PAHINA 6
Kleo's Pov:
Nakatayo kami ngayon ni Prie sa harapan ng isang magarang bahay. Hindi na ako magtataka sa hitura ng bahay,mga maharlikang Ifrit sila ano pa bang aasahan ko? Habang abala si Prie ay inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at nahinto iyon sa isang babae na nakatayo sa labas ng bakuran ng katabing bahay ng mga Silverstone. Isang binibini na may pinaghalong pula at lilang buhok ang kanyang mga mata naman ay sing kulay ng nyebe na may kaunting asul. Tila pamilyar itong binibini saakin,mabilis siyang pumasok sa loob ng katamtamang laki na bahay.
"Kleo,anong tinignan mo dyan?" napalingon agad ako kay Prie.
"Kasi may nakita akong babae dyan nakatira sa bahay na iyan at nararamdaman ko na isa siyang Sylfiona." pagpapaliwanag ko.
"Isang Sylfiona? Kleo,napakaimpossible naman ng sinasabi mo. Wala ng Sylfiona ngayon alam mo iyon hindi ba?" naguguluhan niyang sabi.
"Ngunit hindi ako nagkakamali Prie,nararamdaman ko ng nakatagong kapangyarihan ko. Isa siyang Sylfiona." pagpupumilit ko.
Hindi naman kasi ako nagsisinungali,totoong naramdaman ko iyon sa binibining nakita ko. Isa siyang Sylfiona,isang nilalang na gumagamit ng salamangka gamit ang mga orasyon at mga kataga. May dalawang uri ng Sylfiona,una,ang Sylfiona na sinanay lamang at pangalawa ay ang Sylfionang may likas na kakayahan.
Sa estado ng binibining iyon sa wari ko'y isa siyang Sylfiona na sinanay dahil mahigit isang dekada na mula ng maubos ang mga Sylfiona. Ang angkan ng Erfigal ang lumipol sa kanila. Kung isa siyang sinanay na Sylfiona,sino naman ang nagsanay sa kanya?
Napatigil ako sa pag-iisip ng may nagbukas ng tarangkahan ng bahay. Agad na kumulo ang dugo ko ng makita ang nagbukas nun. Si Zeren na nakakunot ang noo habang tinitignan si Prie.
"Sa pagkakaalam ko ikaw lang ang kailangan dito,Henviera. Sino naman ang isang ito?" may bahid ng inis ang boses niya.
Ano nanamang problema nito?
"Paumanhin naman sayo ngunit sabi ng iyong ama isama ko siya." pagtataray ko.
"Hindi ako nasabihan kaya hindi siya pwede rito." may pinalidad ang tono ng boses niya.
"Ganun ba? Sige Kleo ikaw na lang ang tumuloy." sabi saakin ni Prie.
"Ano? Ayoko ang Lord Ifrit na mismo ang nagsabi na isama kita. Kung hindi ka papapasukin ng baliw na iyan uuwi na lamang tayo."
" Kleo mukhang importante naman ang bagay na nais sabihin ng Lord Ifrit kaya ayos lang saakin hihintayin na lang kita."
"Sira kasama ka nga doon hindi lang ako."
"Ano tutuloy ka ba o hindi?!" nagtaas ako ng kilay kay Zeren.
"Hindi na tutal hindi ko naman kasama si Prie sa loob kaya uuwi na lamang kami." pagtataray ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Prie at sumunod naman ang mata ng baliw doon. Lumalim ang gatla ng kanyang noo,at bakas ang labis na pagkadisgusto sa mukha niya. Siraulo ba ito?
"Magkaanu-ano ba kayo ha?"
"Ano bang pake mo?! Pakisabi na lang sa ama mo na hindi kami natuloy." sabi ko at akmang hihilahin si Prie ng may magsalita sa likuran ng baliw.
"Pumasok na kayo huwag na kayong babagal-bagal pa at Zeren umayos ka sinabihan ka na kagabi na darating sila." puno ng otoridad na sabi ng kakambal ni Zeren.
"Hindi naman ako nasabihan na lalaki ang kasama niya.", padabog niyang binuksan ang tarangkahan at mabilis na pumasok sa loob ng kabahayan.
Siraulo nga siya.
Mabilis din kaming pumasok ni Prie kung magara ng tignan ang labas mas lalo pa pala ang nasa loob. Parang palasyo na namin ang bahay na ito. Nilibot ang aking mga mata ang buong kapaligiran,sobrang rangya. Ganito din sana ang tinutuluyan ko ngayon ngunit naglayas ako eh.
"Mabuti at naririto na kayo." agad kaming yumukod ni Prie ng marinig at matanaw namin ang Lord Ifrit na pababa ng hagdan.
"Magandang gabi po." sabay naming sabi ni Prie.
"Sumunod kayo saakin ng agad nating masimulan ang usapan ukol sa misyon." sabi niya at naunang maglakad.
Nakasunod kami ni Prie sa kanya. Asan na kaya yung kambal? Hindi ko na sila nakita pagpasok namin. Huminto ako saglit ng makarating kami sa isang nakabukas na pintuan. Nang makapasok ako ay doon ko nakita ang kambal.
Nahagip ng mga mata ko na matalim ang tingin ni Zeren kay Prie. Aba't!
"Zeren,itigil mo iyan ngayon din." basag ng Lord Ifrit sa matatalim na titig ni Zeren habang paupo siya.
"Tss." inis na tugon nito.
"Maupo na kayo."
Tumango ako at naupo katabi ni Prie na patuloy na tinititigan ni Zeren.
"Hindi ko na siguro ipapakilala ang kambal kong mga anak. Alam kong kilala niyo naman na sila. Kung kaya't didiretsahin ko na kayo." panimula niya.
"Binibining Henviera at ano nga ulit ang pangalan mo iho?" tanong niya kay Prie.
"Prieaston Delifir po kamahalan." magalang nitong tugon.
"Kaano-ano mo si Geran Delifir?" muling tanong ng Lord Ifrit kay Prie.
"Nakatatandang kapatid ko po siya. Ngayon pa lamang po humihingi na ako ng tawad para sa mga hindi magagandang bagay na ginagawa ng aking kapatid,kamahalan." tugon ni Prie at yumuko.
Ang nakatatandang kapatid ni Prie na si Geran ay pinaghahanap ngayon. Madami itong ginawa na labag sa batas ng nasasakupan namin gayoon din sa iba pang mga karatig lugar. Ang pinakamalala na siguro ay ang wasakin niya ang isang buong bayan at ni isa sa mga nakatira roon ay walang nakaligtas.
Hindi ko pa din lubos maisip kung bakit nagawa iyon ng kapatid ni Prie.
"Hindi mo naman kasalanan iyon kaya wala kang dapat na ihingi ng tawad." kalmadong pahayag ng Lord Ifrit.
"Kapatid niya pa din iyon kaya dapat lang." iritableng sabat ni Zeren.
Tinignan ko siya ng masama at kinunutan niya lamang ako ng kanyang noo.
"Zeren,umayos ka diyan sa aking tabi baka pauwiin kita kasama ni papa at sabihin kay mama na may ginagawa kang kalokohan." malalim at may pagbabantang sabi ng kanyang kakambal na katabi niya.
"Ano? Wala naman akong ginagawang masama,Zeshren." pagalit na sabi ni Zeren.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa na nagtitinginan ng masama hanggang sa umismid si Zeshren.
"Nakakaramdam ka din ng ganyan,Zeren?" makahulugang pahayag ni Zeshren.
"Tumahimik ka nga pwede." sabi nito sa kakambal at umayos ng upo.
"Anong tinitingin tingin mo?" inis niyang sabi sakin ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya.
"Siraulo!" mahina kong sabi na sakto lang madinig niya at ng mga katabi namin.
Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Akmang magsasalita siya nang may tumikhim.
"Zeren,tama na iyan. Mahalaga ito at kailangan nating mapagusapan agad ito bago dumating ang mama niyo bukas." mahinahong sabi ng Lord Ifrit.
Humalukipkip lamang siya at di na nagsalita pa.
"Makinig kayo kung ano man yang mga hindi niyo pagkakaintindihan kalimutan niyo muna iyan. Nais ko na magtulungan kayo sa misyon na ito. Sa susunod na linggo,ipadadala ko kayo upang magmanman sa Sartona sa loob ng dalawang araw."
Sa Sartona?! Bayan iyon ng mga kriminal!
"Pa,bakit sa Sartona? Ano namang meron doon sa bayan ng mga kriminal?" paguusisa ni Zeshren.
"May nakuha akong impormasyon na may ginagawang kung ano ang mga Erfigal roon. Magmamanman lang naman kayo ng dalawang araw at maaari na kayong bumalik rito pagkatapos."
Ano ba ang tumatakbo sa isipan ng Lord Ifrit? Ang Sartona ay masyadong delikado.
"Hindi naman siguro makakaabala sainyo ito hindi ba binibini?" tanong niya sa amin.
"Ahm. Hindi naman po ipapaalam ko lamang sa aking tinutuluyan ang ukol dito ngunit hindi ko naman ididitalye lahat." magalang kong tugon.
"Mabuti kung ganoon."
Natigil ako sa pakikinig sa kanila ng may maramdaman akong hindi mabuting enerhiya. Agad akong napatayo ng maging napakalapit nito.
"Kleo,may problema ba?" dinig kong tanong ni Prie.
Hindi naman sila paparito,oo sila tatlo sila at mga....
"Erfigal." wala sa sariling sambit ko.
"Anong sinasabi mong Erfigal? Kleo!" muling tawag ni Prie.
Agad akong tumingin sa kanya.
"A-andito sila ang mga Erfigal a-at paparoon sila sa Sylfiona sa kabilang bahay." kinakabahan kong sabi.
Napalingon ako ng makadinig ako ng malakas na kalabog.
"Zeshren." tawag ng Lord Ifrit sa nagmamadaling si Zeshren.
Agad kaming sumunod at napahinto ako sa nakita ko sa labas. Ang tatlong magkakapatid na Erfigal. Sina Roya,Rena at Ranye,kaharap naman nila si Zeshren na hawak ang walang malay na Sylfiona at isang binata na may pinoprotektahang Ginang sa kanyang likuran.
Ano naman ang kailangan ng mga Erfigal na ito sa Sylfionang iyan?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top