jessa spoke.


"Jessa, 'di niya kasalanan, sana nalang at nag decline ako n'un." Mahinhin na boses ni Sunny ang narinig ko.


Napansin kong maayos naman ang ngipin ni Sunny kaya napatingin ako roon. Nakita niya ito at nagsalita siya.


"I'll have them removed before the contest, wag ka mag alala." Sunny reassured us.


"How about your glasses?" Jessa asked.


"Reading glass ko 'to, my eyes are okay."


"So we have National costume, Question and Answer portion and lastly Evening gown." Louisse says as she writes in her checklist.


"Carmela inspired National Costume? Is it done?" Jessa asked.


"Yes, nagawa na." I informed.


We prepared everything, checked kung tama ang lahat. We got it really prepared.


Honestly, hindi din ganoon ka-bilis ang pag pre-pe-pare para sa Contest ni Sunny. Medyo matagal tagal din ang pagkawala ng pimples ni Sunny.


Nakakasilaw na ilaw ng araw ang bumalot sa aking kwarto. Agad akong nagising.


"Ngayon na pala ang First day ng Intramurals!" sigaw ko habang nag stre-stretch.


I wore a white skirt and our intramurals t-shirt. Very casual. My game is on the 2nd day, Ang contest ay ngayon. Pinaghandaan na namin ang lahat.


"Gagi! Saan ka na?!" sigaw ni Louisse sa kabilang linya.


"Papunta na..." I informed. Kahit sa totoo ay nagsusuot palang ako nang sapatos.


"Sige nga! Pa-ka-usap mo si Manong Ram." pagdududa ni Louisse.


Tumawa ako ng bahagya, at nagmadaling bumaba.


"Louisse stop it na! It's maaga pa naman." Jessa nagged Louisse.


"Naghihintay kami dito sa loob ng car ni Aeacus." sabi ni Louisse agad kong binigay ang selpon kay Manong Ram.


"Oh, Louisse, pa-punta na nga ang alaga ko wag ka mag alala." tawa ni Manong Ram. Alam na ni Manong Ram ang pangyayaring ganito kaya naman mabilis na nakasagot si Manong Ram.

It looked like He's good at lying. It's an advantage though!


"Manong Ram, may anak po ba kayo? Lalaki sana." sambit ni Louisse.


"ikaw talaga Louisse! So malandi!" Jessa rebuked Louisse.


"Wow! Ang laki ng bahay nila!" amazed Louisse said as she looked around.


"Ikaw Louisse Malaki din bahay niyo ah!" sabay kurot ko sa kaniyang pisngi.


"Weh? 'di pa nga kayo nakapunta dun." pag jo-joke ni Louisse, totoo naman, eh. Her parents are very strict.


"Alam mo? Mas Malaki pa 'to sa bahay nila Oggy."


"Oggy?" kunot noo ni Jessa.


"Is it like another crush of yours?" sabay tulak ng bahagya ni Jessa kay Louisse na siyang ikinagulat niya.


"Takte! Pusa 'yun Jessa!" angal ni Louisse.


"Pusa?" Jessa asked. Confused.


"Gagi! 'di mo alam 'yun? Oggy and the cockroaches. 'Yung pusa."


"Ma'am nasa itaas po siya." sabat ng Manang sa amin.


"Salamat po." ani ko sa matandang manang.


"Manang, magkano po sahod ninyo dito? Dito nalang ata ako mag trabaho. Taena! ang hirap mag aral." sniffled Louisse.


"Tara na nga!" sabay hugot ni Jessa sa kamay naming dalawa.


"Pero nagtatanon-" agad naputol ito.


"Good morning!" bati ni Serene, nakangiti. I'm not sure kung 'yun ang pangalan niya.


"Ate Rein!" sabay yakap ni Jessa at Louisse sa kanya.


"Amara Althaia Sapphire." pagpapakilala ko.


"Oo, kilala na kita." sabay ngiti niya. She's very friendly.


"Chanel Serene Ivy. Rein for short." 


"'Yung kapatid ko nasa itaas. Salamat pala sa tulong sa kanya, ha?" 


"Ano ka ba ate! Okay lang kaya!"


Nag usap kami hanggang makapunta kami sa kwarto ni Sunny.


"Everyone! Let's pay attention to our first Candidate, Isabelle!" pagtawag sa isang kandidata.


"Good Morning everyone! My name is Mila Isabelle De Valdez. Representing Team Red!" agad humiyaw ang mga nanonood.


Sumunod ang iba hanggang natawag si Sunny.


"A round of Applause for our last candidate. Sunny!"


Sumigaw kami ng todo. Nagsama din kami ng drums para mas lumakas.


"Magandang Araw sa inyong lahat. Ako nga po pala si Paris Alison Sage Andres Diaz!" agad na nagtaka ang mga tao kung bakit ka-apilyedo niya si Ate Rein, nasanay na siguro sila na 'Andres' and apilyedo nito. In the end pumalakpak na lamang sila.


Nasa Question and Answer portion na kami. Naka-headset ang ibang kandidata kaya naman 'di nila ito maririnig.


"Miss Candidate Number 1, What is your greatest accomplishment so far, that you are most proud of?"


"Thank you. I'd say that I am proud of accomplishing many beauty pageants. I know it might not be that important to you, but every time I win one or either lose, It teaches me something and makes me feel that I am blessed. That is all Thank you!" 


Sumagot pa ang iba pang kandidata...


"As a Student, I've always achieved a lot of things, but I am more proud when it comes to academic achievments and by that It made me proud, not only for me but also with my parents." nerbyosong sagot ng kandidata.


"Let's call on, Sunny Diaz!" nagpalakpakan agad kami, hindi naming mawari na ganito pala ka-dami ang su-suporta.


"I've always been in the shadow, A girl whose never known, A girl that runs away from everyone. I've helped people, I've academically achieved, I did a lot of things, yet no one knows... Morning 'till dawn, I've hated every inch of me. As you can see, the greatest accomplishment of mine, is fully accepting who I am. I am... Happy for all the people that helped me through this journey. Thank you!" Maligayang sagot ni Sunny.


Ako man ay nahihirapan kung sino ang mananalo ngunit nanaig parin sa puso't ispan ko na sana manalo kami.


"3rd runner up is Candidate number 3! Miss Dela Rosa!" Pag-a-announce ng emcee. The emcee's voice is catching everyone's head. 


"2nd runner up is Candidate number 2, Miss Cayetano!" pumalakpak ang mga nanonood.


"1st runner up is Candidate number 4 Miss Santos!" dalawa na lang ang natitira, sina Isabelle at Sunny.


"Our Miss Intramurals for this year is...." Naghanda na ang confetti at mga drums.


"Candidate number 5! Paris Alison Sage Andres Diaz!" halos hindi na ako makarinig sa ingay, Ito kasi ang isa sa mga awaited na event sa school namin.


"Nanay! Nanalo po yung team namin sa Miss Intramurals!" agad na bungad ko ng makarating ako sa kwarto nila. Dala dala ko ang iba't ibang tsitsirya.


"Wow! sayang at 'di kami nakapunta!" ani nila Manang Elda, sabay takam sa dala kong pagkain.


"Saan si Mang Roel?" tanong ni Manang nang mapansin na wala siya rito.


"Tulog." tawa naming habang hinahawakan ang tiyan.


"Hay naku! 'di na nagbago!" sabay iling ni Nanay.


"Si Papa po?"


"May pinuntahan, anak." Nanay smiled.


Tumango ako. Pupunta sa Papa sa volleyball competition ko, nangako siya eh.


Nagusap pa kami at kung anu-ano na ang mga tinatawanan namin. 


9:45 pm

itsmelouisselara

Gagi! Di pa den ako makapaniwala na nanalo tayoo!!!!

9:46 pm

imjessamendez

You really can't move on do you? stop chatting! I'm applying my face mask! Di mo ba alam it's Monday, which means beauty rest ko!

9:46 pm

itsmelouisselara

Ansama!

9:47 pm

ms_sapphiremerritt

Guys, stop fighting, please

10:20

imjessamendez

Hey guys! I'm back! Kakatapos ko lang mag spa!

10:20

ms_sapphiremerritt

That's good

10:21 pm

imjessamendez

I know! Louisse why aren't you chatting? You're active naman eh!

10:22 pm

imjessamendez

@itsmelouisselara pansinin mo na akooo please 

10:23 pm

ms_sapphiremerritt

Milktea lang katapat niyan

10:24 pm

imjessamendez

Fine! Just this once okay?

10:25

itsmelouisselara

Yayy!! Salamat Beshie!


I sat down as I heard my teammates rant their problems about me.


"Hayst! Sapphire ano nangyayari sa iyo?! Third game na! Malapit na matapos, mananalo na tayo! tapos ganyan ka pa?!" agad na sigaw sa akin, nung namali ako sa serve.


"Sorry, 'di na mauulit." nakayuko kong sabi.


"Eh, paulit ulit na, eh! Masyadong magaling si Miracle!" iritadong sagot ng isa ko pang kasama.


"Guys! Stop it! As if naman na magaling kayo! Duh." agad na irap ni Jessa. Hinawakan niya ang kamay ko. She looked at me apologeticly. 


"Stop awaying, Sapphire! So immature of you!" Jessa sharply looked at them.


Narinig na naming ang hudyat na magsisimula na ang fourth game.


"Sapphire! Wag ka na muna sumali! Mali mali ginagawa mo, eh! Bawal ako matalo! Andito si Mom and Dad!" pagpapaliwanang ng kasama ko sa volleyball team.


"Oo nga! Magaling ka naman nung practice! Ano nangyayari sa iyo?!" dire-diretsong sabi niya.


"Sino ba kasi hinahanap mo?! My gosh! Wag mo idamay sa kalandian mo!" irap nito. "Jowa jowa tapos 'di din pala pupunta." hinawi niya ang buhok niya.


"Why naman ganyan kayo? Stop saying that! Pwede ba?!" taas kilay ni Jessa habang hinahagod ang likod ko.


"Kung 'di ko lang hawak ang mga kamay ni Sapphire, matagal ko na kayong sinampal." nahimigan ko ang galit sa kanya.


"Jessa... It's okay... I understand them." I smiled.


"Understand?!" gulat na echo ni Jessa sa aking sinabi. "If they do it once more... I'd let them taste my kamao."


"K-Kahit na masira na 'yung kaka-manicure kong kuko..." Jessa looked sad while looking at her nails.


Buti nalang meron si Jessa. 


Si Louisse kasi ay kasama ang Tita at Tito niya, ang Papa at Mama ni Seus. Laro niya kasi ngayon, eh.


"Don't pansin them, Sapphire, okay? Mag rest ka lang, I know dadating si Papa mo." Jessa said as she reassures me.


Napalitan ako ng isa kong kasama. Nagtungo agad ako sa aming locker sumandal sa locker. 'Di ko inaasahan na tutulo ang aking luha habang inaalala ko ang umaga ko kanina.


Naghanda ako para sa aming Intramurals "Nanay! Ngayon po ang aming game!"


"Nagpractice ba kayo? Teka at sasama ako, susuportahan kita!" nagagalak na ngiti ni Nanay sabay pakita sa nakahilerang sila Manong at Manang na nakasuot ng kulay asul na t-shirt.


Napalitan ang ngiti ko.


"Saan po si Papa?" agad na tanong ko.


Agad lumapit si Nanay Denis at hinawakan ang magkabilang balikat ko.


"Nagsabi ang Papa mo na hindi siya makakadalo, Sapphire" 


"Pero Nanay-"


"Hayaan mo, aantayin ko ang tawag niya dito." sabay ngiti ni Nanay.


"Pwede isama mo sila Manang Elda, Mang Ram, habang nag aantay."


"Hindi, okay lang po Nanay. Dadating si Papa, nangako siya." umiling ako, dadating si Papa.


Hindi naman mapakali si Nanay, 'di alam ang gagawin. "Nay... It's okay. Don't stress over it. I'm gonna take care of it... Just stay here and binge watch K-dramas, I'll do the household chores later."


"Amara." mababang boses ni Seus ang narinig ko.


Agad kong pinunasan ang luha ko habang nakayuko.


"Oh." sabay abot niya ng water bottle niya.


"Salamat."


"paki-ulit?" pinunta uli ni Seus ang kanyang tenga sa aking mga labi.


"Eh!" iritado kong sabi.


"Sorry na..." he sincerely said.


"Ba't andidito ka?" sabay ngiti ko para matakpan ang malungkot kong mukha.


"Sinasamahan kita." nag abot siya ng kanyang panyo. Naamoy ko kaagad ang mabangong  pabango ni Seus. It's very manly and strong.


"Paano mo nalama-" akala ko kasi napadaan lang siya.


"Sinabi." at umupo siya sa tabi ko.


"May game ka pa! Punta ka na do'n!" agad na angal ko.


"Okay lang." sabi niya na parang wala lang.


"Sure ka? Importante 'yun!" sabay tulak ko sa kanya.


"Mas importante ka." 



〰〰〰〰『𖤣𖥧𖡼..✎ ..𖡼𖥧𖤣』〰〰〰〰


sofiagii


Lovelots♡


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top