PAHINA 3


Kleo's Pov:

Mag-isa akong naglalakad sa gilid ng daan. Ilang buwan na nga ba akong namumuhay mag-isa ngayon? Dati-rati may kasama ako,si Prie,ngunit kailangan niya ng bumalik. Hindi ako sumama kasi nga naman nagtatago ako. Tumakas ako samin at heto ako nagtatago sa isang hindi pamilyar na lugar. Eskwater daw ang tawag sa lugar na iyon. Kakaiba ang lugar na iyon kumpara sa bayan namin ngunit nasanay na din ako kalaunan. Masikip,mainit at may hindi kaaya-ayang amoy sa isang parte nun.

Hindi naman pwedeng sa isang magarang lugar ako kasi makakahalata sila at mahahanap agad ako. Kilala ni Prie ang mortal na nagmamay-ari ng bahay na tinutuluyan ko. Alam niya kung ano kami dahil ang kanyang napangasawa ay kagaya din namin,ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw na ito.

Kada araw na pumaparito si Prie ay nagiiwan siya ng panggastos namin. Mula iyon sa nakatatanda kong kapatid,bale kapatid ko lamang siya sa ama. Anak siya ni ama sa isang babaeng anak ng mataas na opisyal ng aming bayan. Kahit hindi ko man siya purong kadugo malapit kami sa isa't isa.

Bukod kay Prie,si Lennox,ang kapatid ko lamang ang nakakaalam kung nasaan ako. Syempre sinuportahan niya ang pag-alis ko. Baliw din yun eh maloko din. Hay! Nang makapasok ako ng paaralan ay lumiko ako sa gawing kanan. Dadaan muna ako sa aklatan,may hihiramin lamang akong aklat.

Tahimik lamang akong naglalakad ngunit napahinto ako ng makita ang grupo ng mga lalaking naglalakad sa unahan ko. Lagot! mabilis akong naghanap ng matataguan. Waahh! Ayokong makita siya! Naiirita ako sa kanya!

Tumakbo ako pabalik sa pinanggalingan ko at lumiko sa kabila. May daan naman rito parungong aklatan na hindi ko siya makikita. Ayoko namang maging ganito kaso nga lang ang bwesit na Zeren Silverstone na iyon nakakainit ng ulo!

At isa pa,alam kong Ifrit siya! Isang maharlikang Ifrit! Nakita ko na sila dati sa isang pagtitipon,ang pamilya ng Silverstone. Kahit si ama noon ay nakita kong yumukod sa kanila,doon ko lamang napagtanto na kung ikukumpara kami sa pamilya nila,hindi hamak na mas makapangyarihan sila.

Ngunit hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako bwesit na bwesit kay Zeren Silverstone. Naiirita ako sa kanya dahil palagi niya akong nilalapitan at iniinis. At natutuwa pa talaga siya kapag iniinis ako. Ano ba yan! Naiinis talaga ako kapag naaalala ko ang pagmumukha ng Zeren na iyon!

Mabuti na lang at nakarating ako sa aklatan. Iniwan ko muna ang aking bag ko sa gilid. Hinanap ko agad ang pasilyo ng mga aklat na nahahawig doon. Naghanap ako sa bawat sulok ng pasilyo. Napanguso ako ng makita ko iyon sa pinakamataas na lagayan. Ano ba naman yan! Bakit doon pa inilagay? Hindi naman ako pandak sadyang pataas lang ang lagayan na ito!

Nagpalinga-linga ako upang maghanap ng mapapatungan. Nakakita ako ng isang upuan at agad ko iyong kinuha upang patungan. Pumatong ako at pinilit na inabot ang aklat. Malapit na! Konti na lang~

"Waahh!" mabilis akong humawak sa lalagyan ng mga aklat ng mawala ang balanse ko sa upuan.

Ngunit agad din naman akong bumitaw ng maramdaman kong madadala ko iyon. Mas mabuti ng malaglag kesa naman mabagsakan ako neto. Pinakiramdaman ko ang paligid habang nalalaglag ako. Mariin ng nakapikit ang aking mga mata. Nagtaka ako kung bakit tila nahulog ako sa may kalambutang bagay.

Agad akong nagmulat ng aking mga mata. Nakapatong pa ng kaunti ang aking paa sa silya,ngunit may kung anong nakaharang sa aking likuran.

"Mag-iingat ka naman sa mga pinaggagagawa mo." literal nanamilog ang aking mga mata at agad akong ng pumiglas dahilan upang matuluyan akong bumagsak sa sahig at mapadaing.

"Aray ko po!" napaupo agad ako.

"Hay nako! Tinutulungan na kita ganyan ka pa?" wika niya na tila nanunumbat.

"Sino bang nagsabi sayong tulungan ako? Kaya ko naman na eh!" asik ko.

Umupo siya sa harapan ko at pinakatitigan ako.

"Ganyan ka magpasalamat sakin? Niligtas ko ang buhay mo prinsesa." nakangisi niyang saad.

Pinandilatan ko siya ng mata.

"Tumahimik ka pwede ba!"

"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko hindi ba isa kang prin-aray!" daing niya ng sipain ko siya.

Bakas ang pagkagulat sa mukha niya ngunit napalitan ito ng pagkamangha?

"Lumayo layo ka nga sakin pwede ba?!" sabi ko at tumayo.

"Ayoko nga." nakangisi niyang sabi.

Sinamaan ko lamang siya ng tingin at pinaikot ang aking mga mata. Akmang hahakbang ako upang lagpasan siya ng may tumama sa ulo ko.

"Aray!" daing ko habang hinihimas ang ulo ko.

Tinignan ko ang bumagsak na bagay. Yung aklat na inaabot ko kanina. Pinulot ko agad iyon at sinamaan ng tingin. Abat sa ulo ko pa talaga. Padabog akong lumampas sa kanya at pumunta sa tagabantay ng aklatan. Ipinalista ko ang aklat at lumabas na ng aklatan. Naku! Umiwas na nga ako sa kanya kanina talagang nagkita pa kami. Kainis!

Nang makapasok ako sa klase ko ay itinuon ko muna ang aking isipan sa aking guro. Sabi sakin ni Prie na ligtas daw na mag-aral ako dito. Pag-aari daw ito ng isang maharlika din,isang Quinzel. Sa pagkakaalam ko dalawa ang anak ni Ginoong Iveon Quinzel,ngunit isa lamang ang nakita ko ng dumalo sila sa kaarawan ni ama. Hindi ko nakita ang bunso niyang anak na babae daw.

Madami din akong nakita na mga Ifrit rito,hindi lamang basta mga Ifrit. Mga maharlika pa at kabilang sa mataas na pamilya. Ngunit may patakaran dito na bawal ang pag-gamit ng kapangyarihan dahil nakikihalubilo kami sa mga mortal. Itinago ko din ang totoong pagkatao ko,nakiusap kami ni Prie sa may-ari na kung pwedeng itago nila ang totoong pagkatao ko.

Mabuti at pumayag siya! Nasa kalagitnaan ng pagtuturo ang aking guro ng may kumatok sa pintuan ng aming silid. Isang magandang binibini na may kulay kahel na buhok na hanggang balikat at ang kanyang berdeng mga mata,napakaganda ng mga ito. Hindi man mahalata sa edad niya ngunit nasa malapit trenta na yata siya.

Ang isa sa dalawang anak ng may-ari,Marione Quinzel.

"Paumanhin kung nakaistorbo ako,ngunit maaari bang hiramin ko muna si Binibining Henviera?" nakangiti niyang sabi.

Ako?! Bakit? May nagawa ba akong paglabag?

"Wala pong problema binibining Quinzel. Kleo,sumama ka na." tawag sakin ng guro ko.

"O-opo." nauutal kong sagot.

Iniligpit ko ang mga gamit ko at nagtungo sa pintuan. Nakangiti siya sakin kaya ngumiti din ako ng kaunti. Lagot na! Baka may nilabag ako na hindi ko alam!

"Huwag kang mag-alala binibini,hindi ka naman nakagawa ng paglabag sa usapan." sabi niya habang naglalakad kami.

Nakahinga ako ng maluwang sa sinabi niya. Mabuti naman!

"Pero bakit niyo po ako pinatawag?" nagtataka kong tanong habang paliko kami ng pasilyo.

"May pagpupulong tayo,ukol sa isang napakahalagang bagay." medyo may pagkaseryoso ang boses niya.

"Ano naman pong kinalaman ko dun?"

"Para mapaalalahanan ka at makaiwas sa panganib. Pagpupulong iyon ng lahat ng Ifrit dito." may kahinaan ang boses niya.

Tumango-tango ako sa sinabi niya kahit naguguluhan ako. Nakarating kami sa isang pintuan sa gusali ng opisina ng may-ari. Agad kaming pumasok at nakita ko na halos nadoon na ang lahat. Inihatid niya ako sa bakanteng upuan sa pinakagilid sa bandang gitna. Nasipat ko sa unahan na nakalingon sakin si Zeren,kaya inikot ko ang mga mata ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at tumayo,ngayon noo ko naman ang nakakunot.

Ano nanaman ang gagawin ng baliw na ito? Nakapamulsa siya at tumigil sa gilid ko.

"Oh. Bakit nanaman?" sabi ko sa madiin at mahinang boses.

"Umusod ka." nakangisi niyang sabi.

"Aba't ayoko nga." pinagkrus ko ang aking kamay sa aking dibdib.

Nasa harapan ang aking mga mata at nakita kong nakatingin rito ang kapatid niyang babae. Oo,kilala ko yung bunso nila at kakambal niya ang namumuno sa kaayusan ng paaralang ito. Nakangiti sakin yung bunsong babae nila at ngayon ko lang din nakita na nakatingin din dito ang kakambal niya na nakangisi. Pati na din ang mga pinsan nila!!

Umiwas ako ng tingin habang nakakrus ang mga kamay ko. Manigas siya dyan.

"Zeren,maupo ka na!" dinig kong tawag sa kanya ni binibining Marione.

"Ayaw umusod ni binibining Henviera dito." saad niya.

Akmang sasabad ako ng usapan.

"Binibining Henviera."

Umusod na lamang ako sa bakanteng upuan na katabi ko. Tahimik lamang akong naupo at ganun din siya.

"Sisimulan ko na ang pagpupulong na ito." paunang sabi ni binibining Marione.

"Sa mga nakalipas na araw na ito may mga hindi pangkaraniwang nangyayari sa paligid natin. Sa loob ng isang buwan ay nasa anim na anak ng matataas na pamilya n ang nawawala. Ang huling nawala ay ang anak ng pamilya Defeil."

Halos mabulunan ako ng sarili kong laway sa narinig ko. Nawawala? Paano?

"Ayon sa nasagap naming impormasyon,may kumuha daw na hindi kilalang nilalang sa anak ng Defeil. Hanggang ngayon ay hindi pa siya nahahanap."

Si Veline Defeil,nawawala! Sino naman ang kukuha sa bratinelang babaeng iyon na puro bunganga!

"May nakuha din kaming impormasyon na may gumagalang grupo ng Craos sa Edil. Zeshren, Zeren nagtungo na ba kayo sa lugar na iyon na nasasakupan niyo?" tanong ni binibining Marione sa kambal.

"Hindi pa ngunit may inutusan na akong magmanman roon." sagot nitong katabi ko.

Nasasakupan pala nila ang Edil. Craos? Nakakita na ako ng iilan nun,ngunit para sa ano naman na dudukutin nila ang mga anak ng matataas na pamilya?

"Makinig kayo anumang oras ay may papasok na Craos kaya ihanda niyo ang sarili niyo. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Ashriel,Sylia,Lovera mag-iingat kayong tatlo,lalo ka na Ashriel. Pinapasabi ng Lord Ifrit na sa oras manggulong muli ang Craos,huwag na huwag kayong magpapadalos-dalos. Nais kong kumalap kayo ng impormasyon ukol sa mga nawawalang anak ng mga matataas na pamilya. Ipanatili niyong lihim ito sa ibang hindi naririto ngayon."

Magsisimula nanaman ba ang bagong labanan? Napahawak ako sa aking ulo ng sumakit iyon. 'Wag naman ngayon!

"Hoy ayos ka lamang ba?" dinig kong tanong ng katabi ko.

Hindi ko siya sinagot at agad akong tumayo at tumakbo paalis ng lugar. Hindi! 'Wag ngayon! Tumakbo ako sa tambayan ng mga mag-aaral. Mapuno ito at may mga upuan din. Mabuti at walang tao,nagtago ako sa likod ng malaking puno at sumandal.

Sa lahat ng pwedeng kapitan nito bakit ako pa?! Hindi! Mararamdaman nila ako dito kailangan kong makaalis dito. Akmang tatayo ako ng may humila sakin.

"Lumayo ka!" pagtataboy ko.

"Iyang takot mo ang nagpapalakas lalo ng kapangyarihang iyan."

Napamulagat ako ng marinig ko ang boses na iyon.

"Umalis ka! Alis!" madadamay ka.

Matiim niya lamang akong tinignan at tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"Tumingin ka sakin."

"Ayoko umalis ka na." mariin ko pang ipinikit ang mga mata ko.

"Imulat mo na ang mga mata mo."

"Ayoko nga sabi umalis ka na kasi,Zeren!" pasigaw kong sabi.

"Ngayon tinatawag mo na ako sa pangalan ko."

Napamulagat ako sa sinabi niya. Tinawag ko nga siya sa pangalan niya! Iminulat ko ang aking mga mata at hindi ko mawari kung ano itong nararamdaman ko ng makita ang asul niyang mga mata na nakatitig sakin. Pakiramdam ko kinabahan ako bigla na tila ba nagwawala ang tiyan ko.

Mas lalong namilog ang mga mata ko ng unti-unting naging pula ang mga mata nito. Hahakbang sana ako palikod ng pigilin niya ako. Sa kanya na nakatuon ang atensyon ko at...Teka?! Hindi ko na nararamdaman ang paglakas nanaman kapangyarihan ko.

"P-paanong?"

"Kung natakot ka na sa lagay ng kapangyarihan mo,mas matakot ka na may nilalang na kayang pigilin iyan." nakangisi niyang sabi.

Napaawang ang labi ko sa ginawa niya. Kaya niyang pahupain ang nagaamba kong kapangyarihan? Hindi na ako dapat magtaka dahil isa siyang Silverstone,ngunit ang kapangyarihan ko masyado itong mapanganib na kahit ako ayoko itong kumawala.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit ba ang lapit niya naman masyado.?

"Mag-ingat ka ikaw ang susunod na punterya nila." seryoso niyang sabi.

"At paano mo naman—Asan na yun?"

Bigla na lang nawala ang baliw? Nagpalinga-linga ako sa paligid,walang bakas ni Zeren. Tss. Paano naman niya na ako ang kasunod? Sira talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top