Part 41

Lumabas ako sa boutique at dumiretso sa coffee shop ni Yareli,katatapos ko lang icheck yung campaign ads na ilo-launch para sa bagong collection. Kaya naisipan kong lumabas muna para magpahangin.

"Hi! Mr. Barista" natatawang bungad ko kay Brax na siyang nasa counter ngayon.He smiled back at me.

I leaned on the counter at pinanood kung anong ginagawa niya. After a while inilapag niya sa harap ko yung ginagawa niya kanina.

"Coffee Jelly Frappe for m'lady" he said and winked at me.

"I didn't order anything.... but, Thank You.. " I giggled and took a sip from my drink.

Tumitig lang siya saakin habang nakapatong ang baba niya sa dalawang kamay niya.

"Is Yareli here?" tanong ko sa kanya. Umiling siya at ngumiti. "Nagkatampuhan kayo?" tanong niya.

Napabuntong-hininga ako at tumango. He smiled at tumayo ng maayos. Sinundan ko siya table at naupo kaming pareho.

"Hindi na ako mag-uusisa, sasamahan lang kita dito" he chuckled. I stared at him and smiled.

"Ilo-launch na pala next week yung ads natin" I told him.

"Yey! I can't wait to be famous" he chuckled sarcastically. I rolled my eyes at him while laughing.

"Wag kang mag-alala ang pogi mo kaya dun" sabi ko.

"Kaya nga bagay tayo dun eh, mukha talaga tayong magjowa" sabi niya. Umiling ako at tumawa. Tama siya kung makikita iyon ng mga hindi nakakakilala sa amin pagkakamalan talaga kaming magjowa, kahit na ads lang yon.

"Siguro ngayon iniisip na nung ex mo na ako talaga ang boyfriend mo..." sabi ni Braxton.

"come to think of it... Everytime makikita ka niya laging ako ang kasama mo... tapos baka makita niya pa iyong ads natin... " sabi niya at tsaka umiling.

I rolled my eyes playfully. "lahat naman siguro ng makakita sa atin pagkakamalan talaga tayo. Wala naman sigurong magkaibigan lang na 'babe' ang tawagan" I told him.

He chuckled. "I did that to save you" he shrugged.

"And I'm thankful for that.... dahil kung wala ka nung mga panahong iyon, hindi ko alam kung anong gagawin ko..." I sighed.

"Well..... I can pretend to be your boyfriend pag nakita ulit natin siya... Unless you want me to call you 'babe' everyday" he said wiggling his eyebrows,putting emphasis on the word 'babe'.

"Alam mo ikaw! ang funny mo talaga" sabi ko sa kanya at inirapan siya,tumawa naman siya.

"Alam ko namang di mangyayari yon kasi anjan si Eunwoo hyung..." sabi niya ng nakangiti.

Napatigil ako sa sinabi niya at pilit na ngumiti. "Bumalik ka na nga don, babalik na rin ko sa shop. " sabi ko at tumayo na.

"Aalis ka na?" he pouted. I pinched his cheeks and nodded.

"Pinaalala mo si Eunwoo eh, tatawagan ko pa pala siya" pagdadahilan ko at pilit na ngumiti.

Tumango nalang siya at inihatid ako sa may pinto. "Thanks for the drink." I said at ipinakita sa kanya ang hawak ko.

"Anytime babe" he chuckled.

"Baliw" sabi ko at tuluyan ng umalis.

Pumasok na ako sa office matapos kong I assist yung customer kanina pagkabalik ko sa boutique. I sat down on my chair and reached for my phone. I sighed when I saw tons of missed calls and texts from Eunwoo.

10 missed calls

7 unread messages

Nagulat pa ako nang biglang mag ring ang cellphone ko, nabitawan ko iyon at pinanood ko lang ito hanggang tumigil ito sa pagriring.

I leaned back on my chair and let out a frustrated groan. Umayos ako sa pagkakaupo at idiniall ang number niya. After a few rings he picked up.

"Are you okay?" bungad niya. Bakas sa tono niya ang pag-aalala.

"Did something happened? Why aren't you answering my calls? Kara? are you there?---"

"I'm... I'm fine.... naiwan ko kasi tong phone ko kanina... pumunta ako sa coffee shop ni Yareli" I said.

I heard him sigh. "Akala ko may nangyari na" I could imagine him smiling right now.

"Wala... don't worry" sabi ko. Hindi siya sumagot at tanging paghinga lang niya ang naririnig ko.

"May sasabihin ka ba?" tanong ko.

"Pupunta ako jan mamaya" he said. And I nodded, I cursed myself realizing he couldn't see me.

"Okay... we can have dinner together after your practice" sabi ko.

"Okay... That's a date" he chuckled.

"Y-Yeah...." I answered. We both bid our goodbyes before hanging up.

I sighed again as I put down my phone. Hinawakan ko ang kwintas na bigay niya at napabuntong-hininga ulit.

I thought about, starting a new beginning with him. Pero hindi ko naman magawa.

TAEHYUNG'S POV

"Taehyung! aalis ka?" tanong ni Jimin nang makita niya akong lumabad mula sa kwarto. Tumango ako.

"Can I tag along?" tanong niya, tsaka tumayo mula sa pagkakaupo niya sa couch. Hihindian ko sana siya kaso he was looking at me like he was begging for me to say yes. Kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang.

"Wow! Kay Yareli pala to?" tanong niya nung nakapasok na kami sa coffee shop. Inilibot niya ang paningin niya at dumiretso na sa counter, sinundan ko naman siya.

"Good Evening sir---" Napatigil siya ng makita niya ako. "Ah sir kayo po pala" sabi nita at nag bow. Jimin looked at me confused.

"Anjan ba si Yareli?" tanong ko.

"Ah wala po sir....yung kapatid lang po niya ang nasa office ngayon" sagot niya. Nakunot ang noo ko. Kapatid?

I didn't know na may kapatid pala si Yareli.

"Can I talk to him?" tanong ko. Kakapalan ko na ang mukha ko, kahit na hindi ko pa siya nakikilala. Baka kasi alam niya kung nasan si Yareli o si Kara ngayon.

"Tawagin ko lang po sir" sabi niya tsaka umalis. Tinignan na naman ako ni Jimin and I just shrugged.

"Sorry sir... nakaalis na po pala si sir Braxton" sabi niya nung nakabalik siya. I sighed and just nodded.

Braxton? Braxton? Ah! naalala ko na, siya yung nakbabatang kapatid ni Yareli na may gusto kay Kara dati. Tapos kinuha siya sa U.S ng lolo't lola niya. Kumusta na kaya ang batang iyon?

Para hindi masayang ang pinunta namin dito nag-order nalang kami at pumwesto sa pinakagilid malapit sa bintana.

"Oh? Si Eunwoo ba iyon?" nagtatakang tanong ni Jimin habang nakatingin sa labas. Nabaling ang tingin ko sa tinitignan niya. Si Eunwoo nga iyon.

"That's him....malapit siguro dito yung nililigawan niya kaya madalas siya dito" I shrugged.

"Oooh sundan kaya natin? wala naman na tayong gagawin diba?" tanong niya. At umiling ako.

"Ano ka ba... let the kid enjoy some time alone with his girl" sabi ko at uminom sa kape ko. Jimin shrugged then nodded.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa labas, kailan ko kaya mati-tyempuhan si Yareli dito? Napaayos ako mula sa pagkakasandal ko sa upuan ng mahagip ng tingin ko ang babaeng dumaan sa harap ng shop, may kasama siyang lalaki pero hindi ko na napansin kung sino yon.

Agad akong tumayo at nagtungo sa labas, rinig ko ang pagtawag ni Jimin pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglabas. Napatingin ako sa kaliwa at kanan pero wala na yung babae.

I'm a hundred percent that was Kara.

"Huy! ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Jimin nung maabutan niya ako sa labas.

"W-Wala I just.... I think I saw Kara" I sighed.

"Kung si Kara yon bakit naman niya naman lalampasan tong coffee shop ng bestfriend niya?" tanong ni Jimin. I sighed.

"Maybe I'm just hallucinating" sabi ko. Tinapik niya ako sa balikat at iginaya na palayo.

"Ang gaganda ng mga designs ng damit oh" sabi ni Jimin at itinuro ang shop na katabi ng coffee shop ni Yareli.

"Selene?" I whispered to myself as I read the sign, that must be the brand name.Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko matapos kong mabasa ang salitang iyon.

"Tara sa loob? ---" papasok na sana kami nang biglang nag ring ang phone ni Jimin.

Sinagot niya ang tawag at napabuntong-hininga matapos ang tawag.

"Balik nalang tayo next time... Kailangan na daw tayo  dun sa bahay" sabi niya. Tumango naman ako at muling tinignan ang labas ng shop na iyon.Parang may kung anong gustong humatak sa akin papasok don. Pero ipinagsawalang bahala ko nalamang iyon at naglakad na palayo.

Something about that place is strange. I can feel it, There's something familiar in that place but I don't know what. Hindi pa naman ako nakakapunta don dati. Pero pakiramdam ko talaga may kakaiba don sa lugar na iyon.

KARA'S POV

Pagkatapos naming mag-dinner ni Eunwoo ay bumalik pa ako sa boutique. Naiwan ko kasi yung mga drafts ng bagong design na kailangan ko ng tapusin.

"Bye Miss Kara" pagpapaalam ng staff ko.

"Bye ingat kayo sa pag-uwi" sabi ko,habang inaayos ang mga gamit na dadalhin ko pag-uwi. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ay lumabas na ako sa office. Isinara ko muna ang lahat ng ilaw at idinouble check kung sarado na ba lahat pati sa backdoor bago lumabas at ilock ang pinto.

"You scared me!" I said while clutching my chest. Pagkaharap ko kasi ay nakatayo na si Yareli sa harap ko. She laughed and hugged me.

"I missed you bestfriend..... sorry na...." bulong niya.

"I missed you too... and sorry din" sabi ko at kumalas mula sa pagkakayakap niya.

Natawa siya at hinila ako papunta sa coffee shop niya.Nagpalinga-linga ako, wala ng tao dito bukod sa aming dalawa.

"Asan si Brax?" tanong ko.

"Umalis daw kaninang hapon, tapos si Alexa ang pumalit sa kanya kanina... ngayon naman si Alexa umuwi na" sabi niya habang may ginagawa sa counter.

Inilapag niya inumin sa lamesa at naupo na din. "Don't say sorry... we're good!" pigil ko sa kanya dahil alam kong iyon ang unang lalabas sa mga bibig niya.

"He came here again today" panimula niya. I looked at her confused.

"Sabi ni Alexa andito daw sila kanina---"

"wait sila? pati yung g-girlfriend niya?" tanong ko. Umiling siya. "With Jimin..." sagot niya. Tumango ako.

"It's good that we didn't run into eachother.... nandito rin si Eunwoo kanina... " I sighed.

"Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi kay Eunwoo?" tanong niya. Umiling ako, hindi ko alam kung paano ko sisimulan.. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

"Is it... better not to tell him?" tanong ko. Yareli sighed and took a sip from her coffee.

"You need to tell him... We don't know if they're friends or not, but you need to tell him" sabi niya.

"I'm not telling you to tell him now.... but you need to tell him sooner or later"

Matapos ang kwentuhan namin ni Yareli ay napagdesisyonan na naming umuwi.Wala naman na kaming masyadong pinag-usapan ni Yareli. We just catched up on some stuff, na para bang ilang taon kaming hindi nakapag-usap when in reality isang araw lang naman.

Ipinark ko ang kotse ko at napabuntong-hininga bago bumaba. Dito ulit ako sa bahay nila daddy umuwi dahil andito si Celine, parang araw araw na nga ulit kaming andito dahil kina mommy at daddy. Ayaw kasi nilang palagi kong sinasama si Celine sa boutique,kaya mas mabuti daw na sila nalang ang mag-alaga sa kanya.Para na rin daw makapag focus ako.

Nadatnan ko si Kuya na nasa sala, pinagmasdan ko siya habang tutok na tutok siya sa harap ng laptop niya. Dahan-dahan akong naglakad tsaka tumabi sa kanya at niyakap siya.

Nagulat siyang napatingin sa akin.

"Bakit?" he chuckled . I pulled away and shrugged.

"Wala namiss lang kita... parang ngayon lang ulit kita nakita eh" I laughed.

"Paanong ngayon mo lang ako makikita eh si Eunwoo ang palagi mong kasama" sabi niya.

Natatawa akong tumingin sa kanya. "Nagseselos ba ang kapatid ko?"

He chuckled and ruffled my hair. "Sige nga mag bonding nga tayo bukas" sabi ko.

"sure" he laughed.

Nagpaalam ako kay kuya na aakyat na,pagkatapos kong maligo at magbihis ay  kinuha ko si Celine mula sa kwarto nila mommy at daddy.

//

"Oh Kara? you're still here?" tanong ni mommy nang madatnan niya ako sa kusina na nagluluto.Buhat buhat niya si Celine.

I kissed her cheeks. "Goodmorning mom."I said.

" Hindi ka ba pupunta sa boutique? "tanong niya.

Umiling ako at pinatay ang stove." Nakalimutan yata ni Kuya Kayden na may lakad kami"I shrugged.

"Kaya ipinagluto ko nalang siya ng favorite niya."

Tumawa si mommy at nagpunta na sila sa sala. Umakyat na ako para magbihis matapos kong ayusin yung mga pagkain na dadalhin ko kay kuya.

I looked at my reflection and smiled. I'm wearing a black blazer and a simple white shirt underneath paired with denim skirt and black ankle boots. Kinuha ko ang bag ko bago bumaba.

Dumiretso ako sa kusina pagkababa ko para kunin yung bag ng pagkain. Pagkatapos nun ay pumunta ako sa garden kung nasaan si mommy at Celine.

"I'm going mom!" I said and kissed her cheeks. Binuhat ko muna si Celine saglit, I kissed her cheeks at ibinalik siya kay mommy.

"I'll miss you baby" I said and waved goodbye.

Tumingala muna ako sa building na nasa harapan ko bago ako pumasok sa loob.

"Goodmorning Miss Kara" bati sa akin ng mga empleyado.

I replied with goodmorning and smiled at them.Nakarating ako sa opisina ni kuya, napangiti ang secretarya niya nang makita ako.

"Hi! Miss Kara nasa loob po ang kuya niyo" sabi niya.Tinignan ko ang saradong pintuan ng opisina niya at ngumiti.

Office of the Vice President

Buti nalang hindi namin pinag-awayan ni Kuya ang posisyong iyan.

"Thank You"I said to her nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Tinignan ko ang glass name plate na nasa table niya. Nakatalikod ang upuan niya kaya hindi niya napansin ang pag pasok ko.

Kayden Vaughnn Agoncillo
           Vice-President

I smiled and knocked on his table.

"Goodmorning Mr. Vice-President." sabi ko. His eyes widened when he saw me.

"Kara? shit... I forgot" sabi niya at agad na tumayo. Natawa naman ako sa kanya.

"I know you're busy kuya... kaya dinalhan nalang kita ng food" sabi ko at ipinakita ang mga dala ko.

"Pati sana si daddy kaso nasa Busan daw siya para sa business meeting sabi ni Mommy kaya tayong dalawa nalang" I said shrugging.

Inihanda ko na yung mga pagkain sa kabilang table, sumunod naman si Kuya at naupo na siya sa couch.

"Wow! You cooked this?" tanong niya habang tinitignan ang mga pagkaing nasa harap niya.

"And my favorite!" parang batang sabi niya.

Linantakan niya ang niluto kong kare-kare yun kasi ang favorite niya. I don't know why he loves that food. Ako kasi ayaw ko non,pero alam ko kung paano magluto.

"ahhh! I'm so full!" sabi ni kuya sabay himas sa tiyan niya.

"Thanks for the food! Lil sis" he smiled.

"No problem Kuya"

"Sooo... How's your heart?" tanong niya. Napatigil ako sa pagsubo at ibinaba ang kubyertos na hawak ko.

"Tumitibok pa naman" I said seriously. We looked at eachother and laughed.

"Baliw.." he mumbled and I just smiled at him.

"I mean not literally, but..... nevermind" he shrugged.

"How about you Kuya?Kumusta naman ang puso mo? "

"Hmmm.....tumitibok pa naman" He said mocking me. Tumawa kaming dalawa.

Tumitig lang ako sa kanya hanggang sa tumingin ulit siya sa akin.

"What?" natatawang tanong niya.

"Kuya can I ask you something?" tanong ko ng nakangiti. Nakunit naman ang noo niyang tumingin sa akin.

"What is it?"

"wala ka bang balak makipag date?" tanong ko.

His first relationship was with Ate Sophia they've been together for 9 years,I dont know why but they broke up 3 years ago. And since then hindi na yata nagkaroon ng girlfriend si Kuya.

He chuckled and shrugged. "Bakit may irereto ka ba?" tanong niya.

Ngumiti ako at tumango. "What do you think about Yareli?" tanong ko.

He sighed and shook his head."Yareli is your bestfriend, that's just awkward" sabi niya.

"Kuyaaaaaa.....trust me magugustuhan---"

"Don't keep pushing it, Kara."sabi niya. Sumimangot ako at tumitig sa kanya.

" Just give it a try Kuya, pleaaaaaassse? "I said looking at him with puppy eyes.

He groaned." Fine.. Just one date"he said and I hugged him.

Umiling siya. "But I'll tell you... Yareli and I won't be together. She dates for fun, while I date to marry...."

"You never know Kuya..." I winked at him.

"Do you want to go to Lotte World?" he asked when I finished eating. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. He's talking about the amusement park where we always hang out before.

The mention of Lotte World brings so much memories about our childhood.

" Ofcourse! "sagot ko.

" Then let's go. "he chuckled and stood up.

" REALLY?! "I asked excitedly. Tumango siya at isinuot ang suit niya.

Pagkatapos naming ayusin ang pinagkainan namin ay lumabas na kami. Tumayo naman agad ang secretarya niya nung makita niya kami.

" Cancel all my schedule for today"sabi ni Kuya sa kanya.

"Yes, sir!" sagot niya at nag bow. Nginitian ko naman siya bago kami tuluyang umalis ni kuya.

Yung sasakyan ko  na ang ginamit namin para makapunta sa Amusement park. I stared at the window smiling like a little child when the Park finally came into view.

I smiled and sat on a bench pati si Kuya ay naupo na rin. Maghapon na kaming naglilibot at sumasakay sa rides. It felt so good having Kuya Kayden here, pakiramdam ko mga bata ulit kami.

"Are you having fun?" tanong niya.Tumango ako at ngumiti sa kanya.

I'm really enjoying my time here. Kahit papaano ay nawala sa isip ko yung mga bagay na bumabagabag sa akin. Masaya ako na kahit pansamantala lang ay malaya ang pag-iisip ko. I miss being this genuinely happy.

Ngayon lang ulit kami nag kasamang magkapatid ng ganitong katagal kaya naman masaya talaga ako.

"Thanks Kuya" I smiled. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. I pouted and fixed my hair.

"Anything for my baby sister.... I'm glad to see you happy" he shrugged, then I heard him sigh.

"Alam mo kuya para tayong nasa K-drama dahil jan sa suot mo" natatawang sabi ko. Tumingin siya sa suot niya.

"What? It's classy" sabi niya at pinagpag ang suit niya.

"Yeah right... Mr. Rich CEO" biro ko, I laughed. Napatigil ako at ngumiti. Habang nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"Dadalhin mo rin ba si Yareli dito kung sakali---"

"Stop it with Yareli talk, gutom lang yan tara na" sabi niya at hinila ako papunta sa restaurant.

Kalalabas lang namin ni Kuya sa restaurant nang biglang may tumawag sa kanya. He excused himself at sinagot ang tawag dun sa part na wala masyadong tao. Nagpaalam naman ako sa kanya na bibili lang ako ng cotton candy. Ang cute kasi nung mga animal shaped na cotton candy.

Bumili ako ng isang rabbit shaped na cotton candy at napangiti habang tinitignan ito. Dahil sa pagkatutok ng paningin ko sa cotton candy na hawak ko ay hindi ko na nakita ang dinadaanan ko.

Naramdaman ko nalang ang pagbangga ko. Nabitawan ko ang hawak kong cotton candy at agad na humingi ng tawad sa kung sino man ang nabangga ko.

"I'm sorr---"inangat ko ang mukha ko at napatigil ng magtama ang mga mata namin.

"K-Kara!?" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya ako. Ako ay ganon din ang reaksyon.

"Taehyung......"

Anong ginagawa niya dito? Bakit siya andito? Sinong kasama niya? Questions started to cloud my mind.

My heart started beating fast as we stood there just staring at each other na para bang kami lang ang tao dito, parang bumagal ang takbo ng oras.Bumaba ang tingin niya sa kwintas na suot ko, nakakunot ang noo niya habang tinitignan ito.

'Bakit ganyan ang tingin niya sa kwintas?'

I regained my composure and about to walk away when he grabbed my hand to stop me.

"Can we talk?" tanong niya.

"I.... Maybe n-next time" sabi ko at inalis ang pagkakahawak niya sa akin, pero mas hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko.

"bakit hindi pa ngayon?" tanong niya, his eyes were soft.

"I... I can't... May kasama ako and... and he won't be happy to see you..."

Sadness flashed in his eyes. I don't know but his eyes are telling me he is hurt.

"Kara....."his voice is pleading,siya na mismo ang bumitaw mula sa pagkakahawak sa akin.

"I'm... I'm n-not ready yet Taehyung" I feel my tears building up and I bit my lower lip to hold back my tears.

"I... I h-have to g-go" I breathed and walked away.

'I'm sorry'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top