PAHINA 5


Devi's Pov:

Wala ako sa sarili habang nagliligpit ng mga gamit dito sa bahay. Hindi pa din mawala sa isip ko ang prediksyon sa pahina ng aklat na iyon. Akmang ilalapag ko ang baso ng may mga imaheng nagpakita saakin.

Isang binibini na may itim at mahabang buhok. May pinaghalong asul at berdeng mga mata. Nakikita ko siya na paparito,hindi,sa kabilang bahay. Kasabay nun ay isang paglusob.

Napasinghap ako ng maputol na ang mga imahe na nakikita ko kasabay nun ay nabitawan ko ang baso dahilan upang mabasag ito. Nakatulala ako habang hinahawakan ko ang aking kumakabog na dibdib.

Yung babae parang nakita ko na siya. Napatalon ako sa gulat ng makarinig ako ng katok sa pintuan. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagtungo sa pintuan. Binuksan ko iyon at nakita ko doon si Zeren.

"Ganda?! Ayos ka lang? Namumutla ka." bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"A-ayos lang ako. Bakit ka nandito?" nagtataka kong tanong.

"Sigurado ka?"

"Oo,sagutin mo na lang ang tinatanong ko."

"Hay. Oh. Sabi ni Ashriel ibigay ko ito sayo. Ewan ko kung bakit pero kailangan mo raw iyan." sabi niya at may inabot na maliit na lilang kahon.

Kinuha ko iyon sa kanya at binuksan ito. Napakurap ako ng ilang beses ng makita ang isang magandang kuwintas. Hugis diyamante ito na may kulay lila na bato. Napakunot ang noo ko ng maalala kong galing ito kay Ashriel.

"Kulit asan si Ashriel kakausapin ko siya tungkol rito."

"Yun na nga ganda ibinilin niya lamang. Kagabi pa yun hindi lumalabas ng kanyang silid. Kaya hindi muna kami papasok." pagpapaliwanag niya.

Napatango-tango ako sa sinabi niya. Nakapagtataka naman na bibigyan ako ng ganito ni Ashriel.

"Ah sige ganda alis na ako baka dito pa ako mamatay sa tapat ng bahay niyo." natatawa niyang sabi.

"Bakit ka naman mamamatay aber?" taas kilay kong tanong.

"May isang pares kasi ng mata ang handa akong sakmalin anumang oras." tumawa muna siya bago siya umalis.

Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin,ngunit bago siya makalabas ng aming bakuran ay lumingon siya at may nakita nanaman akong mga imahe.

Si Zeren,unti unti siyang nawawala sa gitna ng isang malakas na pagkidlat. May napakakapal na usok ang lumabas at isang pares ng napakapulang mata ang nasa likod nun.

"Ganda?!"

Nabalik ako sa realidad ng madinig kong muli ang boses niya.

"B-ba-bakit?." nangangatal kong sabi.

Nakita ko na humakbang siya pabalik kaya napaatras ako.

"U-umuwi ka na." pagtataboy ko sa kanya.

"Ayos ka lang ba talaga? Mas mas maputla ka pa kesa kanina." humakbang ulit siya.

"Umalis ka na,pakiusap." naluluha kong sabi.

"Ganda."

Ayoko ng makita ulit yun. Ayokong makita ang pagkawala ng matalik kong kaibigan.

"Alis na!" malakas kong sambit.

Itinaas ko ang aking kanang kamay. Dadaanin na lamang kita sa kapangyarihan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata ngunit napatigil ako may humawak roon at isang pamilyar na boses ang narinig ko.

"Huwag kang magkakamaling gawin iyan sa mismong harapan ko." anang malamig na boses.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nahigit ko ang aking hininga ng makita ko kung sino iyon. Ang kakambal ni Zeren,si Zeshren. Alam ko ang pangalan niya dahil lagi itong nababanggit ni kulit.

"Binabalaan kita binibini. Huwag mong gagawin iyan." may pagbabanta ang boses niya.

Hahatakin ko sana ang aking kamay ngunit kabaliktaran ang nangyari,siya ang humatak sakin. Bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sakin.

"L-lumayo ka."

"Tandaan mo ang sinasabi ko sayo. Sa oras na makita kita ulit mananagot ka." sabi niya at binitawan ang aking kamay.

Nakatitig lang ako sa papalayo niyang bulto.

"Zeren halika na." dinig kong sabi nito at kinaladkad si Zeren.

Bakit parang mas trumiple ang  lakas ng tibok ng dibdib ko ng lumapit siya?

Nang makapasok ako nanghihina ang buo kong katawan. Nangangatog ang aking tuhod ng umupo ako sa upuan sa salas. Hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng aking dibdib.

Hindi naman na ako kinakabahan ng todo dahil napalitan iyon ng kakaibang kaba at pagkailang ng maglapit kami ng kakambal ni kulit. Hindi naman iyon kaba na natatakot,kundi kaba na parang nasa tiyan ko. Tila may kung anong nagliliparan doon.

Sa tanang araw na naririto ako ngayon lang kami nagkalapit ng ganoon. Sobrang kakaiba,nakakahalinang kaba. Teka naisip ko talaga na nakakahalina iyon? Kainis! Ngunit nakakahalina naman talaga siya. Ang lila niyang mga mata,sobrang ganda ng mga ito. Kapareha ng kulay ng bato sa kuwintas na ipinabibigay ni Ashriel.

Nang makabawi ako ng lakas ay pumanhik ako sa aking kuwarto at itinago ang kuwintas doon. Buong araw pinagpatuloy ko ang aking lalaging ginagawa. Magligpit,maglinis,alagaan si Inang at magluto.

Nang sumapit ang dapit-hapon at nakatulog na si inang. Sasaglit muna ako kina Nanay Lucy at nanay Leny. Kumatok ako sa kanilang pintuan. Nakailang katok na ako ngunit walang nagbukas. Imposible namang tulog na sila dahil maaga pa. Nakasindi naman ang lahat ng ilaw. Kumatok akong muli at sa wakas ay bumukas na ang pintuan.

"Magandang gabi po Nanay—" napatigil ako at napahakbang paatras.

"S-shuie."

"Kamusta ka na?" nakangiti niyang sabi.

"Anong ginagawa mo dito? Anong ginawa mo sa kanila?!" pagalit kong sabi.

"Wala akong ginawa sa kanila,pinatulog ko lamang sila."

"Kung ganoon bakit ka naririto?" gagad ko.

"Hmmmm..dito natin pagusapan iyan sa loob." sabi niya at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.

Napabuntong hininga ako at pumasok. Nasa salas kami at napakatahimik ng paligid.

"Saan sila naroroon?"

"Nasa kanilang mga silid,binibining Devici Heartlaine Blackburn." nakangisi niyang sabi.

"Huwag na huwag mo akong matawag sa buong pangalan ko,Shuie Blackburn." mariin kong sabi.

Tumawa siya at lumapit saakin.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Binibini, hindi ka na ligtas sa lugar na ito. Natunton ka na nila at sa oras na ito siguradong paparating na sila." seryoso niyang sabi.

"Sinong sila?"

"Ang tatlong magkakapatid na Erfigal."

Namilog ang aking mga mata. Hindi,ang magkakapatid na babaeng iyon ay utusan upang kumitil ng mga buhay.

"Paano nila nalaman na naririto ako?"

"May nakakita sayo na alipin nila at sinundan ka nito."

Mariin kong ikinuyom ang aking kamay. Sa loob ng ilang taon bakit ngayon pa?

"Binibini, kailangan mong umalis rito."

"Paano sina Nanay Lucy at Nanay Leny siguradong madadamay sila."

"Mas madadamay sila kapag naririto ka pa."

Napatigil ako ito ba ang nakita kong imahe na may paglusob. Ngunit wala akong nakita kundi mga anino lamang. Ang mga Erfigal ba ang nasa pangitaing iyon.

"Devi, kumilos ka na tutulungan kitang makatakas. Ayusin mo na lahat pati si Ginang Elisa."

Sandali akong naguluhan ngunit kumilos naman na agad ako. Nang makalabas ako ay mabilis akong naglakad patungo sa bahay,ngunit akmang papasok na ako ng makita ko ang isang babae at lalaking nasa tapat ng bahay nina kulit.

Nang lumingon siya doon na ako kinabahan ng sobra. Ang babaeng nakita ko sa aking pangitain. Naririto na siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top