Part 37
Napabuntong-hininga ako habang naglalakad kami ni Yeri papunta sa parking lot.Sumakay kami sa kotse ng walang kibuan at nag drive lang ako ng hindi alam kung saan pupunta.
Madaming tanong sa isip ko. Kailan pa siya nagkaroon ng iba? Sila na ba talaga? Manliligaw? Kaibigan? Alam kong ako mismo ang nagsabi sa kanyang humanap siya ng iba. Pero hindi ko alam na ganito pala ka sakit pag nakita mo ng meron na siyang kasamang iba.
Fuck! Ganito rin siguro ang nararamdaman niya ngayon. Why would her eyes tell me she's hurt and in pain? Bakit may mga lungkot sa mga mata niya nung makita niya akong may kasamang iba?
Mahal pa ba niya ako? May puwang pa ba ako sa puso niya?
I need to tell her everything, I need to explain. I need to tell her the truth, na siya parin ang mahal ko,na hindi nawala ang pagmamahal na iyon.
Alam kong kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan ng ganito ngayon. I was a fool for lying to her, for breaking our relationship. I shouldn't have done that in the first place. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ng mga desisiyon ko.
Nagpark ako sa tapat ng isang coffee shop at pumasok doon. Si Yeri na ang nag order at naupo naman ako sa pinaka-gilid. I need to let this out but I don't think I can trust Yeri with this matter.
"Sunbaenim... kanina ka pa tahimik may problema ba?" tanong niya nung nakabalik siya mula sa counter dala dala yung inorder niya. Umiling ako.
Huminga siya ng malalim at naramdaman ko ang mga titig niya. "Kilala mo yung babaeng yon no?" sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
Ngumiti siya at tumango. "I knew it!" she said.
"At sa tingin ko, hindi mo lang siya basta kilala... I think you two have something in the past"
"Ex girlfriend?" tanong niya.Hindi ako sumagot at uminom nalang ng kape.
"Yung mga tinginan niyo kanina? I felt the electricity.... at kung paano ka natarantang alisin yung kamay ko nung nakita mo siya---" tumingin siya sa akin at napabuntong-hininga. Umiwas ako ng tingin.
"It's okay if you don't want to talk about it..."
"Siya pala yung babaeng nagpaubaya sa akin dun sa damit na binili ko kanina" natatawang sabi niya.
"WAIT! kung totoong ex girlfriend mo siya.... OH MY GOD!" bulalas niya.
"Baka isipin niyang may namamagitan talaga sa atin!"
Yun na nga, baka iniisip na ni Kara na totoo talaga na may namamagitan sa amin ni Yeri.
"Baka isipin niya na lahat nalang ng dapat sa kanya inaagaw ko.... We need to talk to her, Sunbaenim" sabi niya.
Ngayon ako naman ang napabuntong-hininga. "I want to....."
"Then what's stopping you?" tanong niya.
"Napag-isip isip ko na, mukha na siyang masaya---"
"No! she didn't look happy at all... Nasaktan siya nung hindi ka sumagot nung tinatanong kita kung kilala mo ba siya... Just because she's with someone else doesn't mean she's really happy"
"paano mo naman nasabi?" I asked. She rolled her eyes and took a deep breath.
"I just know" she shrugged. "girl insticts" tuloy niya.
"I don't know how you two broke up, but you need to atleast explain your side. Para maintindihan niya... Trust me she's waiting for you...."
"I don't know...."
"sunbaenim! Wag mong hintayin na magsisi ka sa huli" sabi niya.
Napabuntong-hininga na naman ako.
"That looks appetizing" sabi ko,para maiba na ang topic, tumigil si Yeri sa pagkuha sa cake na nasa plato niya.
"Ah akala ko kasi hindi mo gusto kaya hindi na ako umorder ng sayo, sunbae" natatawang sabi niya. Tatayo na sana siya para mag order pero pinigilan ko siya at sinabing ako na.
Naglakad ako papunta sa counter para mag-order at para narin makapag-isip. Tama naman si Yeri, I need to explain my side. Para alam ni Kara ang buong kwento. Pero paano? Paano ko siya makakausap kung hindi ko alam kung nasaan siya, at paano ko siya makakausap kung hindi ako makapagsalita pag kaharap ko na siya?
Napabuntong-hininga ako at pilit na ngumiti nung nasa counter na ako.
"Hi can I have another plate of Blueberry Cheesecake?" sabi ko sa babaeng nasa counter, nakapatagilid siya at nahaharangan ng buhok niya ang mukha niya.
"Sorry but Blueberry Cheesecake is not available for liars here, can I get you a plate of bullshit instead?" sabi niya at tumingin tsaka ngumiti.
I was shocked at was she said, but what shocked me the most is to see her.
"Y-Yareli?"
I felt relieved to see her. Kung makakausap ko lang siya ng maayos pwede niya akong tulungan na makipag usap kay Kara.
"Do me a favor and leave quietly with your girlfriend, Don't worry about the bill...It's on the house" sabi niya, aalis na sana siya pero mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.
"Can y-you help me talk to Kar-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinampal niya ako, her eyes are burning with anger right now.
"Help you? Gago ka ba?" Natatawang tanong niya. "You have the audacity to ask for help? from me??? You fucking ruined my bestfriends life.And you expect me to help you!?Ang kapal naman talaga ng mukha mo. "
Tama naman siya, ang kapal ng mukha kong humingi ng tulong sa kanya.
"What is going on here?" Tanong ni Yeri at agad na lumapit sa akin. Tinignan niya ng masama si Yareli pero umismid lang si Yareli sa kanya.
"Oooh Scary..... Pretty little girlfriend to the rescue" Tumawa siya.
"Yareli please...."I begged hoping she'd hear what I have to say.
"Live your life the way you want Taehyung, you've done enough damage to Kara already... Wag kang makasarili, she gave up her dreams just so you could have yours. "
Umiling siya.I sighed and just nodded. Alam kong hindi ako papakinggan ni Yareli. Pero I need to do what I can to tell her the truth.
"Now please leave, and don't dare to come back. Not just this place but also Kara's life. "
"Please Yareli I just... I just need to tell---"
"Enough! leave this place and be a fucking Idol cause that's your dream right? And now that you have your dreams. Wag mo ng guluhin si Kara."
"LEAVE!" sigaw niya.
Hinila ako ni Yeri palabas. Gusto ko sanang bumalik sa loob para magmakaawa kay Yareli, pero pinigilan ako ni Yeri.
"Baka hindi ngayon ang tamang oras para sabihin mo sa kanila ang totoo. They're still mad because the issue is still fresh...." napabuntong-hininga siya.
"Kung alam ko lang na ganito pala ang kahihinatnan ng lahat, hindi na sana ako pumayag sa gusto ng management... Don't worry sunbae. I'll help you" sabi ni Yeri.
Tinignan ko muli ang coffee shop bago sumakay sa kotse.
Babalik ako para magpaliwanag, pero hindi pa ngayon ang tamang oras. Sana pag balik ko ay maayos ko ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top