Part 33


"We finally did it!We escaped!!"Halos mapatalon ako sa tuwa nung makalabas kami sa apartment.

After how many attempts to sneak out at night, me and Jimin finally did escaped today.

"Namjoon hyungs going to kill us" sabi ni Jimin bago nakipag-apir sa akin.

"I know... but atleast! makikita ko na si Kara" Nakangiting sabi ko.

Napakasaya ko ngayon, pakiramdam ko makikita ko si Kara.

"Tsk tsk. Oo na! Oo na! tara na nga, baka may makakita pa satin dito"

Nauna na ako sa sasakyan at agad na sumakay.

"Are you that excited? hintayin mo ko!" Sigaw ni Jimin habang sumusunod sa akin. Mabilis lang kaming nakarating sa bahay ni Kara.

"Bilisan mo!" sabi ko kay Jimin nang makababa ako sa sasakyan.

Nakakunot ng noo ko habang tinitignan ang bahay ni Kara mula sa labas, patay lahat ng ilaw.

"Baka tulog na" bulong ni Jimin.

Mabilis ang pagtibok ng puso ko habang tinitignan ang doorbell. Huminga ako ng malalim at unti unting inilapit ang kamay ko sa doorbell.

"Sigurado ka bang dito talaga ang bahay niya?"

Napatigil ako at tumingin kay Jimin.

"Oo naman, ilang libong beses na akong nakapunta dito"

Paano kung hindi niya kami pagbuksan? Paano kung ayaw niya akong makita? Paano kung--

Umiling ako at isinantabi muna ang mga iniisip ko.

I pressed the doorbell and we heard it ring. I pressed the doorbell again. Chineck ko pa kung magbubukas ba siya ng ilaw.

Hindi ko alam kung gaanon na kami katagal ni Jimin nakatayo sa labas, at hindi ko na rin alam kung ilang beses ko ng napindot ang doorbelk at hinihintay na pagbuksan niya kami.

"baka tulog na siya Taehyung, let's just come back tomorrow" sabi ni Jimin habang nakatingin sa bahay.

Napabuntong hininga ako at pinindot ulit ang doorbell.

Wala ba siya? Kung wala siya saan naman siya nagpunta? Tulog na ba siya? Madali lang magising si Kara, impossible namang hindi niya naririnig ang pagtunog ng doorbell.

Pipindutin ko na sana ang doorbell nang biglang may magsalita sa likod.

"Excuse me sir? Hinahanap niyo po ba si Miss Kara?" tanong niya, He was the security roaming around the subdivision.

Humarap kami sa kanya at tumango.

"Mga kaibigan niya po kami" nakangiting sabi ni Jimin sa kanya.

"Ah, Ilang buwan na rin pong hindi umuuwi si Miss Kara." sabi niya.

Nakakunot ang noo ko habang  pinoproseso ang sinabi ni Kuya. Kung matagal na siyang hindi umuuwi, nasaan siya?

"Alam niyo po ba kung nasaan siya?" tanong ko. Napakamot si kuya sa batok niya at umiling.

"Ah pasensya na po sir, pero hindi po eh."

"Ah g-ganun po ba" Tumango nalang ako.

Fuck! Where is she? Hindi kaya nasa France na siya?

"Pero nung umalis po sila may mga dala pong maleta"

"hindi po ba siya dumadalaw dito?"tanong ni Jimin.

"Ah si Sir Kayden po ang madalas mag punta dito, yung kapatid po ni Miss Kara" sagot ni Kuya.

"A-Ano pong ginagawa niya pag pumupunta siya dito?" tanong ko. Napakamot sa ulo si Kuya.

"Naghahakot po yata ng gamit sir, iniisip nga po namin baka nag abroad na po si Miss Kara" sabi niya. Nagtinginan kami ni Jimin.

Impossible, kailan lang nung naopsital siya, Pero hindi rin naman malabong magpunta siya sa ibang bansa. Pero bakit? Dahil ba sa akin kaya siya umalis? kaya siya nagpakalayo-layo?

"S-sige po salamat"sabi ko.

"Sige sir!"

Nanghina ako sa mga narinig ko, pumikit ako at Napabuntong hininga. Sabi ko ba nga ba na hindi dapat ako masyadong naging masaya kanina.

"Let's go home, bumalik nalang ulit tayo. Baka maabutan natin si Kayden hyung minsan---" Sabi ni Jimin at tinapik ako sa balikat.

"malay mo kasama niya si Kara pag pumunta uli siya dito"

"Mauna ka na, dito na muna ako" naupo ako sa tapat ng gate.

Napabuntong hininga siya at naupo sa tabi ko.

"Maghihintay lang tayo sa wala Taehyung, umuwi na tayo" he sighed.

"Hihintayin ko siya...." bulong ko. My tears started to flow. Tadhana na ba talaga ang hindi umaayon na magkita kaming muli? Bakit ang hirap? Gusto ko lang naman siyang makita.

"Alam kong namimiss mo siya, pero wala tayong magagawa dahil wala siya dito"

Tama naman siya. Wala nga si Kara dito. At wala kaming magagawa kahit na maghintay kami ng buong magdamag dito.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo. "Bumalik nalang tayo bukas" sabi ko. Tinignan ko uli ang bahay niya at Napabuntong-hininga.

Wherever you are right now, I hope you're safe and Happy. I'll wait for you.

//

Andito na naman ulit ako sa tapat ng bahay ni Kara, halos gabi-gabi akong nandito para abangan kung nakabalik na ba siya. Pero tulad ng mga nakaraang gabi, wala siya. Kahit magdamag akong maghintay ay wala akong mahintay, kahit anino niya ay wala.

Pinapayagan na ako ni Namjoon hyung na umalis, baka naawa na siya sa akin, kaya pumapayag na siya. Gusto din nila akong samahan pero ayoko na silang abalahin pa. Tsaka mas gusto kong mag-isang pumunta dito para kapag nagkita kami ni Kara ay makapag-usap kami ng maayos. At mas maganda na mag-isa lang ako para makapag isip-isip ako ng maayos.

Napabuntong hininga ako habang nakaupo sa tapat ng gate.

"Look at the moon" nakangiting sabi niya habang nakatingala sa itaas.

"Ang ganda no?"

"Mas maganda ka" sagot ko habang nakatingin sa kanya. Ibinaling niya ang paningin niya sa akin at ngumiti.

"Pag naging sikat ka na, mawawalan na tayo ng oras sa isa't-isa. Hindi na tayo madalas magkakasama---"

"I'll find a way to be with you" bulong ko.

"I know you will... But when you miss me or when you feel far away from me just look at the moon, and remember that we're both looking at the same moon" ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko.

"And I promise you, pag tinitignan ko ang buwan ikaw ang inaalala ko"

Napatingala ako sa buwan, napakaliwanag para bang dinadamayan niya ako ngayon.

I hope you're looking at the moon right now, thinking of me like I'm thinking of you.

Napabuntong-hininga ako at napatingin sa relo ko, 2:35 am. Kaninang alas nuebe pa ako dito, dumiretso ako dito after practice.

"Just one more hour" bulong ko sa sarili ko.

One more hour to think about her, one more hour to reminisce, one more hour to regret, one more hour to wait, and that hour feels like forever.

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na malalakas na busina. Dali-dali akong tumayo at tumingin sa relo ko.

7:15 am

shit! Hindi ko namalayang nakatulog  pala ako dito.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig ang tono ng pananalita niya. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko.

"K-Kayden h-hyung!" Nakahinga ako ng maluwag ng makita si Kayden hyung. Matalim ang mga mata at nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"What are you doing here?"

I swallowed the lump in my throat before answering. "I-I was.... Uh... W-waiti---"

"Waiting for my sister?" he chuckled cutting me off.

I nodded slowly.

"Ha! Ang kapal naman ng mukha mo!" he smirked, but the rage in his eyes are visible.

"I... I just want to know if... If she's f-fine hyung, may n-nakapag sabi k-kasi... sakin na... naospital daw siya... "

He laughed. "Fine? After what you've done? You expect her to be fine? Nang gagago ka ba?" He asked. His expression went to being serious again.

"I... I-I'm S-Sorry"

"Sorry!" he said mocking me.

"Sa tingin mo may magagawa iyang sorry mo?" tanong niya. Umiling ako I know he's mad.

"My sister almost lost her life because of you! and you think your 'sorry' could fix everything?"

Gulat akong napatingin kay Kuya Kayden.His eyes are burning with anger.

"Thank God nothing happened to her, because if something bad happened to her.... Hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo" he spat.

"Wha....What do y-you mean hyung?"

Parang nanghihina ako sa mga narinig ko. What the hell really happened to Kara?

"I-I don't.. know.... wha... what h-happened hyung ?"

"You don't have to know" aalis na sana siya pero lumuhod ako sa harap niya para pigilan siya.

"Hyung... Please.... I just... I want to know if s-she's fine... Is she... Is she okay now?" My tears started to fall.

"Tumayo ka jan... Hindi mo ako madadala sa pagluhod mo---" natawa siya.

"You don't know how much my sister suffered because of you. Gusto kitang saktan, matagal na sanang basag yang mukha mo eh---"

Umakma siyang susuntukin ako, I didn't budge. I'm ready to take his punches because I know I deserve it. Ipinikit ko ang mga mata ko waiting for the impact pero wala.. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko.

" Gusto kitang saktan pero hindi ko magawa alam mo kung bakit?" natatawang tanong niya.

"Hyung...."

"Iniisip ko yung kapatid ko... I know she wouldn't want you to get hurt" he smirked.

"After all you have done, after all the pain you have caused. Ikaw parin ang iniisip niya, kapakanan mo parin ang inuuna niya!!" He clenched his jaw and stared at me.

"She suffered enough already and if you're not selfish and if you really love her, wag mo na siyang guluhin... My sisters world doesn't only revolve around you, so please.... Live your life the way you want. And don't bother her anymore---"

"Hyung, let me explain---"

"I trusted you Taehyung. But you broke it. I won't let you hurt my sister twice---"

Naglakad siya palayo, tumingin uli siya sa akin bago siya sumakay sa kotse niya. "Let my sister live her life, peacefully."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top