Part 42


Napangiti ako habang pinagmamasdan ang poster na inilagay sa harap ng boutique. Kasama ko si Brax ngayon habang tinitignan ito.Ngayon ang launching ng bagong collection at nakadisplay na ang mga iyon sa boutique.

"mukha tayong model ah" he chuckled at inakbayan ako.

"Yeah... model ng Selene" I smiled. Bumaling siya sa akin at tinignan ako na parang nagtataka.

"Why Selene? I mean bakit hindi Celine? kasi yun naman ang pangalan ni Celine?" tanong niya.

Tumawa ako at tinignan ang pangalan ng boutique.

"You know how much I love the moon, and Selene is the goddess of moon..." I smiled.

"That makes sense... eh di bat hindi nalang Selene ang pangalan ni Celine?" Tanong niya.

"Well.... there's a story behind that" sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya. He just nodded.

"Magka-rhyme naman sila tsaka parehas lang ng pronunciation." he shrugged.

"Halika! i-celebrate natin to" sabi ko at hinila siya.

"Libre mo ha, babe" He joked.I rolled my eyes playfully at him. Tatawagin ko sana si Yareli pero wala siya kaya kami nalang muna ni Brax.

"Oo naman" sabi ko ang linked my arms with his.

"You look so happy" sabi ni Brax habang nagdadrive.

"I am happy..." sabi ko at tumingin sa bintana.

These past few days hindi ko masyadong iniisip yung mga bagay na bumabagabag sa utak ko dahil nagfocus ako para sa launching. Wala namang catwalk or anything special pero pinaghandaan ko lang yung paglalabas ng poster at ads. Excited na nga rin akong mapanood yung ad namin ni Brax. Magkahalong kaba, hiya at say ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung maayos ba kaming tignan don, pero sa tingin ko naman ay maganda ang kinalabasan nung ad. Yun kasi ang sabi ni Bob.

"oh?" napatigil siya at tumingala.

"Isn't that our ad?" tanong niya. Tumingin din ako sa billboard sa harapan at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang poster namin na andun sa malaking billboard.

"I... I didn't do that" sabi ko. Hindi naman ako nagbayad para magkaroon ng billboard na napakalaki.

"Then who?" he asked. I shrugged hindi ko talaga alam. Ang alam ko lang TV commercial at Social Media Ads lang ang binayaran ko para sa promotion ng Selene.

Nagpunta kami ni Brax sa restaurant at kumain, pagkatapos non ay naglibot-libot lang kami sa mall.

Nasa may arcade kami ni Brax nang biglang mag ring ang cellphone ko. I excused myself at pumunta sa hindi masyadong maingay na part netong arcade.

"Hello?"

"Congrats on your launch... I saw the ads and the billboards you look great, kayo ni Brax" he said.

"B-Billboards?" I asked.

"hmmm... its all over Seoul" sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko.

No way.

"I'm on my way to your shop now... nag lunch ka na ba?" he asked. Napatingin ako kay Brax na naghihintay sa gilid.

"A-actually..... I'm with Brax right now---"

"Oh..."

"But I'll see you sa shop, pabalik na rin kami... sasabayan nalang kitang kumain" I said.

"Okay I'll see you then" sabi niya. I ended the call and sighed. Nagtungo ako kung nasaan si Brax.

"Anong nangyari?" tanong niya.

"We need to head back to the shop" Sabi ko. Tumango siya at bumalik na kami sa shop.

"Thanks, Brax!" I said and hugged him nung makababa kami sa sasakyan.

"No problem" he chuckled.

Pumasok na ako sa shop at may nadatnan akong bouquet sa may counter. Tinignan ko ang mga staff ko pero ngumiti lang sila sa akin.

"Para po sa inyo yan Miss Kara" sabi ni Alyssa.

Kinuha ko ang nakaipit na card mula sa bouquet at binasa iyon.

'Hope you like my little surprise Lil Sis'

~Big Bro 🖤

Napangiti ako, isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng Lil Sis at isa rin lang ang Big Bro ko. And that's Kuya Kayden.

Natawa ako at kinuha ang bouquet pa punta sa office ko. Pagkapasok ko ay inayos ko na yung bulaklak at inilagay sa vase. Pagkatapos non ay kinuha ko ang phone ko at idiniall ang number niya.

"Hello" he answered.

"Kuya! I knew it! the billboard ads was all because of you!" Sabi ko at tumawa naman siya.

"That was my peace offering for not making it to the shoot" he said.

"Naiintindihan ko naman iyon kasi nasa ibang bansa ka para sa business meeting..."

"That was just a simple way of showing my support to my little sister" sabi niya.

"Simple pa ba yon? Eunwoo said it was all over Seoul! ang akala ko yung isa lang dun sa mataas na building" sabi ko.

I heard him chuckle again.

"Wait... how did you get it? I mean pano mo nakuha yung mga pictures na iyon?" tanong ko.

"I called Bob, ofcourse" sabi niya.

"How come I didn't know about this?"

"Di hindi na iyon surprise kung alam mo" He chuckled.

"Maybe you'll land some modelling contracts" sabi niya. I rolled my eyes and shook my head.

"Kuya.." I laughed.

"What? That's not a joke... I mean you and Brax did great"

"baka ito na ang simula ng bagong career niyo---"

"Yeah yeah yeah...sige na nga kuya thanks ulit.... love you, byeeee" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Nagulat ako ng may biglang yumakap sakin patalikod.

His scent filled my nose.

"E-Eunwoo..."

"I missed you..." bulong niya.He pulled away at humarap ako sa kanya  bago ngumiti.

"Nagkita lang tayo nung isang araw ah" sabi ko at nagtungo sa couch.

Tumawa siya at sumunod sa akin. Naupo siya at tinitigan lang ako ng nakangiti.

"W-What?" Naiilang na tanong ko. He chuckled and shook his head.

"Inieenjoy ko lang na titigan ka ng malapitan.... Baka kasi sa mga susunod na araw maging busy ka na" sabi niya.

"Huh? bakit naman?" tanong ko.

"Syempre pag nakita nila yung mga ads mo mabighani sila sa sayo,dudumugin nila tong shop mo... tapos mawawalan na tayo ng oras para magkita" sabi niya. Natawa naman ako sa mga sinabi niya.

"Ang lawak naman ng imagination mo" sabi ko sa kanya at tumayo para kunin ang bag ko.

"Hindi ka pa kumakain diba?" tanong ko sa kanya. Tumango siya,at tumayo na rin.

"then let's go eat" sabi ko sa kanya.

//

"Can I tell you something?" tanong ni Eunwoo, Ibinaba ko ang hawak kong tinidor at tumango.

"What is it?"

"I.. I have a friend---" he sighed and leaned back on his chair. Napakunot naman ang noo ko ng makita ang reaksyon niya. Bakas sa mukha niya ang lungkot at awa.

"What happened?" tanong ko.

"Uhm....This friend of mine saw his ex girlfriend with someone else... and he's hurt obviously that his ex girlfriend is already dating someone else---"

"And?"

"Naawa lang ako kasi alam kong mahal niya pa yung ex niya, pero wala siyang magawa eh" he sighed.

"Actually mahal na mahal.... Iniiyakan pa nga niya eh" he said.

"Then why did he broke up with her in the first place?" tanong ko. He shrugged.

"I don't know....."

"Then why don't he just accept that the girl already moved on?" tanong ko.

"dahil hindi naman siya sigurado kung, talagang boyfriend ba yun nung ex niya o kaibigan lang"

"Oh... that's... a little complicated" sabi ko.

"Well kung talagang mahal niya yung ex niya... t-then he should let her go... Cause that's love is all about. When you love someone you got to learn to let them go." I shrugged. Feeling my heart break at the words I just said.

Dahil yun ang ginawa ko sa relasyon namin ni Taehyung. I let him go because I love him.

"He just can't seem to let her go" Eunwoo said sadly.

"Well.. he has some things to explain, matagal na sana niyang gustong gawin iyon pero hindi niya nagawa dahil madaming hindrance.... and now that he finally wanted to get her back, it's just.... too late" he sighed.

"Don't worry about it... he'll figure it out for sure" I smiled.

Somehow I understand Eunwoo's friend, alam ko kasi kung gaano kahirap i-let go yung taong mahal mo. Alam ko kung gaano kahirap mabuhay araw-araw na iniisip na sana naging mas magaling ka sa pagdesisisyon. Alam ko kung gaano kahirap ipaliwanag yung nararamdaman mo, yung sakit at pangungulila mo sa taong mahal mo. At alam ko din kung gaano kahirap maghintay sa wala, yung araw-araw mong ipinagdarasal na sana magkita kayo, magkabalikan at bumalik lahat sa dati.

Right now I want to meet his friend and give him a tight hug, and tell him that he's not alone. That there's someone who understands him.

Niyakap ko ang sarili ko habang inaalala ang pag-uusap namin ni Eunwoo kanina sa restaurant.

"Eh ikaw?" tanong niya.

"Huh?" nagtatakang tanong ko.

"Paano kung... bumalik yung ex mo? anong gagawin mo?"

"babalikan mo ba siya? or will you let him go just like what you said?" tanong niya.

Natigilan ako sa tanong niya. Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya. Dahil sarili ko mismo ay hindi alam ang sagot.

" N-Nevermind... You don't have to answer that" He smiled sadly.

I sighed and held the necklace I'm wearing.

"I'm sorry" bulong ko.

Ang galing kong magsabi na 'when you love someone you got to learn to let them go' eh ako mismo hindi ko iyon magawa. Physically I let Taehyung go. Pero sa puso at isip ko andito parin siya.

Ang lakas ng loob kong magsabi na magsisimula ako ng panibagong buhay, pero bakit hanggang ngayon andito pa rin ako?

I was snapped out of my thoughts when Celine suddenly started crying.

Binuhat ko siya and started to sway her, I also tried feeding her milk but she cried even harder. Kinapa ko ang noo  niya and she was burning.

I started to panick I didn't know what to do. This is the first time Celine got sick. And it's the middle of the night.

"Hospital..." I mumbled. Kinuha ko agad ang bag na naka ready lang sa gilid in case of emergency at agad na bumaba. Inilagay ko si Celine sa baby car seat at agad na kinuha ang cellphone ko at idiniall ang number ni mommy habang iniistart ang sasakyan.

"hello? Kara?"

"Mom!" Tears started to fall from my eyes after hearing my mom's voice.

"Mom! I'm going to the hospital.."

"What? What's wrong? Why are you crying?"

"Celine...Mom I'm scared.."

"Calm down...Kara... We'll be there drive safely"sabi niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at nagsimula ng mag drive. Sa Emergency room ako dumiretso at agad naman nila kaming inasakiso at ngayon ay nandito na kami sa private room.

"I'm sorry, baby. "Bulong ko kay Celine at hinaplos ang pisngi niya.

Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit siya nandito sa hospital ngayon. Pakiramdam ko ay napakapabaya kong ina. Pinunasan ko ang mga luha ko nang bumukas ang pinto.

" Mom" Niyakap niya ako at tumulo na naman ang mga luha ko. Hinagod niya ang likuran ko.

"Shhhh... Calm down, Celine's going to be fine" Bulong niya. Pinunasan niya ang mga luha ko at ngumiti.

Sakto namang pumasok ang family doctor namin.

"Goodevening Mr. And Mrs. Agoncillo" bati niya kina mom at dad.

"How is my grand daughter?" tanong ni daddy.

"She's under monitoring,but you have nothing to worry.. She just have a fever" he smiled.

"And Kara here---"bumaling siya saakin." Probably just panicked since it's her first baby"sabi ni Doc.

"Don't worry Kara, if her fever goes down... You can go home tomorrow"

I breathed a sigh of relief and hugged my mom.

"Thank God it's nothing serious" sabi ni Dad. Nagpaalam na si Doc bago lumabas.

"Sabi ko naman sayo na sa bahay na muna kayo mag stay" sabi ni Daddy.

"Ano ka ba, kita mong malungkot na nga yung anak mo" suway ni mommy sa kanya.

"I'm sorry..." sabi ko at napabuntong-hininga ako. Niyakap naman ako ni Daddy.

"Ayaw ko lang na mapahamak kayong dalawa netong apo ko" sabi niya. And I nodded, naiintindihan ko naman  ang punto ni daddy. And as much as I don't want to bother them, parang mas lalo ko pa silang naabala.

"At hindi mo kami naaabala, kung yan ang nasa isip mo" sabi niya na para bang nabasa niya ang laman ng utak ko.

Bumukas naman ang pinto at pumasok si Kuya Kayden na may dalang coffee.

Inilapag niya yon sa table at tumabi sa akin.

"Go and take a rest." He said and kissed the top of my head. Umiling ako at tinignan si Celine na mahimbing na ang tulog.

"I'll stay here" sabi ko. He sighed and tapped my back.

"Alright.. I'll stay here with you" sabi niyang nakangiti.

Pinauwi na namin sina Mommy at Daddy, ayaw pa sana ni Daddy umuwi pero sinabi ko na tatawag naman ko kailangan ko sila, and besides kasama ko naman si Kuya.

Iminulat ko ang mga mata ko at inilibot ang paningin ko. Napabangon ako mula sa pagkakahiga at nagtataka kung bakit ako nandito sa couch ngayon.

"Goodmorning"

I snapped my head to see Eunwoo smiling. Buhat buhat na niya si Celine.

"W-What... are you doing here? I mean asan si Kuya?" tanong ko.

Ngumiti siya at umupo sa tabi ko.

"May urgent meeting daw si Kayden hyung, kaya tinawagan niya ako para samahan ka"

"Kanina ka pa dito?" tanong ko.

Tumango siya. "You should've woken me up"

"you look tired.... I didn't wanna disturb you...." He smiled.

"Wala ka bang schedule ngayon? baka may practice kayo?" tanong ko.

He smiled and reached for my hand and gave it a gentle squeeze.

"Don't worry about that" sabi niya at ngumiti.

"Family comes first.. " he whispered.

Napatitig ako sa kanya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

//

Hapon na nung makalabas kami ng ospital, dumalaw rin si Brax at Yareli hindi na sila sumama dito sa bahay dahil kailangan pa nilang pumunta sa shop.

"Is this all?" tanong ni Eunwoo ng mailagay ang huling bag sa sasakyan. Tumango ako.

"May mga gamit naman kami don sa bahay, babalik nalang ako dito kung may kailangan ako" sabi ko at inilagay ang seatbelt ko.

"Sa tingin ko hindi na muna ako makakapunta sa shop" I sighed and looked outside the window.

"Huh? bakit naman?" nagtatakang tanong niya.

"I want to spend more time with Celine....."

"It's... It's just that... pakiramdam ko napapabayaan ko siya" napabuntong-hininga ako.

"Look... hindi mo naman kasalanan na nagkasakit siya, sabi nga ng doctor that's just normal because she's growing up..." he said and reached for my hand.

"Don't be too hard on yourself..."he gave my hand a light squeeze and smiled at me.

"I'm here for you. "

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top