PAHINA 2

Devi's Pov:

"Ina,halika na po sa taas." pag-aya ko sa kanya kahit hindi naman niya ako kikibuin.

Hindi ko naman siya tunay na ina. Matagal ng pumanaw ang aking ina. Ang ginang na ito ay ang kumupkop sa akin ng itinakwil ako. Siya ang umalalay sakin mula noong itakwil ako,ngunit nagkaroon ng aksidente. Iyon ang naging dahilan kung bakit siya ganito ngayon.

Dinala ko siya sa kanyang silid rito sa ibaba. Bago pa siya naaksidente ay sa kanya na itong bahay kung kaya't hindi na ako namumuroblema sa bayarin dito. Isa itong sabdibisyon,isang perperktong lugar para sakin.

Inayos ko ang kanyang higaan at dahan-dahan ko siyang inihiga rito. Binantayan ko siya hanggang sa makatulog siya bago ako lumabas ng silid niya. Nagtungo ako sa kusina wala sa sariling napatitig ako sa kabilang bahay. Malaki ang bahay na iyon,halos ilang taon na din namin silang kapitbahay. Ang tatlong magkakapatid na iyon,mga maharlika sila nararamdaman ko iyon.

Napaatras ako ng mahagip ng mata ko na nakatitig rito ang panganay nila. Nakakagulat naman ang isang ito. Hindi ko mawari,kung bakit kinakabahan ako kapag nakatingin sa kanya. Malayo ang ugali niya kay kulit at Ashriel. Suplado siya at mainitin ang ulo ngunit guwapo. Teka! Hindi ko naman sinabi yun di ba? Ano ba naman yan!!!

Napabuntong hininga na lamang ako at umalis ng kusina. Papaakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay ng lumitaw sa harapan ko ang aking alaga.

"Binibini! Tulog na ba siya?" agad niyang tanong habang nakalutang sa ere ang maliit niyang katawan.

"Oo,nakatulog na siya." tugon ko sa kanya.

Lumipad siya at umupo sa aking balikat habang naglalakad ako patungo sa aking silid.

"Binibini,nakasagap ako ng balita mula sa inyong bayan. Ang iyong ama,pinapahanap ka niya sa pamamagitan ng isang paligsahan." wika niya.

"Paligsahan? Ano naman iyon?"

"Ang bawat matataas na pamilya doon ay inanyayahan sa paligsahan. Bawat pamilya ay nagpadala ng tig-isang kalahok nila. Ika'y ipapahanap at kung sino man ang makakahanap sa iyo,ay magagantimpalaan." pagpapaliwanag niya.

"Nahihibang na siya. Ano naman ang gantimpala?"

"Ikaw." walang pagaalinlangan niyang saad.

"Ako?! Anong ako?" naguguluhan kong saad.

"Ang kung sino mang makakahanap at makakapagbalik sayo sa bayang iyon kahit itinakwil ka ay makakaisang dibdib mo."

Namilog ang aking mga mata. Nababaliw na ba si ama at ginawa niya sakin ito?!

"Nababaliw na siya!" gagad ko.

"Baliw na talaga iyang ama mo binibini." kibit balikat niyang sabi.

Napabuga ako ng malakas na hangin. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Padabog akong nahiga sa aking kama. Nahihibang na siya pagkatapos niya akong itakwil gagawin niya akong pabuya? Inihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha sa sobrang inis. Bakit ba ako nababahala? Hindi naman yata nila ako mahahanap sa lugar na ito. Nagawan ko ng selyo ang kapangyarihan ko,ilang taon na kaya mahihirapan sila.

Ipinikit ko ang aking mga mata,palalim na ang aking paghinga ng makarinig ako ng mga mahihinang kaluskos. Sa pag-aakalang si Mimi lamang iyon ay hindi ko na pinansin. Ngunit napamulagat ako ng bumigat sa tabi ng kama ko. Mabilis akong bumangon at kinuha ang punyal sa ilalim ng aking unan. Itinutok ko agad iyon sa kung sino mang–

"T-teka ganda!" agad akong natigilan.

"Kulit?!" gagad ko.

Mabilis kong ibinaba ang aking punyal.

"May galit ka ba sakin ganda?!" nagtampo ang boses niya.

"Hindi naman sa ganun,naggugulat ka kasi!" tinampal ko ang balikat niya.

"Pasensya na ganda." napakamot siya ng kanyang batok.

"Bakit ka nga pala narito? At paano ka nakapasok?" kunot noo kong tanong.

"Ah..kasi..ano kasi ganda.."

"Anong ano?"

"Hay! Ang hirap sabihin eh." kamot ulo niyang sabi.

Mas lumalim ang gatla ng aking noo.

"Edi sagutin mo na lang kung paano ka nakapasok?"

"Binuksan ko yung pagkakasara ng pinto sa may kusina niyo." paliwanag niya.

"Ibig sabihin ay pumasok ka na parang magnanakaw?" tanong ko.

"Oo pasensya na ganda." nakangiti niyang sabi.

Kinurot ko ang tagiliran niya.

"Loko ka talaga! Kapag ako ginawan ng kuwento kuwento rito dahil sayo hindi na talaga kita papansinin." pagbabanta ko.

Ngiti aso lamang ang itinugon niya sa akin,kaya inirapan ko siya ng todo. Humiga siya sa kama ko at pumikit.

"Hoy kulit! Bumangon ka nga riyan! Aba pumunta ka dito para lang makitulog?!" niyugyog ko siya.

"Teka lang naman ganda!" bumangon siya ulit at umupo.

"Umuwi ka na nga dun! Baka hinahanap ka na ng nakakatakot mong kakambal." ingos ko.

"Si Zeshren? Hindi naman nakakatakot ang kapatid kong iyon ah."

"Para sayo hindi kasi nga kapatid mo siya,pero para sakin nakakatakot siya." saad ko.

"Hindi din. Suplado siya pero hindi naman siya nakakatakot. Kapag nakilala mo na talaga ang kakambal ko na iyon,sasabihin mo talagang totoo ang sinasabi ko." nagtaas baba ang kanyang kilay.

"Ay ewan ko sayo! Umuwi ka na matutulog na ako." pqgtutulak ko sa kanya.

"Oo na uuwi na ako. Magandang gabi sayo ganda." kumindat pa siya sakin bago lumabas ng silid ko.

Napabuntong hininga na lamang ako at humigang muli sa aking kama. Kahit kailan talaga ang lalaking iyon!

*****

Nang magising ako kinaumagahan agad akong naghanda ng makakain namin ni inang. Kailangan ko nga palang puntahan ang kaibigan kong nagmamay-ari ng isang patahian. Ihahabilin ko muna si inang sa kapit-bahay naming mga matatandang dalaga. Kapag wala ako sa kanila ko muna inihahabilin si inang.

Pinaliguan at binihisan ko muna si inang. Pagkatapos ay pinakain at inalalayan siyang maglakad patungo sa kabilang bahay.

"Tao po! Nanay Lucy! Nanay Leny!"

Naghintay ako saglit pagkatapos kong kumatok. Bakit nga ba naging matandang dalaga ang magkapatid na ito. Maya-maya pa ay nagbukas ang pintuan at nakatayo sa likod nun si Nanay Lucy.

"Oh. Devi! Aalis ka?" nakangiti niyang sabi.

"Ah. Opo kasi may importante akong aasikasuhin at may kukunin akong mahalagang bagay." ginantihan ko ang matamis niyang ngiti.

"Naku! Halika pasok kayong dalawa." niluwangan niya ang pagbukas ng pintuan.

Inakay ko papasok sa loob ng kabahayan si inang. Pinaupo ko siya agad sa pang-isahang upuan sa salas nila Nanay Lucy.

"Lucy sino yung tumatawag—oh. Devi kayo pala akala ko kung sino na." bungad ni Nanay Leny.

"Nanay Leny kamusta po?" pagbati ko.

"Ikaw talagang bata ka oo,kakakausap mo lamang samin kahapon ah." pagbibiro niya.

Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya.

"Kahit na po. Siya nga po pala maabala ko lamang ulit kayo kasi may pupuntahan ako." pag-papaalam ko.

"Jusmiyong bata ito! Ilang taon mo nang inihahabilin iyang ina mo saamin kaya huwag ka ng humingi ng paumanhin." malumanay na sabi ni Nanay Lucy.

"Tama at sinu-sino pa ba ang magdadamayan rito kung hindi tayo-tayo lamang." sabad ni Nanay Leny at tumawa.

Nagpaalam ako sa kanila at lumabas na ng kabahayan. Naglakad ako patungo sa labasan ng sabdibisyon. Wala naman kaming kahit anong pagmamay-aring sasakyan. Sakto lamang ang natatanggap naming pera buwan-buwan mula sa pensyon ni inang. 

Malapit na ako sa labasan ng sabdibisyon nang may humintong motorsiklo sa gilid ng daan katabi ko. Agad kong nilingon ang motorsiklo.

"Magandang umaga binibini." bati niya at kumindat saakin.

Itinirik ko lamang ang aking mga mata sa kanya. Ang tigas talaga ng ulo nito at ang kapal pa ng mukha! Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Napatigil ako ng may humigit sa aking kamay. Agad ko naman iyong iwinaksi pagkaharap ko sa kanya.

"Ano ba! Pwede ba lumayo-layo ka naman sakin nakakairita ka." asik ko.

"Sagutin mo na kasi ako para guminhawa naman yang buhay mo." puno ng pagmamalaki ang boses nito.

"Talaga? Yang mukhang yan ay isang sumpa! Hindi kita sasagutin no! Mamatay ka!" padabog akong tumalikod sa kanya.

Hindi pa man ako nakakalayo ay hinawakan at kinaladkad niya ako.

"Ano ba! Bitawan mo nga akong hayop ka!" pagpupumiglas ko.

"Dadaanin na lang kita sa dahas pakipot ka pa eh." may diin ang boses niya.

Hinayupak na to may balak pang masama sakin! Kahit nakaselyo ang kapangyarihan ko kaya ko pa namang lumaban ng mano-mano! Hinawakan ko ang pulsuhan niya at ibinalikwas ito dahilan upang mapasigaw siya sa sakit. Agad ko siyang sinipa sa likod,nawalan siya ng balanse at natumba. Tumakbo agad ako papalayo sa kanya.

Hindi ko namalayang nasa kalsada na ako napahinto na lamang ako ng makarinig ako ng malakas na busina. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at hinintay na tumama ang sasakyan sakin. Iminulat ko agad ang mga mata ko ng wala akong maramdamang sakit o pagtama. Nahigit ko lalo ang hininga ko.

Isang sentimetro na lang!! Pilay ako pagnagkataon!

"Ganda! Ayos ka lang?!"

Nabalik ako sa sarili ng marinig ko ang boses ni kulit.

"A-ayos l-lang ako." nauutal kong sagot.

"Hoy! Ikaw!" napalingon agad ako sa sumigaw.

Lagot! Ang sarap niyang kitlan ng buhay! At ngayon ko lamang napagtanto na ang tatlong magkakapatid pala na kapitbahay namin ang muntik ng bumundol sakin.

"Kulit! Tulungan mo ako!" lumapit agad ako sa kanya.

"Bakit naman?"

"Ang lalaking iyan hinihila niya ako at binabastos!" pagsusumbong ko ng makarating samin ang siraulong si Keno.

"Ang mukhang ito babastusin ka? Nagiinarte ka lang kasi alam ko namang gusto mo ako." puno ng pagmamalaki ang bawat salita niya.

"Ang kapal mo din naman ano? Hindi ikaw ang klase ng nilalang na magugustuhan ni Ate Devi." napalingon ako kay Ashriel na bumaba ng sasakyan.

"Sino ka bang bata ka at nangingialam ka dito ha!" asik niya kay Ashriel.

"Hoy! 'Wag mo nga siyang masigawsigawan animal ka!" balik-sigaw ko sa kanya.

"Halika dito!"

Akmang lalapit si Keno ng humarang si kulit.

"Lumayo ka nga sa kanya. Ayaw niya sayo hindi mo ba maintindihan iyon?" seryosong sabi ni kulit.

"Huwag ka ngang mangealam!"

Akmang susuntukin niya si kulit ng may pumigil sa kamay niya mula sa likuran. Nakaramdam ako ng kaunting takot ng makita ko ang walang emosyon niyang mga mata. Ang panganay nila.

"Umalis ka na dito mahuhuli kami." sing lamig ng ihip ng hangin ang boses niya.

Malakas na iwinaksi ni Keno ang kamay ng kakambal ni kulit ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya rito. Halatang nagalit si Keno kaya inambahan niya ito ng suntok ngunit inikot niya ito at malakas na itinulak sa harapan ng sasakyan.

Napamaang ako sa ginawa niya at sa nakita ko. Mukha talaga siyang galit kay Keno at bahagyang nagliwanag ang kanyang mga mata.

"Maharlika..." wala sa sariling sambit ko.

"Anong sabi mo ganda?"

"H-ha? Wala naman. Nakakatakot iyang kakambal mo sinasabi ko sayo." bulong ko sa kanya.

Tawa lamang ang itinugon niya sakin.

"Mang-abala ka pa ulit hindi ako mangingiming saktan ka." madilim ang mukha niya habang nagbabanta.

Itinulak niya palayo si Keno.

"Hindi pa ako tapos sayo,pasalamat ka nakaiwas ka ngayon!" tinapunan niya ako ng nakakamatay na tingin.

Abno siya! Sinong tinakot niya!

"Ayos ka na ganda? Sino ba yung hinayupak na yun?" takhang tanong ni kulit.

"Wala isang siraulo na sobra kung magbuhat ng sariling upuan." kunot noo kong tugon.

"Ate Devi sumabay ka na samin. Kuya Zeshren isabay na natin siya." sabi ni Ashriel at humarap sa Kuya niya.

"Tss." yun lamang ang tugon niya at pumasok na sa sasakyan.

"Halika na ganda." bahagya akong hinila ni kulit.

"Teka! Hindi naman umoo ang kakambal mo ah." pagpigil ko.

"Payag na yun. Sa tingin mo papayag yun na maglakad ka mag-isa?"natatawa niyang sabi na ikinagulo ng utak ko.

" Ayusin mo nga iyang sinabi mo."

"Basta halika na." inakay niya ako sa likod ng sasakyan at pinapasok.

Katabi ko si Ashriel at nasa harapan naman ang kambal. May magagawa pa ba ako? Pero kung sabagay libreng pamasahe na rin ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top