Part 38
Nandito kami ngayon sa building kung saan kami mag su-shoot ng music video, ready na ang lahat, nag aayos na rin kami para sa shoot. Si Namjoon hyung nalang ang kulang.
It's been a week since I saw Kara, and it keeps on bothering me these past few days. I wanted to see her and explain everything,pero napakaraming hadlang para magawa ko iyon.
Napatingin ako sa manager namin, dahil naghahanap siya ng pwedeng utusan para tawagin si Namjoon hyung.
"Ako na ang tatawag sa kanya!" pag piprisinta ko. Nakalimutan ko rin kasi yung phone ko sa studio namin. Malapit lang naman iyon dito kaya wala na silang dapat ipagalala na baka may makakita pa sa akin.
"Okay be fast.. We'll start as soon as you come back."sabi niya. Tumango ako.
Dali-dali kong isinuot ang gray na hoodie at face mask bago lumabas. Naghintay ako sa tapat ng elevator at nung bumukas ito ay agad agad akong pumasok, may nakabangga pa akong babae pero hindi na niya ako pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.Mag sosorry pa sana ako kaso nagsara na ang pinto ng elevator.
Ipinagsawalang bahala ko nalamang iyon. Mabilis akong nakarating sa building namin at agad na pumunta sa studio para tawagin si Namjoon hyung at para kunin na din ang cellphone ko.
"Oh Taehyung? anong ginagawa mo dito?" tanong ni Namjoon hyung.
Ngumiti ako at ipinakita ang hawak kong cellphone. "I forgot my phone hyung, tapos tatawagin na din kita... mag sstart na daw tayo" sabi ko. Tumango siya at kinuha ang mga gamit niya.
"So? how are you?" tanong niya habang naglalakad kami. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti.
"I'm fine, hyung"
Tumawa siya at umiling. "You can't lie to me. " he said and smiled at me.
I sighed. I know I'm fooling myself by saying I'm fine when I'm truly not.
"Let's have this talk after the shoot... Mag focus ka muna dito. " sabi niya at tinapik ako sa balikat.
Tumango nalang ako, nasabi ko na sa kanila na nakita ko si Kara, at nasabi ko na rin yung nangyari nung nagkita kami ni Yareli. Naiintindihan daw nila si Yareli, at sinabi din nila na bigyan ko lang si Kara ng panahon na pakalmahin ang sarili niya dahil baka nagulat lang siya nung makita kami ni Yeri.
Iniisip ko din yung sinabi ni Yeri na, dapat ko ng kausapin si Kara dahil baka pagsisihan ko din sa huli kung hindi niya mapapakinggan ang paliwanag ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Maybe I should just let her live her life peacefully like what Kayden hyung said. But there is still part of me that keeps on saying I should atleast let her know what I really feel.
I really don't know what to do anymore.
Isinantabi ko na muna ang mga iniisip ko at nagfocus sa pagsu-shoot ng music video.
//
Nang matapos ang shoot ay nagbihis na kami.Bumalik na rin kami sa studio.
"Hyung gusto niyo ba ng coffee?" tanong ko sa kanila.
I'm not really craving coffee but I wanted to go for a walk to clear my head. Alibi ko lang yung coffee para makalabas ako. Um-oo namana silang lahat. Sinabi kong ako na ang lalabas para bumili.
I took a deep breath as I stepped outside. The wind is a little chilly since it's almost nighttime. Naglakad ako papunta sa coffee shop na malapit sa building kung saan kami nag shoot.
Kara and I used to walk along Han River everytime we have something on our minds. When there's something bothering us, taking walks together helps us ease our minds.
"Paano kung isa saatin ang naging dahilan kung bakit nagugulo yung isipan natin?" tanong ko sa kanya. She tightened her grip on my hand.
"Should we take a walk apart from each other when that time comes? or should we still walk together so we can sort our problems together?" tanong niya.
I smiled and planted a kiss on her forehead.
"I like the latter part" bulong ko.
"But what if... hindi na tayo magkasama?" tanong ko.
"Then we'll always remember that we're walking the same path together,even when we are apart---" humarap siya sa akin at ngumiti.
" Don't worry, I'll walk with you... maganda o masama man ang panahon."
Napabuntong-hininga ako, lahat nalang ng gagawin ko may nag-uugnay parin kay Kara. Tumigil ako sa paglalakad at tumingala sa langit.
"I wish I could see you..." bulong ko.
Natawa ako sa sarili ko. Kahit ilang beses kong hilingin na sana makita ko siya ay hindi rin naman nangyayari. Baka nga tadhana na talaga ang ayaw kaming pag tagpuin. Should I just give up? And let her live her life like everyone else is saying?
Napabuntong-hininga ako, ano ba ang dapat kong gawin?
Ibinaba ko ang tingin ko at maglalakad na sana papunta sa café pero napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko nang makita ko siya. It was like everything went slow motion.
Pagbukas niya ng pintuan ng café ay tumitig lang din siya sa akin.
"Kara?"
Napakabilis ng tibok ng puso ko, I was just thinking about her and now she's here right in front of me.
Nakita ko ang paglunok niya habang nakatingin sa akin.Unti-unti akong lumapit sa kanya pero umatras siya.
"Can we talk?" I asked and tried to reach for her hand, but she yanked her hand away.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa." she said softly.
"Kara, please..." I begged.
"Just let me explain---"
"wala ka namang dapat ipaliwanag Tae, we're done---"
"No, Kara you don't unders---"
"Naiintindihan ko, may iba ka na. And you don't have to explain kasi tapos na tayo...Wala na tayong pag-uusapan pa. "She said, I know she's fighting back her tears.
" Kung iyon ang gusto mong sabihin, It's okay. Don't worry about me. "
But that is not what I wanted to tell her. Gusto kong sabihin na hindi iyon ang sasabihin ko.
" Kara,please let's talk---"
" Diba sinabi niyang wala na kayong pag-uusapan? "Tanong nung lalaki sa likuran niya.
Napakunot ang noo ko habang tinitignan silang dalawa, siya din yung lalaking kasama niya sa mall nung araw na iyon.
"Kara---" I started but was cut off immediately.
"Babe let's go?" tanong niya kay Kara, she nodded and I saw how he intertwine their fingers together.
I felt like I was being tortured, witnessing how he held her hands.Thinking that should be me doing that kind of things with her.
I watched them as they walk away, And I feel like every step they take is a stab in my heart.
Lumingon siya pabalik at ngumiti.
"Congrats on your debut, I hope you're happy that you achieved your dreams."
Magsasalita sana ako pero walang lumabas mula sa mga bibig ko. Pinanood ko lang silang umalis habang nararamdaman ang sakit mula sa puso ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo doon. At hindi ko rin alam kung paano ako nakabalik sa studio. Pagbukas ko ng pinto sa studio ay sinalubong ako ni Jimin.
"Oh asan na yung mga kape---What happened?" tanong niya dumiretso lang ako sa couch at naupo.
Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay paulit ulit akong sinasaksak.
Naramdaman ko ang pagyakap nila saakin.
"What happened?" tanong ni Namjoon hyung.
"I.... I saw her... I saw Kara" I answered and my tears started flowing again.
I don't know how to tell them the pain I'm feeling inside,because I know they won't understand how painful it is. How painful it is to see the one you love slowly walk away from you.
*end of flashbacks*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top