Part 45
Eunwoo's POV
"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Kara.Nandito kami ngayon sa office niya.
"A-ah... Oo... I'm f-fine" ngumiti siya pero bakas sa mga mata niya na hindi talaga siya masaya.
Napabuntong-hininga ako habang tinititigan siya. Ilang araw na rin siyang wala sa sarili niya. Na para bang palagi siyang may malalim na iniisip.
"May problema ba?" tanong ko. Umiling siya at umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Ayos naman kami nung huli kaming mag-usap. Pero simula nung araw na naka-usap niya si Jungkook ay para bang nag-iba ang ihip ng hangin.
Napabuntong-hininga ako nang maalala ko yung nangyari nung araw na iyon.
I smiled to myself as I put my phone back in my pocket. I'm planning to take Kara out. Nagkita kami kahapon pero gusto ko ulit siyang makita ngayon kaya inaya ko siyang kumain sa labas.Para na rin i-celebrate ang success ng Selene.
Inayos ko ang damit ko bago lumabas sa kotse ko. Sinabi ko lang na 15 minutes bago ako makarating pero andito na talaga ako. Binigyan ko lang siya ng time para mag-ayos.
Nagtataka pa ako ng makita ko si Jungkook at Hobi hyung na pumasok sa Selene. Hindi ako pwedeng pumunta don kasi baka makita ako ni Jungkook.
Maya-maya pa ay lumabas si Jungkook, napakunot ang noo ko ng makitang hawak hawak niya ang kamay ni Kara.
Tumigil si Jungkook sa gilid at humarap kay Kara. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, mukhang seryoso ang usapan nila dahil nakakunot ang mga noo ni Kara habang nakatingin kay Jungkook.
Ano kayang pinag-uusapan nila?
Lalabas na sana ako sa sasakyan ng makita kong paiyak na si Kara, pero natigilan ako ng bigla siyang yakapin ni Jungkook.
Ano ba talagang meron sa kanila? Sana mali ang hinala ko.
"You can tell me anything... you know that right?"I reached for her hand and gave it a gentle squeeze, pero agad din niyang binawi ang kamay niya.
" I'm.... I-I'm sorry"sabi niya at yumuko.
"Is this about Jungkook?" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ilang araw na din akong nag-iisip ng dahilan kung bakit siya ngayon nagkakaganyan pero wala akong maisip na iba kundi dahil lang kay Jungkook.
Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo niya.
"W-What?" tanong.
"Is this about Jungkook?" pag-uulit ko.
"What makes you think this is about him?"she asked.
Napabuntong-hininga na naman ako, gusto kong sabihin sa kanya na nakita ko silang dalawa pero baka sabihin niya ang kinatatakutan ko.
" N-Nothing I just thought.... "
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa may bintana.
" Jungkook has nothing to do with all of these..." sabi niya.Tumayo ako at sinundan siya.
"Kung wala siyang kinalaman bakit ka nagkakaganyan?"
"Anong pinag-usapan niyo? What did he tell you? for you to act that way?" sunod sunod na tanong ko. Humarap siya sa akin, bakas sa mukha niya ang lungkot.
"I-Its nothing...." bulong niya.
"Kara.... I want you to tell me.... because... I want... I want to know why you're sad"
"It's not t-that important.... wala lang iyon" sabi niya.
"No, it's not.... Kasi kung wala lang iyon, at kung hindi importante yung sinabi niya hindi ka maapektuhan ng ganyan---"
"Sinabi ko na sayo, wala siyang kinalaman dito!" sabi niya at muling tumalikod.
"Then tell me! so I can understand you!"
There was a long pause. Humarap siya sa akin at umiling.
"I... I-I can't.... I'm sorry" bulong niya.
"Is... Is h-he....you're ex?.... Siya ba ang tatay ni Celine?" tanong ko.
She looked at me with her eyes wide open, like she can't believe what I just said.
My heart was beating fast, paano kung sabihin niya ang kinatatakutan kong si Jungkook nga ang ex niya at tatay ni Celine?
Deep down I'm hoping that she'll deny it.
Pero hindi siya sumagot at tumitig lang siya saakin. I clenched my jaw and nodded slowly.
Silence means yes, right?
"Kaya ba ayaw mong ipaalam sa kanya na magkakilala tayo? Kaya ba ayaw mong ipaalam ko sa kanya ang tungkol sa atin?" Tanong ko.
Umiling siya ng paulit-ulit at kitang kita ko ang pagpatak ng mga luha niya.
Gusto ko siyang yakapin at sabihin na ayos lang, pero hindi ko magawa. Ayaw ko siyang makitang umiiyak, dahil nasasaktan din ako para sa kanya.
Fuck! Bakit sa dinamirami ng kaibigan ko si Jungkook pa talaga ang ex niya?Hindi ko alam na yung lalaking kinamumuhian at kinaiingitan ko ay si Jungkook pala.
"I.... I don't know what to say" I sighed. Pakiramdam ko ay sinasaksak ang puso ko ngayon.
Masyadong magulo ang isip ko ngayon para makapag-isip ng maayos.
Napabuntong-hininga ako at lumapit sa kanya. Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya at pinunasan ang mga luha niya. Tinitigan ko siya at pilit na ngumiti.
"I'm okay..." bulong ko.
"but we need to sort thing out first...." I sighed. Umalis na ako bago pa man tumulo ang mga luha ko.
I need to talk to Jungkook.
Kara's POV
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala simula nang umalis si Eunwoo. Meron paring kirot sa puso ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang totoo sa kanya.
Gusto kong sabihin na mali siya ng hinala, na hindi si Jungkook ang ex ko.Na hindi siya ang tatay ni Celine. Pero hindi ko magawang sabihin sa kanya.
Napabuntong-hininga ako. Ilang araw na simula nang pagkikita namin ni Jungkook at binabagabag parin ako ng mga sinabi niya nung araw na iyon.
"Let's talk."sabi niya binitiwan niya ang kamay ko na hawak niya at humarap siya sa akin.
"A-anong... Anong pag-uusapan natin? "tanong ko. Bumuntong-hininga siya at tumitig sa akin.
"About you and Taehyung hyung" he sighed.
Napakunot ang noo ko habang tinitignan siya. "Tapos na kami---"
"I know you two broke up but can you atleast let him explain?" tanong niya.
"Ano pang ipapaliwanag niya? May iba na siya masaya na siya---"
"No he's not, nasasaktan siya dahil sayo!" sabi niya na ikinagulat ko.
"What? Siya pa ang may ganang masaktan?" Jungkook.... he lied to me" sabi ko and this time siya naman ang nagulat.
"The dating ban? hindi yon totoo diba?" I smirked.
"You don't know how much I suffered.... you don't know the pain I went through---" Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Jungkook sa akin, habang patuloy lang ako sa pag iyak.
"He did that for you, Kara..." bulong niya.
I pulled away from him and stare at him confused. "W-What do you m-mean?"
"He needed to do that...he needed to lie for your own good, Kara" he said.
Umiling ako. "Then why didn't he tell me the truth? maiintindihan ko naman eh..... bakit pa siya nagsinungaling?"
"Why are you telling me that now? ngayong may iba na siya?" tanong ko.
Umiling siya at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Kara... don't believe in those rumors, just believe what Taehyung hyung has to say---"
I laughed bitterly. "Rumors? I saw them together Jungkook.... I saw them with my own eyes" Tinaggal ko ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.
"That makes you think they're together?"
Tumango ako. "Ano pa ba ang kailangan niyang ipaliwanag don?That's enough reason for me to believe they're together"
"Then that means kayo din nung Brax na iyon?" tanong niya at itinuro yung poster namin ni Brax.
"No... what makes you think that?" tanong ko.
"Because you two are together?" he said mocking me.
"See... you two are not together... And Taehyung hyung being with Yeri that day doesn't mean they're really dating---"
"What are you trying to say?"
"That Taehyung hyung isn't dating anyone.... He still loves you Kara... And I hope you'll give him a second chance"
Umiling ako. I cannot process what he is trying to say. Tumalikod na ako para umalis.
"Give him a chance to explain, please." rinig kong sabi niya.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ano o sino bang paniniwalaan ko.
Bakit ba kasi kailangan niyang magsinungaling? At bakit niya yon ginawa? para sa akin? for my sake? at ano yung sinasabi ni Jungkook na walang dine-date si Taehyung eh kitang-kita ko na nga silang dalawa.
That's absurd.
Umiling ako at napabuntong-hininga ulit.
Unless it was just for publicity stunt.
Bulong ng utak ko. Natigilan ako kasabay non ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Paano kung nagsasabi ng totoo si Jungkook? Paano kung wala talagang dinedate si Taehyung? Paano kung publicity stunt lang ang lahat?
Umiling ako, bakit naman sila gagawa ng ganong issue? at bakit sa dinami rami naman ng pwedeng makipag fake date si Taehyung pa?
Hindi ko na alam.
Sobrang gulo na ng isip ko.
Paniniwalaan ko ba si Jungkook? o paniniwalaan ko yung mga nakita ko? Sasabihin ko ba kay Eunwoo? O hahayaan ko nalang na isipin niyang si Jungkook ang ex ko?Will I let Taehyung explain?
I groaned and pulled my hair, Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa kaiisip.
Kinuha ko ang mga gamit ko at napagdesisyunang umuwi nalang. Hindi na rin naman ako makapag focus dito.
"I'm home" sabi ko ng makapasok ako sa loob ng bahay. Pero wala ni isang sumagot. Napakunot ang noo ko at nilibot ang buong bahay pero walang tao. Nagpunta ako sa kusina at nakita ang note sa may ref.
Kara,
Me and Celine went out to go grocery shopping, then we'll have dinner with your dad and brother.... we'll see you later baby
love,
Mom
Napabuntong-hininga ako. Then that means I have the whole house to myself. Umuwi ako para sana makita ang anak ko para mawala ang mga iniisip kong problema.
Nahiga ako sa kama at tinitigan muli ang picture na sinend ni Eunwoo.
"Kim Taehyung...... I'm sorry for keeping Celine a secret from you" bulong ko. Muli na namang tumulo ang mga luha ko.
I feel so guilty for Taehyung and Celine. Pakiramdam ko ay tinatanggal ko ang karapatan niyang maging ama kay Celine. At tinatanggalan ko si Celine ng karapatang makasama ang tatay niya. My heart ached at the thought of that.
Pero sasabihin ko din naman sa kanya, hindi lang ngayon.
"But it's ..... It's for the best" I sighed.
"At sa tingin ko mas mabuting maging lihim nalang siya hanggang sa okay na ang lahat."
Pumikit ako at huminga ng malalim.
"Para sa ikabubuti mo.... at ikabubuti ng anak natin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top