Part 11
*still Eunwoo's POV
I woke up early just like any other day. I reached for my phone and typed a message for her.
Hindi naman ako busy ngayong araw kaya madadalaw ko pa si Kara and baby Celine sa shop mamaya.I smiled at the thought.
May dance practice lang kami ngayon, tapos magla-lunch daw kami nila Jungkook. Hindi na sana ako sasama sa kanila kaya lang na konsensya naman ako kasi palagi ko nalang silang hinihindian.
Mabilis naman natapos ang dance practice namin , nagpaalam na ako sa mga kagrupo ko na may pupuntahan ako.
"Wow, for the first time in forever! Sumipot ka din!" sabi ni Bambam nang makarating ako sa restaurant.
Ngumiti ako at nakipag apir ako sa kanila. "Nako nako maganda ang ngiti, naka score ka siguro?" panunukso ni Jaehyun.
"Masaya lang" sagot ko. "Nasan si Jungkook?" Siya nalang ang kulang sa amin.
"I'm here!" Sagot niya mula sa likuran ko. Nakipag apir din siya saamin tsaka naupo.
"So Mr. Cha Eunwoo, kailan mo kami ipapakilala sa girlfriend mo?" tanong ni Mingyu habang nakatingin sa menu.
"wala naman akong girlfriend" natatawang sagot ko. But at the back of my head I'm thinking of Kara.
"sus, maglolokohan pa ba tayo?"
"wala nga"
"nako naman yang mga ngiting ganyan? parang panalo na sa buhay eh" sabi ni Jungkook.
Ayaw ko naman talagang mag sinungaling sa kanila. Pero I respect Kara's decisions na wag na munang ipaalam sa kanila na magkaibigan kami.
"Makikilala niyo rin siya, soon" sabi ko nalang para tumigil na sila sa pangungulit sa akin.
Pagkatapos naming kumain ay naghiwa-hiwalay na kami. Sinigurado ko munang nakaalis na sila bago ako pumunta sa shop ni Kara.
Dumaan muna ako sa flower shop bago tuluyang pumunta ron.Mapagkakatiwalaan naman ang mga tao niya sa shop niya kaya ayos lang na mag punta ako ron kasi kilala na nila ako.
"Good afternoon sir, Nasa office po si Ma'am Kara" bati ng isa sa kanila. Ngumiti ako at dumiretso sa office niya.
Kumatok muna ako bago ko buksan ang pinto. Ngumiti siya nang makita ako.
"Flowers" sabi ko at iniabot sa kanya ang bulaklak na dala ko.
"Thank You"
Naupo ako sa couch at tinignan siya habang inaayos ang mga bulaklak.
"Where's baby Celine?" Tanong ko. "Iniwan ko kay mommy, may chini-check lang naman ako dito. Uuwi rin ako" she smiled.
"Kumain ka na?"
Umiling siya. "Hindi pa, Ikaw?" tanong niya.
"Hindi pa nga eh" I lied. "Kumain muna tayo tapos ihahatid na kita sa inyo" sabi ko.
Inayos niya ang nga gamit niya at sabay na kaming lumabas. Nagbilin nalang din siya sa mga tauhan niya.
"Kumain ka na, stop staring" natatawang sabi niya. Nandito kami sa restaurant na malapit lang sa shop nila.
"I'm already full just watching you eat"
"alam mo ang corny mo" inirapan niya ako pero nakangiti parin siya.
"Ahhh" sabi niya at isinubo sa akin ang steak na nasa tinidor niya. Ngumiti siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Stop staring!" ulit niya. Natawa naman ako dahil mukhang naiinis na siya.
"My turn, ahhh" sabi ko sa kanya naka abang na ang isusubo ko sa kanya.
"I'm not a baby" saad niyang natatawa.
"Hindi rin naman ako baby pero sinubuan mo ako, does that mean I'm your baby?" tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya.
Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya, cute.
I smiled when she leaned in and ate what I gave her. She glared at me pero natawa lang ako.
"What?!" she asked and leaned back on her chair. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at pinunasan ang sauce sa gilid ng bibig niya.
"T-Thanks" usal niya. "You're cute when you blush" sabi ko ng nakangiti at bumalik sa pagkaka upo.
"I know" she smirked. "You're finally admitting it yesterday you said I was not cute---" she stopped midway, kitang kita ko ang paglunok niya. Maybe she remembered what happened yesterday.
I chuckled at her reaction and continued eating.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa bahay nila Kara.
"Oh Eunwoo, andito ka pala" sabi ni Tita Serene habang buhat buhat si baby Celine.
"Good afternoon tita" I smiled and kissed her cheeks.
"Hi baby" I said and kissed the top of baby Celine's head.
"Hi baby! I missed youuuuu" Kara said speaking in baby voice. Bumaling siya sa akin "magbibihis lang ako."
Umakyat na siya sa taas at naiwan naman kami dito sa baba.
"Here... hold her" sabi ni Tita Serene. Naupo ako habang karga karga si baby Celine.
"Ikukuha kita ng merienda" she smiled. "It's okay tita katatapos lang po namin mag lunch ni Kara."
"I'll get you something to drink then" she said at pumunta na sa kusina.
Bumalik si Tita at naupo. She was smiling at me and baby Celine.
"You know, I'm really grateful that you make our daughter happy."
"No, Tita your daughter makes me happy" I smiled.
"You really like her"
I nodded. "Please be patient with her, It's not easy to forget a five years relationship. Give her time" Tita Serene sighed and reached for my hand and squeezed it gently.
I nodded and smiled. I know it's not easy and it takes time.
"I'm willing to wait Tita, Don't worry"
"Hep! Hep! Ano na naman yang sinasabi mo jan mom?" Tanong ni Kara habang pababa sa hagdan.
"Wala naman" Tita Serene laughed.
Naupo si Kara sa tabi ko. Nagpaalam naman si tita Serene na mag reready daw ng hapunan.
"Look baby, Mommy's here" sabi ko kay baby Celine.
"She smiled!" Tuwang-tuwang sabi ni Kara. "Wait I'll take a picture" sabi niya at kinuha ang phone niya.
"Smile" she said. I smiled while she took a photo. "Sali din ako" Sabi niya, she turned her camera on the front and we took a picture.
"We look so cute!" nakangiti siya habang tinitignan ang picture namin.
She looks so beautiful.
"Baka matunaw ako" she looked at me and laughed.
"Shhhh, she's sleeping" bulong ko sa kanya. Iniakyat na namin si baby Celine sa kwarto niya.
"Do you want to be a parent?" she asked all of a sudden. "I never thought I'd be one already" she shrugged and sat on the bed beside me.
I stared at her while she's smiling mindlessly. "Of course I want to be a parent" sagot ko.
"you'll be a really great parent"
"hmmm? you think?" I asked. She nodded.
"Hmm. Saamin palang ni Baby Celine, maalaga ka na? sa magiging pamilya mo pa ba? I'm sure you'll be a great dad"
I smiled. Gusto kong sabihin na hayaan niya akong maging tatay kay baby Celine but I can't, not right now. Ayaw kong maging awkward ang mga bagay sa pagitan namin.
"Thank you" she looked at me and smiled. "For what?" tanong ko.
"For staying... for me and baby Celine" she said.
I smiled and held her hand. "You don't need to thank me, ginagawa ko to dahil gusto ko"I smiled at her.
She really doesn't need to thank me, because it was all my choice. Gusto ko ang ginagawa ko and I'm really happy to be by their side.
"still, Thank you" she said.
Nagstay kami sa room ni Celine until her mom called us to eat dinner. Meron na din ang dad niya and Kuya Kayden sa dining table nung bumaba kami.
"Hi bro!" sabi ni Kuya Kayden nakipag apir ako sa kanya.
"Goodevening Tito" I bowed to Tito Dominique and he smiled at me.
"Goodevening Hijo"
I pulled out a chair for Kara and we both sat down.
"Do you have plans for new year, Eunwoo?" Tita Serene asked.
"Kung wala, why don't you join us?" Tito Dominique butted in.
"Mom! Dad! what if he---"
"Sure Tito" I said cutting Kara off. I smiled at her.
"Yon! May kasama na kong mag set up ng fireworks" sabi ni Kuya Kayden.
"Hindi pwede ang fireworks Kayden, mausok. May baby tayo dito sa bahay" Tito Dominique said to him.
"Oh right!" He answered.
Natawa naman si Kara sa kuya niya.
After ng dinner ay nagpaalam na ako sa kanila and thanked them for inviting me for dinner. Nandito na kami sa labas ni Kara.
"Wala ka ba talagang plans for New Year? kung meron pwede mo naman sabihin---"
"Wala talaga, promise!" I said and raised my right hand.
Actually may plano talaga sila Jungkook pero hindi ako nakisali kasi, plano ko talagang mag Bagong Taon dito kina Kara.
"Akala ko kasi nahihiya ka lang kina mom at dad kanina"
"I want to greet the new year with you" I said and she smiled rolling her eyes.
"nakakailan ka na ngayong araw ha" she laughed.
"Pumasok ka na, Don't see me off baka di ako makaalis"
"ang corny mo talaga Cha Eunwoo"
"yeah right Kara Vixen" i said and she rolled her eyes.
"Isa pang irap mo baka di na bumalik yang mata mo" I laughed. She glared at me.
"sige na, baka hinahanap ka na ng mga kagrupo mo"
"yes ma'am!" I saluted and entered my car. "Drive safely" sabi niya habang nakasilip sa bintana.
"Will do, for you" I winked. She rolled her eyes again and waved goodbye.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top